Share

Chapter 43

NAGSIMULANG magbilang ang dalawang clown nang matapos nitong sabihin ang gustong mangyari. Sumibol ang kaba sa buong katawan ni Zoe nang magsipagtinginan ang mga tao sa kaniya.

"Again, bring me the parents of the celebrant," pag-uulit na sabi ng isang clown. Tumakbong lumapit ang mga bata sa dalaga at hinila ito papunta sa may unahan.

Ilang segundong nakatayo si Zoe roon at para bang may hinihintay sila na ibang tao. Alam ni Zoe na walang nakakila kung sino ang totoong ama ni Dykeil, bukod sa kaniyang pamilya. Kaya naman ganoon na lang ang bulong-bulungan ng mga tao at nagtatanong kung nasaan ang tatay ng anak niya.

Nang nilingon ni Zoe ang puwesto ng anak ay dumagdag pa sa kaniyang kaba nang hindi niya makita roon si Dykeil. Agad niya itong hinanap ng tingin at napatigil lang ang dalaga nang makita ang pamilyar na tao na hila-hila ng kaniyang anak papunta sa puwesto niya.

Sa pagkakaalam ng dalaga ay walang balak pumunta si Dylan ngayon. Alam niyang may importante itong gagawin kaya h
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status