Satana's POV
MATAGAL akong nakaupo sa balkonahe ng kuwarto ko habang hawak ang cellphone at nakatapat sa aking tainga. Kanina ko pa pinakikinggan ang bawat pagreklamo at pagtangis ng kakambal ko tungkol sa asawa niya.
"Will you stop crying, Angela? Ikaw na nga ang niloko, iiyak ka pa? You're really giving him the satisfaction of seeing you suffer!"
Mahigpit na kumuyom ang mga kamay ko. I can feel the pain and misery of my twin from her voice. Ang bawat iyak, bawat salitang lumalabas sa bibig, masakit. Masakit din para sa akin.
Kambal kami ni Angela pero nauna akong pinanganak nang ilang segundo kaya itinuturing niya akong ate. I love her so much and I hate seeing her cry or in pain.
"What should I do, Ana? H-hindi ko kayang mawala ka."
"Are you out of your fucking mind? You should be in court right now! Applying for a divorce!"
"No... I can't. I love him. I love Augustus."
"Tanga ka!" malutong kong mura.
Mahal na mahal ko siya pero hindi ko maiwasang mainis kung minsan. She is so weak but kindhearted. You can be kind but you need not to be weak, kung hindi ay aabusuhin ka ng tao. Katulad ng ginagawa ng pulpol niyang asawa.
Matagal akong nanatiling tahimik habang pinakikinggan na naman ang kaniyang mga pag-iyak. Hanggang sa isang plano ang nabuo sa isipan ko.
I smirked. "Angela, I have a plan."
Tumigil siya sa pag-iyak pero panay singhot pa rin. Nahihirapan din itong magsalita.
"P-plan?"
"Want to teach your husband a lesson? A taste of his own medicine?" Kinuha ko ang apple juice sa ibabaw ng mesang kaharap ko at ininom ito.
"H-how?"
"Leave it to me."
Makalipas lang ang ilang oras, magkasama na kami sa isang restaurant sa may Makati. Inis na inis ako nang makita ang pamamaga ng gilid ng mga mata niya. Akala mo, panda na sampung taong hindi nakatulog.
Bumaba rin ang paningin ko sa kabuuan ni Angela. She's wearing a plain violet skirt na hanggang paa niya ang haba, white shirt and loose jacket. Nakapusod rin ang buhok nito na madalas niyang hairstyle noon pang hindi pa siya ikinakasal. Hindi pa rin nagbabago.
I told her about my plan. At first, she was hesitant. "Paano kung mabuking tayo? Ayaw kong mapahamak ka. Iba magalit si Augustus."
Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko sa narinig. "Umamin ka nga sa akin, Angela, pinagbubuhatan ka ba niya ng kamay?"
"No." Agad siyang umiling. "It's just that, mainitin ang ulo niya, at ganoon ka rin. Baka magkasakitan kayo."
"Sana nga, e. Nang makatikim siya ng mag-asawang sampal."
Napangiti ito. "Satana, you've always been my savior. Thank you, pero ayaw kong mapahamak ka."
"I can take care of myself." Inabot ko ang kamay niya at ngumiti. "Ayokong sinasaktan ka ng kahit na sino. Mahal kita, Angela. Mahal na mahal ka namin. You don't deserve this."
Matagal pa siyang nag-isip bago nakabuo ng desisyon. "Okay, pumapayag na ako."
After we had an agreement, I waited for her again. Umalis siya at makalipas ang isang oras, bumalik siyang may dalang maleta.
"Where are you staying again? Ayaw mo bang umuwi sa mansion? Nami-miss ka na ng mga magulang natin."
Malungkot siyang ngumiti. "Mag-aalala lang sila sa akin."
I crossed my arms in front of my chest. "O baka nag-aalala ka na paghiwalayin kayong dalawa?"
She let out a heavy sigh. "I need to think, Satana. Hindi ko magagawa iyon kung nandito ako sa Manila."
Bago tuluyang pumasok sa taxi, binalikan niya ako para yakapin. "I'm sorry."
Nagtaka pa ako sa sinabi nito, but when I asked her about it, hindi na siya lumingon pa at tuluyang sumakay ng taxi.
***
Kumakalat na ang dilim sa paligid nang makarating ako sa mansion. I heard that this mansion was a gift from Augustus' parents for him and my sister. It was like a modern type of an old greek house.
"Good evening, ma'am! Nakabalik na pala kayo!"
Patakbong lumapit sa akin ang isang katulong na sa palagay ko, nasa 50 plus ang edad, pero mayroon itong pink na ribbon sa ulo. Napansin ko pang bumaba ang paningin niya sa suot kong damit. I'm wearing a black leather short skirt and a white blouse, inibabawan ko ito ng black leather jacket.
I smiled at him. "Good evening din sa iyo."
Nilagpasan ko na siya at dumiretso sa hagdan, pero natigilan ako nang mapansin ang malaking wedding portrait na nakasabit sa pader.
Marahan akong naglakad papunta roon. Titig na titig ako sa mukha ng asawa ni Angela. I must admit, he's handsome, pero masyadong matapang ang mukha.
Ang pinagtataka ko lang, nakangiti siya rito sa wedding portrait nila. And his smile was genuine. I guess, magaling lang talaga siyang umarte.
"Manang with the pink ribbon?" tawag ko sa katulong.
Nagmamadali itong lumapit sa akin. "Ay, ma'am, Leti ho ang pangalan ko. Di ba, ma'am? Alam n'yo naman ang pangalan ko?"
"Okay, Leti with the pink ribbon, put this down, please."
"Ho? Ang wedding portrait n'yo po?"
"Yes."
"Pero bakit po, Ma'am Angela?"
Ngumisi ako habang nakatitig pa rin sa mukha ni Augustus. "Nakakasuka."
Humarap na ako sa hagdan para sana umakyat na sa silid nila, pero natigilan ako nang makarinig ng paghinto ng kotse sa labas.
Malapad akong ngumiti. "So, the devil is here."
Andi's POVNAKATUTOK ang paningin ko sa mga puting bulaklak na hawak ko sa aking mga kamay. Nasa loob ako ng bridal car at naghihintay ng tamang oras para lumabas.I turned my head to the church in front of me. Malaki at luma na ang simbahan, pero saksi ito sa napakaraming kasal na nagdaan. Sa loob no'n ay nakatayo at naghihintay sa harap ng altar si Ares. Ang aking groom, ang lalaking hindi ko mahal.Siguro maraming tao ang tatawa kapag sinabi ko na hindi ko mahal ang lalaking nasa loob ng simbahan na iyan, pero pinili ko siya kaysa sa taong mahal ko na limampung ulit na tumawag sa akin kagabi para pigilan ako sa kasal. Tatanggapin ko ang lahat ng pangungutya nila, dahil kung ako man ang nasa kanilang kalagayan... iyon din ang gagawin ko.Huminga ako nang malalim bago umibis ng bridal car at marahan na naglakad papunta sa lumang pinto ng simbahan. Nababalot iyon ng mga puting bulaklak. Maging ang buong loob ng simbahan ay punong-puno ng bulaklak, white lamp, butterflies, at marami pa
Andi's POVIBINABA ko ang tawag matapos kaming senyasan ng private nurse ni Mommy na handa na ito. Si Ares ang kausap ko at nagbigay lang ako ng update sa kaniya na nandito na kami ni Sven sa hacienda. He wanted to come, but after I told him about everything, he respected my decision to go here with Sven.Nilingon ko si Sven sa tabi ko at tinanguan ito. Sabay kaming pumasok sa silid ni Mommy. Nakasandal siya sa headboard ng kama, malamlam ang mga mata na nakatingin sa amin. Magkatabi kaming naupo sa sofa na malapit sa kama nito."I hope you're doing well," Sven started. "I'm sorry to come here without notice, but I want to know what happened. Why did you do it? Why did you... killed my child?"Napatingin ako kay Sven nang mag-crack ang boses niya. I can see how his face turned red. Hinfi ko alam kung dahil sa galit o sa matinding emosyon."Is it because you hate me so much? You killed your own grandchild because you don't like me? Because I wasn't rich back then?"Napalunok ako. Ramda
Andi's POV"Andi?!" narinig kong gulat na sambit ni Melody sa pangalan ko.Hindi ko siya binigyan ng pansin at itinuon lang ang paningin ko sa babaeng tinatawag niyang Pauline. Now I remember it, she told me her name back then. Nagmamalaki niyang sinabi kung sino siya at kung ano siya ni Sven noon."Kasinungalingan lang pala ang lahat? All this time, I thought Sven cheated on me."Napaatras si Pauline nang marinig ang sinabi ko. Kabadong nilingon nito si Melody.Mariin kong kinuyom ang mga kamay ko. "Magkasabwat kayo?""Hindi! Mali ka nang narinig, Andi—""Huwag ka nang magsinungaling, Melody! Narinig ko na ang lahat! Buking ka na!""Tanga! Mali ka nga ng pagkaintindi! At saka, bakit nandito ka pa? Sinong may sabi sa iyo na puwede kang pumasok? Pamamahay ko ito!"Tumango ako. Hindi makapaniwala na pagkatapos niya kaming sirain ni Sven, may kapal pa siya ng mukhang magmatapang sa akin."Inggitera!" bulyaw ko na ikinatigil nito. "Noon pa man, inggit ka na sa akin. Hindi ka na nakuntento
Andi's POVKALALABAS ko lang mula sa shower at kasalukuyan akong nagpapatuyo ng buhok ko gamit ang towel. Napatingin ako sa aking cellphone na nasa ibabaw ng sidetable. Kanina pa iyon ring nang ring pero hindi ko pinapansin.Sigurado ako na kung hindi si Sven ang tumatawag, si Melody ito. I don't know why she keeps on calling me. I told her I'm not seeing Sven anymore, but she doesn't seem to believe me.Matapos kong makapagpalit ng damit na pantulog, nakatanggap na naman ako ng tawag. But this time, it wasn't from Sven or Melody. Galing sa guard sa baba. Sinagot ko ang tawag at nagtaka sa narinig."May babaeng naghahanap sa inyo dito sa baba, ma'am.""Bakit hindi mo pinaakyat?""E, lasing na lasing ho. Nagwawala."Nalukot ang noo ko sa narinig. Mukhang kilala ko na kung sino ang tinutukoy nito. "Is that Melody? I mean, iyong babaeng kasama ko dati?""Opo."Bumuntonghininga ako at napailing. "Sandali, lasing siya?""Oo, ma'am. Lasing na lasing."Ibinaba ko agad ang tawag at nagmamadal
Andi's POVNARAMDAMAN ko ang dalawang maskulado at mabalahibong braso na yumakap sa akin mula sa likuran. Ares sniffed my neck before giving me small kisses on my cheeks."Everything is ready."Bumuntonghininga ako bago pilit na ngumiti. "Okay.""Bakit parang hindi ka yata masaya? Are you still thinking about him?""Ares, pagod lang ako.""Oh, really?" Nag-iba ang tono ng boses niya kaya nilingon ko ito."Ikakasal na tayo, di ba?"Mataman niya akong tinitigan gamit ang seryosong mga mata. "Ikakasal ka nga sa akin, ibang lalaki naman ang iniisip mo."Umikot ang mga mata ko. Babalik sana ako sa desk ko pero mahigpit niya akong pinigilan sa braso."Let go of me, Ares. Masakit.""Umamin ka nga sa akin, Andi. Are you still in love with you ex-husband?"Mariin akong lumunok. Naalala ko ang nangyari kahapon, kung paano ko inamin sa sarili ko na mahal ko pa rin si Sven, only to discover that Melody is pregnant with his child."Hindi na."Nginisian niya ako. "And what about me? Do you love me?
Sven's POVHINDI ako mapakali habang paulit-ulit na tinatawagan ang numero ni Andi. Nang mawalan ng malay si Melody, wala akong magawa kundi dalhin ito sa loob ng bahay ko. Pero pagbalik ko, wala na si Andi sa kitchen. Wala na rin ang mga damit niya."Hiwalayan mo siya, please."Natigilan ako nang marinig ang mahina at malungkot na boses ni Melody. Tiningnan ko ito at labis na awa ang naramdaman ko.I know I'm such a jerk for using her. And if I could only take her pain away, I would do it. Pero ang masaktan siya ang kapalit ng katuparan ng pangarap kong muling makasama si Andi. Mahirap man sa loob ko, wala akong magagawa para sa kaniya."Sven, nagmamakaawa ako."I put my phone away and walked slowly to the couch where she was sitting. Umaagos ang luha sa mga pisngi niya habang nagsusumamo ang mga matang nakatingin sa akin.I took her hand and gently squeezed it. "I can't, Melody.""Why not? Why?""I love her so much."Mariin siyang pumikit. "Hindi ba puwedeng ako na lang? Ako na lang