Share

MS: Chapter 1

Abala si markisha sa ginagawang research paper ng makatanggap  siya ng text, Sinilip niya ito kung sino, nang makitang ang bestfriend niya ang nag-text kinuha niya ang cellphone at binasa ang mensahe nito.

Beshie Eizel: Beshie! Nasaan kana?

ME: Nandito ako sa library why?

Beshie Eizel: Tara dito sa court! Nandito ang buong barkada ni ivan myloves. 😍

ME: Anong meron? Bakit  nandyan ka sa court?

Beshie Eizel: Duh!? may laro lang naman ang kambal mo! kaya nga ako nandito, para suportahan siya. ☺️ Tsaka beshie, nandito din 'yung barkada ng kambal mona may banda! Sabi kakanta sila mamaya. Buo sila ngayon. Tapos jeez beshie. Ang gwagwapo talaga! 😍

Napailing si kisha habang nangingiti, kahit kailan talaga ang kaibigan niya. Mabilis niya itong nireplyan. 

ME: Hindi nabanggit ni ivan na may Laro pala sila ngayon. Tsaka kaya pala hindi kita mahagilap kanina na babae ka, nandyan ka pala sa court at sumisilay! Iba talaga tama mo sa kambal ko.

Beshie Eizel: Paano naman kasemasasabi sayo ni ivan myloves yun, eh lagi kang nakakulong sa kwarto mo. Lumalabas kalang pagkakain na e.

ME: May tinatapos lang akong research  paper, kaya ayoko mag-pa istorbo ok?

Beshie Eizel: tsk, ikaw na masipag mag-aral. Tara na nga dito. Malapit na mag-laro si myloves! Ichecheer kopa siya! 😍

ME: Tsk, Oo na. Ililigpit kolang 'tong mga librong kinuha ko.

Beshie Eizel: Okeey!😁 Wait kita dito. mhuah!

Napabuntong hininga na lang siya habang nililigpit ang mga gamit at ang librong kinuha niya. Ang kaibigan talaga niya kahit kailan tsk, kapag kambal na niya ang pinag-uusapan talagang active na active, Pati siya nadadamay. Hindi pa naman tapos yung ginagawa niya.

Mabilis niyang binalik ang mga libro at dumeretso sa nagbabantay ng library para iabot ang library card niya.

Nang makalabas na siya ng library mabilis na siyang naglakad patungo sa court. pero napatigil din siya ng mapansin na parang may sumusunod sa kanya, Lumingon siya at nagpalinga-linga kaso wala naman tao.

"Nako, nasobrahan ata ako sa pag-babasa kanina kaya ano ano naiisip ko. tsk!"

Nagpatuloy nalang siya sa paglalakad.

Nasa malayo palang siya naririnig na niya ang ingay ng mga tao. Mukhang marami ang nanonood ngayon ah!

Hindi nga siya nagkamali dahil ang dami ngang tao! Hirap na hirap siyang makapasok sa loob, Dumeretso na lang muna siya sa gilid kung nasaan ang ladies room. at kinuha ang cellphone para itext ang bestfriend niya.

Me: Besh dito na ako, saan ka banda nakaupo?

Beshie Eizel: Dito sa tapat ng upuan ng mga team mates ni ivan myloves. Nasaan kaba? Puntahan kita. Ang daming tao e. baka hindi mo ako makita. 

ME: Oo nga ang daming tao. Grabe! Nandito ako  sa gilid ng ladies room.

Beshie Eizel: H'wag kana magtaka beshie, Dapat sanay kana dahil mga Campus heartrob sila ivan myloves! Idagdag mo pa na tutugtog ang barkada niya ngayon. Sige na wait mo ako d'yan.

Binaba na niya ang cellphone ng matapos mabasa ang message ng kaibigan at luminga linga. Grabe! akala mo may concert sa sobrang daming tao. iba talaga hatak nila ivan sa mga tao.

Habang nililibot ng tingin ang paligid, may nahagip siya sa gilid niya. Bigla siyang nakaramdam ng kirot ng makilala niya kung sino ang papalapit ngayon sa gawi niya.

"Mikael.." mahina niyang bulong. Tumigil sa harap niya ang lalaki, may kasama ito, Eto na ata yung bago niyang girlfriend. Nagkatitigan silang dalawa, Wala siyang nakikitang kung ano sa mga mata ng lalaki, Nakatingin lang ito sa kanya na para siyang b****a. Napansin niya na mas kumapit pa sa braso ni mikael ang babaeng kasama nito habang nakangisi ito habang nakatingin sa kanya.

Hindi na niya kinaya. Mabilis siyang umalis doon. Iniwan niya ang ex niya at ang bagong girlfriend nito.

Sunod sunod ang natatanggap niyang text pero binalewala niya na muna ito. Gusto niyang makaalis sa lugar na 'yon.

Nasasaktan siya..

Nang makalabas siya sa Gymnasium, Doon lang siya nakahinga ng maluwag. Muling tumunog ang cellphone niya, Tinignan na niya ito. Puro text ng bestfriend niya.

Beshie Eizel: Beshie wait lang ha? ang hirap dumaan. Sobrang siksikan.

Beshie Eizel: Ayan malapit na ako.

Beshie Eizel: Beshie nasaan kana? nandito na ako.

Beshie Eizel: Markisha Ivy Barcelon where are you?!

Hoy! babae magreply ka nga.

Hey!

ME: Pauwi na ako beshie, ikaw nalang ang manood.

Beshie Eizel: WHAT!? why!?

ME: Sorry, bigla akong tinamad.

Beshie Eizel: Wait, sasabay na ako sayo. Hintayin mo ako.

Me: Hindi na beshie, mag-stay ka d'yan. alam kong gustong gusto mo manood.

Beshie Eizel: Hindi, sasabay na ako sayo. wala kang kasabay umuwi.

Me: Beshie, manood kana lang d'yan ok? Kaya ko namang umuwi mag-isa. Don't worry.

Beshie Eizel: Bakit ba bigla kana lang umuwi? may nang-yare ba?

Me: Wala beshie, tinamad  lang talaga akong  manood na.

Beshie Eizel: Sinungaling. kilala kita beshie. so tell me, what happened?

Me: Wala nga beshie.

Beshie Eizel: Markisha Ivy hindi ka aalis dito kung walang nang-yare, now tell me what happened?

Me: Hays, Nakita ko kase si mikael. 😞

Beshie Eizel: WHAT!? Nag-usap ba kayo? may ginawa ba sayo ang monggoloid mong ex?

ME: Hindi kami nag-usap,Nagkatitigan lang kami kanina kasama niya ang bagong niyang girlfriend.

Beshie Eizel: Wow! so totoo nga na bago na naman ang girlfriend niya? babaero talaga! tsk!

ME: Sorry beshie, kung umuwi na ako ah? hindi ko kayang makita si mikael. Bumabalik yung sakit at galit ko sa kanya.

Beshie Eizel: Ok lang 'yon beshie. ok kalang ba? Nasaan kana pala?

ME: Eto naglalakad palabas, nasa may gate na 'yung binook kong grab. Doon muna ako sa isang Tea house malapit sa subdivision natin ako dederetso, Gusto ko muna mag-relax.

Beshie Eizel: Ok sige, beshie alam kong gusto mo muna mapag-isa. Text mo ako kapag naka-uwi kana ha? Ako nang-bahala magsabi  kay ivan myloves na hindi ka nakanood dahil tinapos mo yung research paper mo."

Me: Thank you beshie, sige na manood kana.

Beshie Eizel: Welcome beshie. babalik na ako doon. Iche-cheer ko pa ang myloves ko. Basta text mo ako kapag nakauwi kana.

ME: Hahaha oo, itetext kita. sige na alam ko namang patay na patay ka sa kambal ko e.

Beshie Eizel: Naman! ang gwapo at hot kaya ng ivan myloves ko.😍 katulad ng mga fictional character sa w*****d!

ME: tsk.tsk.tsk. Ayan kababasa mo sa w*****d,pati kambal ko hinalintulad mo sa fictional character.

Beshie Eizel: Hahaha totoo naman kasi! ang hot,yummy,at gwapo pak na pak! Hayyys

kailan kaya ako mapapansin ni ivan myloves?

ME: Hahahaha hindi ka mapapansin non!

mahilig 'yun sa babaeng maganda,mabait,maputi,sexy at higit sa lahat matangkad!

Beshie Eizel: Aray ha! oo na alam kong hindi ako sexy. tsaka hindi naman ako

sobrang liit ah? tama lang height ko 5'2.

Me: Hahaha ewan ko sayo beshie, manood kana nga lang d'yan.

Beshie Eizel: Aba! ikaw ha! kanina lang may pa walkout walkout kapang nalalaman, tapos ngayon pinag-tatawanan mo ako? Aba'y ayos ka din talaga beshie. 😑

Me: Sorry na,natatawa lang ako sa kabaliwan mo sa kambal ko. pati sa mga fictional character hinalintulad mo.

Beshie Eizel: Tse! manonood na nga ako!

Me: ok, enjoy sa pag-chicheer  sa kapatid ko. 😂

Beshie Eizel: Tse!

Me: Anyway mag review ka pala mamaya,bukas na 'yung long test natin, h'wag ka muna mag-basa ng magbasa sa w*****d, Baka hindi ka makapag-review.

Beshie Eizel: Omg! Bukas na ba 'yon?

ME: Oo kaya mag-review ka, ako mag-rereview na  ako doon sa Tea house.

Beshie Eizel: Oh siya beshie, manonood na ako, hindi ako makapag focus e."

ME: Oh sorry, hahaha sige na manood kana. Enjoy!

Nakarating sa Tea house si Kisha, Naghanap siya ng maganda pwesto at doon naupo. Umorder siya ng isang Slice ng cheese cake at isang Hot choco.

Habang busy sa pag-rereview, Napatingin siya sa cellphone na nasa ibabaw ng lamesa ng tumunog ito. Napakunot noo siya ng number lang ang nakalagay sa screen, Binuksan niya ang message at binasa. 

+63 995 464 6*** : Hi, bakit ang lungkot mo kanina? Mukha kapang naiiyak, Ayos ka lang ba?

Mas lalong nangunot ang kanyang noo dahil sa nabasa, Sino naman 'to? 

Agad siyang nag tipa sa phone para replyan ang nag-text.

ME: Sino 'to?

+63 995 464 6***: Alam mo hindi bagay sa'yo ang malungkot,mas bagay sayo ang nakangiti ivy.

Nanlaki ang mata niya dahil sa nabasa, Bigla siyang kinabahan.

ME: Sino ka? bakit mo ako kilala?

+63 995 464 6***: Secret..Don't worry hindi ako masamang tao, Nag-aalala lang ako sayo. Ang lungkot at naiiyak ka kase kanina.

Me: Sino kaba kase? bakit may number kita? saan mo nakuha?"

+63 995 464 6***: Secret.

Me: Alam mo kung sino ka man, pwede tigilan mo ako. wala akong oras sa mga katulad mo.

+63 995 464 6***: Sungit mo naman. I told you I'm not a bad person. I was just really worried earlier.

Me: If you're not a bad person, then tell me your name.

+63 995 464 6***: My name is Kyle.

ME: Tss, seriously? Buong pangalan  ang sabihin mo.

+63 995 464 6***: Sabi mo kase ano pangalan ko, Edi sinabi ko.

Me: Pilosopo!

+63 995 464 6***: Alright, sorry..Sa totoo lang ayoko sabihin ang buong pangalan ko, nahihiya ako at baka hindi mo ako lalo kausapin. I'm not ready. I'm sorry..

Nakataas ang isang kilay niya habang binabasa ang text ng lalaki. Hindi kaya si mikael 'to? pero bakit naman siya itetext ng manloloko na'yon?

ME: Mikael ikaw ba 'to?

Hinintay niya ang reply ng lalaki. Kinakabahan siya sa magiging sagot nito.

+63 995 464 6***: What? I'm not your ex, Who cheated on you. I'm your Batchmate ok?  My name is KYLE Ivy, Not Mikael.

Ewan ba niya pero bakit pakiramdam niya galit ito? Sa text palang nito halatang hindi  nagustuhan ang pag-iisip niyang siya si mikael? tsaka alam niyang niloko ako ni mikael. Sino ba talaga ang lalaking 'to?

ME: Kilala mo ang ex ko?

+63 995 464 6***: Yes, kilalang kilala ko. Siya na naman ba ang dahilan kung bakit ka malungkot?

Me: Tsk, pakealam mo ba? Hindi tayo close para sabihin ko sayo ang nararamdaman ko, pwede tigilan mona ako. 

Nilagay kona sa bag ang phone ko matapos kong mag-reply sa kanya. Sino ba ang lalaking 'yon? Tsk, Nakakainis akala ko makakapag relax ako dito, Hindi pala dahil mas lalong gumulo ang isip ko dahil sa lalaking 'yon.

Uuwi na nga lang ako. Nawalan na ako ng gana. 

**

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Wheng Dugang Peraz
naku indai c kyle na lang mabait pa
goodnovel comment avatar
Mabel Arendain
nice, less stress
goodnovel comment avatar
Cathreshena Morales
nice story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status