Share

My Stalker  (Tagalog)
My Stalker (Tagalog)
Author: Seera Mei

PROLOGUE

Author: Seera Mei
last update Last Updated: 2021-03-05 20:31:19

 "Babe, saan ba tayo pupunta?"

Tanong ko sa aking boyfriend, Bigla nalang kase niya akong hinila nang mag-kita kami sa parkinglot.

Ngunit wala akong nakuhang sagot, Tuloy tuloy lang niya akong  hinila kung saan.

Maya maya tumigil na din kami.

Anong ginagawa namin dito sa gilid ng building?

Binitiwan niya ang kamay ko at seryoso akong hinarap.

Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa pagtitig niya sa`kin at sa pagiging seryoso niya.

"Babe, may problema ba? Kanina kopa napapansin na—"

"Let's Break up Kisha." Napatigil ako dahil sa binitiwan niyang salita, Kumabog ng malakas ang dibdib ko.

Naguguluhan akong tumingin sa kanya.

"W-what? ano ba ang sinasabi mo babe, Hindi—"

"I'm serious Kisha, Mag-hiwalay na tayo, Ayoko na."

Nangilid ang mga luha ko, Naguguluhan ako, bakit bigla bigla? Anong naging problema?

"Babe bakit? anong problema? May nagawa ba akong mali?" Naiiyak kong tanong sa kanya, Bakit siya nakikipag break? ok naman kami.

"I'm sorry Kisha pero ayoko na. Nawawalan na ako ng gana sa relasyon na 'to. Sobrang boring mong maging girlfriend." Para akong sinaksak ng sampung beses dahil sa sinabi niya, Ibang Mikael ang kaharap ko, Hindi ito ang Mikael na mahal ako..

"No,please no, Pag-usapan natin to, baby, Hwag naman ganito, Hwag naman hiwalay agad. Pag usapan natin ang mga ayaw mo sa`kin, Kung anong mali. Please." Naiiyak kong sabi, Hahawakan ko sana ang kamay niya ng tabigin niya `yon. 

  Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya, Ngayon niya lang ako sinaktan ng ganito, Malakas ang ginawa niyang pagkakatabig. Isabay pa ang sakit na nararamdam ko dahil sa mga binibitiwan niyang salita.

"Wala tayong dapat pag-usapan Kisha, Ayoko na, Hindi na kita mahal, Mahirap ba intindihin 'yon?"

"Pero bakit? ok naman tayo di ba? Bakit biglang ayaw muna? Baby, naman kung pina-prank mo lang ako please tama na, Kase ang sakit." Akma ko ulit siyang hahawakan ng umatras siya at natawa ng mahina.

"Ganyan kana ba kapatay na patay sa`kin Markisha? Hindi ko akalain na ganyan ang tama ko sa`yo. Well, dahil tapos na rin naman tayo, May gusto akong sabihin sayong sekreto." Dahan dahan siyang lumapit sa`kin habang nakangisi. Napahakbang ako paatras dahil kakaibang mikael ang nasa harap ko. Nakakatakot! 

"Oh, natatakot kaba, baby?" Natatawa niyang tanong. hindi ko alam bakit ginagawa niya ito! sobra akong naguguluhan! Nang nasa harapan kona siya, Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko.

"Alam mo bang kaya kita niligawan dahil sa pustahan? Nagpustahan kami ng tropa ko." Nanlaki ang mga mata ko, hindi makapaniwala. Pinag-pustahan?

"..Kapag napasagot at napaibig kita ng sobra, Panalo ako at mapapasakin lahat ng pinag-usapan naming premyo ko. Eh, panalong panalo na ako dahil sinagot mo ako, naging tayo at ngayon patay na patay kapa sa`kin. Hahahaha sorry Kisha, Nadamay ka sa trip ng tropa. Masyado ka kaseng sikat, mabait at maganda, Nakuha mo ang atensyon namin, Kaya ikaw ang naging sunod naming target, Hayaan mo makakalimutan mo din ako. Kahit naman boring kang girlfriend naging masaya ako at naging tayo."

Tumulo ang mga luha ko habang nakatingin sa kanya. Sa lalaking akala ko mahal ako, Sobrang sakit, Nanghihina ako. Akala ko ok siya, pero hindi pala. Tinago lang niya ang totoo niyang kulay.

Pinag pustahan lang pala nila ako.

Hindi ko akalain na mangyayare sakin ito, na gagawin niya sa`kin ang bagay nato.

"B-bakit? Bakit mo to ginawa sa`kin? Bakit ganyan kayo? Masaya bang may nasasaktan kayong tao? Bakit napaka dali sainyo ang manloko ng tao? Ang sama sama niyo!"

Napahagulgol na ako, Ang sakit sakit!

"Well, sorry kung nasasaktan ka, Hindi ko naman alam na mahuhulog ka ng sobra sobra sa`kin, tsaka masaya kaya, At may iba talaga akong gustong babae, Malayong malayo sa itsura at kilos mo. Boring ka `e." Parang wala lang sa kanya na umiiyak at nasasaktan ako, sobrang sama niya!

"Sobrang sama niyo! Wala kayong puso! Nanahimik ako Mikael ano bang ginawa ko sainyo mali para gawin niyo sa`kin 'to?! Wala akong ibang ginawa kundi mahalin ka, Akala ko ok na, Akala ko perfect na pero hindi pala! Dahil puro kasinungalingan lang pala lahat! Sana hindi nalang kita nakilala! Sana hindi kana lang dumating sa buhay ko! Sobrang sakit! ang sakit sakit Mikael! Pinag-laruan mo ang damdamin ko."

 Imbes na maawa siya sa akin ay inungusan lang niya ako. 

"Ang drama mo kisha, Buti nalang talaga dito kita dinala. Tsk, Tumayo kana dyan, Wala kanang magagawa. Wala na tayo. At sinabi kona sa`yo ang lahat. Move on kana lang." Maangas nitong sabi. Wala lang talaga sa kanya.

Ibang iba siya sa Mikael na nakasama ko, Ngayon wala na talaga siyang pakealam sa`kin.

Luhaan akong tumingala sa kanya.

"Minahal mo ba ako Mikael? O, lahat lang talaga ng pinakita mo sa`kin puro arte lang?"

Namulsa siya at parang nag-isip pa, Bago lumingon sa`kin.

"Siguro, oo pero katiting na pagmamahal lang? Naging mahalaga ka rin naman sa`kin."  Nagkibit balikat pa siya bago humakbang at lumuhod sa harap ko.

"Sorry Kisha, Makakalimutan mo rin ako. Makaka move on ka rin. Sorry kung pinag-pustahan ka namin. Thank you pala sa lahat ng ginawa mo. Paano ba 'yan, Aalis na ako ha? Maiwan na kita dito."  Tinapik tapik pa niya ang aking balikat bago umayos ng tayo. Tinitigan muna niya ako saglit bago tumalikod at iwan ako..

Muling bumuhos ang luha ko, Bakit ako pa? Bakit ako pa `yung nakaranas ng ganito? Wala naman akong ginawa.

Paano ako magsisimula muli? Paano ko makakalimutan ang lahat?

Hindi ko akalain na ganito ang lalaking minahal ko, Pinag-pustahan ako para lang makuha ang gusto niya! Ang sama sama nila! Hindi ko maisip na mangyayare sakin to' na gagawin niya sa`kin ang bagay nato.

Napaka dali sa kanyang sabihin na makakalimutan ko din siya. Sana nga ganoon kadaling makalimutan ang lahat...

Makalipas ang ilang minutong pag-iyak. pinunasan kona ang pisnge ko, Dahan dahan na rin akong tumayo, pinagpag ko ang suot na pantalon. Inayos ko ang sarili ko, Bago mag-desisyon na bumalik sa klase, Kahit napakabigat sa pakiramdam, Kailangan kopa rin pumasok at mag-aral. Kailangan kong iisang tabi ang sakit na nararamdaman.

Sana makayanan ko `to.

Sana...

********

Habang papalayo si Kisha. 

May isang tao na kanina pa pala nakamasid sa kanila.

Nakakuyom ang mga kamao nito, Nag-titimpi sa mga nakita at narinig.

"Napaka g*go mo Mikael, Pina-ubaya ko sa`yo si Ivy pero sinaktan mo. Pinapangako ko pag-sisisihan mo ang ginawa mo. Hinding hindi muna makukuha sa`kin si ivy. Sorry vy, kung naranasan mo to, Hindi ko alam na ganito pala ang gagawin sa`yo ng lalaking 'yon. Sana pala nung una palang hindi na kita pina-ubaya sa kanya, Sana pala nilaban kita. Hayaan mo babawi ako, 

at akong bahala sa ex mong manloloko. Pagsisisihan niyang niloko at sinaktan ka niya."

**

**

HELLO BESHIE's.

 Bago niyo po simulan ang story, sa mga bago ko pong mambabasa gusto ko po ipaalam na dati po itong naka TEXT FORMAT (TextSerye) binago ko lang po at nag-dagdag ng narration, Kaya kung mag-tataka po kayo bakit ganoon more Text convo hindi ko pa rin siya tinanggal dahil dito po talaga nag-simula ang My Stalker pero sa Book 2 niya. Pure narration na po. Bali itong Book 1 at 'yung Secretly loving you ang may Text convo. Baka po kase mag-taka kayo. yun lang po and Thank you! Enjoy Reading.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (10)
goodnovel comment avatar
Daney Bayrante
meron naman po may sign naka lagay Aa sa baba click nyo yun may lalabas na themes mamili na lang po kayo
goodnovel comment avatar
Billones Aime
yes po .........
goodnovel comment avatar
Billones Aime
addicted ako dati sa my stalker 2017 yun ieh inaabangan ko ang update .........
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Stalker (Tagalog)    EPILOGUE

    Napatingin naman ang dalawa kay kisha.."Para saan?" Mahinang tanong ni donna."Gusto ko sana humingi ng tawad sainyong dalawa. Tsaka pinapatawad kona kayo. Na-iintindihan ko, Bakit niyo nagawa ang mga bagay na'yon. Alam ko rin na pinag-sisihan niyo na ang lahat.." Nakangiting sabi ni Vy sa dalawa. Tumayo si donna at lumapit kay vy, Inabot niya ang kamay nito at nagsalita..."Kami ang dapat na humingi ng tawad sa inyo. Malaki ang naging kasalanan namin sayo. At sa buong barkada niyo. Nakaka-inggit lang dahil maraming nag-mamahal sayo, sainyo.. Nakita ko ang lahat ng 'yon noon.. Ang swerte swerte mo, dahil hindi ka binibitawan at sinusukuan ng pamilya at mga kaibigan mo. Sana.. Sana ganoon din ang pamilya ko.. Sana may naging tunay rin akong kaibigan.. Sorry sa lahat kisha, sorry din kyle. Hindi ko akalain na ikaw pa ang hihingi ng tawad samin. Sobrang bait mo talaga. Kaya hindi na ako mag-tataka kung bakit mahal na mahal ka ni kyle, Pati ng mga kaibigan niyo." Napaiwas ako ng tingin s

  • My Stalker (Tagalog)    MS2: Chapter 74

    Three Years Later..Ang bilis ng panahon. Tatlong taon na ang lumipas.Ganito pala ang pakiramdam pag nabuo ang pamilya mo. Hindi mo kayang ipaliwanag 'yung sayang nararamdaman mo.Ang sarap tignan na masaya ang asawa at mga anak mo.At mas masaya ako dahil may panibagong miyembro na kami ng pamilya. Vy is three months pregnant. Malaki na ang kambal kaya pumayag na rin siyang sundan ito.Wala na akong hihilingin pa. Kase kuntento na ako sa buhay ko ngayon. Masaya na ako na napakasalan kona yung babaeng ini-istalk kolang noon. Yung babaeng lagi kong tinitignan sa malayo.Nakangiti akong nakatingin sa mag-iina ko at sa barkada. Ngayon kase namin sinabi sa kanila na buntis si kisha."Oh my gosh beshie buntis kana ulit!. Ang tagal niyo sundan ang kambal ah." Natutuwang sabi ni eizel. Napapatalon pa ito dahil sa galak."Careful love. Alam mong hindi kana pwedeng maging magaslaw. Baka mapano ka." Napatigil naman si eizel. Kahit kami ang napatingin sa dalawa. Oww, mukhang hindi lang si Vy an

  • My Stalker (Tagalog)    MS2: Chapter 73

    SKYLER DAMIENEpoint of viewSabi nga nila, Hindi ka bibigyan ng pag-subok ni god kung hindi mo 'to kayang lagpasan.Kahit maraming nangyare sa relasyon namin ni Vy, Hindi ako sumuko. Ipinag-laban ko ang pag-mamahal ko sa kanya.Noong panahon na nag-uumpisa palang ako sa kompanya ni Simon. Ang lagi kong iniisip noon ang magiging future namin ni Vy, Lagi kong tinatatak sa isip ko na lahat ng ginagawa ko para sa kanya. Kaya kahit nahihirapan na ako noon, Kinakaya ko. Dahil alam ko mag-bubunga naman ito sa huli.Walang araw na masaya akong pumapasok noon. Pag-napapagalitan ako ni simon, Hinahayaan ko nalang. Basta lagi kong iniisip si Vy, siya ang lakas ko, siya ang dahilan ko kaya ako nag pupursige. Hanggang sa dumating na nga si marga sa kompanya kasama ang daddy niya. Doon nagbago ang lahat.Kung hindi lang inuutos ni simon na samahan ko si marga noon, hindi ko gagawin. Iniisip ko palang na may kasama akong babae, Nag-kakasala na agad ako kay Vy. Noong mga naunang buwan naging ok pa,

  • My Stalker (Tagalog)    MS2: Chapter 72

    "Marami kaming nilagay na lingerie sa maleta mo. Hehehe tinanggal namin ang ibang pang-tulog mo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni beshie."W-what?! Anong ginawa niyo?!"Mabilis na umatras ang dalawa sakin."Sorry sis, gusto namin pag-uwi mo may baby na kayo ulit. Lahat ng pajama mo tinaggal namin. Puro Nighties and lingerie ang andoon!""Enjoy beshie! RAWR!" Mabilis na umalis sila marj at nag tungo kela kuya.Hindi ko napigilan ang pamumula. Bruha talaga ang mga 'yon. Oh gosh, puro pang sexy ang nilagay nila sa maleta ko! Paano 'yan? Nasa bahay pa nila kuya ang gamit ko! Anong oras na rin gagahulin kami sa oras kapag dumaan pa ako sa bahay!"."Nako sissy, pag pasensyahan mona 'yang dalawa nayan. Wala na tayong magagawa sa kalokohan nila." Naiiyak akong napalingon kay kyrah."Nakakainis sila. Bakit nila pinakealaman ang maleta ko." Lumapit sakin si kyrah sakin at tinapik ako sa balikat."Tanggapin mona lang sissy, wala kana rin nagagawa anjan na e." Magsasalita pa sana si kisha ng lu

  • My Stalker (Tagalog)    MS2: Chapter 71

    Naglakad sila papunta sa gitna.Tumugtog ang kantangIkaw at Ako By TJ Monterde🎶 Hawakan mo ang kamay koNg napakahigpitPakinggan mo ang tinig ko‘Di mo ba pansin?Ikaw at akoTayo'y pinagtagpoIkaw at akoDi na muling magkakalayoNakahawak si kyle sa bewang ni kisha habang nakahawak naman sa balikat niya ang dalaga. Dahan dahan na sumayaw ang dalawa. Napangiti si kisha ng maalala niya ang kanta. Ito 'yung kinanta sa kanya ni kyle noon bago niya ito sinagot. Lumapit pa lalo si kisha at sinandal ang ulo sa dibdib ni kyle. Humigpit din ang hawak ni kyle sa bewang ng asawa, may tipid na ngiti sa labi."Alam mo bang kinanta ko 'yan sayo nung na coma ka?" Nagulat si kisha dahil sa sinabi nito, inangat niya ang ulo at tumingin sa lalaki. "Talaga?" Hindi niya makapaniwalang sabi. Ngumiti si kyle at tumango."Inisip ko na kantahan kita non. Baka sakaling marinig mo at magising ka."🎶 Sa tuwing kasama kitaWala nang kulang paMahal na mahal kang talagaTayo ay iisa 🎶Hindi umimik si kisha

  • My Stalker (Tagalog)    MS2: Chapter 70

    Pag pasok na pagpasok ni kyle. Tinanong ko agad siya kung saan kami pupunta."Saan tayo pupunta babe? Bakit kailangan natin tumakbo?" Ngumisi ito sakin."Wala lang, para maiba naman ang pag exit natin diba?" Loko din ang isang to."Eh paano ka nag-karoon ng susi nitong kotse? Na kay kyrah yun ah?""Binigay niya sakin kanina.""Oh, eh saan tayo pupunta ba? Kailangan natin pumunta sa reception. Mamaya pa namang gabi ang flight natin papunta sa hongkong.""Hmm, dont worry babe, pupunta pa rin naman tayo sa reception ng kasal natin. Sa ngayon gusto ko munang masolo ka. Well joy ride?" Ok, hahaha iba din ang trip ng asawa ko. Yes naman. Asawa. Ang sarap pakinggan."Joy ride na ang gamit natin wedding car?" Natawa ito sa sinabi ko."Why not? Gusto kong ipangalandakan sa buong mundo na kasal na ako sa taong mahal ko. Ganoon ako kasaya ngayon babe." Napangiti ako at kinilig. Ang dami talagang alam ng lalaking 'to."Ok Mr. Martinez.""Seatbelt Mrs. Martinez." Agad kong kinabit ang seatbelt ko.

  • My Stalker (Tagalog)    MS2: Chapter 69

    Unti-unti ng bumukas ang pinto. Narinig kona rin ang wedding song namin ni kyle.🎶 Heartbeats fastColors and promisesHow to be braveHow can I love when I'm afraid to fallBut watching you stand aloneAll of my doubtSuddenly goes away somehowOne step closerNang mabuksan na ng tuluyan ang pinto. Dahan dahan na akong naglakad papasok. Habang nasa likod ko si beshie hawak ang dulo ng wedding gown ko.🎶I have died everyday waiting for youDarling, don't be afraid I have loved youFor a thousand yearsI love you for a thousand more🎶Agad dumako ang mata ko sa taong nasa unahan. Siya agad ang hinanap ng mga mata ko.At doon nakita ko itong nakangiti. Katabi niya si kuya ivan.God, salamat po dahil kahit ang dami naming pinag-daanan. Kami pa rin po sa bandang huli. Salamat po at binigyan niyo ako ng taong mamahalin ako ng totoo. Taong bubuo sa pagkatao ko.🎶Time stands stillBeauty in all she isI will be braveI will not let anything take awayWhat's standing in front of meEvery b

  • My Stalker (Tagalog)    MS2: Chapter 68

    WEDDING DAYABALA ang lahat para sa kasal nila Kisha at kyle.Maaga gumising sila kisha para pumunta sa hotel kung saan ang venue ng kasal, Doon din kase sila aayusan."Oh gosh, Totoo na talaga! Ikakasal na talaga kayo ni sky, Oras nalang ang hihintayin at Mrs. Marinez kana!" Masayang sabi ni eizel. Finally, sa dami ng pinag-daanan nila ni sky. Matutuloy na rin ang kasal na inaasam nila."Kinakabahan ako." Mahinang sabi ni kisha. Nasa kotse na sila, Patungo sa hotel kung saan sila aayusan."Relax. Ganyan talaga sissy." Nakangiting sabi naman ni kyrah. Masaya rin siya na ikakasal na ang kaibigan."H'wag ka masyadong ma-tense sis, May konting photoshoot pa tayo mamaya. Kailangan pretty ka sa lahat ng kuha mo okey?Napangiti naman si kisha. Kailangan ko irelax ang sarili ko.Ilang oras nalang matutupad na 'yung isa sa pangarap ko. Ang makasal sa taong mahal na mahal ko.****"Ok Ma'am tabi na po kayo sa bride, lahat po ng brides maid at yung maid of honor. Ngiti po kayo habang nakatingi

  • My Stalker (Tagalog)    MS2: Chapter 67

    Sh*t gusto kong iiwas ang tingin ko sa lalaking nasa harap ko kaso bakit hindi ko magawa? Nakakadala ang seryoso niyang tingin. Bakit ganito? Umiwas ka ng tingin kisha, Magkakasala ka sa fiance mo. Kaso ang pasaway kong mata ayaw sumunod. Sinalubong pa nito ang nakaka-akit na tingin ng lalaki.Sobrang bilis ng pang-yayare, halos mawalan ako ng ulirat ng biglang lumapit ang mukha nito sa mukha ko.Ngumiti ito. Napapikit ako ng mas lalo nitong ilapit ang mukha niya.Sh*t! Sh*t! Hahalikan ba ako nito?! Jusko, kisha itulak mo!Hanggang sa marinig ko itong bumulong."Hello my beautiful fiance." Agad akong napadilat at nanlalaki ang matang nakatingin sa lalaking kaharap."K-kyle?!" Gulat kong saad."yes babe, miss me?"Oh my gosh!Sa KABILANG banda.Hindi na makapag salita si eizel. Napatunganga na ito sa lalaking kaharap. Napatili pa siya ng bigla itong yumuko.Oh My!Napamaang siya dahil sa ngisi nito. Jusko po,Biglang nanlaki ang mata niya ng papalapit ng papalapit ang mukha ng lalaki s

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status