Share

MS: Chapter 8

KINABUKASAN

Pupungas pungas ako ng bumangon ako sa kama, nilibot ko ang tingen ang paligid nandito ako sa kwarto naming ni beshie. Paano kaya ako nakarating dito, hindi ko namalayan na naparami na yung inom ko kagabi. Muli akong humiga at Chineck ang phone ko, napataas ako ng kilay ng makitang ang daming text ni mr,stalker. Nang Mabasa ko lahat nakabusangot kong tinabi ang phone ko at pumikit. Pag gising na pag gising ko sermon agad nung stalker nayon ang nabasa ko, dinaig pa niya si kuya kung manermon, tsk! Ilang minute ang lumipas ng mag vibrate ang phone ko, kinapa ko ito at tinignan ang mensahe.

MR. STALKER: Goodmorning stubborn girl. Gising kana ba?

Stubborn girl talaga? Feeling close na siya. Nag type naman ako ng reply sa kanya.

Me: Yeah, grabe tulog na ako lahat lahat kagabi sinermonan mo pa ako?

MR. STALKER: Pasaway ka kase. Kumain kana ba?

Me: Hindi pa, nakahiga pa ako e.

MR. STALKER: Ikaw ang tigas ng ulo mo,  sabi ko sayo hwag ka iinom ng marami. Kumain kana.

Me: psh, minsan lang 'yon.

MR. STALKER: Pinahirapan mo kuya mo kagabi, tsk tsk.

Me: Err, wala ako masyado matandaan, What happened last night?

MR. STALKER: Sobrang ingay niyo ng bestfriend mo,parehas na kayong lasing, Tapos gustong gusto niyo pa  mag-inom,kaya binuhat ka ng kambal mo, Tapos binuhat ng isang barkada niya yung bestfriend mo.

Napabalikwas ako ng bangon dahi sa nabasa ko, sobrang ingay ba talaga naming kagabi? Geez! Nakakahiya yun.

Me: OMG! Naparami pala talaga ang inom ko. Nakakahiya!

MR. STALKER: Tsk, pasaway kase,Sige na kumain kana muna magtetext nalang ako sayo mamaya.

Me: Ok.

****************

Nagpasya na akong tumayo dinala kona rin ang phone ko, lumabas ako ng kwarto namin, bakit ang tahimik ata? Nasaan ang mga tao dito? Saktong nagtext naman si beshie.

****************

Beshie Eizel: Beshie gising kana?

Me: Oo nasaan ba kayo? Bakit wala ako kasama dito?

Beshie eizel: Ay, Oo nga pala, tulog na tulog ka kase kanina kaya hindi kana naming ginising, dito kami sa pool area, baba kana para makakain na tayo,Ikaw nalang hinihintay.

Beshie eizel: Meron pala akong nilagay sa bag mo na bikini, hehehe Isuot mo yan ah? patungan mo nalang ng maong shorts, tapos meron din dyan na V-neck shirt na manipis, Alamko naman hindi ka magdadala ng ganyan. Kay dalawa binili ko. Red sakin sayo black.

Me: Ayoko! Magsasando at short nalang ako.

Beshie Eizel: Isuot mo yan beshie, halos lahat ng nandito naka bikini, bawal maligo ng nakasandoo Tshirt. So No choice ka. hehe

Me: Tsk, Oo na!

Beshie eizel: Yay! Hwag ka mahiya beshie, Sexy ka naman at maganda ang hubog ng katawan mo.  Dalian mo ah? Dami yummy boys dito.

Me: Ayan! Dyan ka magaling sa mga yummy boys, Kaya hindi ka napapansin ni kuya e.

Beshie eizel: Grabe ka! bumaba kana nga dito.

Beshie Eizel: Gosh, ngayon ko lang napagtanto, Ang gwapo nang mga  barkada ng kuya mo, Ang gaganda pa ng katawan! Lalo na si Drake, Sky, Harvy at Miguel! Oh my ulam! 😍

Me: Sus! kaya tuwang tuwa ka. Hindi mo man lang ako hinintay dahil gusto mo makakita ng  magagandang katawan dyan! Nako eizel.

Beshie Eizel: Hahaha sorry beshie! Sayang ang pagkakataon! Minsan lang to, Kaya lubusin na.

Me: Oh siya ang harot mo, Pababa  na ako. Salubungin mo ako dahil hindi ko alam kung nasaan kayo.

Beshie eizel: Okeyyyy.

Naglalakad na ako patungo sa pool area, hindi ako napakali dahil sa suot ko, hindi talaga ako sanay na nagsususot ng ganito. Kaso no choice naman.

Nang makita ko kung nasaan sila beshie, agad akong nagtungo sa kanila. Kakaupo ko palang ng makatanggap na naman ako ng text galing sa kanya.

MR. STALKER: Hey! Ano yang suot mo?

MR. STALKER: Bakit ganyan ang suot mo? bakit ang nipis ng t-shirt mo?

Me: Nandito kana naman? Hindi mo ba talaga ako lulubayan?

MR. STALKER: Markisha Ivy palitan mo yang damit mo.

Me: Ayoko nga! bakit ba?!pakealam mo sa suot ko? Tsaka sino ka para sabihan ako?

MR. STALKER: Hay, halos lahat sayo nakatingin oh! yung iba sobrang lagkit pa tumingin.

Me: and so? Halos lahat ng kababaihan dito ganito ang suot. Kaya anong problema mo.

Nakakainis lahat nalang pinapakealaman niya, feeling close, ako nga walang magawa na ganito e, dedma nalang.

Me: My body, My Rules! Kaya kahit anong isuot ko ayos lang. Huh! Masyado kang nangengealam.

MR. STALKER: Tsk, Pwes sakin hindi pwede 'yang my body, my rules mo.

Me: Bakit anong gagawin mo? Umasta ka feeling boyfriend kita ah!

Napatayo ako sa kinauupuan ko ng makita kong may kausap si kuya, ay mali may kasigawan na ibang lalaki. Lalapit sana ako ng pigilan ako ni beshie. Umiling ito at pinaupo ako ulit. Nakatingen lang ako sa kanila ng makatanggap na naman ako ng text.

MR. STALKER: See nakikita mo kuya mo? mapapaaway pa dahil sa  mga lalaking nakatingin sayo. Mag palit kana ng tshirt.

Napabuntong hininga ako ng mabasa ko ang text niya, Halos lahat naman ganito ang suot, mas Malala pa nga yung iba pero bakit halos lahat sakin nakatingen? Muli kong tinignan ang suot ko, sabagay useless din yung tshirt na suot ko kung ganito nga naman kanipis. Nagulat ako ng bigla akong abutan ng tshirt ni drake pati ni sky, nagpabalik balik tuloy ang tingin ko sa dalawa, pero sa huli kinuha ko ang damit na hawak ni Sky, may kinuhang twalya si beshie at hinarang sakin, mukhang kailangan kona talaga magpalit ng tshirt, mas ok na din to, matapos kong makapag palit, nagbalikan na sila sa kanya kanya nilang ginagawa. At ako nakaupo lang,  Napairap ako ng makita kong nagtext na naman siya, kaloka!

MR. STALKER: Much better.

MR. STALKER: Oh,nakabusangot na naman mukha mo.

Me: Dahil sayo! kung nasaan ako talagang nandoon ka. Tapos ang hilig mo makialam!.

MR. STALKER: I'm your stalker right? So trabaho ko na laging  nakabuntot sayo.

MR. STALKER: Wag kana sumimangot.

Me: Ewan ko sayo, Pakialamero!

MR. STALKER: Easy, grabe ka makapindot sa cellphone mo, Galit na galit? Baka masira yan.

Me: Edi naganda kung masira! Para hindi kana mag-text.

MR. STALKER: Bakit ganyan ka sakin? Dito na nga lang kita nakakausap.

Me: Bakit ba ayaw mo pa magpakilala sakin ha?

MR. STALKER: Hindi pa ako handa, baka kase hindi mo ako lalo pansinin pag nakilala mo ako e.

Me: Tsk, Para kang bakla.

MR. STALKER: What!? hindi ako bakla, pasalamat ka hindi pa kita pwede lapitan, Kung hindi hahalikan kita.

Me: Oh really? Ganyan naman lagi niyo sinasabi kapag sinasabihan  kayong  bakla Tss

MR. STALKER: Stop markisha. Hindi ako bakla.

Me: Ok fine. Sabi mo e.

MR. STALKER: Oh bakit palingon lingon kana naman?

Me: Sino ka kaya dito?

MR. STALKER: Kahit anong palingon lingon mo, o paghahanap sakin hindi mo  ako makikita, Kaya hwag kana mag palingon lingon dyan.

Me: Whatever. BAKLA!

MR. STALKER: Tss, Sabing hindi ako bakla.

Me: Pikon.

MR. STALKER: Hindi ako pikon.

Me: Yeah sabi mo e.

MR. STALKER: Hindi kaba maliligo? Halos lahat ng kasama mo nandoon na sa pool at dagat oh.

Me: Later, tinatamad pa ako maligo, Ikaw bakit ayaw mo pa maligo?

MR. STALKER: Katext pa kita.

MR. STALKER: Namumula kana naman, Kinikilig kaba?

Me: What!? hindi ah!

MR. STALKER: Hahaha ikaw ang pikon sating dalawa.

MR. STALKER: Uy hindi mona ako nireplyan.

MR. STALKER: Hey, sino tinitignan mo dyan?

: Vy?

: Hey!

Me: Hwag ka nga magulo! Mamaya kana nga mag-text.

MR. STALKER: Sino ba kase tinitignan mo?

:Hey.

Me: Bakit ang kulit kulit mo? Tinitignan ko yung gwapong lalaki!.

MR. STALKER: Ha? gwapo saan dyan?

Me: Yung nakatayo doon sa may bandang pool, Yung naka skyblue na short, at sando na white, Ang gwapo! ang ganda ng katawan!

MR. STALKER: Tss, Hindi naman gwapo. Mas gwapo pa ako dyan. Hindi din maganda katawan.

Me: Malabo ba yang mata mo? ang gwapo kaya at ang ganda ng katawan.

MR. STALKER: MAS gwapo ako at MAS maganda ang katawan ko dyan.

Me: Sus, Maniwala ako, bakla ka nga.

MR. STALKER: Hindi sabi ako bakla, Baka pag nakita mo ako, Matulala ka? Baka tumulo pa laway mo.

Me: Wow ha? yabang mo din pala ano?

MR. STALKER:Hahaha nagsasabi lang ako ng totoo.

MR. STALKER: Saan ka pupunta?

MR. STALKER: Akala ko ba hindi kapa maliligo? 

Me: Hindi pa nga, tatawagin ko lang bestfriend ko.

MR. STALKER: Bakit?

Me: Sabihin ko may nakita akong gwapo.

MR. STALKER: What?

Me: Tsk! tatawagin ko 'yung bestfriend ko at sasabihin ko may gwapo dito.

Para lumayo layo muna sa kambal ko, Ok na? Kanina ko pa din napapansin na  nakadikit yun kay kuya. Para naman mabaling sa  iba ang atensyon non. Nakikita ko ng naka-busangot ang mukha nung kambal ko.

MR. STALKER: Oh, may gusto nga pala  yang bestfriend mo sa kuya mo.

Me: Alam mo? Saan mo nalaman yan?

MR. STALKER: Halata naman kase sa bestfriend mo.

Me: Sabagay kahit sino mahahalata, Lantaran din kase ang babaeng 'yon.

MR. STALKER: Sige na, puntahan mo na  bestfriend mo, Titignan kita mula dito. Baka kase may bumastos sayo.

Me: Ok.

MR. STALKER: Oh, bakit nakasimangot ka? 

Me: Yung magaling kong bestfriend ayon! Ayaw  umahon, Mas gusto daw  niya doon, Kase nandoon daw ang myloves niya. Nakabusangot na nga  mukha ni kuya. Hindi pa rin nahahalata ng babaeng 'yon.

MR. STALKER: I see, hayaan mona doon yung bestfriend mo, Kahit nakabusangot kuya mo, Safe naman siya doon. Kesa sa iba.

Me: Sabagay. May point ka dyan.

MR. STALKER: Nagugutom kana ba? Gusto mo kumain?

Me: Medyo. Sabi kase ni beshie kanina kakain na kami ako nalang daw hinihintay. Tsk pero ayon sila nag-eenjoy  pa.

MR. STALKER: What do you want? Oorder ako.

Me: Nako, Hwag na. Hihintayin kona lang sila.

MR. STALKER: Mamaya pa yang mga yan. Nag-eenjoy pa sila. Magugutom kalang.

MR. STALKER: Sabihin mona kung ano gusto mo. Oorderin ko.

Me: Hindi ok lang, Keri kopa naman.

MR. STALKER: Hwag ng makulit, Sige na sabihin  mona gusto mo.

Me: Hays, ok uhm, Club house sandwich nalang tsaka mango shake.

MR. STALKER: Yun lang? Ayaw mo mag rice or pasta?

Me: Ok na 'yon, mamaya nalang ako mag-rice, Gusto ko kasabay ko sila e.

MR. STALKER: Ok sige, Order lang ako tapos ipahatid ko dyan sa table mo.

Me: Ok, Thank you.

Mabait naman pala tong stalker ko, nasasanay na rin talaga ako na kausap siya, kaso minsan hindi ko rin mapigilan na matakot dahil ayaw niya pa magpakilala, ang importante hindi siya nananakit. Mabilis kong kinuha ang phone ko ng magtext siya.

MR. STALKER: Ok na. Naka-order na ako.  wait mona lang.

Me: Thanks.

MR. STALKER: Welcome.

MR. STALKER: Oh ayan na pala, kumain kana muna.

Me: Ikaw? hindi ka kakain?

MR. STALKER: Busog pa ako,  kumain ako kanina. Sige na kumain kana muna. Eat well.

Text kita later pag tapos kana kumain.

Me: Hey, ok lang naman na magkatext tayo, Habang nakain ako. Wala ako kausap at kasabay kumain, kaya usap nalang muna tayo. Tsaka may gusto rin ako itanong sayo e.

Para talaga akong ewan minsan kanina galit galitan ako ngayon naman feeling close ako sa kanya.

MR. STALKER: Alright, ano ba ang itatanong mo?

Me: Kailan mo balak magpakita sakin at magpakilala?

MR. STALKER: Gusto mo na talaga ako makilala  ano?

Me: psh, ang creepy kase, Halos lahat alam mo tungkol sakin, Tapos kung nasaan ako

nandoon ka rin. Mas maganda na mag pakita kana lang,  Kesa yung lagi kang naka

sunod kung nasaan ako.

MR. STALKER: Hmm, sige ganito, Bibigyan kita ng clue. Tatawag ako sayo ngayon. Bosesan mo ako ha?

Me: Ha?! parang ang hirap naman niyan!.

MR. STALKER: Basta tatawag na ako ha?

Mr. Stalker calling....

-

-

-

-

-

-

-

Me: Ang bilis! bakit mo  binaba agad? Binobosesan ko pa e!

MR. STALKER: Sorry, hahaha baka makilala mo e.

Me: Psh, kaya ka nga tumawag para mabosesan ko at makilala kita. Pero pamilyar ang boses mo.

MR. STALKER: Kung tinagalan ko pa yung tawag baka nga nakilala mo ako.

Me: Isa pa nga! Tawag ka ulit dali!

MR. STALKER: Hahaha bawal na, Makikilala mona ako. Ayan  ha, May clue kana Isipin mo maigi   yung  boses ko. Pag naisip mona kung kanino, Text mo agad ako.

MR. STALKER: Pag tama ang hula mo, magugulat kana lang Isang araw nasa harap  muna ako.

Me: Psh, Ano kaya 'yon! ang hirap kaya.

MR. STALKER: Kaya mo 'yan, Isipin mo lang 'yung boses ko.

Me: Ok fine, Ginawa mo pa akong manghuhula.

Me: Matangkad kaba? Maputi? payat? mataba?

MR. STALKER: HAHAHAH

Me: What? bakit ka tumatawa dyan?!

MR. STALKER: Ang cute mo. tutok na tutok ka sa phone mo.

Me:Tss.

MR. STALKER: Ok, ok. Matangkad ako, maputi, hindi ako payat, hindi din ako mataba, Sakto lang ang katawan ko.

Me: Ang hirap! ayoko na nga. Bahala ka dyan.

MR. STALKER: Suko kana? Hindi kapa nga nagsisimula e.

Me: Ayoko na.

MR. STALKER: Hahaha ikaw din sige ka.

MR. STALKER: Oh saan na naman punta mo? Hindi mo pa ubos kinakain mo.

Me: Maliligo na ako, naiinis lang ako sayo! Dami mo pauso e! Pinapahirapan mo

lang ako!. Bye!

 

Nag lakad ako patungo kela kuya tinago ko muna saglit ang phone ko don sa bag na dala ni beshie, alam ko naman safe yun dahil sa stalker ko nayon, takot lang niya mawala phone ko, edi hindi na siya nakapag text, nainis lang ako dahil dami niyang pakulo, pinapahirapan pa niya ako e. ngayon bahala siya dyan.

*****************

Comments (22)
goodnovel comment avatar
Mary Jane Ocampo
ganda ng story
goodnovel comment avatar
Anabel Jumalon Jerongay
pa unlock naman po
goodnovel comment avatar
Analyn Mengote
magnda ung kwento kaso unlocked mhal ng byad
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status