Share

Kabanata 51

Author: Deigratiamimi
last update Huling Na-update: 2025-12-05 03:53:11
Stella’s POV

Mag-iisang buwan na simula nang ma-comatose si Randall, pero parang wala pa ring nangyayaring pagbabago. Araw-araw akong umaasa na magbubukas ang mga mata niya, pero ganito pa rin. Tahimik. Walang reaksyon. Walang kahit anong senyales na lalaban siya.

Nakapwesto ako sa gilid ng kama niya habang hawak ang kamay niya. Hindi ko na maalala kung kailan ako huling umuwi. Halos dito na ako natutulog at dito na rin ako kumakain. Kapag lumagpas ang isang buwan na ipinangako ko sa mga magulang niya, hindi na ako papayagang makita siya. Kaya sinulit ko ang bawat araw kahit masakit.

"Mag-iisang buwan ka nang hindi nagigising," mahina kong sabi. "Habang lumilipas ang araw, mas lalo akong natatakot. Mas lalo akong nasasaktan. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang buhay ko kapag hindi ka na nagising. I kept blaming myself, Randall. I can’t forgive myself."

Habang nagsasalita pa ako, bumukas ang pinto. Pumasok sina Tita Dahlia at Tito Ricardo, parehong walang emosyon.

"You have t
Deigratiamimi

Randall heard every word, yet he chose to remain silent. 🥹

| 9
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
salamat po
goodnovel comment avatar
Mary Paz Sadia
suspense yan Ms.D ah hahaha update na po pls ...
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
To protect the company, her, and their baby :)) And what if may kagagawan dad ni Randall sa pagkamatay ni Damien?
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • My Stepbrother is Obsessed with Me (SPG)   Kabanata 66

    Stella's POV Napakurap ako pagkagising ko. Hindi ko pa nga naiintindihan kung anong oras na, pero agad akong napabalikwas nang bumukas ang pinto. Narinig ko ang mahinang click ng susi, at sa isang iglap, sumilip si Elijah. Hawak-hawak niya ang spare key na lagi niyang kinikimkim sa maliit niyang bulsa."Mommy?" tawag niya, sabay talon sa kama. Pero natigilan siya nang makita niya na hindi lang ako ang nandito.Umikot ang mga mata niya mula sa akin… papunta kay Randall na nakahiga pa sa gilid ko. Kita ko agad ang unti-unting pagngiti ng anak ko. 'Yong tipong ngiti na para bang nakakita siya ng superhero."Mr. Stranger!" sigaw ni Elijah, sabay yakap sa leeg ni Randall na para bang kilala niya ito nang limang taon na.Nabigla ako, at mukhang pati si Randall ay nagulat, pero ngumiti siya at hinawakan ang likod ni Elijah. "Hey, buddy. Good morning."Tumingala si Elijah. "Are you my new daddy?"Halos kapwa kami hirap lumunok ni Randall. Literal na nanigas ang buo kong katawan. Si Randall?

  • My Stepbrother is Obsessed with Me (SPG)   Kabanata 65

    Stella's POV Nakatulala lang ako habang inuulit sa isip ko ang lahat ng sinabi ni Randall. Para akong napako sa kama habang ramdam ko ang pagbigat ng dibdib ko. Hindi ko alam kung paano ko ipopriseso lahat nang sabay-sabay. Parang ang dami niyang ibinuhos sa isang iglap.Pinagmasdan ko siya habang hawak pa rin niya ang ulo niyang may benda. Huminga ako nang malalim at umupo sa tabi niya."Randall… lahat ng sinabi mo, totoo ba talaga? Wala ka bang nilaktawan? Wala ka bang binago?" tanong ko sa mababang boses.Napatingin siya sa akin. "Kung pwede lang kitang ipanumpa sa korte ngayon, gagawin ko. Wala akong idinagdag. Wala akong binago. Lahat ng sinabi ko, 'yon ang totoo."Bumuntong-hininga ako bago muling nagsalita. "Bakit hindi mo sinabi agad? Bakit mo kinaya mag-isa? Limang taon, Randall. Limang taon kaming naghintay ni Elijah sa wala."Napayuko siya. "Akala ko noon kaya ko. Akala ko kaya kong tiisin ang sakit na hindi ko kayo nakikita. Pero bawat araw na lumilipas, lalo akong nasisi

  • My Stepbrother is Obsessed with Me (SPG)   Kabanata 64

    Stella's POV "Do you still love him?" diretsong tanong ni Will habang naglalakad kami palabas ng hotel.“What? Anong klaseng tanong ba ‘yan?” Napalingon ako sa kanya, papasok sana ako sa kotse nang bigla niya akong pigilan.“You still loved him, Stella. Ginagamit mo lang ako para pagtakpan ang nararamdaman mo para sa kaniya.”Napahinto ako sa harapan niya. Ang bigat ng salita niya. Parang may kuryente sa paligid namin. Humakbang ako palapit, at inilagay ko ang mga kamay ko sa batok niya, hinalikan ang labi niya nang diretso.“I don’t love him. He’s my ex. You’re my present. You’re my boyfriend,” mariing sabi ko.Ngunit tinitingnan niya ako ng seryoso, halos hindi gumagalaw. “Prove it, Stella. You can tattoo my name para mapatunayang pagmamay-ari na kita.”Napalunok ako at muntik nang bumagsak ang puso ko sa dibdib ko. “You know I hate tattoo—”“You don’t love me,” putol niya. Halos may pangungutya sa tono niya.Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko talaga siya minamahal. Ginagamit

  • My Stepbrother is Obsessed with Me (SPG)   Kabanata 63

    Stella’s POVKinakabahan ako habang hinihintay si Will sa tapat ng bahay. Hindi ko alam kung bakit ang bigat ng dibdib ko. Sabay kaming pupunta sa welcome party ni Randall, at kahit ayokong um-attend, wala na akong choice dahil kasama si Will at nag-insist siya na sumama ako.Pagkasakay ko sa kotse, napatingin siya sa akin mula ulo hanggang paa.“You look great,” sabi niya.Napangiti ako nang mahina. “Nag-ayos lang ako nang kaunti.”Kaunti daw, pero halos isang oras akong nag-ayos. Ewan ko ba. Siguro dahil may parte sa akin na gustong makita kung ano ang itsura ng pinalit ni Randall sa akin. Sabi ni Will, isang Russian model daw. Gusto ko lang makita kung gaano siya kaganda. Kahit papaano, gusto kong malaman kung bakit madaling nakalimot si Randall.“By the way,” tanong ko kay Will habang umaandar ang kotse. “What’s his fiancée’s name nga ulit?”“Anastasia Hollander. As in, the daughter of Massimo Hollander. Big name sa Europe.”Napabuntong-hininga ako. “Maganda siguro siya.”“Model s

  • My Stepbrother is Obsessed with Me (SPG)   Kabanata 62

    Stella's POV Pagbalik ko sa table ko, agad kong inayos ang palda ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil ramdam ko pa rin ang pag-alog ng tuhod ko mula sa ginawa ni Randall sa banyo. Sobrang awkward maglakad. Pakiramdam ko mapapasukan ng hangin ang pagkababae ko."Ayos ka lang ba?" tanong ni Will habang nakatingin sa akin nang may halong pag-aalala."Yeah," mabilis kong sagot. Pilit akong ngumiti, pero hindi ko maalis sa mukha ang kaba.Pagtingin ko sa table nila Randall, kababalik niya lang din.Pinamulahan ako ng mukha nang makitang ginawa niyang pamunas ang underwear ko sa labi niya sabay tingin sa akin.Nang muli kong tingnan ang table nila Randall, nakita ko siyang nakatingin sa amin. Ang mukha niya ay mapulang-mapula, pero hindi niya ako tiningnan nang diretso—para bang sinusubukan niyang pigilin ang sarili."Are you sure everything’s okay?" muling tanong ni Will."Yes, Will. Seriously. I’m fine," sagot ko, kahit ramdam ko pa rin ang kakulangan ng comfort sa katawan ko.Pinilit kong

  • My Stepbrother is Obsessed with Me (SPG)   Kabanata 61

    Stella's POV Nag-vibrate ang phone ko kaya agad ko itong kinuha. Si Will pala ang nag-text.Atty. Will Cortez: I'm outside your house.Nag-reply agad ako.Me: Coming.Huminga ako nang malalim at tinawag si Elijah. Kailangan ko lang magpaalam bago ako lumabas."Mommy, instead of dating or entertaining your suitor, you should sleep beside me," reklamo niya habang nakaunan sa lamesita.Napakamot ako ng batok. "Anak, one hour lang kami. Pagbalik ko, tabi tayo."Umirap siya. "You should date the stranger earlier. He's handsome like me, Mom."Napakurap ako. Ilang beses nang nabanggit ni Elijah ang lalaking nakita niya kanina. Kung alam lang niya na si Randall 'yon… hinding-hindi ko alam kung paano niya tatanggapin."Huwag ka ngang makulit. Magpahinga ka na." Hinalikan ko ang noo niya. May pasa pa rin.Paglabas ko ng bahay, nakita ko agad ang kotse ni Will. Pagbukas ng pinto, inabot niya sa akin ang bouquet na binili niya."Hi, Stella," nakangiti niyang sabi."Hi," mahina kong sagot.Tinign

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status