Pero parang siya ang napaso nang biglang humawak si Lorenzo sa bewang niya at hinila siya palapit. Halos magdikit ang labi nila. Evelyn held her breath. Napatingin siya sa labi nito — at ganun din si Lorenzo. Pareho silang natahimik, tila kinuryente ang paligid sa tensyon ng kanilang distansya.Ngumiti si Lorenzo, mabagal, mapanganib. Isang ngiting punong-puno ng kumpiyansa, pero may halong pasensya na parang nauupos na kandila—konting ihip na lang at sasabog.Sinuklay nito ang ilang hibla ng buhok ni Evelyn gamit ang mga daliri, saka inilagay sa likod ng tenga. Mainit ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya — and she swore she felt her knees shake kahit nakaupo siya. Pakiramdam niya ay para siyang tinutunaw sa titig pa lang nito.Sinubukan niyang tumayo, pero bago pa siya makakilos, mas humigpit ang yakap nito sa baywang niya. Ramdam niya ang biglaang pagbago ng hininga ng lalaki, mabilis at mabigat, tila nilalamon ng init ng sandali.“Shit,” bulong niya sa sarili nang maramdaman
“Hoy! Ano ba?!” kunot-noong tanong ni Evelyn. “Ano ‘to, sa’yo lang lahat ng itlog?! Ang takaw mo naman! Edi sige, bacon na lang ako! Sayo na iyang itlog mo, lamunin mo. Kainis!" She said t hindi niya mapigilan ang irapan ito.Pero nang iabot niya ang tinidor sa bacon para doon kumuha ay nilayo ulit iyon ni Lorenzo. Literal na binibitbit nito ang plato papalayo habang may pilyong ngiti sa labi."Ano bang problema mo!" Halos mangiyak na sa inis si Evelyn dahil gustong gusto na niyang kumain. "Gusto ko lang naman kumain bakit ba ang damot mo!" Dugong pa niya at kinagat na ang labi niya.“May sinabi na ba akong pwede ka nang kumain?” tanong ni Lorenzo, malamig ang boses pero may halong pang-aasar. Halatang ine-enjoy niyang inaasar si Evelyn.Napairap si Evelyn at sinubukang habulin ang bacon gamit ang tinidor, pero mabilis ang reflexes ni Lorenzo. “Ginagago mo ba ako, lalake?!” mariing ani niya, habang hawak pa rin ang tinidor na parang sandata, handang sumugod sa susunod na galaw nito.N
Chapter 49Hindi na tumuloy si Evelyn sa pagbaba dahil alam niya naman na si Lorenzo ang nagluluto sa ibaba. Wala si Manang Vilma at sa Sunday pa ito babalik, kaya naman hindi niya maiwasang ma-excite habang iniisip na pinagluto na naman siya ni Lorenzo ng agahan. May kung anong kilig at lambot sa dibdib niyang bumalot habang iniisip kung gaano ito ka-considerate, lalo na sa mga ganitong simpleng bagay.Sa halip, nagdesisyon siyang maligo na lang muna, para kahit papaano ay maayos siyang bumaba. Habang dumadaloy ang tubig sa kanyang balat sa ilalim ng shower, hindi niya maiwasang mapangiti — iniisip si Lorenzo sa kusina, abalang-abala.Napapikit siya habang pinapahid ang shampoo sa buhok, tinataboy ang mga naiisip na kung saan-saan na humahantong, pero ilang sandali ay nakagat niya ang labi niya lalo na nang maalala niya kagabi at noong isa pang gabi."Mamayang gabi kaya matutulog nanaman kami sa iisang kama?" Wala sa sariling tanong ni Evelyn, pero nang matauhan ay halos sampalin niy
Ramdam ni Evelyn ang init mula sa kamay nito, pati na rin ang kakaibang tensyon na tila ba lumulutang sa pagitan nilang dalawa. Parang may alon ng damdaming hindi niya maipaliwanag. Pag-angat niya ng tingin, nakita niya ang mga mata ni Lorenzo—pagod, malungkot, at tila ba nagmamakaawang unawain siya.“H-Hindi ako makatulog,” bulong nito. Mababa, halos hindi marinig, pero malinaw. At gaya ng dati, namula na naman ito, para bang nahuli sa sariling kahinaan.Natigilan si Evelyn. “O? Tapos…?”“Can I sleep here? Can I sleep beside you?”Halos malaglag ang panga ni Evelyn. Literal. She froze. Ang mga mata niya ay lumaki, at nanuyo ang lalamunan niya.Did I just hear that right? Tanong pa iyon sa isip niya.Hindi siya makagalaw. Para siyang tinamaan ng kidlat sa kinatatayuan niya. Ang lalaking parang umiiwas sa kanya, ngayon ay gustong matulog katabi niya niya ulit gaya kagabi.Si Lorenzo naman ay napamura sa sarili at saka hinilot ang sintido niya na para bang gusto niyang isubo ulit ang m
Chapter 47Gabing-gabi na at nakaalis na si Paul sa isla. Umuwi na rin si Manang Vilma at babalik na lang ulit sa linggo. Tulad ng dati, silang dalawa na lang ulit ni Lorenzo ang naiwan sa mansion. Pero sa gabing ito, may kakaibang bumabalot na tension sa paligid. Tahimik ang buong bahay, ngunit hindi ito 'yung uri ng katahimikang nakapapawi ng pagod. Ito 'yung klaseng katahimikan na may kasamang bigat—parang may bumabalot na hindi maipaliwanag na tensyon sa hangin.Nakahiga si Evelyn sa kama, nakatitig sa kisame na para bang may sagot itong kayang ibigay sa mga tanong niya. Sa bawat segundo, mas lalo siyang nababahala. Paulit-ulit ang mga tanong sa isip niya habang pilit pinakakalma ang sarili.“Anong problema niya?” bulong niya sa sarili habang nilalaro ang laylayan ng kumot. “Alam kong masungit siya, pero bakit parang iniiwasan niya ako? Parang every time na magkakasalubong kami, umiilag siya. Mukha ba akong may sakit na nakakahawa?"Napakunot ang noo niya at mas lalong napasimango
Well, Paul was happy to see him crack a smile for once, but it was so unusual, he had to check if aliens swapped him out in his sleep.Noon lang natauhan si Lorenzo. Nang maramdaman niya ang palad ni Paul sa noo niya, agad siyang napaatras. Kunot noo, tinitigan niya ito na para bang nahuli sa isang kahihiyan.“What the fvck are you doing?” gulat at iritadong tanong ni Lorenzo, sabay padarag na iniwas ang sarili sa kamay ng pinsan. Halatang nainis pero hindi rin maitago ang bahagyang pagkagulat.“Are you sick?” tanong ni Paul, napapailing pa habang sinusundan pa rin siya.Muli sana niyang hahawakan ang noo nito, this time more dramatically—his palm facing the sky, elbow exaggeratedly bent—para bang umaarte sa harap ng camera. “Seriously, bro. Who are you and what did you do to Lorenzo?”“Are you insane? Mukha ba akong may sakit?” iritadong balik ni Lorenzo, at agad na tumalikod papunta sa round table kung saan naroon ang kanyang kape. Umupo siya roon, hawak agad ang tasa, at muling tin