Chapter 107“Here. Baka mamayang gabi pa ang uwi ni Via so we have time to drink a little,” binigay ni Edie ang hawak na wine sa harap ng lamesa at inangat ang tingin kay Van na nakapikit at nakapatong ang ulo sa headrest ng sofa.They are already in Edie's house in Manila. Pagkatapos ng nangyari, inaya ni Edie si Van dahil gusto niyang makasama si Van pagkatapos ng nakita niya, habang si Cylvia ay bumalik sa ospital para sundan ang anak na si Belinda at siyempre para sa kanyang ina na nasa ospital."Hindi ka ba hahanapin ng mama mo kung magtatagal ka?" Edie couldn't help to ask that dahil kilala niya si Cecilla, malalamn at malalaman ni Cecilla ang pagkikita nila ni Van at paniguradong magagalit iyon.Inangat ni Van ang ulo at tinignan ang nilapag ni Edie sa lamesa. Isang buntong hininga na lang ang ginawa ni Edie habang pinapanood si Van na lagyan ang baso ng alak at agad nilagok.“It's 99% alcohol content, huwag mong subrahan. Malalasing ka kaagad,” sabi ni Edie at umupo na rin nam
Years ago, sinubukan na ng ina ni Van na kitilin ang kanyang buhay. Sinugatan niya rin ang sarili at halos maubusan na ito ng dugo. It’s just a good thing that someone entered his mom’s room kaya nagawa nilang itakbo ito sa hospital. Iyon iyong araw na nalaman ni Cecilla na lumalapit si Edie kay Cylvia at nalaman nito ang nakaraan nilang dalawa. Van was too scared that his mom would really do that, so he didn’t have a choice but to do what they wanted him to do.Naiipit si Van sa lahat at hirap na hirap na ito.“You should punch me. I hurt your daughter,” nanghihinang sambit ni Van at tinignan si Edie. Tinignan ni Van si Edie ng may paghahamon.Nakakatanga, pero gusto na ni Van na masuntok siya. Gusto niyang makaramdam ng ibang sakit maliban sa sakit na nararamdaman niya ngayon. At sa isip ni Van ay tama lang na masuntok siya ngayon. Ni gusto nga niya na mabugbog na lang.Edie watched his son. Nakipagtitigan si Van, pero sa huli ay napaiwas si Van ng tingin. Hindi natagalan ni Van ang
“Uuwi na ba kayo ng kaibigan mo? Pwede ko kayong ihatid. Nasa baba ang driver at pwede namin kayong idaan na lang." Cylvia immediately said as Belinda stood up from sitting.Belinda looked at her mom and shook her head. Nasa kwarto na sila ng kanyang lola sa hospital Akala ni Belinda ay umuwi na ang kanyang ina pagkatapos ng usapan nila sa coffee shop dahil masyadong malalim ang mga naging usapan doon, pero mali siya ng naisip nang sumunod din naman ang kanyang ina sa hospital ilang minuto bago siya dumating sa hospital.Walang nagsalita noong dumating si Cylvia, at parehas lang silang tahimik na binabantayan ang lola ni Belinda. They just remained silent. Pati nga si Lia ay natahimik din; sa sobrang tahimik, halos inantok na rin ito, and Belinda really so thankful that Lia is always there of her.“Huwag mo na po kaming alalahanin. Kaya na namin mag-commute ni Lia.”Nalaglag ang balikat ni Cylvia nang marinig iyon, gusto sana ni Cylvia na ihatid sila Belinda para naman kahit papano ay
Cylvia held her mother’s hand at hinaplos iyon.“Hindi iyon panaginip, Ma. I am really here,” mahinahon at halos maiyak ding ani ni Cylvia habang nakatingin sa kanyang ina.“C-Cylvia? Anak ko?” Tinaas ng lola ni Belinda ang kanyang kamay para abutin ang mukha ni Cylvia. Nilapit naman ni Cylvia ang kamay niya para hindi mahirapan ang kanyang ina.Pagkatapos na mahawakan ng lola ni Belinda ang mukha ni Cylvia, tuluyan itong napangiti, pero umiiyak pa rin.“N-Nandito ang anak at apo ko. A-Ang saya, saya ko. Subrang saya ko talaga. A-Akala ko panaginip lang. A-Akala ko nananaginip ako."Dahil sa nagising ang lola ni Belinda, hindi sila nakauwi agad. Belinda stayed a little bit for her lola, pero ilang sandali ay talagang kailangan na nilang umalis lalo na't may hangganan naman ang visiting time at gumagabi na rin.Belinda was already saying goodbye, pero halos matigilan siya sa sunod na sinabi ng kanyang lola.“Bakit hindi ka na lang muna sumama sa Mama mo, Belinda? Ngayon lang kayong nag
Chapter 111“Via?” Hindi tinignan ni Belinda ang nagsalita, pero alam niyang ang asawa ng kanyang ina iyon… na ama raw niya. Masyado siyang gulat at talagang nakatuon na ang attention kay Van at sa sugat nito. Walang lakas kanina si Belinda na lapitan si Van, pero dahil sa nakita niyang sugat nito at dugo ay biglang nakalimutan niya kung anong nangyare sakanila ni Van.Ang makita ang dugo at sugat na iyon sa kamay ni Van ay talagang nakakapagpakaba kay Belinda dahl sa pag-aalala.Van immediately looked away as he saw Belinda staring at him. Biglang kinabahan si Van sa tingin ni Belinda sa kanya at talagang hindi niya iyon matagalan lalo na at nakikita nito ang lubos na pag-aalala,“What's happening here, Edie? Bakit duguan ang kamay ni Van?” Nag-aalalang tanong ni Cylvia kay Edie.Hindi nagsalita si Edie at napatingin lang kay Belinda saka niya binaba ang tingin kay Van. Kitang-kita ni Edie na hindi naging komportable si Van sa biglaang pagdating ni Belinda. They all watched Van get t
Chapter 112Nagmulat si Van at tinignan si Belinda, at laking pasalamat niya nang hindi na ito nakatingin sa kanya, kaya pwede na niyang tingnan ulit ito.“Nagkasagutan ba kayo ng daddy mo?” Ang inosenteng tinig ni Belinda ay nagdulot ng konting ngiti kay Van habang tinitingnan niya ulit si Belinda. Van miss her so much. Sa subrang pagkamiss niya ngayon ay baka makalimutan niya ang lahat at manatili na lang sa tabi ni Belinda. Hindi ito nakatingin kaya malaya na ulit si Van na titigan si Belinda.Ni hindi na dumako sa isip niya ang tungkol sa hindi siya anak ng kinalakihan niyang ama dahil masyado siyang okupado sa lahat ng mga nangyayare sa buhay niya.“Daddy mo, hindi daddy ko,” malumanay na sambit ni Van.Napanguso si Belinda at hindi nagsalita pagkatapos na sabihin ni Van ang bagay na iyon. Alam na ni Belinda iyon, pero siguro dahil masyadong mabilis kaya hindi pa niya alam kung paano lubos na tatanggapin kung sino ang papa niya.Hindi nagsalita ulit si Belinda at tinuon na lang a
Napahilot si Belinda sa noo niya dahil sa sumasakit na ang ulo niya sa napakaraming trabahong tinanggap niya. Bigla siyang nagsisi na tumanggap siya ng naparaminh trabaho sa linggong iyon. “Mommy! Mommy!” Napasulyap si Belinda sa pintuan ng kwarto niya nang marinig ang boses ng kanyang anak.Narinig pa nito ang pagkatok nito ng mahihina. Napangiti si Belinda at agad na iniwan ang ginagawa sa laptop para lumapit sa pinto. Biglang nawala ang sakit sa ulo ni Belinda nang marinig niya ang anak niya mula sa labas ng kwarto, at ang malambing na tinig ng kanyang anak ay nagbigay ginhawa sa kanyang puso.Binuksan niya ang pinto at nakita ang kanyang anak na si Daviah, na nakayakap sa kanyang paboritong Teddy bear.“How’s my princess? Nag-enjoy ka ba sa lakad niyo nila lola mo?” Naupo si Belinda para magpantay ang tingin nilang dalawa ng kanyang anak habang tinatanong iyon.Pinanood ni Belinda ang pagtango at pagngiti ni Daviah sa kanya.“Yes, Mommy! I enjoyed it! And look! Lolo and Lola boug
Pagdating na pagdating ni Belinda sa kusina, napahinga siya ng malalim. She tried to stop herself thinking about Van again. Hindi niya lang napansin ang pagsunod ng kanyang ina, kaya halos mapatalon siya nang magsalita ito sa likuran niya.“Tulungan na kita sa pagluluto.” Napasulyap si Belinda sa kanyang ina.“Hindi na po, ako na dito.” Belinda insisted, pero hinayaan na lang niya ang kanyang ina nang lumapit ito sa refrigerator at buksan.“Minsan lang tayo magsabay magluto, kaya pagbigyan mo na ako.” Cylvia said at agad na kumuha ng mga sangkap na lulutuin sa refrigerator."Ganito ka sana palagi kung nanatili na lang kayo ni Daviah sa bahay. You know, the house is big, kaya sana mas maganda kung doon na lang din kayo." Lumapit di Cylvia at nilagay ang mga sangkap sa lamesa na kinuha niya sa ref. Bumaba ang tingin ni Belinda roon.Hindi gusto ni Cylvia ang desisyon ni Belinda naa pag-alis gayong mas maigi nga na sa iisang bahat na lang sila, pero wala siyang nagawa dahil ayaw niya n
“P-Pumunta ka dito para humingi ng pera?” matigas at sarkastikong tanong ni Cheska.Tumango ang kanyang ina na animo’y bored pa, para bang wala lang ang pagdaramdam ni Cheska. “Oo, ano pa bang dahilan? Bigyan mo na ako ng pera o kaya humingi ka ng pera sa Buenavista na iyon.” Biglang seryosong ani ng kanyang ina, habang nanlalalim ang titig.Napapikit si Cheska at halos sabunutan ang sarili sa irita. “Hindi kita maintindihan. Anong humingi sa mga Buenavista?” Takang tanong ni Cheska. "Naririnig mo ba ang sarili mo?" Dugtong pa ni Cheska dahil parang subrang laking kahibangan iyon.“Ano? Magmamaang maangan ka? Sabi ko humingi ka ng pera sa mga Buenavista at ibigay sa akin para may pambayad ako sa mga utang ko!” Medyo lumakas pa ang boses ng kanyang ina na animo’y naiirita na rin.Lahat ng kontrol na meron si Cheska ay unti-unting nawawala. Hindi niya alam kung saan nito nalaman ang tungkol sa mga Buenavista, pero hindi na iyon ang mahalaga ngayon. Hindi ito ang tamang oras para sa gan
Chapter 98Madaling-araw pa lang ay gising na si Cheska. Halos hindi niya nilubayan si Nero buong gabi. Ilang beses siyang tumingin sa orasan, binibilang ang mga minutong lumilipas habang pilit niyang pinapakalma ang sarili. Sa labas ng bintana, dahan-dahan nang lumiliwanag ang langit—banayad, tila unti-unting bumubukas ang isang panibagong pahina.Tahimik ang buong ospital. Ang katahimikan na iyon ay mas lalo pang nagpapabigat sa dibdib ni Cheska. Wala siyang marinig kundi ang tik-tak ng orasan. Nakaupo siya sa gilid ng kama ni Nero, marahang hinihimas ang maliit nitong kamay.Nang magising ang kapatid ay agad na ngumiti si Cheska, pilit tinatago ang kaba at pag-aalala.“Wala bang masakit sa’yo?” agad na tanong ni Cheska.Naupo si Nero at umiling.“Wala naman po,” ani nito at saka tumingin sa pinto. “Si Mama po kaya? Hindi po kaya siya pupunta ngayon dito? Hindi na siya bumalik pagkatapos ng araw na pumunta siya dito na may kasamang lalake na may baril,” ani nito.“Nero naman. Araw ng
Chapter 97“Gusto ko lang tanungin kung pinuntahan ka ba ni Mama at tinanong ba niya kung saang ospital naka-confine si Nero.” Mabilis at may halong kaba ang tanong ni Cheska kay Cris.Ilang gabi na siyang hindi makatulog dahil sa pagbisita ng kanyang ina—kasama pa ang lalaking armado. Hindi niya alam kung ito ba’y bunga lang ng matinding stress, bangungot lang ba, o isang panibagong gulo sa buhay nila. Ngunit isang bagay ang sigurado: kahit masama pa rin ang loob niya sa kanyang ina, hindi niya mapigilang mag-alala. Kung may utang ito sa lalaking iyon, baka mapahamak ito. At kung alam ng lalaki kung saan naka-admit si Nero, baka pati sila ay madamay.Sa lahat ng maaaring pagtanungan ng kanyang ina, si Cris lang ang naisip ni Cheska. Si Cris lang kasi ang posibleng may alam tungkol sa kanila. Kaya kahit na hindi pa sila maayos at sariwa pa ang bigat sa pagitan nila, nilakasan ni Cheska ang loob niya para humarap dito.“Bakit? Pumunta siya sa ospital? Hindi ko pa siya nakikita, at hindi
Chapter 96Tumigil sa pag-akyat si Azrael. Nanigas siya sa kinatatayuan, at unti-unting bumigat ang hangin sa paligid nila. Dahan-dahan siyang lumingon, sapat lang para marinig ng lola niya ang bawat salitang bibitiwan niya.“Ano bang sinasabi ninyo?” madiin niyang sabi, boses niya'y punô ng galit na pilit niyang nilulunok. “Ginamit mo talaga ngayon ang kapatid niya bilang panakot sa akin? Para sundin kita? Lola, are you even serious?"Hindi sumagot ang lola niya. Tahimik itong nakatayo sa kinatatayuan at seryosong tumitig lang kay Azrael, Hindi man lang umiwas ng tingin na animoy hindi nag-sisisi sa sinasabi.“He needed a surgery, may sakit iyong bata tapos gagamitin mo lang panakot sa sakin?” mapait na natawa si Azrael, puno ng hindi makapaniwala. “Akala ko you cared about me. Pero ganito? You want to control me so badly, you’re willing to ruin someone else’s life just to get what you want?”“Hindi mo ako naiintindihan—” panimula ng matanda.“Talagang hindi kita maiintindihan kung ga
Chapter 95"I'm sorry, pupuntahan na lang kita sa hospital. Let me just talk to her." Agad na hinalikan ni Azrael si Cheska sa noo at saka sinulyapan ang driver na nasa tabi na ng kotse niya. Napapikit si Cheska at dinama iyon, sinubukang irelaxang sarili sa pamamagitan ng mainit na halik si Azrael sa noo niya."Pakihatid siya, and don't drive recklessly," mariing bilin ni Azrael sa driver, at halatang seryoso siya sa sinabi niya—kaya naman halatang ninerbiyos ang driver sa bigat ng tono nito.Napansin agad iyon ni Cheska kaya agad niyang hinawakan ang kamay ni Azrael para pakalmahin ito. “Sige na. Balik ka na sa taas--condo mo,” aniya sabay ngiti para ipakitang ayos lang siya. “At hindi mo naman kailangang humingi ng sorry. Okay lang naman kung umuwi na muna ako para makapag-usap kayo ng lola mo. Paniguradong nagulat lang siya kasi nasa kwarto mo ako—gayong unang beses niya pa lang akong nakita.” Dagdag pa niya, pilit ipinapakita ang pagiging mahinahon kahit may kirot sa loob dahil hi
Tahimik ang buong paligid. Nilibot ni Cheska ang tingin sa buong kwarto ni Azrael—nasa kwarto na siya nito. Nakaupo siya sa kama habang si Azrael ay naliligo sa bathroom.Dumeretso si Azrael sa hospital pagkatapos ng pag-uusap nila ng lola niya, kaya ngayon pa lang ito nakauwi sa condo niya.Napabuntong-hininga si Cheska nang lumabas si Azrael sa bathroom at agad nagtama ang tingin nila. Napaiwas si Cheska, pero naramdaman niya ang paglubog ng kama sa tabi niya. Dahil doon ay napasulyap na lang ulit si Cheska dito.“Are you really okay?” tanong ni Azrael habang pinupunasan ang buhok gamit ang tuwalya. Mababa ang boses—malamig, pero may halong pag-aalala.Tumango si Cheska. “Oo naman. Okay nga lang—”“Tsk! Tell that to someone who easily believes lies, because baby, I’m not going to buy that.” Hinawakan ni Azrael ang likuran ni Cheska para haplusin. “Looks like you are not really going to tell me why you cried a while ago there, huh?” Malumanay at punong-puno ng lambing na tanong pa ni
Chapter 93Ilang sandali pa ay napapikit na si Cheska ng mariin.Parang hindi na siya nag-isip nang kusa na lang gumalaw ang daliri niya sa search bar — Azrael Ford Villariva-Buenavista. Hindi siya sigurado kung may lalabas, pero dahil alam niyang kilala ito at galing sa prominenteng pamilya, sinubukan na rin niya.Ilang segundo lang, nagpakita agad ang resulta.Napasinghap siya nang lumabas ang larawan ni Azrael — nakaayos, maayos ang postura, eleganteng suot, nakatayo sa harap ng isang malaking gusali na malamang siya mismo ang nagdisenyo.Nag-scroll si Cheska, at sa bawat paggalaw ng daliri niya, mas lalo siyang napapabuntong-hininga. Isang article ang tumama agad sa paningin niya, at hindi na siya nagdalawang-isip na basahin ito:"Azrael Ford Villariva-Buenavista, at just 28 years old, has already achieved so much in life. Even though he was born rich and came from a powerful family, he didn’t rely on that to succeed. Instead, he started from the bottom and worked his way up throug
Chapter 92“Ate, okay ka lang?”Napasulyap si Cheska sa kapatid niyang si Nero na nakaupo sa tapat niya sa hapag-kainan.Kumakain sila ng hapunan, pero malayo ang tingin ni Cheska. Parang wala siya sa sarili habang hawak ang kutsara't tinidor, paulit-ulit lang na sinusundot ang kanin sa pinggan niya pero halos wala siyang naisasubo. Mabigat ang dibdib niya, at hindi niya maalis sa isip ang sagutan nila ni Cris kanina.Sinubukan niyang isa-walang bahala iyon. Palagi naman siyang ganun — matatag, hindi nagpapadala sa emosyon. Pero ngayon, ibang-iba ang tama ng mga salitang binitiwan ni Cris. Diretsahan, walang paligoy, at ang mas masakit, totoo.Mahirap siya. Nabibiling siya sa mahihirap na tao sa mundo, ni halos wala siyang matawag na talagang tahanan dahil nas iskwater area lang naman sila nakatira at malaki ang posibilidad na darating ang panahon na mapaalis sila doon. Samantalang si Azrael… hindi lang mayaman, kundi sobrang yaman. Hindi lang iisa ang bahay nila, kung hindi napakara
Aalis na sana si Cheska, pero agad siyang hinawakan ni Cris para pigilan.“Sorry. Hindi ko lang mapigilang mag-isip kasi ang sabi mo boss mo lang siya tapos biglang makikita ko kayong maghahalikan. Nagulat lang ako—”Inis na tinanggal ni Cheska ang kamay ni Cris sa kamay niya at sarkastiko itong tinignan. “Nagulat ka? Ganyan ka magulat? Paparatangan mo ako ng kung ano-ano? Nandito ako kasi magpapaliwanag ako sa’yo, oo nagulat ka, pero wala kang karapatan na sabihan ako ng kung ano-ano na parang… parang wala akong pinagkaiba sa mga babae sa bar.”Nanigas si Cris. Hindi siya makatingin ng direkta ngayon kay Cheska. Nakasubsob ang tingin nito sa lupa, parang batang nahuli sa kasalanan. Namumutawi talaga sa kanya ang pagsisisi sa mga sinabi nito.“Cheska—”“Nagtrabaho ako doon, pero hindi ako nagbenta ng katawan doon. Nagtrabaho ako doon at nakilala si Azrael, pero hindi ibig sabihin non, sa kanya ko binebenta ang katawan ko. Boss ko siya, pero hindi para ibenta ang katawan ko.” Mariing a