“Kain na tayo!” masiglang declara at halos mapapalakpak sa tuwa si Cheska nang sabihin niya iyon.Nang tuluyang mabigyan ni Cheska ng makakain ang kapatid, naupo na rin siya upang kumain. Ngunit natigilan siya nang maupo si Azrael sa tabi niya. Ramdam niya ang tingin ni Cris kaya medyo umurong siya ng kaunti palayo kay Azrael. Ang hindi niya gustong mangyare ay isipin nito na may namamagutan sa kanila ni Azrael.“Cris, kain ka na. Saka salamat sa pagbisita kay Nero,” nakangiting sabi ni Cheska. Sobrang pasasalamat niya kay Cris dahil alam niyang kailangan din ni Nero ng ibang makakausap bukod sa kanya.“Alam mo namang hindi ko kayang tiisin ang kapatid mo,” simpleng sagot ni Cris, dahilan para mas lalong mapangiti si Cheska.Kukuha na sana si Cheska ng adobo, pero natigilan siya nang lagyan ni Azrael ng hipon ang pinggan niya. Napasulyap siya kay Azrael. Bago pa siya makapagsalita ay naunahan na siya ni Cris, na ngayo’y nakatayo na."Gusto mo bang patayin si Cheska?" Nanlaki ang mata
Mabilis na sinundan ni Cheska si Azrael papalabas at nang mahabol ay sinabayan niya ito sa paglalakad. Gusto sanang magsalita ni Cheska at kausapin ito, pero hindi niya magawa nang makita kung gaano ito kaseryoso.Kinagat ni Cheska ang labi dahil pakiramdam niya may ginawa siyang hindi nito nagustuhan, pero ano naman iyon? Iyon kayang narinig niya? Pero ano namang problema doon? Totoo naman na hindi siya nito liligawan at saka hindi niya ito sasagutin kung sakali. Saka totoo naman na mayaman ito kaya ano bang problema nito at parang hindi maipinta ang mukha sa seryoso?Halos hindi na alam ni Cheska kung ano ang iisipin kaya nang tuluyang makarating sila sa harap ng kotse ni Azrael ay hinarap na niya ito para makausap.“Bakit ba ang seryoso ng mukha—-”“I just call you if I need you. Huwag mo akong tatawagan o itetext, ako ang tatawag kapag kailangan kita,” mabilis na ani nito at saka sumakay sa kotse niya. Napakurap-kurap si Cheska sa narinig at hindi na nagawang makapagsalita hanggan
Chapter 35Tahimik ang buong kwarto. Tahimik si Cheska. Pero sa loob niya, hindi siya mapakali. Gabi na, ngunit hindi pa rin siya makatulog ng matiwasay dahil sa iniisip niya."Hindi niya ako gusto.Hindi ko rin siya gusto.Mas lalong hindi siya nagseselos.Bakit naman iyon magseselos? Wala naman dahilan kasi hindi naman niya ako gusto."Tuloy-tuloy sa isip ni Cheska iyon at parang gusto na lang niyang iuntog ang ulo para matigil na sa pag-iisip.Paulit-ulit niyang sinasabi iyon sa sarili, pero hindi iyon sapat para patahimikin ang mga alaala ng halik ng lalaki kagabi sa kanya, kung paano nito inangkin ang labi na animo'y uhaw na uhaw ito doon. Iyon bang pagdampi ng mga labi nito sa kanya na hindi pilit. Walang sapilitan. Walang usapan—pero naroon ang init. Ang totoo.At lalo siyang nababahala dahil hindi siya nakaramdam ng pagtutol. Wala siyang pagtutol. Imbes na itulak ito, tinanggap niya iyon. Hinayaan niya. At kung nagtagal pa ang halik na iyon, baka... baka hindi lang niya hinaya
Chapter 36Halos mapabalikwas si Cheska sa pagkakahiga nang sa wakas ay nakatanggap siya ng text mula kay Azrael. Alas onse na ng gabi at hindi pa rin siya makatulog tulad ng mga nakaraang gabi. Hindi niya rin inisip na makakatanggap siya ng text gayong ilang gabi na ngang wala siyang natatanggap.Azrael:I need a bodyguard. I'm already here outside of the hospital. Don’t make me fvcking wait.Kumunot ang noo niya sa napakalutong na mura ni Azrael sa text message niyang iyon. Kahit kasi text lang iyon ay parang naririnig niya ang malutong na mura nito."Ano ba kasing problema ng taong 'to? Ilang araw na hindi nagparamdam tapos ngayon mag tetext parang galit pa," mahinang ani ni Cheska sa sarili niya pero umiling lang din naman siya at saka mabilis na nagpalit ng damit.Nakasuot lamang siya ng manipis na puting shirt at shorts nang matanggap ang text kaya’t dali-dali siyang nagsuot ng hoodie at pantalon dahil gaya ng sinabi ni Azrael sa text ay bodyguard lang naman iyon."Kapag ako pin
"Are you deaf? I said drive--" Agad ng pinutol ni Cheska ang sinasabi ni Azrael.“Gusto mo akong mag-drive na ako? Eh kung sana sinasabi mo kung saan ko kayo dadalhin ng babae mo, edi kanina pa sana tayo nakarating,” mariin niyang sabi at saka umayos sa pagkakaupo, tumingin na lang sa harap dahil baka kung ano pang lumabas sa bibig niya na alam niya sa sarili niya na hindi niya magugustuhan.Nagpalitan ng tingin sina Azrael at Veronica sa likod. Isang malamig na tensyon ang bumalot sa loob ng sasakyan.“Is that how you talk to your boss? Azrael? You are letting her talk like that to you? I can't believe this, tauhan mo lang siya. Oo at pinakilala mo siya bilang girlfriend, and yes, aaminin kong naniwala na ako, pero, she is just your fake girlfiend, and she is talking to you that way?” Ani ni Veronica habang umiiling at punong puno ng panlalait para kay Cheska. Umirap pa ito at saka sumandal kay Azrael.Napatawa si Cheska sa inis habang napapailing. Hindi siya makapaniwala—ilang gabi
Chapter 38Nagngingitngit pa rin sa loob ng sasakyan si Cheska. Mariin ang pagkakahawak niya sa manibela. Naiinis siya, hindi lang dahil kay Azrael, kundi pati na rin sa sarili niya. Bakit ganito? Bakit siya naiinis kay Azrael, eh totoo namang tauhan lang siya at wala siyang karapatan na magalit o kung ano man. Wala siyang karapatang makealam kahit naman sino pa ang makaalam ay wala siyang pakealam doon kasi siya iyong tauhan at si Azrael ang boss niya.Ano naman kung may kahalikan ito? Ano naman kung sobrang lamig ng pakikitungo nito? Ano naman? Wala naman dapat siyang pakialam at hindi naman dapat siya naaapektuhan—pero hindi niya mapigilang maapektuhan.Gusto na niyang bumaba at umuwi, pero napapikit siya nang mariin. Hindi. Hindi pwede. Tauhan lang siya ni Azrael, kaya ang dapat niyang gawin ay sundin ang kung anong inuutos nito. Wala siyang karapatang magreklamo o kung ano pa man. Kailangang maging maayos ang trabaho niya kasi para ito sa kapatid niya. Kinagat ni Cheska nang mari
“Wow, look at you. Dedicated bilang bodyguard,” sabay tawa nito nang makalapit sa tabi niya.“Ayaw ko ng away—” Pero bago pa natapos si Cheska sa pagsasalita ay nagsalita na ulit si Veronica habang nilalabas ang lipstick niya sa bag."Ako ba gusto ko ng away? Come on, Cheska, sinasabi ko lang na subrang dedicated na bodyguard ka and that's a compliment huh kaya dapat maging masaya at isipin iyon bilang achievement." Nakangiting ani nto na animo'y subrang sincere ito sa sinsabi na compliment iyon.Binasa ni Cheska ang labi at ayaw ng patulan ito.“Nakatayo lang doon na parang aso, waiting for your boss’ command. Bagay sa'yo,” ani niya at muli siya nitong nginitian na para bang malapit sila sa isa’t isa.Narinig ni Cheska iyon ng maayos. Pero hindi siya kumibo. Hinigpitan lang niya ang hawak sa bag strap niya. Hindi siya magpapakita ng kahinaan.“Nasaan iyong tapang na pinakita mo noon? Napahiya ka, no? You didn’t expect na sasabihin ni Azrael sa akin ang tungkol sa pagpapanggap mo, na
Habang nakaupo si Cheska sa mas madilim na bahagi ng bar, hawak pa rin ang baso ng alak, isang lalaking hindi pamilyar ang lumapit sa kanya. Matangkad, maputi, at mukhang may kaya rin sa buhay. May suot itong branded na relo at ang aura nito ay parang isa sa mga lalaking sanay sa atensyon. Tila ba nakita na niya ito noon—siguro sa isa sa mga lugar na pinuntahan nila ni Azrael—pero hindi niya maalala kung saan.Napaayos siya sa pagkakaupo at hindi ito pinansin, lalo na nang naupo ito sa tabi niya na parang close na sila. Nakangiti pa nga ito sa kanya kaya napatingin siya sa suot niya. Kumpara sa mga suot ng ibang babae na naroon, masyadong nakakapagtaka na lumapit ito sa kanya.At nang itaas ng lalaki ang kamay, tila ba para na itong magpapakilala sa kanya, ay napakurap-kurap si Cheska.“I’m—” Hindi nito natapos ang sasabihin nang may magsalita sa gilid nila.“Let’s go,” malamig at matalim ang boses na dumaan sa tenga ni Cheska. Kahit hindi tumingin ay kilala niya kung sino iyon. Paimp
Chapter 96Tumigil sa pag-akyat si Azrael. Nanigas siya sa kinatatayuan, at unti-unting bumigat ang hangin sa paligid nila. Dahan-dahan siyang lumingon, sapat lang para marinig ng lola niya ang bawat salitang bibitiwan niya.“Ano bang sinasabi ninyo?” madiin niyang sabi, boses niya'y punô ng galit na pilit niyang nilulunok. “Ginamit mo talaga ngayon ang kapatid niya bilang panakot sa akin? Para sundin kita? Lola, are you even serious?"Hindi sumagot ang lola niya. Tahimik itong nakatayo sa kinatatayuan at seryosong tumitig lang kay Azrael, Hindi man lang umiwas ng tingin na animoy hindi nag-sisisi sa sinasabi.“He needed a surgery, may sakit iyong bata tapos gagamitin mo lang panakot sa sakin?” mapait na natawa si Azrael, puno ng hindi makapaniwala. “Akala ko you cared about me. Pero ganito? You want to control me so badly, you’re willing to ruin someone else’s life just to get what you want?”“Hindi mo ako naiintindihan—” panimula ng matanda.“Talagang hindi kita maiintindihan kung g
Chapter 95"I'm sorry, pupuntahan na lang kita sa hospital. Let me just talk to her." Agad na hinalikan ni Azrael si Cheska sa noo at saka sinulyapan ang driver na nasa tabi na ng kotse niya. Napapikit si Cheska at dinama iyon, sinubukang irelaxang sarili sa pamamagitan ng mainit na halik si Azrael sa noo niya."Pakihatid siya, and don't drive recklessly," mariing bilin ni Azrael sa driver, at halatang seryoso siya sa sinabi niya—kaya naman halatang ninerbiyos ang driver sa bigat ng tono nito.Napansin agad iyon ni Cheska kaya agad niyang hinawakan ang kamay ni Azrael para pakalmahin ito. “Sige na. Balik ka na sa taas--condo mo,” aniya sabay ngiti para ipakitang ayos lang siya. “At hindi mo naman kailangang humingi ng sorry. Okay lang naman kung umuwi na muna ako para makapag-usap kayo ng lola mo. Paniguradong nagulat lang siya kasi nasa kwarto mo ako—gayong unang beses niya pa lang akong nakita.” Dagdag pa niya, pilit ipinapakita ang pagiging mahinahon kahit may kirot sa loob dahil h
Tahimik ang buong paligid. Nilibot ni Cheska ang tingin sa buong kwarto ni Azrael—nasa kwarto na siya nito. Nakaupo siya sa kama habang si Azrael ay naliligo sa bathroom.Dumeretso si Azrael sa hospital pagkatapos ng pag-uusap nila ng lola niya, kaya ngayon pa lang ito nakauwi sa condo niya.Napabuntong-hininga si Cheska nang lumabas si Azrael sa bathroom at agad nagtama ang tingin nila. Napaiwas si Cheska, pero naramdaman niya ang paglubog ng kama sa tabi niya. Dahil doon ay napasulyap na lang ulit si Cheska dito.“Are you really okay?” tanong ni Azrael habang pinupunasan ang buhok gamit ang tuwalya. Mababa ang boses—malamig, pero may halong pag-aalala.Tumango si Cheska. “Oo naman. Okay nga lang—”“Tsk! Tell that to someone who easily believes lies, because baby, I’m not going to buy that.” Hinawakan ni Azrael ang likuran ni Cheska para haplusin. “Looks like you are not really going to tell me why you cried a while ago there, huh?” Malumanay at punong-puno ng lambing na tanong pa ni
Chapter 93Ilang sandali pa ay napapikit na si Cheska ng mariin.Parang hindi na siya nag-isip nang kusa na lang gumalaw ang daliri niya sa search bar — Azrael Ford Villariva-Buenavista. Hindi siya sigurado kung may lalabas, pero dahil alam niyang kilala ito at galing sa prominenteng pamilya, sinubukan na rin niya.Ilang segundo lang, nagpakita agad ang resulta.Napasinghap siya nang lumabas ang larawan ni Azrael — nakaayos, maayos ang postura, eleganteng suot, nakatayo sa harap ng isang malaking gusali na malamang siya mismo ang nagdisenyo.Nag-scroll si Cheska, at sa bawat paggalaw ng daliri niya, mas lalo siyang napapabuntong-hininga. Isang article ang tumama agad sa paningin niya, at hindi na siya nagdalawang-isip na basahin ito:"Azrael Ford Villariva-Buenavista, at just 28 years old, has already achieved so much in life. Even though he was born rich and came from a powerful family, he didn’t rely on that to succeed. Instead, he started from the bottom and worked his way up throug
Chapter 92“Ate, okay ka lang?”Napasulyap si Cheska sa kapatid niyang si Nero na nakaupo sa tapat niya sa hapag-kainan.Kumakain sila ng hapunan, pero malayo ang tingin ni Cheska. Parang wala siya sa sarili habang hawak ang kutsara't tinidor, paulit-ulit lang na sinusundot ang kanin sa pinggan niya pero halos wala siyang naisasubo. Mabigat ang dibdib niya, at hindi niya maalis sa isip ang sagutan nila ni Cris kanina.Sinubukan niyang isa-walang bahala iyon. Palagi naman siyang ganun — matatag, hindi nagpapadala sa emosyon. Pero ngayon, ibang-iba ang tama ng mga salitang binitiwan ni Cris. Diretsahan, walang paligoy, at ang mas masakit, totoo.Mahirap siya. Nabibiling siya sa mahihirap na tao sa mundo, ni halos wala siyang matawag na talagang tahanan dahil nas iskwater area lang naman sila nakatira at malaki ang posibilidad na darating ang panahon na mapaalis sila doon. Samantalang si Azrael… hindi lang mayaman, kundi sobrang yaman. Hindi lang iisa ang bahay nila, kung hindi napakara
Aalis na sana si Cheska, pero agad siyang hinawakan ni Cris para pigilan.“Sorry. Hindi ko lang mapigilang mag-isip kasi ang sabi mo boss mo lang siya tapos biglang makikita ko kayong maghahalikan. Nagulat lang ako—”Inis na tinanggal ni Cheska ang kamay ni Cris sa kamay niya at sarkastiko itong tinignan. “Nagulat ka? Ganyan ka magulat? Paparatangan mo ako ng kung ano-ano? Nandito ako kasi magpapaliwanag ako sa’yo, oo nagulat ka, pero wala kang karapatan na sabihan ako ng kung ano-ano na parang… parang wala akong pinagkaiba sa mga babae sa bar.”Nanigas si Cris. Hindi siya makatingin ng direkta ngayon kay Cheska. Nakasubsob ang tingin nito sa lupa, parang batang nahuli sa kasalanan. Namumutawi talaga sa kanya ang pagsisisi sa mga sinabi nito.“Cheska—”“Nagtrabaho ako doon, pero hindi ako nagbenta ng katawan doon. Nagtrabaho ako doon at nakilala si Azrael, pero hindi ibig sabihin non, sa kanya ko binebenta ang katawan ko. Boss ko siya, pero hindi para ibenta ang katawan ko.” Mariing a
Chapter 90Huminga nang malalim si Cheska bago dahan-dahang binuksan ang pinto ng hospital room. Kaibigan niya si Cris, oo—isa sa mga taong pinakamalapit sa kanya mula pagkabata. Pero sa pagkakataong ito, hindi niya maiwasang umasa na sana, kahit minsan lang, wala ito roon.Kahit alam niyang mali. Kahit alam niyang unfair.Pero hindi niya kayang harapin si Cris ngayon, hindi pa—lalo na pagkatapos ng nangyari kanina Pagbukas ng pinto, saglit siyang napatigil sa paghinga, para bang nais niyang ihanda ang sarili kung sakaling nandoon si Cris. Ngingiti na sana siya dahil hindi niya nakita si Cris at si Nero lang ang nandoon—mahimbing ang tulog at tila tahimik ang buong silid—pero…“Mag-usap tayo.”Kahit hindi tumingin, alam na ni Cheska kung sino iyon.“Cris…” Mahina ang pagkakabanggit niya sa pangalan nito. Bahagya siyang lumingon, at doon niya nakita si Cris na nakatayo sa sulok ng silid, nakasandal sa dingding, halos natatabunan ng anino. Parang kanina pa ito nandoon, naghihintay. Tahim
Chapter 89“Lola?” ani Azrael, and his voice turned unusually soft when he answered the call. May kakaibang lambing sa boses niya, isang tonong bihirang-bihira marinig mula sa isang tulad niyang laging kontrolado at malamig ang dating. But even as he spoke, he put the call on loudspeaker para lang muling hawakan ang kamay ni Cheska.Nakagat ni Cheska ang labi. Gusto sana niyang hilahin palayo ang kamay niya. Hindi dahil ayaw niyang mahawakan ito—kundi dahil para makapag drive ito ng maayos habang kausap ang lola nito. Gusto niya rin sabihin na huwag muna siyang hawakan nito, pero hindi naman magawa lalo na at baka maka istorbo siya sa usapan nilang mag lola ngayon.“Where are you? I went to your office tapos wala ka. Kailan ka pa umaabsent sa trabaho mo? Ilang buwan lang akong nagbakasyon, tapos nagkakaganito ka na? What behaviour is that, Azrael Ford Buenavista?” Malinaw at galit na galit ang boses sa kabilang linya.Napakagat lalo si Cheska sa labi. Napanguso siya, pilit pinipigilan
Chapter 88Kinagat ni Cheka ang labi. Gulat siya sa sinabi ni Cris, pero hindi naman pwedeng hayaan niya na lang si Azrael. Tinanggal ni Cheska ang kamay ni Cris sa kamay niya at saka tinignan si Nero.“Aalis lang si Ate, okay lang ba?” Tanong ni Cheska.Pagkalabas niya sa kwarto, mabilis ang lakad niya, halos hindi humihinga habang binabaybay ang hallway. Naglalaban sa loob niya ang kaba, guilt, at pag-aalala. Pero nang makita niya si Azrael, bigla siyang natigilan.Nakatayo ito sa tabi ng kotse, nakasandal, habang nakatingin sa kawalan. Ang mga kamay nito ay nakalagay sa bulsa, at bahagyang nakakunot ang noo—mukhang malalim ang nasa isip nito. Dahil doon, ang mabilis na paglalakad ay bilang naging mabagal habang nakatitig kay Azrael.Hindi rin nakaligtas sa mga mata niya ang mga matang nakagtingin kay Azrael. Kahit na nakatayo lang ay pansin na pansin talaga ang pustura niya. Siya iyong tipo na kaht walang gawin, marami na agad ang papapit dito at magpapakilala sa sarili nila, ganoon