Napatigil siya. Tahimik. Seryoso ang boses. Seryoso ang mukha. Wala na ang pilyong ngiti. Nakatitig lang si Azrael sa kanya—diretso, walang iwas. Kaya namutla bigla ang mga salitang gusto sanang ilabas ni Cheska. Parang may pumisil sa dibdib niya.“But I want to kiss you, only you this time,” mariing ani ni Azrael.Parang tumigil ang oras para kay Cheska. Lahat ng ingay sa paligid niya ay nawala. Ang naririnig lang niya ay ang tibok ng puso niya at ang tinig ni Azrael na tila dumiretso sa puso niya at hindi sa tenga. Napalunok siya, pero hindi siya kumibo. Hindi niya alam kung alin sa mga nararamdaman niya ang dapat unahin—galit, takot, o ‘yung matagal na niyang pilit itinatanggi na nararamdaman niya para sa lalaking nasa harapan niya ngayon.Masyado syang nagulat sa mga sinabi ni Azrael at hindi niya alam kung dapat ba niya iyong paniwalaan o ano.Isang hakbang lang ang pagitan nila. Isang hakbang na pwedeng burahin at itawid ng kahit sinong may lakas ng loob. At si Azrael—walang pag
Tahimik si Cheska habang nagluluto. Halos hindi niya magawa ang huminga ng malalim. Ilang beses na siyang napapahawak sa pisngi niyang alam niyang namumula dahil sa sobrang init ng pakiramdam niya sa mukha. Hindi niya alam kung dahil ba 'yun sa kalan o sa... nangyari kanina.Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyare at lalo na sa inaasta niya mismo.Hindi niya makalimutan ang biglaan, marahas ngunit sabay rin na banayad na halik ni Azrael. Gulong-gulo pa rin siya sa sarili niya—at hindi lang dahil doon. Pati na rin sa kung paano siya tumugon, kung paano siya... napalapit at hinayaan ito na halikan siya ng ganoon kalalim. Sa isang taong hindi naman niya karelasyon dahil peke lang naman ang namamagitan sa kanila.Humigpit ang hawak ni Cheska sa sandok.Naririnig niya ang bawat tik-tak ng wall clock, parang ang lakas-lakas. Samantalang si Azrael—nakaupo lang sa gilid ng countertop, nakasandal, nakangiti, at... pinapanood siya. At dahil nga sa pinapanood siya nito,
Binuka ni Cheska ang labi, handang magsalita ulit—siguro para kontrahin siya, siguro para lang mapanatili ang kaunting distansya sa pagitan nila. Pero sa huli, isang mahabang buntong-hininga na lang ang pinakawalan niya. Tinitigan niya si Azrael, hindi gumalaw, hindi rin siya gumawa ng anumang hakbang para paalisin ito sa pagkakahiga sa kanyang hita.Alam naman kasi talaga ni Cheska na pagod na ito, kahit sino ay mapapagod pagkatapos ng nangyari kanina. Ni hindi nga naisip ni Cheska na hanggang ngayon ay gising pa ito gayong kanina pa niya nakikita ang pagod sa mata niya at gusto ng magpahiga.Hinigit ni Cheska ang paghinga at sinubukang sumulyap na lang sa ibang direksyon, pilit pinipigilan ang anumang emosyong bumabalot sa dibdib niya. Sinisubukang huwag mag-isip at hayaan na lang ito sa pwesto nito.Pero ilang sandali, kinagat ni Cheska ang labi at hindi mapigilan ang mapatitig ulit dito. Nakapikit na, pero hindi matukoy ni Cheska kung tulog na ba ito o ano.Napatingin siya sa mukh
“Get a day off today. Spend time with your girlfriend! Hindi ka naman kailangan sa kompanya kaya–”“Kailangan ako sa kompanya, Ma. I’m the boss–”“Come on! Hindi ikakabagsak ng kompanya ang isang day off ng boss!”Naalimpungatan si Cheska nang makarinig ng pag-uusap at pagtatalo sa kung saan.Mabigat ang talukap ng mga mata niya habang dahan-dahan itong iminulat. Ang una niyang napansin ay ang malambot na kutson ng sofa sa ilalim ng kanyang likod. May kumot na nakabalot sa kanya, at may unan sa ilalim ng ulo niya.Kumunot ang noo ni Cheska. Hindi niya maalala kung kailan siya nahiga nang maayos doon, pero masarap ang pakiramdam ng init ng kumot—parang may sumilong na yakap sa buong katawan niya. Sinalubong din siya ng mahinang aroma ng nilulutong pagkain—bawang na piniprito, longganisang medyo nanunuyot na sa kawali, at ang pinong halimuyak ng piniritong itlog. Lahat ng iyon ay humaplos sa kanyang ilong, tila inaakay siya na bumangon na.Napaupo siya, marahang itinulak ang kumot at na
Napasulyap si Cheska kay Azrael, and Azrael just sighed. Biglang lumambot ang tingin nito at hindi tulad kanina na halos umigting na ang panga.“I’m really happy na nandito ka ngayon para sa anak ko,” masayang ani Daviah habang hindi pa rin binibitawan si Cheska. “Nandito sana ako para pagalitan siya. Pasensya ka na sa anak ko, ha. Nalaman ko kasing puro trabaho ang inaatupag nitong mga nakaraang araw. Hindi man lang siya makapaglaan ng oras para sayo. Sana hindi ka magsawa sa kanya.”Napatingin si Azrael sa ina, agad na sumabat, “Saan mo ba kasi nalaman yan, Ma? I told you, napag-usapan na namin ng girlfriend ko na kapag tungkol sa trabaho ay ayos lang kung—”“No way! Ayos lang? I told you, magsasawa siya kapag palagi kang busy sa trabaho!” Pagalit na ani ng kanyang ina kaya napahawak sa batok si Azrael.“She won’t. Hindi siya magsasawa sa akin and I am making my way para magkasama naman kami—and you don’t need to meddle in our relationship, Ma.” Mahinahong sagot ni Azrael, ngunit bu
"Kamusta po ang kapatid ko, Doc? Okay lang naman po siya, hindi ba? Matagal na din po kasi kami rito at palaging na dedelay ang operasyon ng kapatid ko. Medyo nag-aalala na rin po kasi ako at ang laki na ng bill namin dito. Nagmukha na ngang hotel itong hospital para sa amin ng kapatid ko kaya gustong gusto ko na pong malaman kung bumubuti na po ang lagay ko." Tuloy tuloy na tanong ni Cheska dahil nabalitaan niyang tapos na ang panibagong test na ginawa nila sa kapatid niya.Ngumiti ang doctor bago sumagot,“Bumubuti ang lagay ng kapatid mo, so we are really happy to say that we are going to schedule the operation for him next month, first week.”Nagliwanag ang mukha ni Cheska sa narinig mula sa doctor. Hindi ito iyong tita ni Azrael dahil naka-leave daw ito—kaya’t iba ang naka-assign na doktor na sumuri at dumalo sa kapatid niya ngayon. Ngunit kahit iba ang kausap niya, dala pa rin ng balitang iyon ang matinding ginhawa at pag-asa.“And na-inform na din namin si Dr. Villariva. We su
“Huwag ka kasi mag-alala. Kaya ko ang sarili ko, at mabait naman iyong boss kong iyon kahit medyo bugnutin. Kaya relax ka lang diyan."Ngumiti si Cheska pagkatapos sabihin iyon. Naiintindihan naman ni Cheska kung bakit nag-aalala ang kaibigan. Hindi rin naman ito ang unang beses na subra ang pag-aalala ng kaibigan dahil sa lalake.Bumuntong-hininga si Cris, halatang napapaisip.“Kaya kumain na lang tayo nito. Sayang din, at saka para kang tanga magtampo—Shit!”Napasinghap si Cheska nang maramdaman ang malamig at malagkit na icing ng yema cake sa pisngi niya. Napapikit siya sa gulat, halos hindi makapaniwalang pinahiran din siya ni Cris ng yema cake sa mukha, gaya ng ginawa niya. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata, naglalagablab ang titig, at unti-unting inangat ang ulo papunta kay Cris.Nakita niya itong may mahinang tawa habang hawak pa ang daliring may natirang icing, kitang-kita ang kalokohan sa mukha. Parang batang nakaiskor ng kalokohan.“Cris...” seryoso ang boses niya, m
Paglabas ni Cheska ng pinto ay agad siyang luminga sa magkabilang direksyon ng hallway, hinahanap ang pamilyar na porma ni Azrael. Mabilis ang pintig ng puso niya—hindi niya alam kung dahil ba sa kaba, inis, o… baka pareho, ewan, pati siya ay talagang nagugulugan sa nararamdaman. Kaso sa magkabilang dereksyon iyon ay wala siyang nakitang Azrael.“Ang bilis naman niya?” bulong ni Cheska sa sarili, bitbit ang iritang hindi niya maipaliwanag.Napahawak na lang si Cheska sa sintido. Dalawa ang elevator doon at sa dalawang hallway din ang daan kaya hindi niya alam kung alin sa dalawa ang sinakyan ni Azrael o tinungo nito.“Dito na nga lang!” Inis na ani Cheska sa sarili. Bahagyang nabunutan siya ng tinik nang makita niya ang pamilyar na likod nito—nakatayo, nakaharap sa elevator, at tila malapit nang sumakay. Mabilis ang lakad ni Azrael at may mga bumating nurse pa nga dito, dahil nga kilala ito doon, pero wala man lang itong pakealam o pinansin man lang. Diretso lang. Walang tingin. Walan
“P-Pumunta ka dito para humingi ng pera?” matigas at sarkastikong tanong ni Cheska.Tumango ang kanyang ina na animo’y bored pa, para bang wala lang ang pagdaramdam ni Cheska. “Oo, ano pa bang dahilan? Bigyan mo na ako ng pera o kaya humingi ka ng pera sa Buenavista na iyon.” Biglang seryosong ani ng kanyang ina, habang nanlalalim ang titig.Napapikit si Cheska at halos sabunutan ang sarili sa irita. “Hindi kita maintindihan. Anong humingi sa mga Buenavista?” Takang tanong ni Cheska. "Naririnig mo ba ang sarili mo?" Dugtong pa ni Cheska dahil parang subrang laking kahibangan iyon.“Ano? Magmamaang maangan ka? Sabi ko humingi ka ng pera sa mga Buenavista at ibigay sa akin para may pambayad ako sa mga utang ko!” Medyo lumakas pa ang boses ng kanyang ina na animo’y naiirita na rin.Lahat ng kontrol na meron si Cheska ay unti-unting nawawala. Hindi niya alam kung saan nito nalaman ang tungkol sa mga Buenavista, pero hindi na iyon ang mahalaga ngayon. Hindi ito ang tamang oras para sa gan
Chapter 98Madaling-araw pa lang ay gising na si Cheska. Halos hindi niya nilubayan si Nero buong gabi. Ilang beses siyang tumingin sa orasan, binibilang ang mga minutong lumilipas habang pilit niyang pinapakalma ang sarili. Sa labas ng bintana, dahan-dahan nang lumiliwanag ang langit—banayad, tila unti-unting bumubukas ang isang panibagong pahina.Tahimik ang buong ospital. Ang katahimikan na iyon ay mas lalo pang nagpapabigat sa dibdib ni Cheska. Wala siyang marinig kundi ang tik-tak ng orasan. Nakaupo siya sa gilid ng kama ni Nero, marahang hinihimas ang maliit nitong kamay.Nang magising ang kapatid ay agad na ngumiti si Cheska, pilit tinatago ang kaba at pag-aalala.“Wala bang masakit sa’yo?” agad na tanong ni Cheska.Naupo si Nero at umiling.“Wala naman po,” ani nito at saka tumingin sa pinto. “Si Mama po kaya? Hindi po kaya siya pupunta ngayon dito? Hindi na siya bumalik pagkatapos ng araw na pumunta siya dito na may kasamang lalake na may baril,” ani nito.“Nero naman. Araw ng
Chapter 97“Gusto ko lang tanungin kung pinuntahan ka ba ni Mama at tinanong ba niya kung saang ospital naka-confine si Nero.” Mabilis at may halong kaba ang tanong ni Cheska kay Cris.Ilang gabi na siyang hindi makatulog dahil sa pagbisita ng kanyang ina—kasama pa ang lalaking armado. Hindi niya alam kung ito ba’y bunga lang ng matinding stress, bangungot lang ba, o isang panibagong gulo sa buhay nila. Ngunit isang bagay ang sigurado: kahit masama pa rin ang loob niya sa kanyang ina, hindi niya mapigilang mag-alala. Kung may utang ito sa lalaking iyon, baka mapahamak ito. At kung alam ng lalaki kung saan naka-admit si Nero, baka pati sila ay madamay.Sa lahat ng maaaring pagtanungan ng kanyang ina, si Cris lang ang naisip ni Cheska. Si Cris lang kasi ang posibleng may alam tungkol sa kanila. Kaya kahit na hindi pa sila maayos at sariwa pa ang bigat sa pagitan nila, nilakasan ni Cheska ang loob niya para humarap dito.“Bakit? Pumunta siya sa ospital? Hindi ko pa siya nakikita, at hindi
Chapter 96Tumigil sa pag-akyat si Azrael. Nanigas siya sa kinatatayuan, at unti-unting bumigat ang hangin sa paligid nila. Dahan-dahan siyang lumingon, sapat lang para marinig ng lola niya ang bawat salitang bibitiwan niya.“Ano bang sinasabi ninyo?” madiin niyang sabi, boses niya'y punô ng galit na pilit niyang nilulunok. “Ginamit mo talaga ngayon ang kapatid niya bilang panakot sa akin? Para sundin kita? Lola, are you even serious?"Hindi sumagot ang lola niya. Tahimik itong nakatayo sa kinatatayuan at seryosong tumitig lang kay Azrael, Hindi man lang umiwas ng tingin na animoy hindi nag-sisisi sa sinasabi.“He needed a surgery, may sakit iyong bata tapos gagamitin mo lang panakot sa sakin?” mapait na natawa si Azrael, puno ng hindi makapaniwala. “Akala ko you cared about me. Pero ganito? You want to control me so badly, you’re willing to ruin someone else’s life just to get what you want?”“Hindi mo ako naiintindihan—” panimula ng matanda.“Talagang hindi kita maiintindihan kung ga
Chapter 95"I'm sorry, pupuntahan na lang kita sa hospital. Let me just talk to her." Agad na hinalikan ni Azrael si Cheska sa noo at saka sinulyapan ang driver na nasa tabi na ng kotse niya. Napapikit si Cheska at dinama iyon, sinubukang irelaxang sarili sa pamamagitan ng mainit na halik si Azrael sa noo niya."Pakihatid siya, and don't drive recklessly," mariing bilin ni Azrael sa driver, at halatang seryoso siya sa sinabi niya—kaya naman halatang ninerbiyos ang driver sa bigat ng tono nito.Napansin agad iyon ni Cheska kaya agad niyang hinawakan ang kamay ni Azrael para pakalmahin ito. “Sige na. Balik ka na sa taas--condo mo,” aniya sabay ngiti para ipakitang ayos lang siya. “At hindi mo naman kailangang humingi ng sorry. Okay lang naman kung umuwi na muna ako para makapag-usap kayo ng lola mo. Paniguradong nagulat lang siya kasi nasa kwarto mo ako—gayong unang beses niya pa lang akong nakita.” Dagdag pa niya, pilit ipinapakita ang pagiging mahinahon kahit may kirot sa loob dahil hi
Tahimik ang buong paligid. Nilibot ni Cheska ang tingin sa buong kwarto ni Azrael—nasa kwarto na siya nito. Nakaupo siya sa kama habang si Azrael ay naliligo sa bathroom.Dumeretso si Azrael sa hospital pagkatapos ng pag-uusap nila ng lola niya, kaya ngayon pa lang ito nakauwi sa condo niya.Napabuntong-hininga si Cheska nang lumabas si Azrael sa bathroom at agad nagtama ang tingin nila. Napaiwas si Cheska, pero naramdaman niya ang paglubog ng kama sa tabi niya. Dahil doon ay napasulyap na lang ulit si Cheska dito.“Are you really okay?” tanong ni Azrael habang pinupunasan ang buhok gamit ang tuwalya. Mababa ang boses—malamig, pero may halong pag-aalala.Tumango si Cheska. “Oo naman. Okay nga lang—”“Tsk! Tell that to someone who easily believes lies, because baby, I’m not going to buy that.” Hinawakan ni Azrael ang likuran ni Cheska para haplusin. “Looks like you are not really going to tell me why you cried a while ago there, huh?” Malumanay at punong-puno ng lambing na tanong pa ni
Chapter 93Ilang sandali pa ay napapikit na si Cheska ng mariin.Parang hindi na siya nag-isip nang kusa na lang gumalaw ang daliri niya sa search bar — Azrael Ford Villariva-Buenavista. Hindi siya sigurado kung may lalabas, pero dahil alam niyang kilala ito at galing sa prominenteng pamilya, sinubukan na rin niya.Ilang segundo lang, nagpakita agad ang resulta.Napasinghap siya nang lumabas ang larawan ni Azrael — nakaayos, maayos ang postura, eleganteng suot, nakatayo sa harap ng isang malaking gusali na malamang siya mismo ang nagdisenyo.Nag-scroll si Cheska, at sa bawat paggalaw ng daliri niya, mas lalo siyang napapabuntong-hininga. Isang article ang tumama agad sa paningin niya, at hindi na siya nagdalawang-isip na basahin ito:"Azrael Ford Villariva-Buenavista, at just 28 years old, has already achieved so much in life. Even though he was born rich and came from a powerful family, he didn’t rely on that to succeed. Instead, he started from the bottom and worked his way up throug
Chapter 92“Ate, okay ka lang?”Napasulyap si Cheska sa kapatid niyang si Nero na nakaupo sa tapat niya sa hapag-kainan.Kumakain sila ng hapunan, pero malayo ang tingin ni Cheska. Parang wala siya sa sarili habang hawak ang kutsara't tinidor, paulit-ulit lang na sinusundot ang kanin sa pinggan niya pero halos wala siyang naisasubo. Mabigat ang dibdib niya, at hindi niya maalis sa isip ang sagutan nila ni Cris kanina.Sinubukan niyang isa-walang bahala iyon. Palagi naman siyang ganun — matatag, hindi nagpapadala sa emosyon. Pero ngayon, ibang-iba ang tama ng mga salitang binitiwan ni Cris. Diretsahan, walang paligoy, at ang mas masakit, totoo.Mahirap siya. Nabibiling siya sa mahihirap na tao sa mundo, ni halos wala siyang matawag na talagang tahanan dahil nas iskwater area lang naman sila nakatira at malaki ang posibilidad na darating ang panahon na mapaalis sila doon. Samantalang si Azrael… hindi lang mayaman, kundi sobrang yaman. Hindi lang iisa ang bahay nila, kung hindi napakara
Aalis na sana si Cheska, pero agad siyang hinawakan ni Cris para pigilan.“Sorry. Hindi ko lang mapigilang mag-isip kasi ang sabi mo boss mo lang siya tapos biglang makikita ko kayong maghahalikan. Nagulat lang ako—”Inis na tinanggal ni Cheska ang kamay ni Cris sa kamay niya at sarkastiko itong tinignan. “Nagulat ka? Ganyan ka magulat? Paparatangan mo ako ng kung ano-ano? Nandito ako kasi magpapaliwanag ako sa’yo, oo nagulat ka, pero wala kang karapatan na sabihan ako ng kung ano-ano na parang… parang wala akong pinagkaiba sa mga babae sa bar.”Nanigas si Cris. Hindi siya makatingin ng direkta ngayon kay Cheska. Nakasubsob ang tingin nito sa lupa, parang batang nahuli sa kasalanan. Namumutawi talaga sa kanya ang pagsisisi sa mga sinabi nito.“Cheska—”“Nagtrabaho ako doon, pero hindi ako nagbenta ng katawan doon. Nagtrabaho ako doon at nakilala si Azrael, pero hindi ibig sabihin non, sa kanya ko binebenta ang katawan ko. Boss ko siya, pero hindi para ibenta ang katawan ko.” Mariing a