Diba? May alam na ba kayo kung sino siya? Haahaha comment kayo at lahat ng mag cocomment, isha-shout out ko sa next chapter. Thank you ng marami excited na ako sa dalawang ito.
Ramdam niya ang tumitibay na galit sa dibdib niya, pero ang mas nangingibabaw ay ang takot na wala siyang ibang pupuntahan."Can you just shut up---""I'm not going to shut up, unless you let me stay here!" Pabalik na ani ng Babae at hindi pa niya pinatapos si Lorenzo sa sasabihin.“Shit! Fvcking shit this life!” Sigaw na ni Lorenzo, halos mag-init na ang tenga sa inis. Hinampas niya ang mesa sa gilid, at ilang gamit doon ang gumalaw sa lakas ng bagsak.“Fvcking shit ka rin! Wala kang awa! Wala nga akong pupuntahan! Aalis naman ako kapag may naalala na ako! Ayokong isugal ang buhay ko at umalis dito tapos mamaya makasalubong ko ang mga taong gustong pumatay sa akin tapos hindi ko man lang alam!” halos sunod-sunod ang litanya ng babae, puno pa rin ng takot at galit.Binuka ni Lorenzo ang labi para magsalita pa, pero nang makita niyang hindi nagpapatalo ang babae—na mas lalo pang humigpit ang titig at nakataas pa ang baba—ay mas lalo lamang sumiklab ang dugo niya. Imbis na magsalita ay i
Chapter 4Tulala ang babae nang marinig ang sinabi ng dalawang matandang nagdala sa kanya sa lugar kung nasaan siya ngayon. Kahit pagkatapos ng lahat ng sinabi nila ay talagang hindi pa rin magawang maalala ng babae kung sino siya at kung anong dahilan kung bakit siya nabaril.Wala siyang maalala kahit ano, kahit ang sariling pangalan niya. Sa kabila ng lahat ng paliwanag, pakiramdam niya ay isa pa rin siyang estranghera sa sarili niyang balat.Napatingin siya sa paligid—sa lumang silid na kinaroroonan niya, may mga antigong kasangkapang kahoy ngunit malinis at maaliwalas. Mababango ang kurtina at bagong palit. Ang lamig ng hangin mula sa bintana ay nagpaparamdam ng kaunting ginhawa sa kanyang balisa.“Now, you heard what you wanted to hear, umalis ka na ngayon din,” mabilis na ani ni Lorenzo habang prenteng nakaupo sa sofa.Nakasuot ito ng puting sando at maong na pantalon, pero kahit simple ang suot ay halatang mabagsik sa kilos. Hindi man lang siya tumingin sa babae, para bang sapat
Ngunit natigilan siya nang bigla siyang tignan ng lalaki—isang tinging malamig, matalim, at punong-puno ng galit. Kitang kita ng babae kung paano siya nito tinitigan—parang may mabigat na hinanakit o galit na hindi naman dapat para sa kanya. Matalim ang tingin nito, parang sinisisi siya sa lahat ng nangyayari, kahit na siya mismo ay walang maalala.“Can you shut up!” mariing singhal ni Lorenzo, matalim at puno ng iritasyon ang boses nito. Ang bawat salita niya’y parang sibat na tumatagos sa hangin ng kwarto.“Nagtatanong lang naman ako—” Mahina ngunit may halong pangangatwiran na tugon ng babae, halos pabulong, pero halatang nabigla sa biglang pagsabog ng lalaki. Hindi niya alam kung anong nagawa niyang mali.“And you are asking too much! Why are you even asking too much? Ikaw ang makakasagot ng tanong mo at hindi ako! I don’t even know you! I was just kind enough to let you stay here even though you’re just a woman from nowhere! Naiirita na nga ako dahil nandito ka tapos tanong ka pa
Chapter 2Napahawak ang babae sa ulo niya nang magmulat siya ng mata. The light was really making her dizzy, parang umaalon ang paligid, and she needed to adjust first before she opened her eyes again.Pakiramdam niya ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig habang gumigising sa isang bangungot. She saw the unfamiliar ceiling—isang kisame na gawa sa dark wood, may kaunting alikabok sa gilid ngunit malinis at maayos tingnan. The room may be old, pero halatang pinananatiling elegante at malinis ito“Aray!” Daing niya na lang nang makaramdam siya ng subrang pananakit ng katawan, lalo na ang tagiliran. Parang binibiyak ang kanyang balakang, at bawat galaw niya ay parang tinutusok siya ng libong karayom. Halos mapangiwi siya sa sakit.Tinaas niya ang tshirt na suot at halos umawang ang labi niya nang makakita ng benda roon. Puting-puti ito, may bakas ng kaunting dugo, at maayos ang pagkakabalot. Kahit hindi nakikita ang mismong sugat, alam niyang malalim iyon. Ramdam niya ang bigat ng k
“Wala po kaming kakayahan na gamutin siya, at marami na ring nawalang dugo sa kanya—”“So you are expecting me to waste my time to her?” kunot-noong putol ni Lorenzo, ang tono’y punung-puno ng sarkasmo at pagkasuya. Napalingon siyang muli sa babae, ngunit agad ding ibinaling ang tingin nang mapansin ang bahagyang nakalantad ng kaunti ang dibdib nito. Saglit siyang natigilan, bahagyang napalunok, ngunit agad ding binura ang alinlangan sa kanyang mukha.Iritado niyang hinubad ang suot na tshirt at padarag na tinakip ito sa dibdib ng babae.“Dalhin niyo siya sa hospital!” galit pa ring sambit niya, ang boses niya'y mas lalong lumalim sa inis at panlalait. “Hindi ako charity case. Hindi ito ospital.”Ngunit bago pa makasagot ang mag-asawa, si Manang Vilma na ang mabilis na umatras, halos mapaluhod sa desperasyon.“I-Isa ka pong doktor… at n-natatakot kaming dalhin siya sa hospital,” nanginginig ang tinig nito, nangingilid na ang luha sa mata. “Baka malaman ng gustong pumatay sa kanya na bu
The Amnesia Girl and the Billionaire’s Secret SIMULA“Just fvcking do something!” Iritadong sigaw ni Lorenzo, halos pasigaw na habang pinipigilan ang sarili na hindi ibato ang cellphone sa dingding. Ramdam ang tensyon at inis sa boses niya, lalo’t sunod-sunod na ang problema niya.Sa kabilang linya, narinig niya ang mahinahong tinig ni Paul.“I am doing everything, pero diyan ka muna at ako na ang bahala dito. Magpalamig ka muna diyan lalo na at subrang init ng ulo mo. I’ll call you again,” sagot ng kaibigan niyang nasa Manila.Halata ang pagpigil nito sa sarili na huwag makipagsabayan sa galit ni Lorenzo. Mahinahon man ang tono, may bakas ng pagkabahala sa tinig nito—alam niyang nasa bingit na naman ng pagsabog si Lorenzo.Lorenzo clenched his jaw, his nostrils flaring as he gripped his phone tighter. He wanted to shout back. He wanted to scream about how everything was falling apart and no one seemed to be helping him. He opened his mouth, ready to say something cutting, pero natigi