My Stupid Mafia Boss

My Stupid Mafia Boss

last updateLast Updated : 2024-10-19
By:  Glen Da O2rOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
5 ratings. 5 reviews
38Chapters
1.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

    “Because you’re a daughter of a Mafia Lord. You are the heiress of Blackheart Empire. Our duty is to protect you. That’s why you can never leave from our side.” ……     Jaymee Santillo- Eighteen years old, maganda mala-british ang maamong mukha, mabait sa kabila ng pagiging short-tempered. Ang higit sa nakakabilib sa dalaga ay sanay ito sa hirap ng buhay.    Mula nang mamatay ang kanyang ina, naging mag-isa na lang sa buhay si Jaymee. May kamag-anak man, ngunit sa hindi niya malaman na dahilan ayaw sa kanya ng mga ito.     Ang akala ni Jaymee na panaginip lang ang lahat ng nangyayari ay hindi pala.      Ay hindi na pala ito panaginip. Bangungot! Oo bangungot! Sino ba naman ang gugustuhin na maging instant Mafia Heiress? ABER?!     And being a heiress na kailangang protektahan, hindi naging madali kay Jaymee ang lahat. Lalo na ang pagkakahulog ng damdamin niya sa masungit at gwapong protector and instructor niya.    Si KC. Ang lalakeng magpapatibok ng kanyang puso.     Malalabanan kaya ni Jaymee ang nararamdaman para sa lalakeng kapatid lamang ang turing sa kanya?      Gusto niya lang naman maging masaya, ngunit paano niya naman gagawin yun kung masaya rin si KC sa iba?     Lilisanin na lang ba niya ang Blackheart Empire para hindi na masaktan? O mananatili siya para sa kanyang kaligtasan? 

View More

Chapter 1

Chapter 0001

CHAPTER 0NE.

“Hindi ko maintindihan ang sinasabi niyo. Walang Natasha Sandrino dito. Ako lang ang solong nakatira sa apartment na ‘to,” mahabang paliwanag ni Jaymee sa mga lakakeng bigla na lamang sumulpot sa kanyang apartment.

“Sumama ka sa amin, hinihintay ka na ni Don Jaime. Siya na ang bahalang mag-paliwanag sayo,” anito na para bang hindi narinig ang sinabi niya.

“At bakit naman ako sasama sa inyo?” humalukipkip siya. Bakit naman siya sasama sa mga taong hindi niya naman kilala? Saka kanina pa siya nito sinasabihan na isa siyang tagapagmana ng isang malaking organisasyon.

Hello? Renta nga nitong apartment hindi siya makapag-bayad buwan-buwan eh. Tanging part-time job lang din ang bumubuhay sa kanya at nagtutustos ng pag-aaral niya ng Senior High.

Panty nga hindi siya makabili-bili eh. Paano siyang magiging tagapag-mana? Ang isang ulilang Jaymee Santillo ay mahirap pa sa daga.

Kaya sa mga naisip, humagalpak ng tawa si Jaymee. “Walang Natasha Sandrino dito. Jaymee Santillo, meron. Kaya baka nagkamali lang talaga kayo ng napuntahan HAHAHA,” nakahawak pa siya sa tiyan at damang-dama ang joke ng mga ito.

Nagkatinginan naman ang mga lalake kaya siya tumahimik. “Haha..ha..ha umalis na lang kayo-”

Hindi niya natapos ang sasabihin nang bigla siyang hablutin ng lalakeng sinenyasan ng kausap niya.

“Bitiwan niyo ko, ano bang kailangan niyo? Mali nga kayo ng napuntahan!” pagpupumiglas ni Jaymee. Malalaki ang mga ito kaya hindi niya kayang labanan. Para nga lang siyang papel na binuhat ng mga ito.

“TULONG! IBABA NIYO KO! TAENA NIYO SAAN NIYO BA KO DADALHIN?!” malakas na sigaw ni Jaymee para sana may makarinig sa kanya. Ngunit kamalasan, walang tao sa compound.

“Bilisan niyo isakay niyo na yan sa kotse! Bago pa tayo mabulilyaso!” wika nung nakausap niya.

Kinabahan na si Jaymee. Kidnap ba ito? For ransome? Walang sasalba sa kanya! Ulila na siyang lubos. Kamamatay lang ng kanyang ina last month. Wala rin siyang tatay dahil matagal na itong patay. Ang mga kamag-anak niya, sa hindi niya malamang dahilan ay wala namang pakialam sa kanya.

Baka nga matuwa pa ang mga ito kapag nawala siya sa mundo.

“HOY MGA KUTONG-LUPA! WHERE DO YOU THINK YOU’RE GOING?”

Natigilan silang lahat ng sa dulo ng eskinita ay may humarang sa kanilang limang kalalakihan.

“Aray!” inda ni Jaymee nang pabagsak siyang bitawan ng may buhat sa kanya. “Yung ulo ko!” tumama kasi yun sa pader. Pero hindi naman kalakasan para mabagok siya.

“LINTIK! Anong ginagawa ng mga yan dito?” natatarantang usal nung lalake na kumuha sa kanya.

“Huh! May balak pa kayong unahan kami sa Young Miss? Tch, diyan kayo nagkakamali!”

“Ano pang hinihintay niyo? Patayin niyo na ang mga yan!” maawtoridad na utos nung lalakeng kumausap kay Jaymee kanina. Sa tingin niya ito yung lider ng grupo.

“S-sigurado ba kayo, Boss? Mga Blackheart yan, Boss. Baka maubos tayo!”

Napansin ni Jaymee na nag-alangan bigla ang mga lalake na may hawak sa kanya.

“Tsk, mga duwag!”

Nanlaki ang mga mata ni Jaymee. Nabigla talaga siya ng mag-labas ng baril ang mga ito. Totoong baril! Ano ba ‘tong nangyayari?

Napatakip siya ng tenga niya ng mag-simulang magpa-putok ang mga ito. Laking mangha ni Jaymee, nang tila ba hindi man lang tinamaan ang mga lalakeng nasa harapan nila sa dami ng balang lumabas sa baril ng mga ito.

Mabibilis lang ang mga kilos ng limang lalake na sumugod sa kanila. Parang mga nagliliparan sa ere ang mga ito. Para tuloy siyang nasa isang action scene sa teleserye dahil sa nangyayari.

“Aah..ahh..ahh, hayop..lintik,” halos maihi na ang Boss ng malapitan siya ng isang lalake at pilipitin ang kamay niya.

“Sino ang nag-utos sa inyo?”

Lumingon muna ito bago sumagot. Bagsak na ang mga kasamahan niya na tinatapakan ng mga kasama nito.

“Bakit ko naman sasabihin- Aaahhh!” maluha-luha na ito habang pinipilipit ng lalake ang kamay nito. Mukhang ayaw mag-salita kahit na buhay pa ang kapalit.

“Sabihin mo sa amo mo, huwag na siyang mag-tangka pa. Hindi siya magtatagumpay, okay!” malakas na tinulak ito ng lalake. Kumaripas naman ito ng takbo kasunod ang mga kasamahan.

~

“KC! Nawawala ang Young Miss!” sigaw ni Jin kay KC. Napalingon siya dito. Tumakbo yata ang dalaga habang abala sila makipaglaban.

“Walang-hiya! Tara, halughugin natin ang buong compound. Hindi pa nakakalayo yun,” mando niya sa mga ito. “Ric, James, Vince dun kayo sa kabilang dulo. Ikaw Jin, sumama ka sakin. Hindi pa nakakalayo yun! Bilisan natin at baka maunahan na naman tayo,” mabilis na nagpulasan ang tatlo. Parang mga ninja itong umakyat sa bubong na wala man lang ingay.

Silang dalawa naman tinungo na ang diresyon na dapat nilang puntahan.

Kailangan nilang mauna. Alam niyang marami pang mga grupo ang nag-uunahan para makuha si Jaymee. Alam niyang hindi bubuhayin ng mga ito ang dalaga kapag natagpuan. Bagay na kinakatakot ni KC ngayon.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Aviana
100% Recommend 🩷
2025-03-29 13:29:22
2
user avatar
Aviana
Ang ganda pala netooo please moree moooreee pa po update Author mwa. ......️...
2025-03-29 13:28:53
2
user avatar
SKYGOODNOVEL
highly recommend po... di kayo magsasawang basahin ito....
2024-12-31 08:36:57
1
user avatar
Rawring
Ready ng kiligin kahit fictional haha. Arat na!
2024-10-06 19:05:40
1
user avatar
Love Reinn
nice story <333
2024-08-03 14:29:45
0
38 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status