"Cassandra, are you sure about it? Maayos naman na ang lahat. Nakakulong na si Veronica at wala nang banta sa buhay n'yo." Napirmahan ko na ang mahalagang dokumentong hiningi ko kay Lesie subalit iyon pa din ang katanungan niya.
"Mateo will not accept it for sure," ani Attorney Sheldon na nandito sa opisina dahil kinailangan ko ang kan'yang pirma.
"Sigurado ako. I think about it a couple of times. Isa pa'y hindi niya na ito matatanggihan dahil pirmado ko na."
Pagkatapos ng trabaho ay dumiretso kami ni Mateo sa sementeryo. Sa dami ng mga nangyari ay nararapat lamang na bisitahin namin si nanay at si Arman pati na rin ang ama nila ni Mateo.
"Daddy. Tatawagin na kitang daddy dahil sabi ni Manang Dory ay iyon din naman ang itinuturo mo sa akin na tawagin ko sa'yo. Dad at kuya Arman, tapos na. We finally beat Ate Veronica and the devil inside her. Malaya at ligtas na ulit ang Hacienda Miraflor na pinaghirapan niyong buuin."
Napangiti ako sa sinabi
Who says I don't have a choice? "Kanina pa kita tinatawagan Mateo!" Bakas ko ang inis sa tono ng pananalita ng aking misis. Bumusina ako sa mabagal na pagpapatakbo ng sasakyan sa aking unahan. Mabilis akong nag-overtake dito. Naghuhuramentado na ang asawa ko sa galit. "Mahal, I'm sorry dumaan pa ako sa opisina. You know I can't just leave my job and come over to see you when you call." Napaka-demanding niya nitong mga nagdaang araw. Gusto niya na sa isang tawag lang ay naroon na ako sa tabi niya, kahit pa naroon siya sa probinsya, na dalawang oras ang layo sa Hacienda Miraflor. "Isa pa ay pinahanap mo ako ng mangga." Pinasadahan ko ng tingin ng manggang hilaw na nakalagay sa isang supot ng plastic. Napapailing na lamang ako kapag naaalala kung paano ako humingi nito sa may-ari ng punong mangga na nadaanan ko kanina. Detalyado ang gusto ni Cassandra. Gusto niya ng mangga na mayroong pa'ng tangkay at dahon. Ang tangkay na i
"The wedding is off." 'Ni hindi ko na nagawa pa'ng mag-hello sa wedding coordinator namin. Sinabi ko na kaagad ang pakay ko. Hindi na matutuloy ang aking kasal sa limang buwan kong kasintahan na si Mateo. Isang linggo na siyang hindi nagpaparamdam sa akin at bukas ay kasal na namin. Labag man sa loob ko na ipakansela ang kasal ay ayoko din naman na mapahiya kapag nasa simbahan na ako at hindi siya sumipot. Isa pa'y ayokong mabahiran ng masamang ala-ala ang araw na dapat ay masaya ako. Pagkababa ko ng tawag ay kaagad na lumapit sa akin si Lesie, ang personal assistant at nag-iisa kong kaibigan. Pilit niya man na itago ang pagkaawa sa akin ay nahalata ko pa din iyon sa kan'yang mga mata. Sawa na akong kaawaan simula pa pagkabata. Akala ko'y kapag nagkaroon na ako ng pera ay titingalain na ako at wala nang makikitang awa para sa akin ang ibang tao. Nagkakamali pala ako. "Iwan mo muna ako Les," matigas kong sabi sa kan'ya. Umupo ako
7 years ago"Wala ka ba'ng kasamang nakakatanda sa'yo?" tanong sa akin ng doktor. Nasa pagamutan ako ng bayan ng Sta. Polina, kung saan kami naninirahan. Isinugod ko ang aking ina nang dumaing siya ng matinding pananakit ng dibdib.Umiling ako bilang sagot. Ang aking ama ay nasa malayong lugar nagtatrabaho bilang construction worker subalit ilang buwan na siyang hindi nagpapadala ng pera. Madalang na din siyang magparamdam sa amin.Nag-iisa akong anak kung kaya't kami lamang dalawa ng aking ina ang magkasama ngayon sa buhay.Bumuntong hininga ang doctor, bago ako iginiya paupo sa hallway ng ospital. Nababakas ko sa kan'yang mga titig ang matinding pagkaawa sa akin."Base sa aking inisyal na konsultasyon, mayroong breast cancer ang iyong ina. Kulang sa kagamitan ang ospital natin dito kaya kailangan mailipat ng iyong ina sa lungsod. Doon ay higit siyang maaalagaan at mapapagaling."Puno ng taong pabalik-balik ng lakad ang hallway ng osp
Kapag may ginawa sa'yong kabutihan ang isang tao ay nararapat lamang na ipagpasalamat mo ito. Subalit hindi iyon ang aking naramdaman bagkus ay pagkainis.Hindi man ligtas ang trabahong ito para sa katulad ko ay hindi ko gugustuhin na mawala sa akin ang bagay na bumubuhay sa amin ni nanay."Salamat po pero sana hindi na lang po kayo nakialam." Hindi ko na napigilan pa'ng ibulalas ang nararamdaman sa lalaking tumulong sa akin. Sa wari ko'y ilang taon din ang tanda niya sa akin. Propesyonal siyang tingnan sa suot na longsleeve polo na nakabukas pa ang unang tatlong butones at base sa pang-amoy ko ay nakainom siya."Why? He was clearly forcing you into doing something you didn't want to do." Panay ang pagsasalita niya ng english pero mukha naman siyang Pilipino sa aking paningin.Umirap at tatalikod na sana ako upang bumalik sa club subalit pinigilan ako ng lalaki sa pamamagitan ng paghawak niya sa aking siko. Iwinasiwas ko iyon upang matanggal ang kan'yang
Nagising ako sa isang malambot na kama. Puti ang kulay ng apat na sulok ng kwarto kung nasaan ako. Dumako ang aking mata sa kanang paa kong nakapatong sa isang mataas na tila duyan na nakasabit sa aking paanan. Nakabenda ito at hindi ko maramdaman. Tiningnan ko ang aking kaliwang kamay na mayroong kaunting galos at naka-swero.Nasa ospital ako.Bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa ang isang pamilyar na lalaki.Ngumiti siya nang makitang gising na ako."How are you feeling?" tanong niya at lumapit pa sa tabi ng aking kama.Saka ko lamang naaalala kung saan ko siya nakita. Siya ang lalaking tumulong sa akin kagabi. Ito rin ang dahilan kung bakit nawalan ako ng trabaho."Kailangan ko nang umalis." Tiningan ko ang orasan at nanlumo nang makitang alas-sais na ng umaga.Ganoon ba ako katagal natulog?Wala na.Wala na talaga akong trabaho."But you're injured. Ang sabi ng doktor ay dito ka muna dahil kailangan ka
Hindi lamang pagpapagamot ni nanay ang sinagot ni Sir Arman maging ang mga gastusin namin sa mga araw na hindi ako makakapagtrabaho ay inako niya."Sir, ipinapabigay po ni nanay. Maraming salamat po talaga."Ipinagluto ni nanay ng adobong pusit si Sir Arman bago siya pumunta sa ospital.Ngumiti siya at malugod na kinuha ang paper bag na naglalaman ng tupperware kung nasaan ang pagkain."Hindi na dapat kayo nag-abala pa."Sa ilang linggo ko siyang nakilala ay masasabi kong napakabait niya. Nasabi niya rin sa amin na marami talaga siyang tinutulungan na tao kaya huwag dapat kaming mahiya sa tulong na ibinibigay niya."Naku Sir, kulang na kulang pa nga po iyan sa dami ng itinulong ninyo sa amin. Tingnan n'yo nga po pati itong bahay ay mula rin sainyo."Nang makita niya ang sitwasyon namin sa squatter's area ay hindi na siya nagdalawang-isip pa'ng bigyan kami ng mas maayos na tahanan. Tinanggap ko na dahil mas malapit it
"Cassandra, ipinapasabi nga pala ni Sir Arman na mayroon nang ibang titira sa bahay na tinutuluyan n'yo ngayon. Kailangan n'yo na raw umalis." Dalawang linggo na simula nang umamin si Arman sa tunay niyang nararamdaman para sa akin. At simula nang gabing iyon ay nag-iba na ang kan'yang pagtrato. Mabait at malaaga siya. Sa katunayan nga ay palaging hinihiling ng mga trabahador sa hacienda na makapangasawa na siya upang mayroon nang mag-aalaga sa kan'ya. Alam kong hindi ako iyon. Katulad nang sinabi ko kay Attorney Sheldon, nakakatandang kapatid lamang ang turing ko kay Arman. Siya ang nagligtas sa akin sa hindi magandang kinabukasan na naghihintay sa akin sa club. Isang bagay na dapat ang aking ama ang gumagawa. Napatigil ako sa pagpupunas ng mga desk sa munti nilang opisina dahil sa sinabi ng sekretarya ni Arman. Hindi na kami nagkakausap dahil hindi na rin niya ako sinusundo o hinahatid patungong hacienda. Malaki ang pagba
Kapag mahirap ka, wala ng halaga ang salitang 'pride'.Nakapagsayaw na ako sa club suot ang seksing damit. Marami na ang nakakita ng aking balat malapit sa maselan na bahagi ng katawan at nahaplos na din ako ng ilang kalalakihan. Para saan pa ang hiyang nararamdaman ko ngayong kaharap ko si Arman.Ganoon naman talaga kapag walang-wala ka na, hindi ba? Mapipilitan kang kapalan ang iyong mukha para makakuha ng tulong mula sa iba."Angie! Hindi ba't sabi ko 'wag kang magpapapasok ng kahit sino?" Napangiwi ang sekretarya ni Arman dahil sa pagsita nito.Mariin akong hinawakan ni Angie upang palabasin sa opisina, subalit katulad kanina ay nagmatigas ako.Kailangan ko siyang pakiusapan na ipagpatuloy ang pagpapagamot kay nanay, kahit iyon man lang."Arman, ang sabi ng doktor ay itinigil na raw ang pagpapagamot ng nanay, bakit? 'Di ba nangako ka na sasagutin mo ang gastusin sa gamot ng aking ina?" Alam kong iniisip ni Angie na napakawalang-hiy