"Mr. Morales offered me a businesss proposal. Nais niyang magpatayo ng pagawaan ng tsokolate sa bakanteng lote sa hacienda."
Sa paglipas ng mga buwan, pakiramdam ko ay magkasing-edad na rin kami ni Arman. Mas lalo siyang naging bukas sa pagkwekwento sa akin ng tungkol sa negosyo na para bang alam na alam ko ang kan'yang mga sinasabi at isa rin akong negosyante katulad niya.
"Tinanggap mo ba?" Natutuwa akong kahit nasa first year college pa lang ako ay marami na akong natutunan sa aktwal na pagpapatakbo ng isang negosyo.
"No. My priority now is to expand the cacao plantation. Mr. Morales pledged to cover 50% of the construction cost. Mas gugustuhin ko pa'ng bumili ng mga lupain upang pagtaniman kaysa ipagawa ng pabrika. Bukod dito, kakailangan ng maraming cacao para sa paggawa ng tsokolate which means magbabawas ng kliyente upang sumapat ang supply ng cacao. We need to let go of loyal investors para sa isang pabrika na wala naman kasiguraduhan."
Sa tuwing nagkakasama kami ni Arman ay hindi maaaring hindi namin pag-usapan ang Hacienda Miraflor. Nahahalata kong labis niya itong pinapahalagahan, katulad ng pagpapahalaga niya sa kan'yang mga trabahador at empleyado.
"Hindi ba ay kaya mo naman magpatayo ng kahit isang maliit na pabrika? Pero kung hahatian ka ni Mr. Morales sa gastusin, gamitin mo na lamang ang kalahati ng pera mo para sa pagbili ng mga lupain. Sa ganoong paraan hindi ka mawawalan ng kliyente. Sa tingin ko nga ay madadagdagan pa ang kikitain ng hacienda."
Dati-rati ay natatakot akong magbigay ng opinyon kay Arman lalo na kung taliwas ito sa kan'yang ideya, ngunit ngayon ay hindi na, dahil imbes na magalit ay natutuwa pa siyang mayroon daw akong natutunan mula sa kan'ya.
Pakiramdam ko nga ay parang bumaliktad ang sitwasyon. Sa simula ay ako ang maingat sa aking mga kilos at pananalita tuwing kasama ko siya, sa takot na baka hindi niya na ipagamot si nanay, pero ngayon ay tila siya ingat na ingat sa akin. Para bang ako na ngayon ang may hawak sa kan'yang leeg, na isang maling galaw niya lamang ay kayang-kaya kong makipaghiwalay sa kan'ya. Bagay na hindi ko gagawin para kay nanay.
"I can't. Gusto kong panatilihin ang hacienda sa kung paano ito iniwan ni papa sa akin."
Saglit siyang tumingin sa akin bago nagpatuloy sa pagmamaneho.
Hindi gaanong makwento si Arman tungkol sa kan'yang pamilya. Kung mayroon man akong nalalaman ay mula iyon sa kan'yang mga katulong.
Ayon sa mga ito ay ulila nang lubos si Arman. Naunang namatay ang ina nito noong bata pa lamang siya. Ang kan'yang ama naman ay iniwan siya anim na taon na ang nakakaraan.
Habang binabagtas namin ang daan patungo sa hacienda ay biglang itinabi ni Arman ang sasakyan. Tiningnan ko siya subalit napako ang kan'yang mata sa aming unahan.
Sinundan ko ang kan'yang tingin at nakita ang apat na mga estudyante na pinalibutan ang isang pamilyar na lalaking nakaupo sa daan. Mukha itong hinang-hina at walang buhay.
"Tsk! P*ch*!" Napatingin ako kay Arman nang marinig ang galit niyang tinig.
Magtatanong sana ako kung kilala niya ang mga kalalakihan subalit hindi na ako nakapagsalita nang makitang hinugot niya mula sa ilalim ng upuan ang isang baril.
Mabilis siyang lumabas ng kotse habang ako naman ay naiwang tulala sa loob. Paanong mayroon siyang baril? Totoo ba iyon o laruan?
Walang bahay at napapalibutan ng matataas na puno ang gilid ng daan. Walang dumaraang kotse sa lugar dito dahil short cut ito patungo sa hacienda kaya kung babarilin ni Arman ang mga estudyante ay walang makakakita bukod sa akin.
Lumunok ako at pilit na pinapakalma ang sarili. Kung mayroon siyang hawak na baril, ibig sabihin ay kaya niyang pumatay.
Nilapitan niya ang apat na lalaking nakapalibot sa isang lalaking nakahandusay na ngayon sa daan. Halos ka-edad ko lamang sila. Tinutukan niya ng baril ang apat at katulad ko ay bumakas sa kanilang mga mukha ang takot.
Galit na galit si Arman habang nagsasalita. Hindi ko ito marinig dahil nanghihina rin akong buksan ang pinto ng kotse at lumabas.
Kumaripas ng takbo ang apat na estudyante at iniwan ang lalaking nakahandusay. Puno ng pasa ang mukha nito at marumi na ang suot na uniporme.
Ibinulsa ni Arman ang baril at sa aking pagkabigla ay inakay niya ang lalaki papasok sa passenger seat.
Tahimik na nagmaneho si Arman.
Pinagmasdan ko ang lalaki na nasa likod. Nakapikit ang kan'yang mga bata habang wala sa ayos na nakasuot ang kan'yang bilugang reading glass.
Napakunot ang aking noo sa pag-iisip kung saan ko siya nakita.
Hanggang sa maalala ko ang huling araw ko sa club kung saan mukha niya ang nabungaran ko pagmulat ng aking mga mata mula sa pagtulog habang hinihintay ko noon si Mama Violet.
Siya ba iyon? 'Yong lalaking pinag-isipan kong ninakawan ako ng halik?
Mukhang imposible nga naman na halik ang bagay na dumampi noon sa aking mga labi, dahil sa itsura ng lalaking ito ngayon ay tila matatakot siyang manghalik ng babaeng hindi niya kilala.
"Yes?" Napatigil ako sa pag-iisip nang magsalita si Arman. Kanina ko pa pala pinagmamasdan ang lalaking nasa likod.
"Kawawa naman siya. Kilala mo ba siya?"
Umayos ng upo si Arman at ibinalik ang atensyon sa pagmamaneho. Humigpit ang kan'yang paghawak sa manibela ng sasakyan at lumipas pa ang ilang sandali bago siya sumagot.
"Hindi. Hindi ko siya kilala."
Tumango na lamang ako dahil nararamdaman kong hindi pa rin maganda ang mood ni Arman simula kaninang tinulungan niya ang lalaki. Natatakot din ako lalo pa't mayroon siyang baril.
Huminto kami sa tapat ng emergency area ng ospital. Mabilis na kumilos ang mga nurses na naroon at inilipat sa isang stretcher ang lalaki.
Akala ko'y bababa kami ni Arman pero matapos lamang maipasok sa loob ang lalaki ay umalis na kami.
"Sheldon, call her. Nasa ospital ang anak niya. Also, pay his hospital bill." Isang mabilis na tawag ang ginawa niya habang tinatahak namin muli ang daan patungo sa hacienda.
Ang lalaki ba kanina ang tinutukoy niya? Akala ko ba'y hindi niya ito kilala.
Inialis ko ang mga titig sa kan'ya at sa halip ay ibinaling ito sa daan. Wala naman akong pakialam kung kilala niya iyon o hindi. Nakakaawa lang talaga iyong lalaki. Mukha pa naman siyang mabait, pero bakit kailangan siyang bugbugin?
Mabuti na lamang, tinulungan siya ni Arman dahil kung hindi ay baka mas matindi pa ang sinapit niya.
Kahit pa ikinukulong ako ni Arman sa relasyong hindi ko gusto ay natutuwa pa din akong makita ang kabutihan na mayroon siya.
Who says I don't have a choice? "Kanina pa kita tinatawagan Mateo!" Bakas ko ang inis sa tono ng pananalita ng aking misis. Bumusina ako sa mabagal na pagpapatakbo ng sasakyan sa aking unahan. Mabilis akong nag-overtake dito. Naghuhuramentado na ang asawa ko sa galit. "Mahal, I'm sorry dumaan pa ako sa opisina. You know I can't just leave my job and come over to see you when you call." Napaka-demanding niya nitong mga nagdaang araw. Gusto niya na sa isang tawag lang ay naroon na ako sa tabi niya, kahit pa naroon siya sa probinsya, na dalawang oras ang layo sa Hacienda Miraflor. "Isa pa ay pinahanap mo ako ng mangga." Pinasadahan ko ng tingin ng manggang hilaw na nakalagay sa isang supot ng plastic. Napapailing na lamang ako kapag naaalala kung paano ako humingi nito sa may-ari ng punong mangga na nadaanan ko kanina. Detalyado ang gusto ni Cassandra. Gusto niya ng mangga na mayroong pa'ng tangkay at dahon. Ang tangkay na i
"Cassandra, are you sure about it? Maayos naman na ang lahat. Nakakulong na si Veronica at wala nang banta sa buhay n'yo." Napirmahan ko na ang mahalagang dokumentong hiningi ko kay Lesie subalit iyon pa din ang katanungan niya."Mateo will not accept it for sure," ani Attorney Sheldon na nandito sa opisina dahil kinailangan ko ang kan'yang pirma."Sigurado ako. I think about it a couple of times. Isa pa'y hindi niya na ito matatanggihan dahil pirmado ko na."Pagkatapos ng trabaho ay dumiretso kami ni Mateo sa sementeryo. Sa dami ng mga nangyari ay nararapat lamang na bisitahin namin si nanay at si Arman pati na rin ang ama nila ni Mateo."Daddy. Tatawagin na kitang daddy dahil sabi ni Manang Dory ay iyon din naman ang itinuturo mo sa akin na tawagin ko sa'yo. Dad at kuya Arman, tapos na. We finally beat Ate Veronica and the devil inside her. Malaya at ligtas na ulit ang Hacienda Miraflor na pinaghirapan niyong buuin."Napangiti ako sa sinabi
Hawak-hawak si Veronica at ang gatilyo ng baril ay paatras kaming naglakad ni tatay palabas ng silid. Umaatras ang mga tauhan sa takot na totohanin ko ang pagbaril sa kanilang amo.Hindi ko gustong pumatay dahil masama iyon, subalit sa puntong ito ay desidido na ako.Pagbaba ng hagdanan ay sinalubong kami ng mga tauhan ni Veronica, na nagbabantay sa labas. Subalit kaagad din silang umatras nang makitang bihag ko ang amo nila."'Tay buksan n'yo na po ang pintuan." Utos ko kay Tatay na mabilis niya naman tinugunan."Mga walang kwenta kayo! Kunin n'yo ako sa babaeng ito!" bulyaw ni Veronica sa mga tauhan niya subalit puro porma lamang ng baril nila sa akin ang nagagawa ng mga ito.Tagumpay na nabuksan ni tatay ang pintuan, nang maramdaman ko ang samyo ng hangin sa aking likod mula sa labas."Mateo! Salamat," sigaw ni tatay dahilan upang mabilis akong mapalingon.Marami na ang pulis sa labas at kasama na roon si Mateo. Nakahinga ako nang
Sanay ako na pumirma ng sandamakmak na papeles sa buong araw, subalit ang ipinapagawa ni Veronica ang napakahirap sa lahat.Pinagmasdan ko si tatay, habang kinakalagan ng isa sa mga tauhang ang aking tali sa kamay. Panay ang pagpalag niya sa tauhan na pilit siyang hinahawakan sa braso. Siya at si Mateo na lamang ang mayroon ako. Ayoko na mawala ang isa man sa kanila.Hindi ko maikakaila na nagtanim ako ng sama ng loob kay tatay, dahil minsan sa buhay ko ay hindi siya naging mabuting ama. Iniwan niya kami ni nanay dahilan upang mapilitan akong magtrabaho sa club. Subalit, kagaya nga ng sinasabi nila, everything happens for a reason. Nakilala ko si Arman dahil sa pagtatrabaho sa club, na siyang nagbigay sa akin ng magandang buhay ngayon. Dahil dito ay nakilala ko din si Mateo.Nagawa man kaming iwanan noon ni tatay ay muli niya naman ipinaramdam sa akin ang pagmamahal nang mawala si nanay. Sapat na iyon makabawi siya sa akin."Pirmahan mo na!" sigaw ni Vero
Kanina pa ako pabalik-balik nang lakad sa aking opisina ngunit hindi pa rin ako makapag-isip ng idadahilan kay Cassandra. Ayoko na sana magsinungaling sa kan'ya pero kinakailangan.Tumunog ang aking telepono. Isang mensahe mula may Sheldon. Tinatanong kung nasaan na ako.I suppose I have no choice but to tell a lie. It will be the last, I promise.Mayroong police operation na gagawin sa isang abandonandong bodega. Isang hindi nagpakilalang tao, na nakakita daw kay Veronica, ang nagbigay sa amin ng impormasyon.Ayokong ipaalam iyon kay Cassandra dahil panigurado akong sasama siya. Delikado ang operasyon at nagpumilit lamang kami ni Sheldon sa mga pulis na sumama.Nang pumasok ako sa opisina ni Sandra parang ayoko na lang umalis. Suddenly, I want to go home with her. Subalit hindi ko maaaring palampasin ang pagkakataon na mahuli ang taong nag-iisang hadlang para maikasal ako sa babaeng pinakamamahal ko."I'll meet my siblings." Alam ko'ng maha
Mr. Morales wife was under the witness protection program. Bilang bihag ni Veronica ay nasaksihan niya ang kasamaan na ginawa nito. Humiling sa amin ang abogado ni Mr. Morales na pati ito ay gawing witness subalit si Attorney Sheldon na mismo ang tumanggi.Habang patuloy ang paglilitis sa kaso at paghahanap kay Veronica ay bumalik kami ni Mateo sa trabaho. Ipinasara niya na ang kan'yang negosyo at sa totoo lang ay labis akong nalulungkot para sa kan'ya. Mas madalas na siyang nasa opisina at nagtatrabaho kasama ko."Mahal," tawag niya sa akin nang marahan nitong binuksan ang pintuan ng aking opisina. Kusang gumuhit ang ngiti sa aking labi nang makita siya.It was a stressful but a blessful day. Nagsisimula na kaming tumanggap ng mga bagong kliyente at umaasa kami na magtutuloy-tuloy na ito."Yes?" Tumayo na ako upang ihanda ang aking gamit. Mag-aalas sais na nang gabi."Hindi pa ako uuwi. Pinatawag ko na si Kuya Joel. Siya muna ang maghahatid
“Manang, nand’yan na po ba si Mateo?” tanong ko kay manang Dory nang salubungin niya ako sa pungad ng mansyon.“Wala pa hija,” sagot niya.Kagaya nang nagdaang mga araw ay malalim na ang gabi kung umuwi si Mateo. Hanggang ngayon ay pilit niya pa din na nilulutasan ang problemang kinakaharap ng kan’yang negosyo.Ang mga materyales na ipinadala sa kanila ay mababa ang kalidad taliwas sa nakasulat sa kontrata. Mariin na itinanggi ng supplier na sa kanila nagmula ang mga produkto. Kilala ang supplier ni Mateo na mayroong mga de-kalidad na materyales. Inimbestigahan ngayon ang pagkakaroon ng anomalya sa transaksyon.Kinuha ko ang aking cellphone. Mayroong mensahe doon si Mateo, ipinapaalam na pauwi na siya. Napangiti ako.“Ipaghahanda na kita ng hapunan.”Kahit na maraming ginagawa ang aking nobyo ay hindi pa din ito pumapalya na ipaalam sa akin kung nasaan na siya at kung ano ang kan’yang gin
We drove straight home after dinner. Mabagal lamang ang pagmamaneho ni Mateo dahil panay ang pagsagot nito ng mga tawag, kaya hindi ko napigilan ang pumikit. Dumilat lamang ako nang natahimik siya, subalit hindi niya pa man naibababa ang telepono ay isang panibagong tawag muli ang dumating.Kumunot ang kan’yang noo nang makita ang numero doon bago bumaling sa akin.Attorney Sheldon was calling him. Madalang na tumawag ito nang gabi sa kan’ya, maliban na lamang kung mahalagang bagay ang sasabihin nito.“Hello Sheldon, napatawag ka?”Inilagay niya sa loudspeaker ang telepono kaya naririnig ko ang ingay sa kabilang linya.“Where are you?” Humihingal ang boses nito.Tiningnan ako ni Mateo bago siya sumagot. “We’re heading home.”“Alright, keep your guards up. Kumikilos na naman si Veronica.”Humina ang pagmamaneho ni Mateo. Ako na ang sumagot kay Attorney. I know the
Hindi ako pinatahimik ng senaryong nakita namin ni Mateo sa sementeryo ng ilang gabi. Subalit hindi niya ako pinabayaan at palaging ipinaparamdam sa akin na nasa tabi ko lamang siya.Matapos ang pag-iimbestiga ng mga pulis ay wala silang nakuhang matinong ebidensya na magtuturong si Veronica ang may gawa noon. Gayunpaman, ay pinaigting pa din ang paghahanap dito.Hindi na nasundan ang pananakot na iyon ngunit naging mas maingat pa din kami.Ang plano kong bumalik na sana sa sarili kong bahay ay hindi natuloy dahil sa nangyari.Si tatay ay nasa probinsya at binilinan ko itong doon muna manatili. Ayokong pati siya ay madamay sa kasamaang idinudulot sa amin ni Veronica.Lumipas ang sumunod na mga araw na hindi kami nagpaapekto sa ginawang pananakot at pagbabanta ni Veronica. Hatid at sundo pa din ako ni Mateo sa opisina pero nang nakaraan ay si Kuya Joel ang nagmaneho para sa akin dahil naging abala siya sa negosyo, bagay na naiintindihan ko."