Share

Chapter 9

Penulis: Rina
last update Terakhir Diperbarui: 2021-09-24 14:02:46

"Happy 18th birthday my baby!" malambing na bulong sa akin ni Arman nang siya na ang huling magsasayaw sa akin sa gabing ito.

Sa kabila nang pagtutol ko para sa engrandeng selebrasyon sa aking debut ay sinorpresa pa rin ako ni Arman at ng kan'yang mga empleyado at tauhan. Alam kong kompirmasyon na rin ito na mayroon kaming relasyon kaya't hindi maalis sa aking isipan na bigyan ng kahulugan ang kanilang mga tingin.

Tila ba sa gabing ito ay si Arman lamang ang bukod tanging tunay na masaya. Ngumingiti man ako habang isinasayaw niya sa saliw ng romantikong awitin ay puno naman ng pag-aalangan ang aking puso ngayon, sapagkat narito ang aking ina.

Kaninang umaga ay nauna na kaming dalawa na mag-celebrate ng aking kaarawan. Ipinagluto niya ako ng paborito kong pagkain kahit pa mahina na ang kan'yang pakiramdam.

Hindi maganda ang reaksyon ng katawan ng aking ina sa chemotheraphy kung kaya't napilitan kaming itigil ito. Dahilan upang tuluyan na siyang manghina at lamunin ng cancer ang kan'yang katawan.

Alam kong katulad ng mga taong narito ay sigurado na din ang aking ina na mayroon akong relasyon kay Arman, na higit ang agwat ng edad sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang kan'yang reaksyon subalit sa tuwing dadako ang aking mga tingin sa kan'ya ay isang matamis na ngiti ang ibinibigay niya. Para bang sinasabi niyang mag-enjoy ako sa gabing ito.

Matapos lamang ang pagbibigay ng mensahe ay nagpahatid na ang aking ina sa sa isa mga kwarto dito sa hacienda, kung saan ginaganap ang aking kaarawan. Mas mabilis siyang mapagod ngayon kaya kinailangan na din namin na kumuha ng caretaker niya, na si Arman din ang nagbabayad.

"I have another gift for you. It's in my room." Hindi ko sigurado kung mali ba ang pagkakarinig ko o senswal lang talaga ang paraan ng pagbulong ni Arman sa akin.

Wala na ang mga bisita nang hilahin niya ako patungo sa kan'yang kwarto. Hindi ko magawang magpumiglas dahil simula nang makita kong mayroon siyang hawak na baril ay natakot na akong kumontra sa kan'ya.

Pagpasok sa loob ng kwarto ay bumungad sa akin ang nagkalat ng petals ng rosas sa sahig at sa kama. Mayroong isang malaking hugis puso sa gitna ng kama. Iginiya ako ni Arman palapit duman.

Bumigat ang aking mga paa at nahirapan akong ihakbang itong muli nang makita ang isang maliit na box doon. Maging ang aking pakiramdam ay tuluyan na ring bumigat.

Tiningnan ko si Arman nang nakangiti niya itong kinuha. Masayang-masaya siya at nakakatakot ang sayang nakikita ko sa kan'ya.

Walang pasabi niyang binuksan ang box paharap sa akin. 

Tila nawala ang mabigat na bagay na dumagan sa aking dibdib nang makitang hindi singsing ang laman ng box bagkus ay isang susi. 

Nagtataka ko siyang tiningnan. Mahina siyang tumawa bago inalis ang susi sa maliit na lalagyan.

"I know I can't marry you yet dahil nag-aaral ka pa so I think ito muna ang maireregalo ko sa'yo." Iniabot niya ang susi sa akin pero tiningnan ko lamang ito.

"Para saan 'yan?" 

Imbes na sumagot ay hinila niya ako palabas ng kwarto. Hirap na hirap akong bumaba ng hagdanan dahil suot ko pa din ang aking debut dress pero nagawa niya akong dalhin sa harap ng bahay kung nasaan ang isang bagong edisyon ng kotse.

Kulay maroon ito at mayroon pang isang malaking ribbon sa unahan.

Nilapitan niya ito at sinabing, "This is for you Sandra." 

Napaawang ang aking mga labi. Kung gano'n ay ito pala ang dahilan kung bakit niya ako pinilit na mag-enrol sa isang driving school.

Pangarap kong magkaroon ng sariling sasakyan pero nais kong mula ito sa aking sariling bulsa at hindi regalo mula kaninuman, lalo na kay Arman.

"Do you want to try it?" 

Hindi. Iyon dapat ang sagot ko ngunit natagpuan ko na lamang ang aking sarili sa loob ng kotse at pilit na nilalabanan ang kakaibang reaksyon ng aking katawan mula sa mapupusok na halik at haplos ni Arman.

"Happy Anniversary," masuyo niyang bulong bago ipinahiga ang aking upuan at lumipat sa aking ibabaw.

Oo nga pala, isang taon na kaming dalawa. Siguro'y wala na nga talaga akong takas sa relasyong ito, na kahit tumanggi ako ngayon sa gusto niya ay makukuha niya rin naman ito. 

Pag-aari niya na ako dahil ipinagbili ko na ang sarili ko sa kan'ya.

Muli niyang hinalikan ang aking mga labi sa sabik na paraan. Unti-unti niyang hinila pababa ang zipper sa tagiliran ng aking gown. Labis-labis naman ang pagdadasal kong masira ito upang hindi niya ako tuluyang mahubaran, hanggang sa tila narinig ako nang langit. 

Isang magkakasunod na katok mula sa bintana ng kotse ang nagpatigil kay Arman sa ginagawa.

Sa labas ay naroon ang mayordoma ng mansyon. Tinted ang kotse kung kaya't hindi niya nakikita ang itsura namin ngayon.

Bakas ko ang pagkadismaya sa mukha ni Arman nang umalis siya sa ibabaw ko. Inayos ko ang aking damit at upuan habang pinagmamasdan na magkagulo ang mga katiwala sa labas. Ang mayordoma naman ay sunod-sunod na ang pagkatok sa salamin na tila ba naiinip nang pagbuksan namin.

"Tsk!" padabog na ibinaba ni Arman ang bintana sa aking tabi.

"Sandra! Ang nanay mo..."

Hindi ko na pinatapos pa siyang magsalita. Kaagad kong binuksan ang pintuan ng sasakyan at lumabas.

Kung kanina ay hirap na hirap akong maglakad sa suot kong gown, ngayon ay tila normal na damit lamang ang aking suot at mabilis kong naakyat ang hagdanan patungo sa kwarto kung nasaan ang aking ina.

Wala itong malay habang binibigyan ng paunang lunas ng kan'yang caretaker.

Hinawakan ko ang kan'yang nanlalamig ng mga kamay.

"Nay! Nay! Dumilat po kayo." Malakas ang pagtangis ko upang magising siya.

Bumuka ng kaunti ang kan'yang mata. Inilapit ko ang aking tainga sa kan'yang bibig upang pakinggan ang nais niyang sabihin.

"Mahal kita. Malaya ka nang magmahal ng taong tunay mong gusto." Hirap na hirap siyang bigkasin ang mga salitang iyon.

Isang ngiti ang iniwan niya sa akin bago unti-unting nagsara ang kan'yang mga mata.

"Nay! Nanay ko! Please lumaban ka po. Hindi ko kayang mag-isa!"

Humilig ako sa kan'yang dibdib at mahigpit ko siyang niyakap. 

Damang-dama ko ang unti-unting pagbagal ng tibok ng kan'yang puso hanggang sa tuluyan na itong mawala.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
sammie vargas
huhuhu naawa na si nanay mo sayu Cassandra.kaya binawian na Sya Ng buhay..........
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • My Sugar Daddy's Brother    Epilogue

    Who says I don't have a choice? "Kanina pa kita tinatawagan Mateo!" Bakas ko ang inis sa tono ng pananalita ng aking misis. Bumusina ako sa mabagal na pagpapatakbo ng sasakyan sa aking unahan. Mabilis akong nag-overtake dito. Naghuhuramentado na ang asawa ko sa galit. "Mahal, I'm sorry dumaan pa ako sa opisina. You know I can't just leave my job and come over to see you when you call." Napaka-demanding niya nitong mga nagdaang araw. Gusto niya na sa isang tawag lang ay naroon na ako sa tabi niya, kahit pa naroon siya sa probinsya, na dalawang oras ang layo sa Hacienda Miraflor. "Isa pa ay pinahanap mo ako ng mangga." Pinasadahan ko ng tingin ng manggang hilaw na nakalagay sa isang supot ng plastic. Napapailing na lamang ako kapag naaalala kung paano ako humingi nito sa may-ari ng punong mangga na nadaanan ko kanina. Detalyado ang gusto ni Cassandra. Gusto niya ng mangga na mayroong pa'ng tangkay at dahon. Ang tangkay na i

  • My Sugar Daddy's Brother    Chapter 126

    "Cassandra, are you sure about it? Maayos naman na ang lahat. Nakakulong na si Veronica at wala nang banta sa buhay n'yo." Napirmahan ko na ang mahalagang dokumentong hiningi ko kay Lesie subalit iyon pa din ang katanungan niya."Mateo will not accept it for sure," ani Attorney Sheldon na nandito sa opisina dahil kinailangan ko ang kan'yang pirma."Sigurado ako. I think about it a couple of times. Isa pa'y hindi niya na ito matatanggihan dahil pirmado ko na."Pagkatapos ng trabaho ay dumiretso kami ni Mateo sa sementeryo. Sa dami ng mga nangyari ay nararapat lamang na bisitahin namin si nanay at si Arman pati na rin ang ama nila ni Mateo."Daddy. Tatawagin na kitang daddy dahil sabi ni Manang Dory ay iyon din naman ang itinuturo mo sa akin na tawagin ko sa'yo. Dad at kuya Arman, tapos na. We finally beat Ate Veronica and the devil inside her. Malaya at ligtas na ulit ang Hacienda Miraflor na pinaghirapan niyong buuin."Napangiti ako sa sinabi

  • My Sugar Daddy's Brother    Chapter 125

    Hawak-hawak si Veronica at ang gatilyo ng baril ay paatras kaming naglakad ni tatay palabas ng silid. Umaatras ang mga tauhan sa takot na totohanin ko ang pagbaril sa kanilang amo.Hindi ko gustong pumatay dahil masama iyon, subalit sa puntong ito ay desidido na ako.Pagbaba ng hagdanan ay sinalubong kami ng mga tauhan ni Veronica, na nagbabantay sa labas. Subalit kaagad din silang umatras nang makitang bihag ko ang amo nila."'Tay buksan n'yo na po ang pintuan." Utos ko kay Tatay na mabilis niya naman tinugunan."Mga walang kwenta kayo! Kunin n'yo ako sa babaeng ito!" bulyaw ni Veronica sa mga tauhan niya subalit puro porma lamang ng baril nila sa akin ang nagagawa ng mga ito.Tagumpay na nabuksan ni tatay ang pintuan, nang maramdaman ko ang samyo ng hangin sa aking likod mula sa labas."Mateo! Salamat," sigaw ni tatay dahilan upang mabilis akong mapalingon.Marami na ang pulis sa labas at kasama na roon si Mateo. Nakahinga ako nang

  • My Sugar Daddy's Brother    Chapter 124

    Sanay ako na pumirma ng sandamakmak na papeles sa buong araw, subalit ang ipinapagawa ni Veronica ang napakahirap sa lahat.Pinagmasdan ko si tatay, habang kinakalagan ng isa sa mga tauhang ang aking tali sa kamay. Panay ang pagpalag niya sa tauhan na pilit siyang hinahawakan sa braso. Siya at si Mateo na lamang ang mayroon ako. Ayoko na mawala ang isa man sa kanila.Hindi ko maikakaila na nagtanim ako ng sama ng loob kay tatay, dahil minsan sa buhay ko ay hindi siya naging mabuting ama. Iniwan niya kami ni nanay dahilan upang mapilitan akong magtrabaho sa club. Subalit, kagaya nga ng sinasabi nila, everything happens for a reason. Nakilala ko si Arman dahil sa pagtatrabaho sa club, na siyang nagbigay sa akin ng magandang buhay ngayon. Dahil dito ay nakilala ko din si Mateo.Nagawa man kaming iwanan noon ni tatay ay muli niya naman ipinaramdam sa akin ang pagmamahal nang mawala si nanay. Sapat na iyon makabawi siya sa akin."Pirmahan mo na!" sigaw ni Vero

  • My Sugar Daddy's Brother    Chapter 123

    Kanina pa ako pabalik-balik nang lakad sa aking opisina ngunit hindi pa rin ako makapag-isip ng idadahilan kay Cassandra. Ayoko na sana magsinungaling sa kan'ya pero kinakailangan.Tumunog ang aking telepono. Isang mensahe mula may Sheldon. Tinatanong kung nasaan na ako.I suppose I have no choice but to tell a lie. It will be the last, I promise.Mayroong police operation na gagawin sa isang abandonandong bodega. Isang hindi nagpakilalang tao, na nakakita daw kay Veronica, ang nagbigay sa amin ng impormasyon.Ayokong ipaalam iyon kay Cassandra dahil panigurado akong sasama siya. Delikado ang operasyon at nagpumilit lamang kami ni Sheldon sa mga pulis na sumama.Nang pumasok ako sa opisina ni Sandra parang ayoko na lang umalis. Suddenly, I want to go home with her. Subalit hindi ko maaaring palampasin ang pagkakataon na mahuli ang taong nag-iisang hadlang para maikasal ako sa babaeng pinakamamahal ko."I'll meet my siblings." Alam ko'ng maha

  • My Sugar Daddy's Brother    Chapter 122

    Mr. Morales wife was under the witness protection program. Bilang bihag ni Veronica ay nasaksihan niya ang kasamaan na ginawa nito. Humiling sa amin ang abogado ni Mr. Morales na pati ito ay gawing witness subalit si Attorney Sheldon na mismo ang tumanggi.Habang patuloy ang paglilitis sa kaso at paghahanap kay Veronica ay bumalik kami ni Mateo sa trabaho. Ipinasara niya na ang kan'yang negosyo at sa totoo lang ay labis akong nalulungkot para sa kan'ya. Mas madalas na siyang nasa opisina at nagtatrabaho kasama ko."Mahal," tawag niya sa akin nang marahan nitong binuksan ang pintuan ng aking opisina. Kusang gumuhit ang ngiti sa aking labi nang makita siya.It was a stressful but a blessful day. Nagsisimula na kaming tumanggap ng mga bagong kliyente at umaasa kami na magtutuloy-tuloy na ito."Yes?" Tumayo na ako upang ihanda ang aking gamit. Mag-aalas sais na nang gabi."Hindi pa ako uuwi. Pinatawag ko na si Kuya Joel. Siya muna ang maghahatid

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status