เข้าสู่ระบบ"Huwag mo nga akong tawaging 'beb-beb-beb' diyan, nakakapikon ka talaga!" gigil na sigaw ni Mariel habang nanlilisik ang mga mata sa lalaki. "Hindi bagay sa akin ang ganyang tawag mula sa iyo! At higit sa lahat, at lalong hindi bagay sa iyo na tawagin akong ganyan! Ikaw ang karapat-dapat na tawaging 'Beb-Kupal'!"
Biglang huminto siya at kinuha ang kanyang telepono, tila nag-aayos ng settings. "Sandali lang... i-uupdate ko lang muna ang I*******m story ko. Wait lang," sabi niya nang walang bahid ng pag-aalinlangan. Sinadya niya iyon. Alam na alam niya ang kahinaan ni Arvie. Takot na takot itong mabuking ng kanyang ina, lalo na’t kilala ang matanda sa pagiging istrikto at napakalapit pa naman ng pamilya nila. Alam niyang gagawin ng lalaki ang lahat para hindi kumalat ang balita at hindi mapahiya sa harap ng pamilya. "Teka nga! Sige na, gagawin ko na. Ano bang gusto mong mangyari? Kapag sinunod ko ba ang lahat ng gusto mo, ayos na tayo at tapos na ang gulo?" tanong ni Arvie, habang lalong kumakabog ang dibdib ni Mariel sa halo-halong sakit at galit. Sa totoo lang, sanay na siya sa mga ganitong eksena. Ilang beses na rin siyang nakaranas ng panloloko noon. Pero ang mga nauna niyang naging kasintahan ay tumagal lang ng halos isang taon. Iba ang bigat ng sakit ngayon. Limang taon silang magkasama ni Arvie. Limang taon na puno ng pangarap, plano, at pag-asa na sana ay sila na hanggang dulo. Ngunit kailangan niyang magdesisyon ngayon. Ngayon na mismo. Masakit man sa kalooban at parang pinipilipit ang puso niya, hindi niya hahayaang magmukha siyang kawawa sa harap ng mga kaibigan. Iyon ang kanyang kahinaan: ang hindi matanggap na maiwan, na mapintasan, o malampasan ng iba. Iyon ang pinakamalaking takot niya. Kaya kahit ramdam na niyang mauuwi lang ito sa wala at paulit-ulit na siyang nasasaktan, itinago niya ang tunay na damdamin at nagpanggap na masaya at kuntento habang sinasarili ang hapdi. Lumipat siya ng puwesto patungo sa lugar kung saan pasimpleng nakatingin ang kanyang mga kaibigan. Alam niyang mga "Marites" din ang mga ito at hindi nagpapahuli sa mga nangyayari sa paligid, kaya kailangan niyang maging maingat sa bawat galaw. "Una," simula ni Mariel nang hindi tumitingin sa iba, "Lumapit ka sa akin, halikan mo ako sa noo, at yakapin mo nang mahigpit—yung tipong nararamdaman kong namimiss mo talaga ako nang sobra at hindi mo ako kayang mawala." "Ano?! Hindi! Arvie, huwag mong gagawin 'yan! Huwag kang susunod sa kanya!" agad na singit ng babae, sabay hila sa braso ni Arvie. "Kasali ka ba sa usapan, ha? Oo o hindi, Arvie? Mabilisan lang, nangangati na ang kamay ko at baka hindi na ako magpigil sa susunod!" banta ni Mariel habang nakatingin nang masama sa babae. Walang nagawa si Arvie. Dahan-dahan siyang lumapit kay Mariel, inilapit ang mukha nito sa noo ng dalaga, at hinalikan ito nang mahina bago niyakap nang mahigpit. Sinuklian naman ito ni Mariel ng yakap na tila walang nangyari, habang itinago sa likod ng likod ni Arvie ang kanyang kamay na nagpapakita ng "dirty finger" sa galit na babae. "O, masaya ka na? Tapos na ba ang palabas na ito?" inis na tanong ng babae habang namamaywang. "Hindi pa. May reklamo ka pa?" sagot ni Mariel nang matalim, hindi man lang tinapunan ng tingin ang babae. "Pangalawa at huli," dugtong pa niya nang tumingin nang diretso kay Arvie. "Hindi ako pwedeng maging usap-usapan sa grupo ng mga kaklase ko sa kolehiyo, lalo na’t si Glenda, ang pinakamatapang magkuwento at kumalat ng balita, ang nakakita sa inyo kanina. Kaya sasama ka sa akin sa mesa namin. Magpakabait ka at maging malambing sa akin sa harap nila. Ako na ang bahala sa sasabihin mo, tumango ka lang at sumunod nang maayos." Tumingin siya nang masama sa babae. "Maglakad ka sa tabi ko pauwi sa mesa, akbay mo ako nang mahigpit. Sabihin mong nasa pagpupulong ka sa kliyente, pero nalaman mong narito ako kaya pinili mong puntahan ako at ihatid na lang pauwi. At ikaw, lumayas ka na! Maghintay ka sa parking lot! Ang mga katulong ay hindi sumasama sa hapag-kainan, naghihintay lang sa sasakyan!" "Ako? Katulong? Ang lakas ng loob mo, gaga...!" nagsimulang magsalita ang babae, pero hindi na natapos nang lumagapak ulit ang palad ni Mariel sa pisngi nito nang mas malakas pa kaysa sa una. "Gaga? Sino sa atin ang gaga? Ngayon din, umalis ka na! O ipapakalat ko ang video na ito sa lahat ng kakilala niyo, sa pamilya mo, at sa mga kaibigan ng pamilya mo!" banta ni Mariel habang itinataas ang cellphone. "Umalis ka na, Camile. Maghintay ka na sa sasakyan," utos ni Arvie sa babae. Wala na itong nagawa kundi magpadabog na umalis, habang hawak ang namumulang pisngi. Sinunod naman ni Arvie ang lahat ng utos. Sa isip niya, kapag napagbigyan na niya ito ay mawawala na rin ang galit ni Mariel; ganyan naman ito, mabilis magalit pero madaling pakiusapan at utuin. Iuuwi na lang niya ito, magpapaliwanag nang maayos, at patatahimikin na rin si Camile. Naiinis man siya sa sarili na doon pa napunta si Camile, alam niyang hindi naman siya seryoso rito. Libangan lang naman ang babae. At higit sa lahat, hindi niya pwedeng palampasin ang pagkakamaling ito; siguradong papatayin siya ng kanyang lola at ina na siya namang ninang ni Mariel kapag nalaman nilang niloko niya ang anak ng matalik nilang kaibigan. Pagdating sa mesa ng mga kaibigan, pilit na ngumiti si Arvie at inakbayan si Mariel. "Nandito na nga ako! Nabanggit kasi ni Beb na dito kayo pupunta, kaya noong lumabas ako para sa usapan sa kliyente, dito ko na kayo pinuntahan. Mukhang masaya naman pala kayo," sabi niya sabay kindat sa lahat. "Talaga ba? Ang swerte naman ng pagkakataon," sagot ni Jilian sabay lingon kay Mariel, may halong pagdududa at hindi paniniwala ang tingin nito. Alam ni Mariel na matalas din ang isip ng matalik na kaibigan, kaya kahit ayaw niya at parang nasasakal siya, yumakap siya nang mahigpit sa baywang ni Arvie para pagtakpan ang lahat. Hinalikan naman siya nito ulit sa noo at tinanong kung gutom na siya. Umiling-iling si Mariel, tila kuntento na sa tabi nito. Inaasahan niyang yayayain na siya nitong umuwi tulad ng bilin niya, ngunit hindi iyon nangyari. Sa halip, maingat na umupo si Arvie sa tabi niya, hinawakan ang kamay nito nang mahigpit, at masiglang nakipagkuwentuhan pa sa ibang mga kaibigan na tila ba wala talagang nangyaring masama at walang nilolokong tao sa paligid.Doon lang bumalik sa realidad si Brix. Masyado na nga palang inaksaya ng teacher na ito ang oras niya. At lintek lang ang walang kabit; malamang kulata siya nito pag-uwi. Inabot na siya ng ganitong oras at wala siya kahit singkong duling. Bigla tuloy naisip ni Brix na dapat pala sinunod na lang niya ang solsol ng impaktong bahagi ng isip niya.Kung meron sana siya kahit konting pera sa bulsa, walang problema; ang kaso, butas na nga ang bulsa niya, sakit pa ng puson niya. "Ang kawawang cowboy may baril di makaputok, may manok di makasabong..." kumanta na lamang si Brix, busog naman ang berdi niya. Dapat pala hinayaan niyang makadura man lang ng malapot ang manok ni San Pedro niya kesa ganitong para siyang dinidysmenorrhea sa bitin. Sa pagkakataong iyon ay gumana ang imagination ni Brix.Tumawag si Brix sa telepono ng hotel para i-update ang pina-dry clean nilang damit at mabuti na lang at okay na daw ito, kaya sinabi niyang dalhin na agad sa silid nila. Inilagay ni Brix ang nakaplast
Matapos makipagbunong-braso sa sariling damdamin at makitang maayos na ang babae, kinumutan ito ni Brix. Paalis na sana si Brix nang habulin siya ng mga kamay ng babae at nagsalita ito. Medyo mahina at malabo ang sinasabi nito,pero kahit papaano ay narinig niya. Nakakagulat at hindi niya inaasahan, kaya tinanong ni Brix ang babae."Ano yun, Miss?" Tanong ulit ni Brix, baka kasi mali ang pandinig niya."Ang sabi ko, magkano ka...?" Ulit ni Mariel.Biglang dumagondong sa tenga ni Brix ang salitang iyon, pagkatapos ay nagkaroon ng katahimikan. Naglapit ang mga kilay ni Brix at biglang naging seryoso ang mukha. Lumiit ang tingin niya sa babae na parang naging singliit ng pusa na gusto niyang sakalin sa sobrang yabang. Hindi talaga siya makapaniwalang matapos ang lahat ng ginawa niya at pagpipigil niya ay babalahurain nito ang pagkatao niya. Oo nga at may presyo ang serbisyo ng kahit na sino sa panahon ngayon, pero hindi ka dapat nanghahamak ng tao. Kinakitaan ng malakas na awra si Brix sa
Kasabay ng paninigas ng kalamnan ni Brix ay ang pagdaloy ng kilabot sa kanyang buong katawan. Ang lawak ng puting kama ay parang nang-aakit sa kanya, parang nang-aanyaya.“Umayos ka Brixton, umayos kung ayaw mong magkanda lehe leche ulit ang buhay mo. Problema mo pa nga paano tatakasan ’yon; isa, kukuha ka pa ng sakit ng ulo,” sabi ni Brix sa sarili. Pumasok si Brix sa silid at inilapag ang babaeng tulog na tulog pa rin marahil dahil sa kalasingan. Gusto sana ni Brix na iwan na ito, total naman ay safe na ito doon, pero naisip ni Brix na malaki ang utang ng babae sa kanya. Umupo si Brix sa gilid ng kama at ihinanda na sana ang sarili niyang magbilang ng butiki, pero nakita niya ulit ang hitsura ng babaeng nanlilimahid na sa suka ang mukha at damit. At dahil ilang minuto na, mas tumindi na ang amoy ng suka at nakakabaliktad na sa sikmura. Kumilos si Brix; bahala na. Una, malinis ang intensyon niya; ikalawa, hindi lang talaga kaya ng konsensya niyang pabayaan ito; at ikatlo, hindi kasi
Hindi alam ni Brix kung bakit kakaiba ang naramdaman niyang lamig at kilabot nang makita niya yung puting malapad at malambot na kama. Pagkatapos ay napatitig siya sa babaeng kalong-kalong niya ngayon. Nakalugay ang buhok nito, dumuduyan sa hangin. Nakatingala ito, kaya't kitang-kita niya ang makikinis nitong leeg, at dahil din sa himbing ng tulog nito ay nakaawang ang mga labi nito; mga labing kanina lamang ay nalasap niya ang tamis."Pero napangiwi si Brix nang maalala niyang nalasap pala niya ay hindi tamis kundi pait ng suka."Yuck..Naku lintek talaga 'yung utak ko ata naging sabaw na nga. Naku, Miss, ang bigat mo."Mabilis na naglakad si Brix papasok at inilapag ang babae sa kama. Yun nga lamang, parang nagising ito dahil sa medyo pabagsak na paglapag niya. Agad nitong ikinalawit na naman ang kamay sa batok niya kaya napasobsob si Brix sa babae at sakto sa Chocolate Hill naman talaga. Agad naramdaman ni Brix na titilaok ang manok ni San Pedro kaya medyo nanikip ang pantalon niya.
Natigalgal si Brix nang dumilat ang babae matapos dumampi ang mga labi nila.“Oh, Sh*t,” napalakas pa nga ang pagkakasabi niya.Isang malakas na sampal ang natanggap niya mula sa babae. Parang naghiwalay ang ulo at leeg niya sa lakas ng kamay nito.“Sheet, bakal ba ang kamay niya? Amazon ba ito sa past life niya o angkan ni Hercules? Grabe, woah,” sambit ni Brix na kinapa-kapa ang nasaktang pisngi bago muling humarap sa babae para mag-sorry.“Miss, pasen… what?” Laking gulat ni Brix nang sumalubong sa kanya ang bibig ng babae, saka ito naman ang humalik sa kanya."Oh mamamia." Nanlaki na lamang ang mga mata ni Brix at for the first time ngayon lang siya nanigas sa halik ng babae.Napakarami ng babaeng nagpipiyesta sa labi niya at lahat 'yon natural pinagbibigyan niya. Aba, sino bang tatanggi, g*go ba siya? Pero anong meron ang babaeng ito at nanigas pati kalamnan niya.Si Brix din ang tumapos ng halik dahil aba nawiwili na ito. Unang-una, hindi free ang halik niya at ikalawa, baka siya
“Ay, sus naman, Miss, bulilyaso na nga ang raket ko; magiging bangenge sitter pa ata ako, ah,” sabi ni Brix. “Paano ba ito, anong gagawin ko dito? Saan ko ba dadalhin ang teacher na 'to?” Nalilito na ang binata at natutukso na ngang kalkalin ang maliit na body bag na dala nito. Ang kaso lang, may hiya pa naman nang konti si Brix, bukod pa sa baka makasuhan pa siya. Hindi niya alam ang pangil ng babae at kung sino ba ito. “Hay, Brixton, tinamaan ka ng kidlat ng kamalasan ngayong araw na ito. Siguraduhin mong magtirik ka ng kandila sa simbahan sa linggo nang mabasbasan ka at ipagdasal mo ang mga semilya mong ipinutok mo sa kumot sa loob ng mahabang panahon,” sabi ni Brix na kumamot sa ulo na akala mo ay inaatake ng Clash of Clans ng mga kuto. Iiling-iling man ay dahan-dahang inilapag ni Brix ang babae pahiga sa likod ng driver's seat saka muling bumalik ang binata sa manibela. Humugot ng malalim na hininga ang binata at binuksan ang makina, saka pinaandar ang sasakyan at sa iisang luga
![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






