"How many times do I have to tell you, Hope na huwag na huwag kang tatanggap ng regalo sa fans mo nang hindi dumadaan sa akin?" nakakrus ang mga brasong sabi ni Zeke kay Hope habang seryosong nakatitig sa higanteng teddy bear na nakaupo sa sofa. Bilang parte kasi ng pag-iingat niya sa kaniyang mga artista, mabusisi niya munang sinusuri ang mga regalong ipinapadala ng mga tagahanga nito bago ito ipaabot sa kanila.Iginiya siya ni Hope patungo sa tabi ng teddy bear at pinaupo sa tabi niyon."Ano pa'ng magagawa ko eh dito na mismo sa bahay dineliver si Shasha?" wika naman ni Hope."Shasha? At talagang pinangalanan mo na siya ha," nakasimangot niyang sabi sabay hampas sa mukha n'ong teddy bear.Ngumuso si Hope, saka naupo na rin sa maliit na sofa, sa tapat niya. "Zeke, please huwag na nating pagtalunan ito, okay? Isa pa, Shasha's harmless. Tingnan mo nga kung gaano siya ka-cute! And most importantly, kulay pink siya."Walang kangiti-ngiti niya namang nilingon ulit si Shasha. Sinuri niyang
Hindi magawang alisin ni Hope ang mga mata sa mukha ng natutulog na ngayong si Isaac habang nakaunan siya sa braso nito. Naroon pa rin ang matatamis niyang ngiti habang inaalala ang nangyari sa kanila kanina. Hindi pa rin siya lubos makapaniwala na isinuko niya na ang kaniyang sarili rito. Hindi niya rin naman itinatanggi na nagustuhan niya ang nangyari sa pagitan nila dahil ang totoo, matagal niya nang hinihintay na mangyari iyon. Sa kabila ng ligayang nararamdaman, may mga katanungan pa rin na gumugulo sa kaniyang isipan. Hindi niya maiwasang isipin kung ano ang nagtulak kay Isaac para angkinin na siya nito nang gabing iyon. Naakit ba ito sa kaniya dahil sa mga sinabi niya? Mahal na ba siya nito? O baka dahil lang iyon sa pangangailangan nito bilang isang lalaki?Pagkatapos ng ilang sandaling pag-iisip, napabuntong-hininga na lamang siya at nakapikit na napailing. Ano pa man ang dahilan ni Isaac ay wala na siyang pakialam. Ang importante sa kaniya, ito ang unang lalaki na nakakuha n
5 years later..."Siguro ang saya-saya mo kasi araw-araw kang nakakakita ng magagandang artista," sabi kay Zeke ng kaniyang ka-blind date na hindi niya na maalala ngayon ang pangalan.Pang-ilang blind date niya na nga ba ito sa buwang iyon? Anim? Walo? Hindi niya na tiyak. Ni hindi niya na nga rin maalala ang mga pangalan at mukha ng ilan sa mga naka-date niya.Kung si Zeke ang masusunod, ayaw niyang pumunta sa mga blind date na iyon ngunit dahil sa ang mga magulang niya ang nag-set niyon, wala siyang ibang magagawa kundi ang sumunod dahil iyon ang hininging kapalit ng mga ito sa kaniya sa hindi niya ginawang pagsunod sa yapak ng papa niya na chairman ng isang malaki at kilalang kompanya. Isa siya sa mga nakahilerang tagapagmana ng kanilang kompanya subalit dahil sa ibang propesyon ang pinili niya ay hindi na siya kabilang sa mga ito."Tingin ko mas bagay sa 'yo na mag-artista kaysa maging manager. Ayaw mo ba?" dagdag na sabi pa ng ka-date ni Zeke.Matipid itong na nginitian ni Zeke ba
Pagkatapos ng limang taon, may ngiti sa mga labing bumalik si Angenette sa dating bayan na kaniyang kinalakihan; ang bayan ng Duncan Mills at sa pagkakataong iyon ay kasama niya na ang apat na taong gulang niyang anak na si Timothy o kaya mas madalas niyang tawagin sa palayaw na Timmy.Sa isang maliit na apartment niya napiling tumira, malapit sa isang police station."Hindi naman pala ganoon karami ang mga gamit mo, kung sabagay maliit pa lang naman ang anak mo," sabi ng landlady ng apartment na kaniyang uupahan nang makiusyoso ito nang nagsimula na ang mga pahinante ng truck sa pagbaba ng mga gamit na kaniyang binili.Nginitian ni Angenette ang ginang. "Opo," tugon niya, saka bumaling kay Timmy na panay ang takbo sa gilid ng daan habang hila-hila ang tali ng laruan nitong kabayo. "Timmy, please huwag ka na pong tumakbo kasi nagtatrabaho rito sina Kuya," malambing niyang saway sa anak. Kaagad naman itong sumunod sa kaniya at naupo na sa maliit na silya sa tabi ng pintuan ng kanilang a
"Wala pa ba kayong planong magkaanak?"Muntik nang mabilaukan si Hope sa tanong sa kanila ni Isaac ng biyanan niyang si Lorna. Inimbitahan sila nito sa isang dinner sa residential home ng mga Monteverdi para gunitain ang death anniversary ng lolo ni Isaac na si Mr. Roger Monteverdi. Kasalo rin nila sa pagtitipong iyon ang mga tiyahin, tiyuhin, at mga pinsan ni Isaac na karamihan sa mga ito ay buhat pa ng ibang bansa.Naiilang na nginitian ni Hope si Lorna bago bumaling kay Isaac na nakaupo sa kaniyang tabi. Nakatuon lamang si Isaac sa kinakaing steak at tila ba hindi man lang nito binigyang pansin ang tanong sa kanila ng Mama Lorna nito."Hindi naman kaya wala kang kapasidad magbuntis, hija?" walang pag-aalinlangan tanong sa kaniya ng Auntie Georgia ni Isaac.Sabay-sabay namang napalingon ang lahat kay Isaac nang walang pag-iingat nitong inilapag sa pinggan ang ginagamit na tinidor at kutsilyo dahilan para lumikha iyon ng malakas na ingay. Tila ba ibig niyang iparating sa lahat na hin
Pagkatapos ng trabaho sa ospital, nagpasya si Isaac na pumunta sa mall upang maghanap ng pwede niyang ipasalubong kay Hope pag-uwi niya. Gusto niyang bumawi rito dahil alam niyang sumama ang loob nito kanina kahit pa hindi naman nito iyon sinabi sa kaniya. Hope is a very considerate person at kahit kailan ay hindi ito nagpakita sa kaniya ng kagaspangan ng ugali. Lagi siya nitong iniintidi at ni minsan ay hindi rin siya nito sinumbatan sa mga pagkukulang niya. Napakabait nito at ayaw na nakakadagdag sa mga alalahanin niya."What should I get her?" tanong ni Isaac sa sarili pagkababa ng kotse.Naglalakad na siya patungo sa entrance ng mall nang matanaw niya si Hope na palabas doon. Napangiti siya at naisip na mas mabuting alukin niya na lamang itong kumain sa paborito nitong restaurant. Iyon na lang siguro ang gagawin niya para makabawi rito.Binilisan niya na ang kaniyang mga hakbang. "Hope!" Itinaas niya ang kaniyang kamay at kinawayan ito nang malapit na siya.Mabilis namang lumingon
"Are you that happy?" walang kaemo-emosyong tanong ni Zeke kay Hope habang nasa gitna sila ng pagkain ng tanghalian sa kaniyang bahay. Kasalukuyan nilang hinihintay na bumalik ang kaniyang inang si Margaret na bumisita sa mga kaibigan na matagal nitong hindi nakita.Nasa bahay niya ngayon si Hope dahil gusto itong makita ng mom niya na kagagaling lamang mula sa ibang bansa. Dahil sa malapit si Hope sa pamilya niya ay pinaunlakan naman nito ang imbitasyon.Habang wala pa ang ina niya ay pinagkuwentuhan muna nila ni Hope ang asawa nitong si Isaac. Ayon kay Hope, unti-unti na raw nitong nagigiba ang pader na nakapagitan sa kanila ni Isaac. Nagiging malambing na raw ito at sinusubukan na ring mag-open up sa kaniya.Pulang-pula naman ang pisngi na tinanguan siya ni Hope bilang tugon sa tanong niya rito. "It seems like he's starting to appreciate me. Tingin ko nag-work na ang mga efforts ko, Zeke."Mataray na napangiti nang mapakla si Zeke. "After 5 years ngayon ka lang niya na-appreciate? I
Sobrang excited si Hope habang papunta siya sa Duncan Mills Hospital. Dahil sa malapit lang naman ang mall kung saan nagpasama sa kaniya ang biyanan na si Lorna para mag-shopping ay nagpasya siyang daanan si Isaac para sabay na silang umuwi. Gusto niya sana itong sorpresahin subalit pagdating niya roon ay mukhang siya ang nasorpresa dahil sa kaniyang nadatnan."Angenette?" Pinilit niya ang ngumiti kahit kung anu-ano na naman ang mga pumapasok na senaryo sa kaniyang isip. Bakit parang napapadalas na yata ang pagkikita nila? At bakit ito nandoon sa ospital? Sinusundan ba nito si Isaac? Babawiin na ba nito ito sa kaniya?Mabilis na sinaway ni Hope ang sarili sa isip. She's being paranoid again.Napatingin si Hope kay Isaac nang maramdaman niya ang banayad na paghaplos ng kamay nito sa kaniyang likod. "Bakit nagpunta ka rito sa ospital? Masama ba ang pakiramdam mo?"Nakangiti niyang inilingan ito. "No, gusto ko lang sanang sumabay sa 'yo pauwi. Sinamahan ko kasi si Mama Lorna na mag-shoppi