"Nakikiramay kami, Angenette."
Maraming mga tao ang naglalabas-masok sa chapel kung saan nakalagak ang labi ng Lola Esme ni Angenette. Ang karamihan sa mga ito ay mga kaklase ni Angenette noon at mga katrabaho niya sa Duncan Mills Hospital.Hindi maawat sa pag-agos ang mga luha ni Angenette. Hindi niya matanggap na wala na ang taong nagpalaki at nag-aruga sa kaniya.Dahil sa nangyari nang gabing iyon ay inatake sa puso ang kaniyang Lola at sa kasamaang palad ay hindi na ito umabot pa nang buhay sa ospital. Ang lalo pang mas nakapagpapabigat sa kalooban niya ay ang katotohanan na siya ang naging dahilan ng pagkamatay nito.Nakayuko si Angenette habang nakaupo sa mahabang upuan sa tabi ng kabaong ng kaniyang Lola. Nag-angat lamang siya ng mukha nang lumitaw sa kaniyang harapan ang isang kamay na may hawak na isang cup ng tubig.Mas lalong bumigat ang nararamdaman niya anang makilala kung sino ang nagmamay-ari ng kamay na iyon. Si Isaac.Seryosong nakatayo sa kan'yang harapan si Isaac. Puro itim ang suot nitong kasuotan magmula sa polo-shirt hanggang sa sapatos."You'll end up getting dehydrated if you keep up this way," malamig na pagkakasabi nito sa kan'ya. Hindi man ito kinakakitaan ng kahit na anong emosyon sa mukha ay sigurado siyang masama pa rin ang loob nito sa kaniya.Tumango siya. Nanginginig ang mga kamay na tinanggap niya ang tubig na iniaabot nito at pilit na ininom iyon.Naupo sa kaniyang tabi si Isaac subalit hindi ito nagsalita. Seryoso lamang na nakatuon ang mga mata nito sa kabaong ng kaniyang Lola Esme."I'm sorry, Isaac," paghingi niya uli ng tawad dito. Hindi siya magsasawa na gawin iyon lalo pa't alam niya kung gaano niya nasaktan ito."I don't want to hear your apologies, Angenette." Nilingon siya ni Isaac at sa pagkakataong iyon ay bakas na ang lungkot at sakit sa mga mata nito. "Gusto kong malaman kung bakit mo nagawa iyon pero hindi ito ang tamang lugar para pag-usapan natin iyon. I went here to pay respect to Lola Esme."Tumayo na si Isaac at lumakad upang umalis na.Tinawag pa ulit ni Angenette si Isaac subalit hindi na siya nito nilingon. Tumayo siya upang habulin ito subalit nakakaisang hakbang pa lamang siya nang bigla siyang nahilo. Napakapit siya sa upuan habang sapo ang ulo. Tiningnan niya ulit si Isaac ngunit unti-unti nang nanlalabo at dumidilim ang kaniyang paningin.Palabas na ng chapel si Isaac nang marinig niya ang komosyon sa kaniyang likuran. Natigilan siya at unti-unting lumingon. Nagulat siya nang makitang nakahandusay na sa sahig si Angenette at wala nang malay.*****"I give up!" Nakangusong binitawan ni Hope ang whisk na ginagamit niyang panghalo sa cream. Dahil sa wala naman siyang mga gagawin sa araw na iyon ay sinamantala niyang bumisita sa bahay ng kan'yang Daddy Wilson at Tita Yvette. "Malapit na talaga akong maniwala na cooking and baking isn't really meant for me, Tita."Naiiling na tumawa ang kan'yang Tita Yvette na siyang nagtuturo sa kan'yang mag-bake. Kinuha nito ang binitawan niyang whisk at ito na ang nagpatuloy sa paghahalo sa cream.Lumapit naman ang Daddy Wilson ni Hope at tiningnan ang ginagawa ng mga ito. Napailing-iling ito nang makita ang nakangiwing mukha ni Hope habang nakatitig sa malagkit na nitong mga kamay dahil sa harina at iba't iba pang mga sangkap sa pag-be-bake na nakadikit dito."Hay, katulad ka talaga ng Mommy mo, masyadong maiksi ang pasensya sa mga bagay-bagay," wika ni Daddy Wilson sabay kurot sa pisngi ni Hope. "Tumabi ka na nga at ako na ang tutulong sa Tita Yvette mo."Sumunod naman kaagad si Hope sa utos ng kan'yang Daddy. Naupo siya sa stool sa tabi at pinanood na lamang ang mga ito.Kitang-kita ni Hope ang tuwa sa mga mata ng kan'yang Daddy habang nakikipagtawanan sa kaniyang stepmom na si Yvette.Sa pagkakaalala niya, gano'n din naman kasaya ang mga magulang niya nang wala pa sa buhay ng Daddy niya si Yvette. Minsan hindi niya mapigilang mapaisip kung bakit humantong sa paghihiwalayan ang kaniyang mga magulang gayong naging masaya naman ang pagsasama ng mga ito noon. Bagama't tanggap na rin naman niya ang nangyari, may mga katanungan pa rin sa kan'yang isipan katulad na lang kung bakit nagawa ng daddy niya ang maghanap ng iba kahit pa naging masaya naman ito sa piling ng kan'yang mommy at kung bakit mas pinili nito si Yvette kaysa rito?"Natulala ka na yata riyan, Hope," sita sa kan'ya ng Tita Yvette niya.Nginitian niya ito at inilingan. "Wala po, may naalala lang ako.""S'ya nga pala, anak. Nabalitaan ko sa Mommy mo na inirereto sa'yo ni Lorna si Isaac," sabi naman ng Daddy Wilson niya habang nagbabati ng itlog."Naku, si Mommy talaga! Hindi niya naman na kailangan pang sabihin sa inyo 'yon," nakaismid niyang sabi."Ano'ng hindi? Dapat lang na sinabi sa akin 'yon ng Mommy mo." Binitawan ng Daddy niya ang pangbati at tinitigan siya. "Una sa lahat, you are my only baby. Kailan mo balak sabihin sa akin ang tungkol do'n? Kapag ikakasal ka na?"Naiiling na tinawanan niya ito. "Wala pong kasalanang mangyayari, so, don't worry."Nagkatinginan naman ang kaniyang Daddy Wilson at Tita Yvette."Bakit? Ayaw mo na ba kay Isaac?" nakakunot na tanong sa kaniya ng Daddy niya.Hindi kasi lingid kay Wilson na may gusto si Hope kay Isaac simula noong bata pa lamang ito. Kahit hindi man sabihin nito sa kaniya ang tungkol sa nararamdaman nito para kay Isaac ay nahahalata niya na noon pa man na may lihim na pagtingin ito sa lalaki. Bukod sa laging bukang-bibig nito si Isaac ay napansin niya rin na iba ang ngiti nito sa tuwing nakikita nito ito o kaya naman kapag napag-uusapan lang nila ito.Nahihiya namang ngumiti si Hope at nagyuko ng ulo. Itinuon nito ang paningin sa mga kamay na nakapatong sa hita nito. "Hindi naman po sa ayaw.""Si Isaac ba ang may ayaw?" deretsahang tanong niya sa anak. Bahagyang umarko ang kilay niya nang hindi ito sumagot. Hindi siya makapaniwala na may isang lalaking tatanggi sa anak niya gayong sa mga mata niya ay napakaperpekto nito. Umirap siya at marahas na bumuntong-hininga. "Marami pang ibang lalaki riyan na mas higit sa Isaac na 'yan..." Umismid siya. "Sino siya para tanggihan ang anak ko? Kilala niya ba kung sino ang inaayawan niya?" bubulong-bulong pa niyang sabi na parehong ikinatawa nina Hope at Yvette."Eh, si Zeke ba, Hope? Magkaibigan lang ba talaga kayo? Ayaw niyo bang humigit pa roon ang samahan niyo?" tanong naman ni Yvette. "You guys look good together you know."Tumango naman si Wilson bilang pagsang-ayon. "I kinda like that kid too. Mukha naman siyang responsable. Ang problema nga lang ay masyadong magandang lalaki, sigurado akong maraming babae ang umaali-aligid do'n.""Hindi naman problema iyon, mahal," sabi naman ni Yvette sa kaniya pagkatapos, tiningnan si Hope. "Maganda rin naman ang anak mo kaya sigurado akong malaki ang laban niya pag nagkataon."Mabilis namang napailing-iling si Hope nang marinig ang pinag-uusapan ng dalawa. Tinawanan niya ang mga ito."Huwag na po kayong mag-isip ng kung anu-ano kasi magkaibigan lang talaga kami. At saka imposible na magustuhan ako ni Zeke, like hello? Ako lagi ang dahilan ng pagsakit ng ulo niya tapos ngayon aasawahin niya pa. Para naman siyang tanga no'n, di ba?"Napabuntong-hininga bigla ang Daddy at Tita Yvette niya. Umiiling-iling na pinagmasdan siya ng mga ito. May mali ba sa sinabi niya?"Wala ka pa talagang alam sa pag-ibig," nakangiwing sabi sa kaniya ng kaniyang Daddy Wilson . "You are still indeed my baby girl."*****Mabigat ang pakiramdam na dumilat si Angenette. Ilang ulit muna niyang ikinurap ang mga mata upang i-adjust ang kaniyang paningin dahil nanlalabo pa rin iyon at medyo nahihilo pa rin siya dahil sa pagkahimatay kanina. Nang luminaw na ang mga mata, saka niya lamang napagtanto na nasa loob siya ng maliit na silid ng chapel kung saan nakaburol ang lola niya."Do you need anything?"Napalingon siya sa nagsalita. Natagpuan niya si Isaac na nakaupo sa gilid ng silid habang seryosong nakatitig sa kaniya.Umiling siya bilang tugon at naupo na.Nakakailang na katahimikan ang pansamantalang namagitan sa kanila bago iyon binasag ni Isaac.Lumapit sa kaniya si Isaac at naupo sa tabi niya. Hinawakan nito ang kamay niya."Pakasalan mo ako. Aakuin ko ang responsibilidad diyan sa batang dinadala mo," walang halong birong sabi nito.Gulat niyang tiningnan ito.Totoo, mahal niya si Isaac at gusto niyang manatili sa tabi nito subalit hindi siya ganoon kasakim para ipaako rito ang responsibilidad sa batang dinadala niya. Para sa kaniya ay napaka-unfair n'on kung gagawin niya iyon dito. Isa pa, kilala niya ang mga magulang nito. Kailan man ay hindi matatanggap ng mga ito ang anak niya. Sapat na sa kaniya na siya lang ang apihin ng mga ito. Hindi siya makapapayag na maranasan din ng anak niya ang kaapihang naranasan niya sa mga ito.Bumitaw na siya kay Isaac. "I can't, Isaac."Sumimangot si Isaac at muling kinuha ang kan'yang kamay. "Kung iniisip mong hindi buo ang pagtanggap ko sa anak mo, nagkakamali ka. Mamahalin ko siya na parang sa akin talaga siya nanggaling."Muli, binawi niya ang kamay rito at tumayo na. "Hindi nga pwede, Isaac_."Natigilan siya nang nagtaas na ng boses si Isaac. Nagulat siya dahil hindi ugali nito ang pagtaasan ng boses ang kahit na sinuman. Nagagawa lamang nito iyon kapag sobrang galit na talaga ito."Bakit?!" galit na sigaw sa kaniya ni Isaac. "Ibig mo bang sabihin ay hindi mo na talaga ako mahal kaya mo ako nagawang lokohin?!""Isaac, alam mong hindi totoo iyan!" Unti-unti na namang namuo ang mga luha sa kaniyang mga mata.Dahil sa kanilang pagsisigawan, may mga bisita nang sumilip sa pintuan upang makiusyoso sa kanila.Mahigpit siyang hinawakan ni Isaac sa magkabilang braso. "Kung gano'n bakit ayaw mo?!"Bago pa man siya makasagot ay bigla na lang may humatak kay Isaac mula sa likuran nito at bigla itong sinuntok sa mukha dahilan para bumagsak ito sa sahig. Napasigaw siya nang makita ang galit na si Gilbert.Kararating lamang ni Gilbert at narinig nito ang pagsisigawan nina Angenette ag Isaac. Balak pa sana nitong umamba ng isa pang suntok kay Isaac subalit inawat na ito ni Angenette.Pinahid ni Isaac ang dugo sa gilid ng labi at naguguluhang nagpalipat-lipat ang tingin kina Angenette at Gilbert."Bakit hindi siya pwedeng magpakasal sa 'yo?! Simple lang, kasi akin siya! Sa akin lang si Angenette kaya tantanan mo na siya. Tigilan mo na 'yang kahibangan mo dahil sa akin siya magpapakasal!" nanggagalaiting sigaw sa kaniya ni Gilbert.Nanginig at nanghina ang buong katawan niya sa mga narinig. Ayaw niyang paniwalaan ang sinasabi ni Gilbert. Siya ang totoong mahal ni Angenette kaya hindi siya naniniwalang magpapakasal ito sa iba."He's lying, right?" naluluha niyang tanong kay Angenette.Sobrang nasasaktan si Angenette na makita si Isaac sa ganoong kalagayan. Gusto niya itong yakapin subalit pinigilan niya ang sarili. Hindi niya na ito dapat paasahin pa. Kailangan niya nang tapusin ang namamagitan sa kanila.Iniiwas niya ang tingin kay Isaac at kaagad na pinahid ang luhang gumapang sa kaniyang pisngi. "Siya ang pakakasalan ko, Isaac... kaya please... umalis ka na."Hindi na nagulat si Isaac nang matanggap ang liham mula sa abogado ni Hope. Tila ba'y matagal na rin niyang inaasahan ang pagdating nito—ang huling kumpirmasyon ng unti-unting nawalang pag-ibig sa kaniya ni Hope.He sat quietly at the table inside his hospital office, holding an envelope that seemed to weigh more than its actual contents. Nang buksan niya iyon, binungaran siya ng mga salitang pormal, malamig, at walang espasyo para sa damdamin. Legal Separation.Blangko ang ekspresyon ni Isaac habang pinagmamasdan ang mga dokumento. Walang galit. Walang luha. Pero sa ilalim ng kanyang katahimikan, may mabigat na pagbagsak—parang may unti-unting gumuguho sa loob.Ayaw niyang pumirma. Ayaw niyang tapusin. Pero higit sa lahat, ayaw niyang ipilit ang sarili sa isang relasyong ayaw na ring manatili.Kaya't sa huli ay pinirmahan niya pa rin ito nang buong pag-iingat na tila sa bawat guhit niya sa kanyang pangalan ay isang paalam.Ito na lamang ang tanging kaya niyang ibigay. Ang kalayaan ni
Tahimik at maaliwalas ang panahon habang nakaupo sa bench sina Hope at Zeke sa malawak na garden sa likod ng law office ni Atty. Mañago. Kaibigan ng late grandfather ni Zeke ang matandang abogado at nitong nakaraang linggo ay nag-set ito ng appointment dito para tulungan si Hope sa plano nitong pag-f-file ng petition for annulment sa asawa nitong si Isaac. May maliit na ngiti sa labi si Hope nang tumingala siya sa kalangitan na kay gandang pagmasdan. Mas lalo pa itong gumanda sa kaniyang paningin nang may kawan ng mga puting ibon ang lumipad patungo sa kung saan man ang destinasyon ng mga ito. "Such a lovely weather isn't it, Zeke?" aniya subalit wala siyang natanggap na tugon mula sa kaibigan. Nilingon niya ito sa kaniyang tabi at nakita ang hindi nito maipintang mukha. Hindi man magsalita ay alam niya ang dahilan ng pagsimangot nito. (Flashback) Nasa harap ng desk ang abogadong si Mr. Mañago, nasa tapat naman nito si Hope at si Zeke. Kampanteng nakaupo si Hope at pinagmamasdan an
"I can feel you staring at me," sabi ni Hope kay Zeke habang nakapikit ang mga mata. Nakahiga siya ngayon sa hospital bed at sandaling nagpapahinga pagkatapos siyang kuhanan ng dugo. Dumilat siya at tiningnan si Zeke na nakaupo sa upuan sa gilid ng kaniyang kama. "Is he going to be okay?" Maingat na hinawakan ni Zeke ang kamay niya. "He's receiving your blood right now, don't worry, he'll be fine." "I could have just ignored them, right?" "If you did, the worst could have happened already." "This could have been the best way to get my revenge on Angenette. If Timmy disappears from her life, her world will crumble," aniya, saka malungkot ang ngiting bumaling sa binata. "Such an evilish thought, right?" dagdag pa niya subalit nanatili lamang na seryosong nakatitig sa kaniya si Zeke. "Do you know why I am doing this?" tanong niya. "Tell me," tugon ni Zeke nang may maliit na ngiti sa labi. Malungkot ang ngiting tinitigan ni Hope ang mga kamay ni Zeke sa kaniya bago siya sumagot. "It'
"Why is she not picking up my calls? " Kunot-noong ibinalik ni Isaac ang cellphone sa bulsa ng pantalon nang hindi sagutin ni Angenette ang tawag niya sa pangalawang pagkakataon. Nasa kaniya pa rin ang wallet na naiwan nito. Malapit na siya sa kanto nang mapansin niya ang nagkukumpulang mga tao sa tabi ng lamp post, ang nakasisilaw na police lights sa mga sasakyan ng pulisya na naroroon, at sirena ng ambulansyang papalayo. "Ano po'ng nangyari rito?" tanong niya sa isa sa mga bystanders doon. Bago pa man makasagot ang kaniyang kinakausap ay napansin niya na ang sasakyang nakaparada sa tabi at ang driver niyon na kinakausap ng mga pulis. Bigla siyang kinabahan nang mapuna ang bola sa tabi ng daan. Katulad iyon ng bolang dala ni Timmy kanina nang pumunta ito sa kaniyang bahay. "May nabundol na bata. Sabi ng nakadisgrasya, eh, bigla raw tumawid kaya hindi siya nakaiwas kaagad." Pagkarinig sa sinabi ng kausap ay dali-dali nang umalis si Isaac at sumugod sa ospital kung saan dinala si T
Nagulat si Hope sa biglang pagyakap sa kaniya ni Isaac. Sinubukan niyang kumawala rito, subalit mas hinigpitan pa nito ang pagyapos sa kaniya."I'm sorry," halos pabulong na sabi ni Isaac sa kaniya.Pilit na pinigil ni Hope na pumatak ang mga luhang namumuo na sa mga mata. She knows that she needs to hear Isaac's apology, but she's also aware that it won't change anything. His previous actions led them to that downfall. Kung simpleng kasalanan lamang sana ang nagawa nito, baka sakaling ginantihan niya rin ng mainit na yakap ang mga yakap nito ngayon sa kaniya. The damage he have done to their family was beyond repair."You don't have to feel sorry about this, Isaac. What happened was Kevin's fault," patay-malisya niyang sabi kay Isaac. Wala siyang kamalay-malay na alam na nito ang totoo.Umiling-iling si Isaac. "No, I'm sorry. Hindi aabot sa ganito kung naging mabuting asawa lang ako sa 'yo, Hope."She stared at Isaac's eyes intently and slowly figured that he already knew what she ha
Labis ang pagtataka ni Hope nang magising siya sa bahay ng Mommy Hilda niya. Mas lalo pa siyang nagtaka nang matuklasan na naroroon din and Daddy Wilson at ang Tita Yvette niya. Doon na raw nagpalipas ng gabi ang mga ito matapos siyang sunduin sa bahay nila ni Isaac na hindi niya naman maalalang nangyari. Ang huling naalala niya lamang ay ang pagputok sa iba't ibang social media sites ng eskandalong kinasasangkutan niya."Kumain ka, Hope. Kailangan mong magpalakas, tingnan mo, nangangayayat ka na," sabi kay Hope ng kaniyang Mommy nang hindi niya man lang ginagalaw ang inihanda nitong agahan."Wala po akong gana—""Listen to your mom, Hope," putol naman ng Daddy Wilson niya sa tangka niyang pagsasalita. Tiningnan niya ito at ang katabi nito ngayong si Yvette. Ni sa panaginip ay hindi niya nakita na magsasama-sama silang apat sa iisang bahay."Hindi ninyo naman po ako kailangang kunin sa bahay. Kaya naman po naming ayusin ito nang kami lang," nakayuko niyang sabi."We know that pero bil