Pauwi na mula sa maghapong taping si Hope nang makita niya sa parking lot ang ina ni Isaac na si Lorna at inimbitahan siyang kumain sa kalapit na restaurant. Bagama't pagod ay pinaunlakan niya ang imbitasyon nito dahil nahihiya siyang tanggihan ito.
Sa kalagitnaan ng kanilang pagkain, muntik nang maibuga ni Hope ang iniinom na juice nang bigla na namang binanggit ni Lorna ang tungkol sa inaalok nito na pakasalan niya si Isaac."Will you reconsider it, my dear?" malambing na pakiusap sa kaniya ng ginang.Pinunasan niya ng napkin ang basang labi, saka nahihiyang nginitian ito."Sa totoo lang po, I feel so honored na nagustuhan niyo ako ni Tito Roland para kay Isaac..." saglit siyang huminto sa pagsasalita at tumitig pansamantala sa kaniyang baso na halos wala ng laman. Nakangiti namang tumango ang kaniyang Tita Lorna sa kan'ya. Tumikhim muna siya bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Pero kasi Tita hindi po talaga natin pwedeng pilitin si Isaac about this kasi magiging unfair tayo sa kanila ni Angenette. Ayaw ko rin po na makasira ng relasyon."Unti-unting naglaho ang ngiti ni Lorna dahil sa mga sinabi ni Hope. Huminga muna ito nang malalim upang pakalmahin ang sarili. Hindi kasi nito maiwasang mainis sa tuwing naririnig ang pangalan ni Angenette. "Hope, hija, sa tingin mo ba talaga ay mahal ni Isaac ang gold digger na iyon?" Natawa ito nang pagak habang kinukumbinsi ang sarili sa isip na hindi talaga totoong pagmamahal ang nararamdaman ni Isaac para kay Angenette. "Isaac is just a little bit confused right now, Hope. Hindi mo pa talaga kasi siya lubos na kilala dahil matagal kang nawala rito. Napakabait at matulungin sa kapwa ng anak ko, Hope. At tinitiyak ko sa iyo na napagkakamalan niya lang na pagmamahal ang nararamdaman niyang awa sa babaeng iyon."Matamlay na ngumiti si Hope. Hindi pa rin siya kumbinsido sa sinabi ng Tita Lorna niya. It is true that Isaac is a very kind man pero naniniwala siya na he is also smart enough para ma-distinguish ang nararamdaman niya para sa isang tao."Bigyan lang natin nang kaunting panahon si Isaac, for sure matatauhan din iyon sa kahibangan niya," patuloy pa nito sabay nginitian siya. "I only want what's best for my son and I know that you are a perfect match for him. Masama ba Hope na hangarin ko iyon bilang isang magulang?"Hindi siya kumibo at naiilang na nagyuko na lang ng ulo. Ayaw niya sa ginagawa ng mga ito kay Isaac pero sino ba siya para kuwestiyonin ang pagiging magulang ng mga ito kay Isaac?"Kung hindi man kayo ang magkatuluyan ng anak ko, tatanggapin ko iyon nang bukal sa loob..." patuloy naman ni Lorna na sinadya talagang gawing malungkot at matamlay ang tinig nang sa gayon ay ma-guilty si Hope. Bumuntong-hininga ito at saka nagpatuloy, "Gano'n pa man, hindi ako papayag kailanman na sa Angenette na iyon mapunta ang Isaac ko."*****"Pag-isipan mo ito nang mabuti, anak. Isang Hope Vasquez ang tinatanggihan mo. Maraming lalaki ang nagkakandarapa sa kaniya tapos ikaw na sobrang lapit na sa kan'ya inaayawan mo lang," litanya kay Isaac ng inang si Lorna. Halos beinte minutos na siya nitong kausap sa cell phone at hindi pa rin ito sumusuko sa pagkumbinsi sa kaniya na pakasalan niya si Hope.Nakatingin lamang si Isaac sa cell phone na nakalapag sa mesa habang pinakikinggan ang ina. Kinuha niya ang maliit na baso sa tabi at ininom ang alak na laman niyon. Nang naubos niya na ang iniinom ay sinenyasan niya ang pinakamalapit na bartender at um-order ulit ng nakalalasing na inumin."And besides, isa ang ama niya sa mga kilalang business tycoon dito sa bansa, matutulungan niya kami ng Papa mo para mas makilala pa ang negosyo natin. Malay mo makipag-partner pa siya sa atin, di ba?" patuloy ng ina.Ngumisi siya habang nagsasalin ng alak sa kaniyang baso dahil sa sinabi ng ina. Pera na naman."Isaac, nakikinig ka ba?" tanong sa kaniya ng Mama Lorna niya. Sa buong panahon kasi ng pagsasalita nito ay wala siya ni isang salitang binitawan.Bumuntong-hininga siya at pinatayan na lang ang ina. Wala na rin naman kasing saysay sa kaniya ang makinig pa sa mga sinasabi nito. Katulad nga ng gusto nito, hindi niya na maaaring pakasalan si Angenette lalo pa't ito na mismo ang umayaw sa kaniya at pinili ang Gilbert na iyon.Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya nakaramdam nang ganoong klase ng sakit. Masama ang loob at nahihirapan siyang tanggapin na ang babaeng minahal at pinangarap niyang makasama sa pagbuo ng pamilya nang mahabang panahon ay sa ibang lalaki na ngayon bubuo ng sarili nitong pamilya.Nilagok niya ang alak sa kan'yang baso at nagsalin na namang muli.Sinubukan siyang awatin ng bartender sa pag-inom nang mapansin nitong lasing na siya dahil sa dami na ng kaniyang nainom. Bagsak na rin kasi ang mga mata niya at malapit na rin siyang mahulog sa stool na kan'yang kinauupuan.Nginitian niya lamang ang bartender at sinabihan na ayos lang siya. Kakamot-kamot naman sa batok ang bartender bago naiiling na tinalikuran siya nang paaalisin niya na ito.Pinilit niya ang maupo nang maayos. Isinuksok niya ang kan'yang kamay sa bulsa ng pantalon upang kunin ang kan'yang wallet subalit natigilan siya nang may iba siyang nakapa roon. Nang ilabas niya ang bagay na iyon ay hindi niya napigilang matawa nang makita kung ano iyon.Hawak niya ngayon ang singsing na binili niya para kay Angenette. Ito 'yong singsing na ibibigay niya sana rito noong gabing nag-propose siya rito.Bumuntong-hininga siya at ipinatong ang baba sa mesa habang nakatitig pa rin sa hawak na singsing."What should I do with you?" tanong niya na tila ba kinakausap niya mismo ang singsing.*****Hope was getting ready for bed when she heard someone ringing her doorbell. Nagtaka siya dahil sunod-sunod ang pag-buzz nito at dis oras na rin ng gabi.Lumabas siya sa kaniyang kwarto subalit hindi siya kaagad lumapit sa pinto sa salas dahil natatakot siya. Paano kung masamang-loob ito?Naisip niyang tawagan si Zeke pero hindi niya iyon itinuloy nang maalalang wala pala ito ngayon sa Duncan Mills dahil sinamahan nito ang isa sa mga artistang hawak nito sa labas ng bansa para sa isang fan meeting. Nagpasya siya na ang guwardiya na lang ng kanilang building ang tawagan dahil mas efficient iyon.Hindi niya mapigilang pagalitan ang sarili nang si Zeke na naman kaagad ang una niyang naisip na hingan ng tulong gayong napakasimple namang solusyunan ng problema niya ngayon. Masyado na talaga siyang dependent sa binata dahil ito na lang lagi ang kasama at umaasikaso sa mga pangangailangan niya araw-araw.Nagsisimula na siyang mag-dial sa kaniyang cell phone nang marinig niya ang pamilyar na boses sa labas."Hope," boses iyon ni Isaac at sa pagkakataong iyon ay tinatangka na nitong buksan ang pinto.Unti-unti siyang lumapit habang nakatitig sa gumagalaw na doorknob. "Isaac?"Narinig niya ang mahinang pagtawa nito. "You're still awake," anito.Napakunot siya sa tono ng pananalita nito. Lasing ba ito?Nang binuksan niya na ang pinto ay hindi niya napigilang mapatili nang bumagsak sa sahig si Isaac. Hindi niya alam na nakasandal pala ito roon.Natawa si Isaac. Sinubukan nitong tumayo subalit muli itong natumba dahil sa labis na kalasingan.Naguguluhan niyang tinitigan ito. Bakit ito nandoon nang ganoong oras? At bakit ganoon na lang ang kalasingan nito?Lumuhod siya sa harapan ni Isaac upang magpantay ang kanilang mga mukha. Pulang-pula ang mukha nito at naaamoy niya rin ang alak sa hininga nito. Napangiwi siya dahil do'n.Tumawa si Isaac dahil sa naging reaksyon niya. "I smell terrible, right? Hmmm... So, ayaw mo na rin ba sa akin kasi mabaho na ako?" lasing na tanong nito sa kaniya.Mas lalo siyang naguluhan sa tanong nito. Napansin niya ang maliit na sugat sa gilid ng labi nito. "Why are you here? And who did this to you?" nag-aalala niyang tanong, saka hinawakan ito sa pisngi upang tingnan ang sugat nito."I did." Natawa ulit si Isaac pagkatapos, hinawakan ang kamay niya na nakahawak sa pisngi nito. "Wait! I have something for you!" bulalas nito.Naguguluhang napakunot siya nang may inilabas na singsing si Isaac mula sa bulsa. Kinuha nito ang kan'yang kaliwang kamay at basta na lang isinuot sa kan'yang palasingsingan iyong singsing."Oh, it fits! It really fits!" tumatawang sabi ni Isaac nang sumakto sa daliri niya ang singsing. "Mukhang tayo talaga ang nakatadhanang magkatuluyan sa huli!"Binawi niya ang kamay kay Isaac at kunot-noo itong tiningnan. "Why are you doing this, Isaac?"Napasimangot si Isaac na tila ba disappointed ito sa naging reaksyon niya. "Why are you giving me that face? Ayaw mo na rin ba sa akin, Hope?" Isinandal nito ang noo sa balikat niya at bumuntong-hininga. "Bakit ba ang bilis niyo namang ayawan ako?"Napaupo siya dahil sa bigat ni Isaac. Naguguluhan siya sa inaasta nito. Hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi at tiningnan sa mga mata. "What happened, Isaac?"Imbes na sagutin siya, pilit na lumuhod si Isaac at hinawakang muli ang kamay niyang may suot ng singsing. "The ring looks good on you..." Tumawa ito nang mahina at bahagyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya. Mataman siyang tinitigan nito sa mga mata. "Hope, will you marry me?"Hindi na nagulat si Isaac nang matanggap ang liham mula sa abogado ni Hope. Tila ba'y matagal na rin niyang inaasahan ang pagdating nito—ang huling kumpirmasyon ng unti-unting nawalang pag-ibig sa kaniya ni Hope.He sat quietly at the table inside his hospital office, holding an envelope that seemed to weigh more than its actual contents. Nang buksan niya iyon, binungaran siya ng mga salitang pormal, malamig, at walang espasyo para sa damdamin. Legal Separation.Blangko ang ekspresyon ni Isaac habang pinagmamasdan ang mga dokumento. Walang galit. Walang luha. Pero sa ilalim ng kanyang katahimikan, may mabigat na pagbagsak—parang may unti-unting gumuguho sa loob.Ayaw niyang pumirma. Ayaw niyang tapusin. Pero higit sa lahat, ayaw niyang ipilit ang sarili sa isang relasyong ayaw na ring manatili.Kaya't sa huli ay pinirmahan niya pa rin ito nang buong pag-iingat na tila sa bawat guhit niya sa kanyang pangalan ay isang paalam.Ito na lamang ang tanging kaya niyang ibigay. Ang kalayaan ni
Tahimik at maaliwalas ang panahon habang nakaupo sa bench sina Hope at Zeke sa malawak na garden sa likod ng law office ni Atty. Mañago. Kaibigan ng late grandfather ni Zeke ang matandang abogado at nitong nakaraang linggo ay nag-set ito ng appointment dito para tulungan si Hope sa plano nitong pag-f-file ng petition for annulment sa asawa nitong si Isaac. May maliit na ngiti sa labi si Hope nang tumingala siya sa kalangitan na kay gandang pagmasdan. Mas lalo pa itong gumanda sa kaniyang paningin nang may kawan ng mga puting ibon ang lumipad patungo sa kung saan man ang destinasyon ng mga ito. "Such a lovely weather isn't it, Zeke?" aniya subalit wala siyang natanggap na tugon mula sa kaibigan. Nilingon niya ito sa kaniyang tabi at nakita ang hindi nito maipintang mukha. Hindi man magsalita ay alam niya ang dahilan ng pagsimangot nito. (Flashback) Nasa harap ng desk ang abogadong si Mr. Mañago, nasa tapat naman nito si Hope at si Zeke. Kampanteng nakaupo si Hope at pinagmamasdan an
"I can feel you staring at me," sabi ni Hope kay Zeke habang nakapikit ang mga mata. Nakahiga siya ngayon sa hospital bed at sandaling nagpapahinga pagkatapos siyang kuhanan ng dugo. Dumilat siya at tiningnan si Zeke na nakaupo sa upuan sa gilid ng kaniyang kama. "Is he going to be okay?" Maingat na hinawakan ni Zeke ang kamay niya. "He's receiving your blood right now, don't worry, he'll be fine." "I could have just ignored them, right?" "If you did, the worst could have happened already." "This could have been the best way to get my revenge on Angenette. If Timmy disappears from her life, her world will crumble," aniya, saka malungkot ang ngiting bumaling sa binata. "Such an evilish thought, right?" dagdag pa niya subalit nanatili lamang na seryosong nakatitig sa kaniya si Zeke. "Do you know why I am doing this?" tanong niya. "Tell me," tugon ni Zeke nang may maliit na ngiti sa labi. Malungkot ang ngiting tinitigan ni Hope ang mga kamay ni Zeke sa kaniya bago siya sumagot. "It'
"Why is she not picking up my calls? " Kunot-noong ibinalik ni Isaac ang cellphone sa bulsa ng pantalon nang hindi sagutin ni Angenette ang tawag niya sa pangalawang pagkakataon. Nasa kaniya pa rin ang wallet na naiwan nito. Malapit na siya sa kanto nang mapansin niya ang nagkukumpulang mga tao sa tabi ng lamp post, ang nakasisilaw na police lights sa mga sasakyan ng pulisya na naroroon, at sirena ng ambulansyang papalayo. "Ano po'ng nangyari rito?" tanong niya sa isa sa mga bystanders doon. Bago pa man makasagot ang kaniyang kinakausap ay napansin niya na ang sasakyang nakaparada sa tabi at ang driver niyon na kinakausap ng mga pulis. Bigla siyang kinabahan nang mapuna ang bola sa tabi ng daan. Katulad iyon ng bolang dala ni Timmy kanina nang pumunta ito sa kaniyang bahay. "May nabundol na bata. Sabi ng nakadisgrasya, eh, bigla raw tumawid kaya hindi siya nakaiwas kaagad." Pagkarinig sa sinabi ng kausap ay dali-dali nang umalis si Isaac at sumugod sa ospital kung saan dinala si T
Nagulat si Hope sa biglang pagyakap sa kaniya ni Isaac. Sinubukan niyang kumawala rito, subalit mas hinigpitan pa nito ang pagyapos sa kaniya."I'm sorry," halos pabulong na sabi ni Isaac sa kaniya.Pilit na pinigil ni Hope na pumatak ang mga luhang namumuo na sa mga mata. She knows that she needs to hear Isaac's apology, but she's also aware that it won't change anything. His previous actions led them to that downfall. Kung simpleng kasalanan lamang sana ang nagawa nito, baka sakaling ginantihan niya rin ng mainit na yakap ang mga yakap nito ngayon sa kaniya. The damage he have done to their family was beyond repair."You don't have to feel sorry about this, Isaac. What happened was Kevin's fault," patay-malisya niyang sabi kay Isaac. Wala siyang kamalay-malay na alam na nito ang totoo.Umiling-iling si Isaac. "No, I'm sorry. Hindi aabot sa ganito kung naging mabuting asawa lang ako sa 'yo, Hope."She stared at Isaac's eyes intently and slowly figured that he already knew what she ha
Labis ang pagtataka ni Hope nang magising siya sa bahay ng Mommy Hilda niya. Mas lalo pa siyang nagtaka nang matuklasan na naroroon din and Daddy Wilson at ang Tita Yvette niya. Doon na raw nagpalipas ng gabi ang mga ito matapos siyang sunduin sa bahay nila ni Isaac na hindi niya naman maalalang nangyari. Ang huling naalala niya lamang ay ang pagputok sa iba't ibang social media sites ng eskandalong kinasasangkutan niya."Kumain ka, Hope. Kailangan mong magpalakas, tingnan mo, nangangayayat ka na," sabi kay Hope ng kaniyang Mommy nang hindi niya man lang ginagalaw ang inihanda nitong agahan."Wala po akong gana—""Listen to your mom, Hope," putol naman ng Daddy Wilson niya sa tangka niyang pagsasalita. Tiningnan niya ito at ang katabi nito ngayong si Yvette. Ni sa panaginip ay hindi niya nakita na magsasama-sama silang apat sa iisang bahay."Hindi ninyo naman po ako kailangang kunin sa bahay. Kaya naman po naming ayusin ito nang kami lang," nakayuko niyang sabi."We know that pero bil