MAG-ISA siyang nakaupo sa beach lounge chair nang maramdaman niyang may lumapit sa kanya at maupo sa tabi niya.
Kahit hindi niya ito lingunin, sa amoy pa lamang nito at base na rin sa malakas na kabog ng dibdib niya, aoam niya na agad kung sino ito.
"Hi"
Nilinga niya itong at tipid na nginitian.
"Hi."
"Akala ko ba, wala kang kasamang bf?" maya-maya ay tanong nito, nasa dagat ang tingin.
"Wala nga." kunot ang noong sagot niya.
"'Yong lalaking kasama niyo?" hindi pa rin sa kanya nakatingin na wika nito.
"Ha? Hindi ko bf 'yon, no. Pinsan 'yon ni Lloyd, nakisabit lang din."
"Ows?" naka-angat ang isang kilay na sa wakas ay tumingin din ito sa kanya. "Kulang na lang ipagbalat ka ng hipon, ah,"
Oh my gosh, Greg. Nagseselos ka ba?
"Ganon lang siguro siyang ka-caring sa kaibigan."
"Ganon na ba uso ngayon?"
"Yap. Katulad n'ong friend mo."
"Sino?" bahagya nitong ikinunot din ang noo.
"'Yong Nicole..."
"Ahh... 'yon ba?" huminga ng malalim ang binata at muling tumanaw sa dagat. "Ganon lang talaga siya, bata pa, eh. Tingin niya siguro sa akin kuya niya, kaya laging nakadikit. Wala kasi sa bansa kuya nila, nagtatrabao sa Germany."
Bakit parang pakiramdam niya ay nagpapaliwanag ito sa kanya?
"Ahh... akala ko ba, ayaw mong magpaturing ng kuya?"
"Ibang usapan naman 'yon."
"Ano'ng pinagkaiba?" tumingin siya rito.
"Basta. Hindi mo pa maiintindihan, sa ngayon."
"Try me."
"Balang araw, ipa-iintindi ko rin sa'yo."
"Ang tagal ng balang araw."
Mahina itong natawa at tumingin sa kanya.
"Ikaw talaga. Anyway, bakit ayaw mo pang maligo?"
"Wala lang. Ang init pa kasi, eh. Sabay na lang kami ni Tin, mamaya, pagbaba ng araw. Hanggang bukas pa naman tayo dito, 'di ba?"
"Tama yan. Huwag ka muna lumusong, may syokoy sa dagat."
"Huh?" takang aniya.
Natawa ang binata sa pagtataka sa mukh niya.
"Wala.. Joke lang."
Ilang sandali silang nanahimik at kapwa nakatingin lang sa karagatan nang basagin nitong muli ang katahimikan.
"Sweetheart..."
"Hmm.."
OMG!
"Huwag ka muna magpapaligaw ha..."
Shocks, Greg. Malapit nang lumabas ang puso ko sa ribcage niya. Sweetheart... aww, Greg... huwag naman masyado.
Ilang beses muna siyang lumunok bago nakuhang sumagot.
"H-huh? Bakit naman?"
Hindi na maipaliwanag ng dalaga ang kabang nararamdaman niya.
"Wala. Bata ka pa kasi, eh."
Urgh!
"Dalaga na kaya ako. In three months time, eighteen na 'ko..." inis na aniya rito.
"Basta..."
Ang huling sinabi nito bago tumayo na at naglakad papalayo habang nasa magkabilang bulsa ang mga kamay.
LAST NIGHT IN BATANGAS
"Bez, bilisan mo naman diyan, no. Mag-i-start na sila kumain, nandito pa rin tayo." aniya sa kaibigang nasa loob pa ng cr.
"Oo na, wait lang. Sa dami ng pagkain d'on, hindi naman siguro nila 'yon basta mauubos, no."
"Hindi naman 'yon, eh..."
"Eh, ano pala?" anitong kalalabas lang ng cr. "Namiss mo lang si fafa Greg, eh. Sus... 'di ka nga makalapit eh, may nakabakod." naka-angat ang kilay na sabi nito sa kanya.
"Hay nako, paalala mo pa." naiinis na sabi niyang naupo sa gilid ng kama. "Akala ko pa naman, magkaroon ako kahit konting moment dito." nakangusong sabi niya.
"I told you, kay Kevin ka na lang. Wala ka pang kaagaw. Pogi rin naman." sulsol pa nito habang nagsusuklay.
Patamad siyang nahiga sa kama at niyakap ang isang unan. "Ayoko ng pogi, ang totoy."
"Grabe maka-totoy, eh, magka-edad lang kayo. Ano ka pala? Nene?" pang-aasar pa nito.
"Heh! Nakakarami ka na sa akin, ha. Tara na nga. Sabi, boodle fight daw, meaning, dapat sabay-sabay, 'di ba? Anong petsa na? Baka tirik na mata nila sa gutom, sa tagal mo." aniyang inirapan ang kaibigan, at lumakad na papuntang pinto.
"Oo na... eto na. Ang pikon mo." natatawang naiiling na sabi nito.
PAGDATING nila sa tabing dagat kung saan naisipang maglatag ng malaking mesa, at doon kumain ng sabay-sabay, ay naroon na ang lahat, at sila na lang talaga ang wala.
"Hay nako, dumating din." 'bulong' ni Nicole, na alam naman nilang sadyang inilakas upang marinig nila.
"Bez, awatin mo 'ko, susubuan 'ko 'yan ng buong alimango, kasama sipit." nanggigigil na 'bulong' din ni Tin.
"Sige, pili pa kita ng malaki." ganting 'bulong' niya rin at nagngisngisan sila.
"Halika na kayo ditong dalawa, at nang makakain na tayo. Hindi pa naman kayo late, kaka-set-up pa lang." yaya ng ate niya sa kanila at pinandilatan sila ng mga mata.
Ganoon din ang ginawa ng ate ni Nicole sa kapatid nito. Alam niyang narinig ng mga ito ang 'bulungan' nila.
Nang mapatingin siya ay Greg ay napansin niyang nagpipigil ito ng ngiti at nakatingin sa kanya.
Naiiling na nag-iwas na lang siya ng tingin.
Dahil naka-pwesto na lahat ay dalawang pwesto na lang ang bakante. Na sa tingin niya ay sadyang binakante para sa kanilang dalawa.
Ang isa, ay sa pagitan nina Greg at Kevin, at ang isa naman, ay sa pagitan nina Kevin at Lloyd, na siyempre pa, ay pinuwestuhan ni Tin upang makatabi ang kasintahan. Kaya wala siyang choice, kundi pumuwesto sa pagitan nina Greg at Kevin.
Maya-maya pa, ay magana na silang sabay-sabay na kumain.
"Tikman mo 'tong--" sabay na sabi nina Greg at Kevin, na pareho ring natigilan.
Parehong nahinto sa ere ang mga kamay nito. Habang hawak ni Greg ang hinimay na alimango at si Kevin naman ay ang binatalang hipon.
Natigilan si Dawn sa eksena at lihim na nangiti at napataas ang kilay.
Pigil naman ang tawa ni Tin habang ipinagpapatuloy ang pagkain dahil nakita nito kung paanong napa-awang ang labi ni Nicole sa eksena.
Tila kapwa naman napahiya ang dalawa at ibinaba na lang ang kamay at ipinagpatuloy ag pagkain.
"Hon, parang gusto ko rin ng hipon... ay ng alimango pala." pilyang sabi ng kaibigan niya.
Pinandilatan niya ito at sinenyasang tumahimik na tinawanan lang nito.
Habang kumakain ay patingin-tingin na lang si Greg sa kanila dahil hindi pa rin tumigil si Kevin sa kaaasikaso sa kanya at kahihimay ng iba't ibang klase ng seafoods. Habang pilit namang kinukuha ni Nicole, na nasa kabilang bahagi nito, ang atensyon sa binata.
Maya-maya pa, ay tapos nang kumain ang lahat. Nagkayayaang gumawa ng bonfire at kwentuhan at konting inuman. Beer ang sa mga lalaki at tanduay ice naman ang sa mga babae.
Akmang kukuha si Toni ng tanduay ice nang harangin siya ni Greg.
"Wait, allowed ka bang uminom?" tanong nitong matiim na nakatingin sa mga mata niya.
"Yap. Tanduay ice lang 'to, 'no. Nako, kung alam mo lang kung ilan ang napapatumba namin ni Tin nito kapag nag-aaway sila ni Lloyd." nakangiting bulong niya para hindi marinig ni Tin at itinuloy ang pagkuha ng alak.
"Hoy. Narinig kita, ha." ani Tin, na hindi niya alam na kasunod niya na pala. "'Wag kang maingay, mamaya marinig ka ni Lloyd, lumaki pa ulo nun." anitong kumuha na rin ng alak sa cooler.
Inabot ni Greg ang hawak nilang bote at binuksan bago ibinalik muli sa kanila.
Agad na umalis si Tin at bumalik sa tabi ng nobyo. Tatalikod na rin sana siya nang magsalita si Greg.
"Pwede bang dito ka muna? Kwentuhan muna tayo."
"Bakit? Ayaw mo ba d'on? Para masaya."
"Bakit? Dahil nandoon si Kevin?" tanong nitong deretsong nakatingin sa mga mata niya.
Lumagok ito sa hawak na beer nang hindi binibitiwan ng tingin ang mga mata niya.
"Wala akong sinabing ganon, no. Mas marami, mas masaya."
Bumuntong-hininga muna ito bago sumagot.
"Dito na lang muna tayo. Ayoko d'on, ang iingay nila. Hindi pa nakakarami 'yang mga 'yan, hintayin mo kapag nakarami na 'yan, lalong ang gugulo."
"Mga kaibigan mo sila, dapat sanay ka na. Si Tin nga, kahit lasing o hindi, makulit 'yan. Sanay na 'ko." natatawang sabi niya.
Nakita niyang medyo nangiti ito sa sinabi niya.
"Sanay naman na ako. Hindi lang maiwasan na minsan, gusto ko rin ng katahimikan." anitong yumuko at tumitig sa hawak na bote ng alak.
"Hmm... hindi ka ba hahanapin ni Nicole?"
Napangiti si Greg sa sinabi niya.
"Huy... bakit ka nakangiti diyan?"
"Wala lang, may naisip lang ako." nakangiting umiiling-iling itong nakatingin sa kanya.
Maya-maya ay dumating na nga si Nicole na mukhang kukuha rin ng alak.
"Hi. Bakit nandito kayo?" anitong kay Greg nakatingin bago tila nagdududang lumingon sa kanya.
"Wala. Kumuha lang ng alak. Pabalik na nga ako d'on, eh." aniyang tumalikod na at lumakad pabalik sa mga kaibigan.
Agad namang tumayo si Kevin pagkakita sa kanya at inalalayan siya sa pag-upo.
Kung muli lang siyang lumingon ay makikita niya ang pagtatagis ng mga bagang ni Greg.
"Greg, paki-open naman 'tong bote, oh..," malakas na sabi ni Nicole, na tila talagang ipinaririnig sa kanila.
Napabuntong-hininga na lamang siya.
"Ano'ng nangyari?" pabulong na tanong sa kanya ni Tin na ang mga mata ay na kina Greg at Nicole.
"E, 'di nganga. May dumating na hipon." ganting bulong niya rito upang hindi marinig ng mag-pinsan.
"Akala ko naman, makaka-score ka na."
Sinaman niya ng tingin ang kaibigan na nakangiti lang.
"Gaga ka talaga. Gusto mong sinabunutan ako ng ate ko diyan?"
"I mean, akala ko magkaka-lovelife ka na. Istorbo talaga 'yung hipon na 'yon. Akala niya naman, ikinaganda niya yung yellow bikini niya. Hello...? Wala kaya siyang boobs, puro balakang. Bakit ba kasi hindi ka nag-bikini, eh, mas sexy at mas makinis ka kaya d'on." inis na sabi nitong muling nilingon ang dalawa at pairap na binawi ang tingin.
"Sira ka talaga. Hayaan mo na lang sila, inom na lang natin 'to." niyang itinaas ang bote sa harap ng kaibigan.
"Cheers..." sagot nitong pinagpingki ang mga boteng hawak nila.
At sabay nilang tinungga ang bote. Naiiling na nakatingin lang sa kanila ang magpinsan.
Swit❤
Hey...
Gulat na nag-angat siya ng tingin nang makita niya kung sino ang nag-text. Sinalubong siya ng matiim na titig ni Greg.My SweetheartBakit?Swit❤
Pang-apat na bote mo na 'yan, sure ka, kaya mo pa?My Sweetheart
Huh? Nakaka-apat na bote na ba 'ko? Buti ka pa bilang mo, ha...Swit❤
Haist... Sweetheart, namumula ka na.My Sweetheart
Ano ulit?Swit❤
Sabi ko namumula ka na...My Sweetheart
Hindi 'yon..Swit❤
Haist..Nang mag-angat siya ng tingin dito at ngising-ngisi itong nakatutok ang tingin sa cellphone nito.
My Sweetheart
Nevermind.
Swit❤
Sweetheart..Nang muli siyang mag-angat ng tingin ay nakangisi pa rin ito ngunit nakatingin na sa kanya.My SweetheartBakit mo ako tinawag na ganon? Sweetheart mo ba ako?Dahil nakainom ay medyo lumakas ang loob niya.Swit❤Ayaw mo ba?My Sweetheart
Ahm... paano si Nicole?Swit❤
Bakit naman napasok si Nicole?My Sweetheart
Wala lang. Naisip ko lang.Swit❤
Huwag kasing kung ano-anong iniisip mo. Ano? Will you be My Sweetheart?My Sweetheart
Huh? Hmm...
Swit❤
Pumapayag ka ba?
My Sweetheart
Paano si ate? Baka magalit siya...Swit❤
Huwag mong alalahanin 'yon, ako'ng bahala d'on. Ano? Pumapayag ka ba?
My Sweetheart
YES.
Swit❤
Thanks... you don't know, how happy, you made me. 'Yung mga problema, 'wag mo munang intindihin 'yon. Akong bahala 'don. Ang importante ngayon, akin ka na. Wala nang bawian 'yan, ha...My Sweetheart
Natatakot pa rin ako kay ate...Swit❤
Ako rin naman. Kapag naiisip ko, kung gaano kalayo ang agwat ng edad natin, naaalangan pa rin ako... pero ang hirap pigilan. Saka baka maunahan pa ako niyang katabi mo.My Sweetheart
Hmpf! At 'yong katabi mo?Nag-angat siya ng tingin at inirapan ang binata.
Swit❤
Hahaha... Sweetheart, 'wag kang magselos dito. Mas maganda at sexy ka dito, no!My Sweetheart
Hmpf, talaga! Basta, urong konti. Kulang na lang magkandungan na kayo, ah...Nang muli siyang mag-angat ng tingin sa binata ay kita niyang kagat-kagat nito ang gilid ng labi bilang pagpipigil sa pagkapunit ng ngisi habang nakayuko at nagtitipa sa telepono nito.
Swit❤Selosa pala ang Sweetheart ko, ha...My Sweetheart
'Di lang halata... grr!Swit❤
Eto na po, uusod na po. Ikaw din, usod ka din konti, ha..Bahagya at disimulado siyang umusod palayo kay Kevin.
My Sweetheart
'Yan?Swit❤
Konti pa.Muli ay pasimple siyang umusod.
My Sweetheart
'Yan?Swit❤
Konti na lang.Isa pa uling usod ang ginawa niya bago niya makitang unti-unti gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi ni Greg.
My Sweetheart
'Yan?Swit❤
Better."GOODNIGHT, Sweetheart." malambing na anas ni Greg habang kausap niya sa telepono.
Katulad niya ay tulog na rin marahil ang mga kasama nito sa silid kaya ito bumubulong.
"Tulog ka na, ha. Dami mong nainom, naka-limang bote ka."
Bilang na bilang, ah.
"Okay lang po ako." ang lapad ng ngiti niya habang kausap ang binata, na ngayon ay opisyal niya nang kasintahan. "Ikaw talaga, sabi ko naman sa'yo, kaya ko 'yon,"
Bawat kuha niya kanina ng inumin ay nagtetext ito upang ipaalala kung nakakailang bote na siya. Tinataasan na nga siya ng kilay ni Tin dahil panay ang text niya habang umiinon sila.
"Sa tingin mo, nahalata ba tayo ni ate, kanina? Ikaw kasi, text ka nang text, eh... halatain tuloy masyado."
"Eh, ano naman? Sasabihin din naman natin sa kanya 'yon. Hindi ko lang sinabi kanina kasi gusto ko, kausapin siya, privately."
"Ahm... Sweetheart, pwede bang huwag muna nating sabihin kay ate? Pwede bang secret na lang muna natin, 'to?" nakikiusap ang tinig na sabi niya.
Saglit na natigilan ang nobyo sa sinabi niya.
"Why? Ikinakahiya mo ba ako, dahil malayo ang agwat ng edad natin?" sa pagkakataong iyon ay iba ang timbre ng boses nito, nawala ang suyo.
"Of course not. Gusto ko kaya isigaw sa buong mundo na sa wakas napansin din ako ng ideal man ko," mabilis niyang sagot.
Ayaw niyang isipin nito ang ganoong bagay sapagkat malayong-malayo iyon sa isip niya.
"Then, bakit ayaw mong ipaalam sa iba?"
"Kasi nga po, bata pa ako... and hindi pa allowed mag-boyfriend, until mag-eighteen ako. Sweetheart, three months na lang naman eighteen na ako eh... para lang hindi masabi nila mama na sinuway ko sila."
Dinig niya pa ang paghugot nito ng malalim na paghinga.
"Then, let's continue this relationship kapag eighteen ka na."
"Huh? Hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin, eh. Please, intindihin mo naman ako..."
"Okay." tila wala na lang nagawa na pagsuko nito. "Pero sa debut mo, sasabihin na natin sa ate mo ha... wala nang excuse?"
"Promise. Thanks, sweetheart." nakahinga siya ng maluwag sa pagpayag nito. "Hindi pa rin ako makapaniwala."
"Maniwala ka na, dahil wala nang atrasan, 'to. Sige na, matulog ka na, maaga pa tayong aalis bukas." sa pagkakataong iyon ay bumalik na ang dating suyo sa tinig nito. "Goodnight, I love you."
"Goodnight, 8."
"Anong 8?"
"I love you po yan... kapag binilang mo siya, eight letters 'yon."
Mahina itong natawa nang marinig ang paliwanag niya.
"Ahh... ganon ba? Hirap mag-girlfriend ng bata, daming alam."
"Che! Bata ka diyan"
Muling natawa ang binata.
"Sige na, dalaga ka na, in three months time. Goodnight... 8."
"Nice. Bilis matuto, ah." tinawanan lang siya nitong muli. "Sige na matulog na tayo."
Sweetdreams...8""Sweetdreams, Sweetheart."
"What?!" bakas ang pagkagulat sa mga mata at tinig ni Toni sa sinabi ng kasintahan. "Nah... of course, you're joking.""Sweetheart, i'm not." bahagya siyang napalunok nang makitang seryoso nga ang mukha nito."Seryoso? As in...?""Damn, serious!" tumatango-tango pang sabi muli nito."B-but... I mean..." hindi niya alam kung ano ang sasabihin at kung papaano magre-react.Seryoso talaga?Naka-angat naman ang kilay nakatingin sa kanya si Greg. Nagtatanong ang mga mata."H-how? I mean... gan'on kabilis? Are we in a rush, here?""I am." seryoso pa ring sagot ng binata. "Ayaw mo ba?" she can sense insecurity in his voice."Of course, not." mabilis niyang sagot. "Look... I want to marry you, alright, but... do we really have to make it, tomorrow? Paano ang parents ko? Ni hindi pa nga kayo nagkikita, hindi ka pa nga namamanhikan? And besides, gusto ko, kapag kinasal ako, nandito sila."
KUNG naging lalaki lamang siguro si Chloe, ay kanina pa ito nasaktan ni Greg, sa labis na galit na nadarama niya nang mga oras na iyon.Nag-uumigting ang mga ugat sa kanyang kamao sa higpit ng pagkakakuyom, dahil sa pagpipigil na masaktan ang dalaga."From now on, stay away from me, and Toni. Sa susunod na lumapit ka pa sa amin, hindi ko na alam kung makakaya ko pang pigilan ang sarili ko." naniningkit ang mga matang sabi niya.Kahit ano'ng gawin nito ay hindi niya kayang kalimutan na lamang ang lahat ng mga ginawa nito. Kamuntikan na siyang iwan ni Toni nang dahil sa kagagawan nito."Ayoko nang magkaroon pa ng kahit na ano'ng kaugnayan sa'yo!" nagngangalit ang mga bagang na mariin niyang sabi. "Not even as friends, this time, Chloe!"Mariing napalunok si Chloe at nanlaki ang mga mata sa intensidad ng mga sinabi niya. "You can't do that to me!"Umangat ang gilid ng mga labi niya sa isang pagak na ngiti. "Try me." nagh
KUNG naging lalaki lamang siguro si Chloe, ay kanina pa ito nasaktan ni Greg, sa labis na galit na nadarama niya nang mga oras na iyon.Nag-uumigting ang mga ugat sa kanyang kamao sa higpit ng pagkakakuyom, dahil sa pagpipigil na masaktan ang dalaga."From now on, stay away from me, and Toni. Sa susunod na lumapit ka pa sa amin, hindi ko na alam kung makakaya ko pang pigilan ang sarili ko." naniningkit ang mga matang sabi niya.Kahit ano'ng gawin nito ay hindi niya kayang kalimutan na lamang ang lahat ng mga ginawa nito. Kamuntikan na siyang iwan ni Toni nang dahil sa kagagawan nito."Ayoko nang magkaroon pa ng kahit na ano'ng kaugnayan sa'yo!" nagngangalit ang mga bagang na mariin niyang sabi. "Not even as friends, this time, Chloe!"Mariing napalunok si Chloe at nanlaki ang mga mata sa intensidad ng mga sinabi niya. "You can't do that to me!"Umangat ang gilid ng mga labi niya sa isang pagak na ngiti. "Try me." nagh
HABANG nasa biyahe si Greg ay hindi niya maubos-maisip kung papaanong naroon si Chloe sa condo niya, sa dalawang pagkakataon na nagpunta doon si Toni.Kailangan niya talagang malaman ang katotohanan. Hindi siya papayag na ang mga pangyayaring iyon ang maging dahilan ng pagkasira nila ng kasintahan.Dahil babalik din naman siya agad sa condo niya, ay hindi na siya nag-abala pang ipasok sa loob ng gate ang sasakyan niya; ipinark niya na lamang ito sa tapat ng mansyon.Walang kamalay-malay ang mga tao sa loob sa pagdating niya. Nasa pinto pa lamang siya ay dinig niya na ang usapan ng mga ito."I guess, your plan worked. Greg wants to see you." dinig na dinig niyang sabi ng Mama niya na nagpatiim ng mga bagang niya. "Sana talaga, hindi na magpakita ang babaeng 'yon. And, I hope, too, na bayad na ako sa pagkakautang ko sa'yo." nangunot ang noo niya sa huling sinabi ng ina.Pinili niyang manatili na lamang sa labas ng pintuan. Nais ni
FLASHBACKPagkatapos na maihatid ni Toni sa opisina ang mga papeles na kailangan ni Tin, ay nagmamadali na siyang nagpaalam sa kaibigan at sinabing kailangan niyang puntahan si Greg sapagkat may sakit ang nobyo, at hindi pa ito nakakainom ng gamot, at sa malamang, ay hindi pa rin kumakain, dahil mag-isa lamang ito sa unit nito.Dumaan muna siya sa isang restaurant upang bumili ng makakain nito at pagkatapos ay sa drugstore naman, para sa gamot na ipaiinom niya rito pagkatapos.Naiiling-nangingiti pa siyang pumasok sa unit nito sapagkat katulad nga ng sinabi nito, ay hindi nga nito ini-lock ang pinto, para hindi na raw siya mahirapan pa sa pagkatok. Naalala niya ang naging pag-uusap nila kanina sa text, kaya't lalong lumawak ang ngiti niya, kasabay ng pag-iinit ng mga pisngi.Pagpasok, ay agad siyang dumeretso sa kusina upang ayusin ang biniling pagkain at saka niya gigisingin ang binata upang makakain na at mapainom ng gam
TINHey, kumusta? Nag-usap na ba kayo?TONINope. But it's over.TINWhat? Akala ko hindi pa kayo nakakapag-usap?TONIYeah. I tried. I went to his condo... guess kung sino ang inabutan ko?TIN???TONIThat girl again!TINBez, malay mo naman iniinis ka lang ng babaeng yon? You know how bitchy she is.TONIShe's only wearing Greg's shirt again, paano mo ipaliliwang yon? And, someone's in the shower.TINSigurado ka ba'ng siGreg yon?TONIBez, hindi naman ako siguro nagkamali ng pintong kinatok. Condo niya yon, malamang siya yon!Bez, I need you now. I am so broke. I need my bestfriend.