Share

Chapter 7

"BEZ, nasaan ka na ba?"

"Heto na, malapit na po. Kasi naman, ang aga-aga ng pina-schedule mo sa spa eh..." tinawagan siya ng kaibigan kahapon at sinabi nga na nagpa-appointment ito sa isang kilalang Spa. Regalo raw nito iyon sa kanya sa kanyang kaarawan.

Nang araw na iyon ang ika-labing walo niyang kaarawan. Tinanong siya ng mga magulang niya kung gusto raw ba niya ng magarbong party at imbitahin ang mga kaklase niya ngunit tumanggi siya. Sinabi niyang nais lamang niya magdinner kasama ang ate niya at mga kaibigan. Sina Tin, Lloyd at Kevin lamang naman ang masasabi niyang mga talagang kaibigan niya sa school. Iyong iba ay mga pawang kakilala lang.

Kahit na sinabi niya na kay Greg ang tungkol sa birthday dinner niya ay sinabihan pa rin niya ang kapatid na imbitahan si Greg. Baka kasi magtaka ito kung bakit bigla na lamang sumulpot doon ang kaibigan nito.

Noong una ay bahagya itong natigilan sa sinabi niya, bago animo wala sa loob na marahang tumango.

"Hoy, Maria Antoinette, birthday mo po ngayon, no... so, I have to pamper you, from head to toe." litanya ng kaibigan niya.

"Pwede naman kasing wala, eh. Dinner lang naman mamaya sa bahay, so bakit pa kailangang may ganito?"

"Basta. Bilis na kasi, kanina pa ako dito, ha!"

"Heto na. Nasa entrance na ako."

NANGUNOT ang noo ni Toni nang silipin niya ang cellphone niya.

Tapos na silang magpa-spa ni Tin. Nagpa-manicure at pedicure din sila... at pinilit din siya nitong magpa-salon.

Ewan ba, kung ano ang trip ng kaibigan niya at kahit pa anong tanggi niya ay hindi ito pumayag hangga't hindi siya napapahinuhod. Ayon dito, ay regalo raw nito iyon sa debut niya.

Isang black credit card ang ibinabayad nito sa bawat transaksyon na ipinagtaka niya.

Kailan pa ito nagkaroon ng black card? Ang alam niya ay walang limit ang mga ganoong uri ng credit card.

Nang matapos, ay niyayaya pa nga siya nitong magshopping, na mariin niya nang tinanggihan.

Masyado nang malaki ang nagasta nito sa kanya maghapon... maski nga sa pagkain ay ito pa rin ang nagbayad ng lahat--gamit ang black card na hawak nito.

Maghapon na ang lumipas ngunit wala pa rin siyang naririnig na pagbati mula kay Greg.

Nakalimutan ba nito ang kaarawan niya?

Kahit tila nais niya nang magtampo sa kasintahan ay binigyan niya pa rin ito ng benefit of the doubt... baka naman busy lang ito.

Pinili niyang itext na lamang ito kaysa mag-isip ng kung ano-ano.

My Sweetheart

Swit❤

Paramdam niya rito.

Sa kulang isang buwan nilang magkasintahan, kapag namimiss niya ang nobyo ay magtetext lamang siya ng gan'on at agad na itong tatawag sa kanya.

Ngunit ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin tumutunog ang cellphone niya.

Napansin marahil ni Tin ang maya't- maya niyang pagsilip sa cellphone niya.

"May problema, Bez?" tanong nito.

Dahil wala naman siyang itinatago rito ay sinabi niya ang bumabagabag sa kanya.

"Hindi pa 'ko binabati ni Greg." nakalabi pang sabi niya.

Unti-unting naghugis 'O' ang mga labi ni Tin.

"Ow! Baka busy lang?" tila walang anumang sabi nito.

"Kahit isang text ng HBD lang 'di niya ba masingit? Three letters lang 'yon, Bez!" naghihimutok pa rin niyang sabi.

Alanganin itong ngumiti na hindi niya pa mawari kung ngiti o ngiwi.

"Magshopping na lang kasi tayo... masaya ka na, nakabawi ka pa." may mahiwagang ngiting nagtatago sa mga labi nito.

Patay-malisya naman itong tumingin sa kanya.

Naiiling namang muli siyang tumipa sa hawak na cellphone.

My Sweetheart

Parang gusto ko nang magtampo, ah. Birthday ko na, wala man lang paramdam? Wala man lang bati? Anyways, gusto ko lang ask kung ano'ng oras ka pupunta mamaya sa bahay? Magkasama pa kami ni Tin, sabi niya kasi, eto raw gift niya sa akin, eh... buong araw  niya akong pinamper. Pero pauwi na rin kami, for the dinner.

Naghintay pa siya ng ilang sandali, at nang wala pa ring reply, ay muli siyang nagtipa ng mensahe.

My Sweetheart

Sobrang busy mo ba talaga,.hindi ka makareply? Okay. Hindi na ako mangungulit. 8. Sana lang, hindi ka masyadong busy para makapunta mamaya sa bahay. Kung pwede lang huwag na ituloy ang dinner, eh.

Matapos maipadala ang mensahe ay niyaya niya na si Tin umuwi.

Sumulyap naman muna ito sa relo nito bago pumayag.

HALOS papadilim na nang makarating sila sa bahay.

Nangunot ang noo niya nang makitang sarado ang pinto at patay ang mga ilaw.

"Bakit walang tao rito? Nasaan kaya si ate? Akala ko ba magpapaluto siya, para sa dinner natin? Sina Lloyd at Kevin, ano'ng oras daw pupunta?" aniyang bumaling sa kaibigan.

Nagkibit ito ng balikat bago sumagot.

"Malay. Sila Lloyd, i-text ko na lang daw sila, kapag nandito na tayo, hahabol daw sila."

Laglag ang balikat na bumaling siyang muli sa pinto.

May isa pang panauhin na kanina niya pa hinihintay magparamdam, pero parang nakalimutan na nito ang araw na ito.

Akala pa naman niya ay magiging masaya ang araw na ito.

"Lika na, pasok na tayo. Malamok dito, ha." pukaw sa kanya ng kaibigan.

Matamlay na binuksan niya ang pintuan para lang magulat sa nakita.

SURPRISE!!

Sabay-sabay na sigaw ng mga taong inabutan nila sa loob ng bahay.

Naroon ang ate niya, kasama sina Lloyd at Kevin at siyempre, si Greg, na ang laki ng ngiti sa kanya.

Nakangiting lihim niyang inirapan si Greg dahil sa hindi nito pagpaparamdam sa kanya maghapon, iyon pala ay kasama ito sa nag-prepara ng kaarawan niya, at gayundin, sa pagsorpresa sa kanya.

Gayundin si Tin, na kaya pala pilit siyang inabala maghapon.

"HAPPY BIRTHDAY, TONI!!" sabay-sabay na bati ng mga ito sa kanya.

"Grabe, thank you talaga! Akala ko wala nang birthday na magaganap, eh." maluha-luha niyang sabi. "At ikaw, bez, kasabwat ka, 'no?" naninita, ngunit nakangiting baling niya sa kaibigan.

Nakangiti rin ito na nag-peace sign pa sa kanya.

"Napag-utusan lang po. Happy Birthday, Bez, enjoy your night." anito at hinalikan pa siya sa pisngi.

Isa-isang nagsilapitan ang mga ito sa kanya upang bumati at magbigay ng regalo.

Nang lumapit si Kevin upang bumati at ibigay ang regalo nito ay hinalikan din siya nito sa pisngi.

"Happy Birthday."

"T-thank you, kain na kayo doon."

"Okay. Ikaw?"

"Sige lang, susunod ako."

Nakita niyang nagsalubong ang makakapal na kilay ni Greg at umiwas ng tingin.

Tumalikod ito upang kuhanin ang isang bungkos na sunflower na ngayon niya lang napansing nakapatong sa mesa at lumapit sa kanya.

"Happy Birthday, Sweetheart." bati nito, at inabot sa kanya ang bulaklak at isang mahabang kahitang kulay pula.

Pinanlakihan niya ito ng mga mata at sumulyap sa ate niya na tila sinasabing, 'hindi niya pa alam'.

Nginitian lamang siya nito at hinalikan sa noo.

Hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang kinabahan sa klase ng ngiti nito, parang may iba.

Parang may lungkot!

"Okay ka lang?" pabulong na tanong niya rito.

"Of course, huwag mo akong intindihin, okay lang ako. Napagod lang siguro ako sa preparations. I want you to be happy, on your special day." nakangiti pa rin ito ngunit nag-iwas ng tingin.

"Anong oras natin kakausapin si ate?"

"Later, Sweetheart. Let's eat, first." tumikhim muna ito bago sabihin iyon.

Hindi niya alam pero, parang may mali talaga, hindi niya lang matukoy.

'Hmpf. Baka napapraning lang ako. Hindi bale, magsasabi naman na kami kay ate mamaya, mawawala na rin siguro itong nararamdaman ko'ng kaba.' Iyon na lang ang inilagay niya sa isip niya.

Habang kumakain ay sobrang sweet ni Greg sa kanya. Sobrang asikaso nito sa lahat ng pangangailangan niya.

Napapansin niyang, napapakunot-noo si Kevin sa pagtataka kung ano ang mayroon sa kanilang dalawa.

Kapag napapatingin naman siya sa ate niya at tinitingnan niya kung ano ang reaksyon nito sa nakikita ay agad itong umiiwas ng tingin.

'May mali ba talaga, o, ako lang ito?  Hay... nasisiraan na yata ako ng bait. Baka masyado lang akong kinakabahan, or, na-e-excite?'

Maayos na nairaos ang birthday niya sa piling lang ng mga piling kaibigan, at siyempre pa, ni Greg. Wala na siyang mahihiling pa sa kaligayahang nararamdaman.

Isa na lang ang kulang.

Ang masabi nila ni Greg sa ate niya ang tungkol sa kanilang relasyon.

Pagsapit ng alas-dose ng hating-gabi ay nagpaalam nang umuwi sina Tin, Lloyd at Kevin.

Nagpaiwan si Greg, at alam niya kung bakit.

Bumalik na naman ang kaba sa dibdib niya.

Nanlaki ang mga mata niya nang makitang pasimpleng iniabot ni Tin kay Greg ang itim na credit card na maghapon nilang ginamit.

Pasimpleng nag-iwas ng tingin ang kaibigan niya, na may pinipigil na ngiti sa mga labi.

Nag-aakusa naman ang tinging ibinaling niya sa kasintahan na sinagot lamang nito ng matamis na ngiti at kindat.

Nailing na lamang siya.

Sinenyasan niya itong ihahatid lamang sina Tin na tinanguan lamang nito.

"Happy Birthday, uli, Bez. Pa'no? Alis na kami? Ihahatid pa ako nitong dalawa, eh." paalam ni Tin sa kanya nang ihatid niya ang mga ito sa labas.

Nauna na sina Lloyd at Kevin sa sasakyan.

"Goodluck, Bez." sabi nito sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

Alam nito ang tungkol sa balak na pagtatapat nila ngayong gabi.

"Thank you. I think, I need that, Bez. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni ate. Baka isumbong niya ako kila mama. Baka sabihin nila, sayang lang ang paghihirap nila doon sa ibang bansa, magbo-boyfriend lang pala ako dito."

"Ano ka ba, bez? Mag-relax ka nga. Ang nega nito... think positive! Magiging okay ang lahat." anitong tinapik pa siya sa balikat. "Sige na, baka naiinip na si Papa Lloyd d'on. Hay nako, parang gusto kong maawa sa hitsura ni Kevin kanina, akala niya makakadiga siya ngayong gabi, eh, binakuran ka ni Fafa Greg." bulong nito.

"Sira ka talaga. May ipapaliwanag ka pa sa akin bukas, ha." pilya lang itong ngumisi. "Sige na, masyado na kayong gagabihin, thanks sa pagpunta, ha, ingat kayo." aniya rito at kumaway pa sa dalawang lalaking nasa loob ng sasakyan na pawang nakatingin sa kanila, gumanti naman ang mga ito ng kaway.

Pagpasok niya sa bahay ay si Greg na lang mag-isa ang naroon at naka-upo sa sofa, talagang hinihintay siya.

"Umalis na iyong suitor mo?" naka-angat ang kilay ngunit nakangiting tanong nito.

Nakangiting ipinaikot niya lang ang mga mata na ikinatawa lang nito.

"Nasaan na si ate?" natatakang tanong niya rito.

"Umakyat na, matutulog na raw siya. I-lock mo na lang daw ang pinto, pag-akyat mo." walang anumang sagot nito.

"Ha? Bakit hindi mo pinigilan? Akala ko ba ngayon tayo magsasabi sa kanya?"

"Come, sit beside me." aya nito at inilahad pa ang kamay sa kanya.

Inabot naman niya iyon at naupo sa espasyo sa tabi nito.

"Sweetheart, bakit hindi mo pinigilan si ate? Akala ko ba--"

"I already told her." agap nito sa sinasabi niya na ikinagulat niya.

"Huh? When?" aniyang bumaling dito.

"Does it matter? Ang mahalaga, nasabi ko na." anitong iniakbayam siya at kinabig palapit dito habang hawak pa rin ang kamay niya.

"And...?" aniyang humarap dito.

"And, what?" kunot-noo itong yumuko sa kanya.

"Ano'ng sabi niya? Ano'ng reaksyon? Hindi ba nagalit?" sunud-sunod na tanong niya rito.

Kibit-balikat lang ang isinagot nito sa kanya at inihilig ang ulo sa sandalan, habang halos ay yakap pa rin siya.

"Nakaka-inis naman 'to, eh..." aniyang hinampas pa ito ng mahina sa dibdib.

"Bakit?" natatawang tanong nito na nilinga siya.

"Iyon lang 'yon? Kibit-balikat lang? Dali na, kwento na kasi." aniyang nakatingin pa rin dito.

Nakangiting masuyong pinisil nito ang ilong niya.

"Huwag mo nang isipin iyon, okay? Ako na bahala d'on. For the meantime, didn't I promise you, something?" anas nito at hinawakan ang baba niya at lalong iniangat paharap dito.

"Huh?" namula siya nang maalala ang tinutukoy nito.

Sa halip na sumagot, ay dahan-dahang bumaba ang labi nito sa labi niya, and gave her, her very first real kiss.

It lasted for a minute or more, hindi na niya namalayan, basta ang alam niya lang, it feels heaven to be kissed by her first and only love.

Napadilat siya nang bitiwan ni Greg ang labi niya.

"I love you, Sweetheart. Lagi mong tatandaan 'yan, ha. Kahit na ano ang mangyari, ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko." punung-puno ng damdaming anas nitong hindi pa rin inilalayo ang mukha sa kanya.

Amoy na amoy niya ang mabangong hininga nito, at ramdam niya ang init na hatid niyon sa kanya.

Muli ay bumalik ang kunot ng noo niya.

"Sweetheart, may problema ka ba? Kanina ko pa napapansin na parang may iba sa iyo, hindi ko lang matukoy kung ano, pero nararamdaman ko."

"Wala akong problema, imahinasyon mo lang iyon." anito ngunit umilap ang mga mata.

Muli itong humilig sa sandalan at kinabig siya sa dibdib nito. Iniyakap niya naman ang braso rito at lalong idinikit ang katawan dito.

Naramdaman niya ang mas paghigpit pa ng yakap nito at hinalikan siya sa ulo.

"Basta palagi mong tatandaan, mahal na mahal kita, Sweetheart. Ikaw lang. Kung hindi rin lang ikaw, huwag na lang." mahinang sabi nito.

Nang tumingala siya rito ay nakita niya ang mariing paggalaw ng adam's apple nito, tanda ng pagpipigil ng emosyon.

Natatakot na talaga siya sa ikinikilos nito.

"Mahal na mahal din kita, Sweetheart. Kung hindi rin lang ikaw, huwag na lang din." aniyang muling sumanding sa dibdib nito.

"Iyong gift ko sa'yo, palagi mong isusot, ha. Puso ko iyon, ibinibigay ko na sa iyo. Wala naman nang ibang pwedeng magmay-ari noon, kundi ikaw. Simbolo iyon ng pagmamahal ko sa iyo, maaari mong tunawin pero babalik at babalik sa pagiging buo. At katulad ng puso ko, mawasak man ito at muling mabuo, bandang huli, ikaw pa rin ang nagmamay-ari nito." at lalo pa nitong hinigpitan ang yakap sa kanya. 

Kung maaari nga lamang siguro siyang ipasok sa katawan nito ay ginawa na nito sa sobrang higpit.

Halos alas kwatro na ng madaling araw nang magpaalam na umuwi si Greg.

Walang pagsidlan ang kaligayahan niya sapagkat buong magdamag silang magkasama. Kwentuhan lang at asaran. Saglit ay nakalimutan niya ang pag-aalala sa isip niya.

Iyon na yata ang pinaka-masayang kaarawan niya.

Bago ito umuwi ay niyakap pa siya ng mahigpit at hinalikan ng mariin sa labi. "Huwag kang magpapahalik sa iba, ha. Please? Promise me." anas nito habang nakatitig sa labi niya at masuyong hinahaplos ng thumb finger nito.

Hindi niya maipaliwanag, pero lungkot talaga ang nakikita niya sa mga mata nito.

"Of course, from now on, ikaw na lang ang pwedeng humalik sa akin. Promise."

"Thank you. You don't know how much, that means to me. I love you." at isang masuyong halik muli ang ipinagkaloob nito.

"Sure ka, okay ka lang?" aniya nang maghiwalay ang mga labi nila.

"Yeah. Akyat ka na, Sweetheart. Ako na ang maglo-lock ng pinto. I love you." anito bago pa muli siyang mabilis na hinalikan sa labi.

"I love you, too. Mag-iingat ka sa pag-uwi, ha. Text mo ako, kapag nasa bahay ka na."

Iyon lang at umakyat na siya sa itaas. Isa pa uling lingon ang ginawa niya nang nasa pinaka-ituktok na siya ng hagdan.

Nakita niyang naroon pa rin ito at naroon na naman ang malungkot na ngiti sa labi nito na umabot hanggang sa mga mata nito.

Nang makapasok sa silid niya ay agad niyang binuksan ang regalo nito.

May ngiti sa mga labing maingat niya iyong kinuha at itinaas sa harapan niya.

Isa iyong gintong kwintas na may palawit na hugis puso. Sa likod niyon ay may naka-ukit na mga letra. G&T

Nangingilid ang mga luhang dinala niya iyon sa dibdib.

"Oh, Greg!"

Hanggang sa makatulog siya ay walang text na dumating mula kay Greg. Nang kinabukasan ay wala pa ring text galing dito ay nag-alala na siya.

Ilang beses niyang tinawagan ang numero nito ngunit ring lang iyon ng ring ay wala naman sumasagot.

Nag-aalala pa ring itinext niya na lamang ito.

My Sweetheart

Swit❤, ano na po ang nangyari sa iyo? Bakit wala ka pa ring text? Tinatawagan kita, hindi mo sinasagot. Nag-aalala na po ako.

NGUNIT sumapit na ang tanghali ay wala pa rin siyang marinig mula rito.

Muli niya itong itinext.

My Sweetheart

Swit❤, lunchtime na, wala pa ring text? Please, kahit isang text lang, at least, alam kong okay ka.

DUMAAN pa ang ilang oras, wala pa rin.

My Sweetheart

Swit❤, may nangyari ba? May nagawa ba akong mali? Kanina lang noong umalis ka, okay tayo, 'di ba? Ano ba ang nangyayari?

NGUNIT oras uli ang kanyang binilang at lumipas, wala pa ring sagot mula rito. Hindi niya na alam ang iisipin niya.

Greg

PLEASE, TAKE GOOD CARE OF HER. I HOPE, TAMA ITONG GINAWA NATIN AT PARA ITO SA KABUTIHAN NIYA.

GOD KNOWS, HOW MUCH I LOVE HER. BUT AS PROMISED, LALAYO MUNA AKO, TAKE GOOD CARE OF HER, PLEASE!

0987654345

Okay. I will, and thank you!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status