Share

KABANATA 3

Author: VERARI
“What? Paano nagawa sa ‘yo ng tatay mo ang gano’n?!” galit na usal ni Charlie Rivas, habang nasa kwarto sila nito.

Nakaupo si Klaire sa sofa kasama ang kanyang matalik na kaibigan. Ikinwento niya ang lahat ng nangyari. Dahil doon ay sobrang nagalit ang kaibigan.

“Malinaw namang si Kira ang pumilit sa 'yo, pero ikaw ang pinagbintangan! Kitang-kita talaga paborito siya ng tatay mo!”

Nanahimik lang si Klaire habang yakap-yakap ang mgatuhod, hindi sumasagot sa mga puna ni Charlie. Noon pa man, alam na niyang mas mahal ng Papa niya si Kira kaysa sa kanya.

Sa loob ng maraming taon na paninirahan sa isang bubong, ilang bagay ang palaging nangyayari sa mansyon ng mga Limson. Una na roon na kapag may gusto siya, tiyak ay gugustuhin din ito ni Kira. Hanggang sa pipilitin siya ng Papa niya na ibigay na lamang ito sa kapatid. Kapag naman nagkakamali si Kira, siya ang parurusahan dahil hindi raw niya inaalagaan ang kapatid.

Lahat ng mayroon siya, dapat ay mapunta kay Kira. At lahat ng kay Kira... hindi dapat maging sa kanya. Tanging mga bagay na ayaw na ni Kira lang ang maaaring maging sa kanya.

Dahil dito, magkaiba ang itsura at ugali nilang magkapatid. Simple lamang siya at tahimik, samantalang outgoing at makulit si Kira. Kung ipagkukumpara, para bang anak siya ng katulong samantanag anak naman ng may-ari ng mansyon si Kira.

Madalas pumasok sa isip ni Klaire: kung buhay pa ba ang Mama niya at hindi nag-asawa ulit ang Papa niya, maiiba kaya ang takbo ng buhay niya?

Ang Mama niyang si Jasmine Limson, ang unang asawa ng kanyang Papa, ay namatay sa malubhang sakit nang tatlong taon pa lamang siya. Bagama't malabo na sa isip niya, naalala pa rin niya kung paano ito nagbilin na laging sumunod at maging masunurin sa Papa niya. Ito ang dahilan kung bakit hindi siya humihiling ng maraming bagay kay Theodore.

Pero ngayon? Wala na ba talaga siyang karapatan na humingi ng katarungan sa nangyari?

‘Wala rin namang saysay…’ sagot niya sa sarili.

Ni hindi na importante pa kung sino talaga ang salarin sa nangyari. Sira na ang buhay niya.

Hindi na niya mababawi ang nawala niyang virginity… pinalayas na siya ng ama niya sa mansyon, at ayaw na siyang makita pa ni Miguel.

Nabahala si Charlie nang makita ang matinding kalungkutan sa mukha ni Klaire kaya naman mahigpit siya nitong niyakap. “Klaire, whatever happens, I’m always here for you.”

Muling nalaglag ang mga luha ni Klaire dahil sa mga salitang ‘yon ng best friend niya. Niyakap niya nang mahigpit si Charlie.

Bakit gano’n? Dugo’t laman naman siya ng Papa niya pero ayaw siya nitong pakinggan… mas pinapakinggan at dinadamayan pa siya ng ama ng matalik niyang kaibigan. Bagama’t nagpapasalamat siya at nariyan si Charlie para sa kanya, hindi niya maitanggi na lalo siyang nasasaktan sa naiisip.

Bakit gano’n na lang karahas ang ama niya sa kanya?

Ilang oras ding umiyak si Klaire sa bisig ni Charlie. Nang tumigil siya sa pag-iyak ay hinaplos ng kaibigan ang kanyang ulo. “Pahinga ka muna, Klaire. Malamang pagod na pagod ka na.”

“Thank you, Cha. Malaki ang utang na loob ko sa ‘yo,” aniya, namumula ang mga mata.

“Sus, para na tayong magkapatid kaya huwag kang mahiya, okay?” ani Charlie. “Huwag kang mag-alala. Pwede kang mag-stay dito hangga’t kailan mo gusto.”

Bahagyang napangiti at tumango si Klaire nang marinig ‘yon.

***

Dalawang linggo na ang lumipas mula nang manirahan si Klaire sa tahanan ng pamilya Rivas. Bagama't may mga sandali pa ring umiiyak siya nang patago, unti-unting nanumbalik ang ngiti sa kanyang mukha.

Sa nakaraang dalawang linggo, sinubukan ni Klaire na makipag-usap kay Miguel. Kahit alam niyang hindi na maibabalik ang dati nilang relasyon, gusto niyang ipaliwanag ang tunay na nangyari at humingi ng tawad dahil nasaktan at na-disappoint niya ito.

Pero tila ba blinock na ng dating fiance ang lahat ng kanilang contact. Sa huli, sumuko na lamang siya at nagdesisyon na kalimutan na lang ang lahat.

Dahil ayaw na niyang manahimik lamang sa kwarto at pag-alalahin sina Charlie at ang pamilya nito sa kanya ay nakapagdesisyon na siya.

“Kailangang may gawin ako rito…” bulong niya.

Nang makarating sa hagdan, napansin niya sina Charlie at Lance na nanonood ng TV sa sala habang sunod-sunod ang pagmumura.

“Nababaliw na ba sila? Paano nila nagawa 'to kay Klaire!” galit na sabi ni Charlie. “ May sira talaga ang utak ng pamilya niya!”

Kumunot ang noo ni Klaire sa narinig. Bakit naman kaya binabanggit ni Charlie ang kanyang pamilya? Nagpatuloy siya sa pagbaba sa hagdan hanggang sa matingnan niya ang balita sa TV.

Biglang nanigas si Klaire sa kinatatayuan nang mapanood ang balita.

[INANUNSYO NI MIGUEL BONIFACIO ANG PLANONG PAGPAPAKASAL SA PANGANAY NA ANAK NG PAMILYA LIMSON, SI KIRA LIMSON!]

Kitang-kita sa screen si Kira na nakangiting nakadikit kay Miguel, ipinangangalandakan ang kanilang mga engagement ring sa camera.

Parehong nakangiti ang dalawa sa camera.

Parang unti-unting nag-echo ang tainga ni Klaire. Hindi niya maproseso ang sinasabi ng reporters. Bigla siyang nahilo at kumapit sa railings ng hagdan.

Bakit pakakasalan ni Miguel si Kira?!
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   KABANATA 50

    Lagi nang ganoon ang ginagawa ni Rage kapag gusto niyang sumiping kay Klaire. Hindi siya kailanman natanggihan ng babae.Matapos makuha ang nais, agad na nakatulog nang mahimbing si Rage. Gising pa si Klaire habang nakatitig sa halatang pagod na mukha ng asawa."Alam mo namang pagod ka na, pero gusto mo pa ring makipaglaro ako," bulong ni Klaire.Kung pagmamasdang mabuti, parang ordinaryong lalaki lang si Rage. Unti-unti nang nawawala ang takot at pangamba niya kapag malapit sa kanya ang lalaki."Honey..." Napabungisngis si Klaire sa sarili sa tawag na iyon.Sa unang pagkakataon, at kahit hindi inuuusan, niyakap ni Klaire ang asawa hanggang sa ipikit niya ang mga mata. Napakainit ng katawan ni Rage, tila kinakalma ang kanyang damdamin."Ginising mo ako," reklamo ni Rage habang tulog pa.Pinipigil ni Klaire ang tawa niya upang hindi magising nang tuluyan si Rage. Ang lalaking kilala niya bilang malamig at mayabang ay nakakatawang pagmasdan kapag natutulog."Uncle... gising na, Uncle..."

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   KABANATA 49

    Hindi makapaniwala si Theodore sa kanyang narinig. Paanong ang isang masunurin at tahimik na anak ay biglang nagbago sa isang iglap?“Galit ka pa rin ba dahil sa nangyari noon? Klaire, ginawa lang ni Papa ‘yon para turuan ka ng leksyon. Hindi ibig sabihin no’n na ayaw ko na talaga sa iyo. Paano mo nasasabi ‘yan sa taong nagpalaki sa’yo…”Nanginig ang katawan ni Klaire sa titig ng ama niyang puno ng pagmamakaawa. Kinuyom niya ang mga kamao para hindi siya manghina… para hindi hayaan ang sariling pagsamantalahan ng ama dahil sa kung anong mayroon siya ngayon.“Mama, medyo nahihilo na po ako. Pwede po bang samahan n’yo ako sa kwarto?” bulong ni Klaire, hindi na kaya pang harapin ang ama.“Aakyat na muna kami, Balt,” sabi ni Anna kay Baltazar, hindi pinapansin si Theodore.Maingat na inakay ni Anna si Klaire palabas ng sala. Mula sa likuran, naririnig pa rin ni Klaire ang pagtawag ng ama sa kanya. Gusto niyang magbingi-bingihan, pero malinaw pa rin ang bawat tawag ng ama na tila ba nagmama

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   KABANATA 48

    “Wala akong ibang motibo, Miguel!” hagulgol ni Kira. Nalilito si Miguel dahil sa kanya. Alam niyang hindi matitiis ni Miguel ang makakita siyang umiiyak. “Ayoko lang talagang masaktan si Ate Klaire noon. Akala ko gusto lang niyang makipag-usap sa ibang lalaki bago kayo ikasal.”“Maling-mali ka,” unti-unting lumambot ang boses ni Miguel. “Ang lalaking kasama ni Klaire sa kwartong iyon ay si Uncle Rage. Wala silang ginawa, Kira.”Nanlaki ang mga mata ni Kira. Imposible iyon… hindi ba’t ang kaibigan niya ang—Bigla niyang naalala na sinabi ng kaibigan niya na binugbog ito ng isang tao nung gabing iyon. Si Rage De Silva pala ‘yon!?‘Tangina! Bakit ang napakaswerte ng cheap na babaeng ‘yon? Pero teka….’ May kakaibang kislap sa mga mata ni Kira.“Kung gano’n ay niloko nila tayo, Miguel! Isipin mo… bakit biglang gustong pakasalan ni Tito Rage si Ate Klaire? Baka matagal na silang may relasyon!”“Huwag mong basta-basta akusahan ang Uncle ko! Hindi siya gano'ng klaseng tao, na papatol sa babae

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   KABANATA 47

    “Ngayon ko lang nalaman na palabiro ka pala, Tito Rage.” bahaw siyang ngumiti at pinakawalan ang tensyon sa katawan. Imposibleng pakasalan ni Rage si Klaire!“Hindi ba malinaw ang sinabi ko?” Ibinato ni Rage ang isa pang folder sa desk. “Cancellation of our cooperation. You violated several points written there.”Tulalang napatingin si Kira kay Klaire, hindi pa rin gustong paniwalaan na talagang magpapakasal ito sa isang Rage De Silva. Naagaw na niya ang pagkakataong pakasalan si Miguel, at itinakwil na si Klaire sa pamilya nila, pero ngayon… papakasal ito sa pinakamayamang lalaki sa bansa?“Hindi… Tito, hindi mo pwedeng pakasalan si Klaire. Siya’y—”“Enough! Sumasakit ang tenga ko sa boses mo. Get out of here!” Ngunit hindi pa rin gumalaw si Kira, kaya mas lalong nagalit si Rage, “Tatawagin ko ang security para hilahin ka palabas ng kumpanya ko.”Kahit tinakot na ng gano’n, hindi pa rin gumalaw si Kira sa kinatatayuan niya. Pakiramdam niya ay binabangungot siya. Ngunit nang pumasok a

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   KABANATA 46

    “A-Ano? You’re kidding, right?” Hindi makapaniwalang tinitigan ni Miguel ang kanyang tiyuhin at si Klaire. Paano nagkaroon ng relasyon si Klaire sa tiyuhin niya ng mga panahong ‘yon? Ni hindi pa nga kailanman nagkita sina Klaire at Rage noon!Hindi kayang paniwalaan ni Miguel ang mga sinabi ni Rage. Marahil, gusto lang nitong protektahan si Klaire matapos nitong ibigay ang virginity nito sa kanya. Ganoon kababa ang tingin ni Miguel kay Klaire matapos ang lahat ng nangyari. Imposibleng basta na lang makikialam ang isang Rage De Silva sa isang problemang makakasira sa sarili nitong reputasyon.Hindi lang si Miguel ang nagulat—maging si Klaire ay hindi rin inasahan ang lahat ng sinabi ni Rage. Ano ba talaga ang plano ng lalaki?Hindi ba’t si Rage din mismo ang nagsabing panatilihing lihim ang lahat maliban na lang sa mga taong nakakaalam na?“Ayaw ko sanang sabihin ito sa iyo. Pero, iyon ang totoo. That night, Klaire helped me, who was almost unconscious, to find my room and... she too

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   KABANATA 45

    Bwisit… Nagkamali si Rage! Ngayon niya lamang napagtanto na gusto ng mga babae na sila lang una at nag-iisa… kahit na iba ang realidad.Hindi na niya pwedeng bawiin ang mga nasabi niya. Siya si Rage De Silva, at hindi niya binabawi ang mga salitang lumalabas sa bibig niya. “Klaire De Silva,” matigas ang boses niya nang tawagin si Klaire. Hindi gumalaw si Klaire dahil mahimbing na ang tulog nito na may kunot ang noo.Lumipat si Rage sa harapan ng babae, at saka hinaplos ang kunot sa noo ng kanyang asawa habang nakangiti. Bigla namang tumunog ang cellphone niya, dahilan para agad siyang bumaba ng kama upang hindi maistorbo si Klaire na malalim na ang pagkakatulog. Sa balcony, agad sinagot ni Rage ang tawag mula sa numero ng kanyang pamangkin. Hindi siya agad nagsalita at hinintay munang magsalita si Miguel. Pero hindi si Miguel ang narinig niya mula sa kabilang linya, kundi boses ng isang babae, “Good evening po, nakita ko po ang number ninyo sa contacts ni Sir Miguel Bonifacio. Pu

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status