Share

Kabanata 6

Author: VERARI
Napasinghap si Klaire, nag-uunahan sa pagtulo ang kanyang mga luha. Hindi lang dahil sa sakit na nararamdaman sa kanyang pulso, kundi dahil sa matinding sakit na dulot ng mga salita ng isang Rage De Silva.

Ninanakawan? Paano siya naging magnanakaw kung gusto niya lamang mabawi ang gamit na pagmamay-ari niya?

“Kaya ba gusto mong magtrabaho rito ay para makapagnakaw ka?!” paratang ni Rage na mariing nakatingin sa kanya. “Ms. Villanueva, I will surely report you to the police!” pinal nitong singhal sa kanya at saka hinila siya patungo sa pinto.

“Huwag! Bitiwan mo ako! H-Hindi ako magnanakaw!” Humihikbing saad ni Klaire.

“Anong hindi ka magnanakaw?” Napahinto si Rage at tiningnan siya. “Then why are you here? Why are you taking this necklace? Sa iyo ba ito?!”

Nanghihina ang mga tuhod ni Klaire nang makita ang galit sa mga mata ng kanyang boss. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Dapat ba niyang sabihin ang totoo?

“A-Ang totoo po—” Hindi na natuloy pa ni Klaire ang sasabihin nang biglang makaramdam nang matinding sakit ng ulo. “A-Argh…”

Bahagyang nagulat si Rage. “Ms. Villanueva?”

Hindi na nakasagot pa si Klaire. Ang kanyang paningin, na nanlalabo na dahil sa kanyang mga luha, ay napalitan ng pagdidilim. Sa mga sandaling ‘yon, parang libo-libong karayom ang tumutusok sa kanyang ulo. Hanggang sa tuluya siyang nawalan ng malay, kasabay ang pagbagsak ng kanyang katawan.

“Ms. Villanueva!” Mabilis na sinalo ni Rage ang katawan ng babae bago ito tuluyang mahulog sa sahig. “Damn it!”

Mabilis niyang binuhat si Klaire at inihiga sa couch. Agad niyang nilabas ang phone at may tinawagan. “I need a doctor at my office now!”

Pagkatapos ng tawag na ‘yon, tiningnan ni Rage ang kuwintas sa kamay ni Klaire at sinubukan itong kunin. Pero parang ayaw nitong bitiwan ang kuwintas. Mahigpit ang pagkakakuyom ng kamay ng babae.

Naguguluhan si Rage. Bakit ba gustong-gusto ng babaeng ‘to ang kuwintas na ito?

Pagmamay-ari ba nito ang kwintas…?

Ilang saglit lamang ay dumating na ang company doctor kasama si Chris. Mabilis nitong in-examine si Klaire.

“How is she?” tanong ni Rage nang mapansin na inaayos na ng doktor ang mga gamit nito.

Tumayo ang doktor at saka bumuntonghininga. “Mr. De Silva, mukhang nagdadang-tao ang babaeng ito.”

Natigilan si Rage sa narinig. “She’s pregnant?”

***

Makalipas ang dalawang oras, nagising si Klaire mula sa kanyang pagkakatulog. Kinurap-kurap niya ang mga mata habang unti-unting bumabalik ang kanyang malay.

“N-Nasaan ako…?”

“Are you awake?”

Nagulat si Klaire sa boses na ‘yon at agad na lumingon sa kanan, kung saan nakaupo si Rage sa couch habang matalas na nakatingin sa kanya.

Suminghap siya at nagmadaling umupo. Ngunit napangiwi siya nang maramdaman ang bahagyang pagkahilo.

'Ano... ang nangyari?' naguguluhang tanong niya sa sarili habang sinisikap na maalala ang lahat.

Ang alam niya lang ay nang makaalis ang boss niya at si Chris ay lihim siyang pumasok sa opisina nito. Pagkatapos, kinuha niya ang kanyang kuwintas mula sa drawer at…

Ang kuwintas niya!

Agad na bumaba ang tingin ni Klaire, napagtanto na wala na sa kanyang kamay ang kuwintas.

“Ito ba ang hinahanap mo?”

Ang tanong na ‘yon ay nagpatingala kay Klaire. Hawak-hawak ng lalaki ang kuwintas ng kanyang ina sa kamay nito.

“Sabihin mo nga. How much money do you fucking need that you dare to steal this thing from me?” malamig na tanong ni Rage.

Kinagat ni Klaire ang kanyang ibabang labi. “Hindi sabi ako magnanakaw…”

Nagtaas ng kilay si Rage sa narinig. “Hindi ka magnanakaw? Then, are you saying this necklace is yours?”

Parang napapatid ang hininga ni Klaire sa kaba. Dapat na ba niyang aminin ang totoo…?

Pero hindi pwede!

“K-Kahawig lang… kahawig lang siya ng nawala kong kuwintas. Ibabalik ko na nga po sana bago ka pa makabalik sa opisina.”

Naningkit ang mga mata ni Rage Ibabalik ang kuwintas? Ha! Akala ba ng Klaire Villanueva na ito ay madali siyang mauto?

“Hindi ka lang magnanakaw, may pagka-swindler ka rin…”

Umawang ang labi ni Klaire sa narinig. “A-Ano?”

“Aside from denying that you were trying to steal this necklace, you also put in your resume that you’re unmarried. Bakit ka nagsisinungaling?” mariing tanong ni Rage.

Natigilan si Klaire sa paratang ng lalaki. “Anong ibig mong sabihin?”

Tila ba naubos na ang pisi ng pasensya ni Rage sa pag-iisip na tuloy-tuloy pa rin ang babae sa pagkukunwari.

“Tigilan mo ang pagpapanggap sa harap ko! Bakit mo itinatago na may asawa ka na?”

“Huh? Ako? May asawa?” Napakurap si Klaire. “Hindi ako kasal!”

Itinulak ni Rage ang isang papel sa harap niya.

“Then what’s this?” Itinuro nito ang isang parte ng dokumento. “The doctor who examined you told me that you’re pregnant. Ngayon, sinasabi mong wala kang asawa? Then did the fetus in your womb just appear out of thin air?”

Nanlaki ang mga mata ni Klaire sa sinabi ng lalaki, kasabay ang pagkalabog ng dibdib niya.

B-Buntis siya…?

“I-Imposible ‘yan!” Halos tumaas ang boses niya, hindi tinatanggap ng isip ang narinig.

Ngumiwi si Rage at binasa ang ibabang labi. “Hindi mo alam na buntis ka? Or maybe you’re just trying to deceive me so you won’t be held responsible for manipulating your personal information?”

Pumitik ang sintindo ni Klaire. Hindi niya maproseso ang nalaman dahilan para makaramdam na naman ng pagkahilo.

‘B-Buntis talaga ako…?’ Tinitigan niyang maigi ang medical report sa mesa. ‘M-May baby sa sinapupunan ko?’

Bumaling ang naguguluhan niyang mga mata sa lalaki.

Samantala, humalukipkip si Rage at nag-iisip kung totoo ang sinasabi ni Klaire. Sa isang banda, wala siyang nakikitang kasinungalingan sa kilos nito. Ngunit hindi niya maipawalang-bahala ang ginawa nitong pagnanakaw ng kuwintas sa opisina niya.

Alam niyang magdadala lang ng problema ang babaeng ‘to…

“Get out of my company,” malamig niyang sabi na nagpagulat kay Klaire. “I don’t want to have an employee who steals from her boss.”

Nawalan ng kulay ang mukha ni Klaire sa sinabi ng lalaki. Hindi niya kayang mawalan ng trabaho!

Hindi lang dahil hindi siya siguradong makakahanap ng panibagong trabaho, nag-aalala rin siya na baka madismaya sina Charlie at Lance kung matanggal siya pagkatapos lang ng ilang oras na pagtatrabaho!

Bukod pa riyan...

Bumaba ang mga mata ni Klaire sa kanyang tiyan na wala pang senyales ng pagbubuntis.

Kung wala siyang trabaho, paano na ang dinadala niya?

Nang makita ni Rage na walang kibo ang babae, kumunot ang kanyang noo. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Ang sabi ko ay—”

Hindi na niya natuloy pa ang sasabihin nang bigla na lang lumuhod sa harapan niya si Klaire.

“What are you—”

“Sir, nagmamakaawa po ako…” Wala nang pakialam si Klaire kung nakakahiya na ang ginagawa niya ngayon. "Huwag po ninyo akong tanggalin. Hindi ko po sinasadya na magsinungaling sa inyo, sir. Ni hindi ko nga po alam na buntis ako," sunod-sunod na sabi ni Klaire na may luha sa mga mata.

“Hindi mo alam?” Kumunot ang noo ni Rage. “What are you trying to say?”

Kinuyom ni Klaire ang mga kamay, nakayuko ang ulo habang mariing kagat ang ibabang labi. Ano ang dapat niyang gawin? Dapat ba niyang aminin kay Rage ang totoo tungkol sa baby sa kanyang sinapupunan?

Pero paano kung ang lalaki ito ay madalas makipagtalik sa maraming babae at siya ay isa lang sa mga iyon? Ano naman ang pakialam nito sa kanya?

O baka naman, ipa-abort pa nito ang kanyang baby!? Walang kasalanan ang baby sa nangyari!

Sa gitna ng lahat ng kanyang takot at masasamang naiisip, isang sagot lang ang lumabas sa kanyang bibig.

“N-Na-rape po ako, Sir.”
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   Kabanata 189

    At tama nga ang hinala ni Rage. Pagkatapos ng trabaho, dumiretso si Miguel sa kanyang lolo para pag-usapan ang tungkol sa kompanya. Sinabihan na ni Rage ang ama na paalisin si Miguel kung darating ito sa parehong araw na darating siya. Ngunit hindi magawang itaboy ni Baltazar ang kanyang apo.“Lolo,

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   Kabanata 188

    “Siyempre hindi.” Sinubukang abutin ni Rage ang ulo ni Klaire para haplusin ito gaya ng nakasanayan, pero umiwas ito at lumipat sa gilid. “Ayaw mo bang hawakan kita?”“Pinagdududahan mo na agad ako. Ano’ng sinabi mo kahapon? Sabi mo, mamumuhay na lang tayo na ang iniisip ay ang future natin. Si Migu

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   Kabanata 187

    Pero, tinutukso si Rage ng matinding pagnanasa na ituloy pa ang ginagawa niya. Gusto niyang marinig ang mga sigaw ng asawa na sarap na sarap. Ang mga ungol ni Klaire ay parang reminder na kailangang marinig ni Rage bawat ilang oras, araw-araw.Madali niyang pinunit ang tatsulok na tela sa ilalim ng

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   Kabanata 186

    Agad na ipinaabot kay Rage ang kahilingan ni Miguel. Ang lalaki, na hinahaplos ang bahagyang umbok sa tiyan ni Klaire, ay naputol sa ginagawa nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.“May tumatawag.” Tinulak ni Klaire ang ulo ni Rage na lalo pang dumidikit sa kanyang tiyan.“Honeymoon natin ngayo

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   Kabanata 185

    Nagpatuloy ang kanilang ‘secret affair’ hanggang sa sumikat ang araw. Kakauwi lang ni Miguel mula sa pagbili ng bagong apartment para kay Erica, na mas maayos at mas ligtas mula sa mapanghusgang mata ng iba.Sa kwarto, wala pa ring malay si Kira. Binuksan ni Miguel ang kurtina ng bintana, dahilan pa

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   Kabanata 184

    "Hindi… Gusto kong marinig ko munang pinapatawad mo ako. Saka lang ako aalis dito," giit ni Miguel.Ayaw ni Miguel na maging duwag at iwan na lamang si Erica matapos niya itong dungisan. Ayaw niyang mabuhay sa konsensiya at gusto niyang marinig mismo kay Erica ang kapatawaran sa ginawa niya."Sa tin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status