Share

Kabanata 5

Penulis: VERARI
Napansin ni Klaire na naguguluhang nakatingin sa kanya si Chris, kaya naman bahaw siyang ngumiti.

“O-oo, okay lang po ako. I’m sorry… medyo kinakabahan lang.” Tumikhim siya at saka naupo sa upuang itinuro ni Chris.

Magkasalikop ang mga palad niya at mahigpit na pinisil ang mga ‘yon. Kabadong-kabado siya na hindi niya kayang tingnan ang lalaking nasa harap niya. Hanggang sa ang kanyang mga matang nakatingin sa desk nito ay napansin ng isang pamilyar na bagay.

Naningkit ang mga mata ni Klaire habang tinitingnan ang kuwintas na malapit sa kamay ni Rage. Nang malinaw na itong matitigan ay biglang nanlaki ang kanyang mga mata.

'Yung kuwintas na iyon...' Napalunok siya at titig na titig doon.

Nawala ni Klaire ang kuwintas niya. Naalala niya noong mga nakaraang linggo, habang naliligo, hinanap niya ito sa lahat ng sulok na maaari niyang paglagyan ngunit hindi pa rin nakita.

Kating-kati siyang tanungin si Rage De Silva para makasigurado kung talagang sa kanya ang kuwintas sa desk nito.

Walang kamalay-malay si Klaire na ang kuwintas na hinahanap niya sa nakalipas na mga linggo ay nahulog noong nagmamadali siyang lumabas ng hotel room, bagay na napulot at tinago ni Rage.

Nang mawala ang kuwintas, parang may kulang sa buhay ni Klaire. Iyon na lamang kasi ang tanging nagpapaalala sa kanya sa kanyang yumaong Mama.

Samantala, napansin naman ni Rage ang pagkabalisa ni Klaire. Tiningnan niya nang salitan ang babae sa harapan at ang kuwintas sa desk. Sinadya pa niyang igalaw ito nang dahan-dahan, at ang mga magaganda at kulay na hazel na mata ni Klaire ay sumunod sa galaw nito.

Hindi napigilan ni Rage ang pagtataas ng kilay. Bakit mukhang interesado ito sa kuwintas?

“Why are you so surprised to see this, Ms. Villanueva?” Hinawakan ni Rage ang kuwintas at bahagyang itinaas gamit ang daliri. “Namumukhaan mo ba ang kuwintas na ‘to?”

Parang tambol ang puso ni Klaire dahil sa lakas ng tibok nito. Lumunok siyang muli. Hindi maaaring malaman ng lalaki na siya ang may-ari ng kuwintas. Hindi siya nakilala ni Rage… at dahil dala pa nito ang kanyang kuwintas, maaaring hinahanap siya nito!

Kung nais lamang nito na isauli ang kuwintas o may iba pang dahilan, isa lamang ang alam niya. Ayaw niyang pag-usapan ang nangyari nang gabing iyon. Lalo na’t ito ang lalaking pinag-alayan niya ng sarili!

Umiling siya at huminga nang malalim. “H-hindi po. Nagandahan lang ako sa kuwintas,” pagsisinungaling niya.

Nahinga nang maluwag si Klaire nang ibahin na ni Rage ang usapan at i-brief siya sa mga patakaran ng kumpanya at sa trabahong kanyang gagawin. Tango lang nang tango si Klaire nang walang iniisip. Hanggang sa mabigla siya nang abutan siya ni Rage ng employment contract.

“I want you to remember it well.” Tuwid na tumindig si Rage habang titig na titig sa kanyang mga mata. “Kung magre-resign ka nang maaga, kailangan mong magbayad ng claw back. Read the contract carefully before signing it.”

Napalunok si Klaire. Totoo ba ito? Hindi niya inakala na ang magiging boss niya ay ang lalaking sumira sa kanyang kinabukasan… Pero wala naman siyang mapapamilian ngayon.

Pinaghirapan ni Lance na mahanapan siya nang matinong trabaho. Bukod pa doon, tinulungan din siya nito na palitan ang apelyido sa lahat ng kanyang mga dokumento dahil gusto niyang gamitin ang apelyido ng Mama niya mula ngayon. Ayaw naman niyang biguin ang mga taong tumulong sa kanya.

Isa pa, hindi madaling makahanap ng trabaho sa hirap ng buhay ngayon. Ayaw niyang sayangin ang oportunidad na ibinigay sa kanya dahil lang sa gwapong lalaking nasa harap niya.

Higit sa lahat, kailangan niyang mabawi ang kuwintas niya! Ayaw niyang mapunta sa kamay ng lalaking nasa harapan ang tanging bagay na minana niya mula sa ina.

Mahigpit niyang hinawakan ang pen at saka walang pag-aatubiling pinirmahan ang kontrata.

“Salamat po sa pagtanggap sa akin sa kumpanyang ito, Mr. Rage De Silva," sabi niya habang nakayuko ang ulo para iwasang makatingin sa kausap.

“You can start working now.” Nilingon ni Rage si Chris. “Ihatid mo siya sa desk niya.”

"Opo, sir."

Tiningnan muli ni Klaire ang kanyang kuwintas bago tuluyang lumabas ng opisina ng bago niyang boss.

Itinaas naman ni Rage ang kamay na may hawak na kwintas. Ang bilog na hugis nito ay nakahanay sa likod ni Klaire na naglalakad palayo.

Maganda nga ang kuwintas. Kahit sinong babae ay gugustuhin ito. Hindi niya lamang maintindihan kung bakit sobra ang naging reaksyon ng bago niyang sekretarya nang makita ito.

At ang mga magagandang at kulay na hazel na mga mata na iyon... parang nakita na niya ito noon. Sa sobrang pamilyar nito, tila ba nag-init ang dibdib niya nang matitigan ang mga ito.

Hindi niya lamang matanto kung saan niya nakita ang babae…

***

Patapos na ang araw nang walang anumang problema ang nangyayari. Ni isang beses, hindi umalis si Rage De Silva sa kanyang opisina. Kahit nang magtanghalian ay dinalhan lamang ito ni Chris ng makakain sa opisina nito.

Dahil doon ay mas lalong hindi mapalagay si Klaire. Kanina pa siya naghihintay na umalis sandali ang boss niya. Syempre, gustong-gusto na niyang mabawi ang pagmamay-ari niya!

Mula nang makita niya ang kuwintas, hindi na mapakali ang isip niya. Hindi niya magawa nang mabilis ang trabaho niya dahil iniisip niya nang maigi kung talagang sa kanya ang kuwintas na hawak ng boss niya o hindi.

Gusto niyang makatiyak na iyon nga ang kuwintas na nawala niya. Pero hindi naman niya ito mahawakan.

Naputol ang pag-iisip niya nang marinig na bumukas ang pinto ng opisina ng boss niya. Lumabas ang lalaki at dumaan sa mesa niya nang hindi man lang siya tiningnan.

Sa wakas!

Nang makasiguro na nakasakay na si Rage sa elevator at walang ibang tao sa paligid, nagmamadaling pumasok si Klaire sa opisina nito. Mabilis ang pagtibok ng puso niya habang isa-isang binuksan ang mga drawer para hanapin ang kanyang kuwintas.

Nanginginig at pawisan ang mga palad ni Klaire habang hinahalungkat niya ang bawat drawer ng mesa ni Rage. Ilang saglit pa, nabalingan ng mga mata niya ang kumikinang na bagay sa pinakailalim na drawer.

Napasinghap siya at tinakpan ang bibig gamit ang palad, naiiyak nang mapagtantong sa kanya nga talaga ang kuwintas! Hindi siya maaaring magkamali… ang maliit na pendant nito na hugis crescent moon ang patunay! Kinuha niya iyon at tinitigan nang maigi sa kanyang kamay.

Ilang saglit pa ay naisip niyang kailangan na niyang lumabas ng opisana sa lalong madaling panahon. Mabilis siyang tumayo, hindi alintana ang kanyang nananakit na tuhod. Medyo nahihilo pa siya dahil sa matagal na pag-squat.

Hahakbang na sana siya palayo sa desk nang biglang nasa harap na niya ang boss niyang si Rage. Nakapasak ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon at madilim ang ekspresyon.

"Ano'ng ginagawa mo?" tanong ni Rage sa malamig na tono.

Mabilis na itinago ni Klaire ang kanyang mga kamay sa kanyang likod. Halos mawalan ng kulay ang mukha niya at pawisan dahil sa matinding takot.

"A-ano po..." Hindi niya alam kung ano ang sasabihin at gusto na lamang magpakain sa lupa.

Humakbang nang malaki si Rage palapit kay Klaire. Hinawakan niya nang mahigpit ang pulso nitong may hawak ng kuwintas. Napadaing si Klaire sa sakit.

Galit na tumitig si Rage sa mga magaganda at kulay na hazel na mga mata ni Klaire na puno na ng luha. “What’s this?”

Mabilis na umiling si Klaire, hindi makasagot. Kung sasabihin niyang sa kanya ang kuwintas, ano kaya ang gagawin ng lalaki sa kanya? Ayaw niyang maalala ang nangyari noong gabing iyon… Ngunit kung hindi niya sasabihin, baka mawalan siya ng trabaho.

'Ano'ng gagawin ko? Kailangan kong mabawi ang kuwintas ko,' ani Klaire sa isip.

“Ninanakawan mo ako? You want to steal this necklace?!” parang kulog ang boses ni Rage nang sigawan siya nito.
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Windy Sabanamontejo
next episode po..god bless
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   Kabanata 383

    At ngayon, tinatanong pa nito ang isang bagay na obvious naman, kaya wala nang ibang masabi pa si Klaire. KNOCK. KNOCK. KNOCK.Ang katong na ‘yon ang pumutol sa katahimikan ng silid. Dali-daling binuksan ni Klaire ang pinto at napasinghap nang makita sina Enzo at Mark na nakatayo mula sa labas. “H

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   Kabanata 382

    “A-no ang nangyari?” Gulat at litong-lito si Klaire.Niloko lang ba siya ni Rage nang sabihin nito na malala na ang lagay ng Papa niya?Pero, alam niyang hindi marunong umarte ang isang Theodore Limson. Totoo ang pagkalito na nakikita niya sa mukha nito. Marahil ay talagang nagising ang Papa niya da

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   Kabanata 381

    Nag-uunahan ang isip ni Klaire. Hindi siya puwedeng mahuli. Hindi niya kayang mawala ang kanyang ama.Para bang sinasaksak siya ng sakit sa dibdib sa isiping maaari itong mamatay anumang oras… Matapos malaman ang katotohanan tungkol sa Mama niya, nagbago ang Papa niya. Isa rin itong biktima. Walang

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   Kabanata 380

    “Anong sinabi mo?” Hindi lamang si Rage ang natigilan, kundi pati si Klaire na palihim na nakikinig ay lubos na nagulat.“You must have thought that Klaire was the only one who told me about the drug results, right?”Nanlaki ang mga mata ni Klaire. Halos mapatalon siya mula sa pinagtataguan upang t

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   Kabanata 379

    Ayaw niyang i-pressure ang asawa. Alam niyang natural na mararamdaman ng puso ni Klaire ang pagmamahal na ‘yon sa tamang oras. “Hinihintay kita na matapos mag-shower,” sabi ni Klaire. “Bakit mo naman ni-lock ang pinto?”May munting ngiti na kumawala sa labi ni Rage. “Why? Are you going to tease me

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   Kabanata 378

    “So, how’s my father-in-law now?”Napabuntonghininga ang doktor. “Hopefully, makalagpas si Mr. Limson sa critical period na ito ngayong gabi. Napakataas ng concentration ng content ng drugs na ininom niya, meaning hindi lang isa o dalawang tableta ang ininom niya.”Naunawaan agad ni Rage ang ipinah

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status