Share

Kabanata 7

Author: VERARI
Binalot ng katahimikan ang opisina.

Walang imik ang dalawa.

Tiningala ni Klaire ang mukha ni Rage na puno ng pagtataka.

“Rape?”

Hindi naman siya nagsisinungaling. Talaga namang walang magawa si Klaire nang pagsamantalahan siya ni lalaki. Iyon nga lang, hindi siya nakilala ng lalaki ngayon... o baka naman wala lang talaga itong pakialam.

Tumango siya habang patuloy ang pagtulo ng kanyang luha. “Opo… ginahasa po ako... iyon ang dahilan kung bakit ako pinalayas ng pamilya ko…” Nag-angat siya ng tingin sa lalaki. “Nakikitira lang po ako sa bahay ng kaibigan ko, pero hindi pwedeng doon lang ako. Iyon ang dahilan kung bakit ko sinubukang nakawin ang kuwintas, para makakuha ng pera sa mabilis na paraan…”

Hindi nagsisinungaling si Klaire, pero hindi rin siya lubos na nagsasabi ng totoo. Ginahasa nga siya ni Rage, at pinalayas din ng Papa niya. Pero ang dahilan ng pagnanakaw—malaking kasinungalingan iyon.

Mariing pinagmasdan ni Rage ang panginginig ng katawan ni Klaire habang nakaluhod sa harapan niya at nagmamakaawa. Tinitigan niya ang bawat kilos ng babae, lalo na ang kahulugan ng tingin nito kanina.

“Nagmamakaawa po ako, sir, huwag niyo po akong tanggalin…” pagsusumamo ni Klaire. “Bigyan niyo po ako ng isa pang pagkakataon…”

Hindi malaman ni Rage kung bakit may kakaibang epekto ang mga mata ng babae sa kanya… lalo na ang mga luha nito. Sa hindi maipaliwanag na dahilan... may kakaibang hatak ang mga mata nitong tila karagatan ang kulay.

“Get up.”

Napanganga si Klaire. "Sir?"

Nakita niyang huminga nang malalim ang lalaki.

“Huwag kang lumuhod sa sahig,” wika ni Rage na malamig pa rin ang tono ng boses. “Hindi ko kailangan ang pagpapaawa mo.”

Pinunasan ni Klaire ang mga luha sa pisngi, at saka tumayo ayon sa utos ng lalaki.

“I don’t care what happened to you,” sabi ng lalaki, na parang binalewala lamang nito ang paliwanag niya. Ngunit hindi niya inaasahan ang sumunod nitong sabihin, “Isang beses na lang.”

Napakurap si Klaire, naguguluhan.

Isang beses?

“I’ll give you one last chance. If you make another mistake, you’ll be thrown out of this company right away,” ani Rage sa seryosong mukha.

Napuno ng mga luha ang mga mata ni Klaire nang marinig ‘yon. Tila ba nagkaroon pa siya ng pag-asa sa buhay!

“S-Salamat po, Sir Rage… Maraming salamat po!” Ilang beses pa siyang yumuko sa lalaki.

Umiwas ng tingin si Rage. “Makaaalis ka na.”

"O-Opo!"

Habang papalayo si Klaire, nanatiling nakatigil si Rage. Hindi maipinta ang kanyang mukha, hindi inaasahan na magagawa niyang maging mabait sa babaeng ‘yon.

Huminga siya nang malalim at ipinikit ang mga mata.

Ang mga matang ‘yon… tila ba ay binabaliw siya.

***

Isang linggo ang lumipas mula nang malaman ni Klaire na nagdadalang-tao siya. Ngunit, wala ni isa man sa pamilya Rivas ang nakakaalam tungkol dito.

Gusto sana niyang ikwento sa bestfriend niyang si Charlie ang tungkol sa pagbubuntis niya. Pero alam niyang baka magalit nang sobra ang bestfriend niya at baka puntahan pa sa trabaho si Rage kapag nalaman ang totoo.

Kaya bukod sa kanya, sa boss niyang si Rage, sa company doctor, at kay Chris na nagdala ng resulta ng pregnancy test, wala nang iba pang nakakaalam sa lihim na niya.

“Ipasa mo ang lahat ng report sa desk ko,” utos ni Rage nang dumaan sa mesa ni Klaire.

"Opo, Sir," sagot ni Klaire at kinuha ang mga dokumento bago sumunod kay sa kanyang boss.

Maganda naman ang performance niya sa trabaho, at kahit hindi sinasabi ni Rage, alam niyang kuntento ito sa mga ginagawa niya. Ni hindi niya ito nakikitaan ng katiting na balak na tanggalin siya sa kumpanya. Sa katunayan ay naibigay pa nga ng maaga ang kanyang sahod at sinabihan siya nitong huwag nang magnakaw ulit.

Sa payapang tanghaling iyon, narinig ni Klaire mula kay Chris na may meeting si Rage.

“Nasa ground floor na po si Mr. Bonifacio, Sir.”

Bonifacio?' Nabigla si Klaire nang marinig iyon. Apelyido iyon ni Miguel, ah.

Saglit lang naman ang pagkabigla niya. Naisip niya, bakit ba siya kakabahan? Marami namang tao sa Pilipinas ang may apelyidong Bonifacio.

‘Hindi naman siguro magka-sosyo ang boss ko at ang mga Bonifacio…’ naisip niya.

“Klaire!” Napatalon si Klaire nang tawagin siya ni Rage. “Come along.”

"O-Opo, Sir!"

Mabilis na sumunod si Klaire kay Rage at Chris. Kahit kinabahan siya sa narinig na pangalan, kailangan niyang manatiling kalmado at professional.

Ngunit nang buksan ni Chris ang double doors at pumasok sila sa meeting room, biglang nanigas si Klaire sa kinatatayuan. Kasabay no’n, ang isang pares ng pamilyar na mga mata ang tumitig sa kanya nang may pagkagulat

"Klaire...?"

Sa loob ng meeting room, nakatayo ang isang pamilyar na lalaking naka-dark blue suit. Kagaya ng dati, may malamig at gwapong mukha pa rin ito.

‘Miguel…’ tawag niya sa pangalan nito sa kanyang isip.

Tama. Ang lalaking ‘yon ay ang dati niyang boyfriend, si Miguel Bonifacio.

Pero bakit narito siya?!

Patuloy ang titigan nina Klaire at Miguel nang isang pamilyar na boses ang tumawag sa kanya.

"Ate Klaire?"

Lumingon si Klaire sa babaeng nakatayo sa tabi ni Miguel.

Sa sandaling iyon, parang tumigil ang mundo ni Klaire sa nakita…

Si Kira…
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mercy Villafuerte
nagtagpo ang mastermind at ang biktima
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   Kabanata 189

    At tama nga ang hinala ni Rage. Pagkatapos ng trabaho, dumiretso si Miguel sa kanyang lolo para pag-usapan ang tungkol sa kompanya. Sinabihan na ni Rage ang ama na paalisin si Miguel kung darating ito sa parehong araw na darating siya. Ngunit hindi magawang itaboy ni Baltazar ang kanyang apo.“Lolo,

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   Kabanata 188

    “Siyempre hindi.” Sinubukang abutin ni Rage ang ulo ni Klaire para haplusin ito gaya ng nakasanayan, pero umiwas ito at lumipat sa gilid. “Ayaw mo bang hawakan kita?”“Pinagdududahan mo na agad ako. Ano’ng sinabi mo kahapon? Sabi mo, mamumuhay na lang tayo na ang iniisip ay ang future natin. Si Migu

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   Kabanata 187

    Pero, tinutukso si Rage ng matinding pagnanasa na ituloy pa ang ginagawa niya. Gusto niyang marinig ang mga sigaw ng asawa na sarap na sarap. Ang mga ungol ni Klaire ay parang reminder na kailangang marinig ni Rage bawat ilang oras, araw-araw.Madali niyang pinunit ang tatsulok na tela sa ilalim ng

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   Kabanata 186

    Agad na ipinaabot kay Rage ang kahilingan ni Miguel. Ang lalaki, na hinahaplos ang bahagyang umbok sa tiyan ni Klaire, ay naputol sa ginagawa nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.“May tumatawag.” Tinulak ni Klaire ang ulo ni Rage na lalo pang dumidikit sa kanyang tiyan.“Honeymoon natin ngayo

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   Kabanata 185

    Nagpatuloy ang kanilang ‘secret affair’ hanggang sa sumikat ang araw. Kakauwi lang ni Miguel mula sa pagbili ng bagong apartment para kay Erica, na mas maayos at mas ligtas mula sa mapanghusgang mata ng iba.Sa kwarto, wala pa ring malay si Kira. Binuksan ni Miguel ang kurtina ng bintana, dahilan pa

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   Kabanata 184

    "Hindi… Gusto kong marinig ko munang pinapatawad mo ako. Saka lang ako aalis dito," giit ni Miguel.Ayaw ni Miguel na maging duwag at iwan na lamang si Erica matapos niya itong dungisan. Ayaw niyang mabuhay sa konsensiya at gusto niyang marinig mismo kay Erica ang kapatawaran sa ginawa niya."Sa tin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status