Share

Chapter 3

"Miss Des, may bisita po kayo," bungad sa akin si Wamilda paglabas ko ng kuwarto. Pasado alas nuebe na ng umaga nang tumingin ako sa relong pambisig. Tinanghali kasi ako ng gising dahil matagal akong nakatulog kagabi sa kakaisip ng paraan kung paano mapapa-give up ang maestro kong arogante. Iniisip ko rin ang dahilan kung bakit siya hinayaan ni mommy na maging substitute ng tutor ko. If he's that famous, mom knows him for sure.

Kung ganoon siya kayaman, bakit pa siya nagtiyatiyaga sa pagtuturo? As what he have said, tinutulungan niya ang kaibigan niya. But to think of it, how come he has a friend from the lower class? At kung tutuusin, puwede naman niya iyong tulungan sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho sa kompanya nila.

Damn. Sumakit na lang ang ulo ko sa kakaisip ng mga bagay na 'yon ay wala pa rin akong naisip na sagot. And it ended up, eyebags lang ang nakuha ko.

"Sino?" Wala naman akong expected na bisita ngayon. Siguro isa sa mga kaibigan ko. Mahilig ang mga iyon sa unexpected visit. Mas maganda daw kasi yung hindi inaasahan.

"Kaibigan niyo po."

Dumiretso na ako sa dining area. Hindi na ako nagulat nang makita doon si Marcos, nakaupo sa harap ng mahabang mesa at kumakain ng mansanas. Pormang-porma naman ito na para bang may date na pupuntahan.

"Morning Des." 

"Umagang-umaga nandito ka? May kailangan ka 'no?" Umupo ako sa kanyang harap, nilagyan ng pagkain ang sariling pinggan. Dumating naman si manang at pinagtimpla ako ng hot chocolate, my usual morning drink.

"Ikaw hijo, gusto mo ng kape o hot chocolate?" tanong nito kay Marcos na agad namang umiling.

"Huwag na po, prutas lang sapat na sa akin," sagot niya, ngayo'y ubas naman ang nilalantakan. Kung si Marie ay kung anu-anong pagkain na-oobsess, iba naman sa kaso niya. He likes eating fruits very much like he's depending his life on it.

"Magpapatulong sana ako sa'yo." Nag-angat ako ng tingin. He smiled cutely. 

"Tungkol saan? Girls?"

"Yes. Si Marie at Lilian kasi ay may kanila-kanilang lakad. Lilian needs to be with her family, si Marie naman ay may date with her new boytoy."

"Boytoy?" Napantig ang tenga ko sa narinig. Wala naman itong sinabi kahapon nang lumabas kaming tatlo. Or maybe kagabi lang niya nameet? Naku, ang babaeng yun talaga. Kung sinu-sino na lang yata ang pinapatulan. I can't blame her, though. Masyado siyang habulin ng mga lalaki kahit lamon ng lamon.

"Yes. I heard it's a third year student in our university. Alam mo na, ayaw na daw kasi niya sa mga freshmen. Pinagsabihan ko ngang mag-ingat."

Nanliit ang mga mata ko. Mukhang marami nga talaga yung dapat sabihin sa akin. O baka naman nakalimutan niya lang dahil naging topic namin si Reilan kahapon for the rest of the day. Gulat na gulat kasi ang mga ito nang sabihin kong ang lalaki ang aking bagong tutor, at ang taong nakatagpo sa bar. Kaya ayun, binomba ako ng mga tanong.

"Anyway, kaya ako nandito kasi I want to buy girly stuffs para sa bagong nililigawan ko. And since you're the fashion expert, I know you can help me. Ayaw ko namang magpasama kay Louie dahil baka masama lang ang kalabasan ng lahat." Bahagya akong napatawa doon. Sa aming lima kasi, it was Louie who's such a trouble-maker. Hindi rin ito maaasahan sa mga ganitong bagay. He'd rather involve himself in an illegal car racing than do these kind of romantic things.

At the end, wala rin akong nagawa kundi ang samahan si Marcos. Hindi naman puwedeng pabayaan ko, baka magkapalpak-palpak pa ang balak na panliligaw.

"By the way, who's the girl?" tanong ko habang naglalakad kami papasok sa kilalang jewelry shop sa isang mall. Balak niya daw kasi itong bilhan ng isang kuwintas kaso ang problema, wala naman siyang masyadong alam sa mga alahas. 

"Isang freshman sa kabilang university. Her name is Cheska. Ganda niya, Des. Mabait rin at achiever. Family-oriented pa."

"Ini-istalk mo?" tanong ko, tinitingnan ang isang kuwintas na may diamond pendant. Sa tono kasi ng pananalita niya ay parang kilalang-kilala niya ang babae. Maybe he had stalked her a few times. Sa ilang taon naming pagkakaibigan ay saulo ko na ang mga kilos niya.

"Paminsan-minsan lang." Umamin rin.

"If she's that type of girl then I think this would suit her." Pakita ko sa kanya sa isang silver necklace. Heart ang pendant nito na may kumikinang na diamond sa gitna. Simple but classy.

Nagustuhan rin ito ni Marcos kaya yun na nga ang binili niya. He wouldn't mind to burn cash anyway. Ipinangak kasi itong may kutsarang-pilak sa bibig kaya kung makapagwaldas ng pera ay parang napupulot lang ito sa daan.

Pagkatapos namin doon ay ako naman ang sinamahan niyang bumili ng cosmetics. Well, I didn't plan to buy things today. Na engganyo lang akong bumili dahil may bagong lipstick na ini-release ang paborito kong brand.

"Hindi mo ba siya bibilhan ng lipstick?"

"Naku, huwag na. Di naman siya mahilig diyan. Mukhang hindi nga 'yon naglalagay e."

Napatango-tango at patuloy na tinitingnan ang iba't ibang shades ng lipstick.

"Pabili ako nito babe, tas 'yan rin." Rinig ko ang malanding boses ng isang babae na nasa malapit lang. Sa hindi sinasadya ay napatingin ako sa gawi niya, slightly distracted by her voice. Unfortunately, iba ang sumalubong sa paningin ko.

It was Mongreco's eyes.

I cursed in my mind. What a damn coincidence. 

Dumako ang tingin ko sa babaeng kasama niya. It's not the same girl in the restaurant yesterday. Kung kahapon ay sopistikada ang datingan, ngayo'y parang isang dancer sa club. Mukhang kinulang yata sa tela ang damit at halos lahat-lahat ipakita na. Flavor of the day, huh? 

Standing beside his woman, he showed me a smirk. Tinaasan ko siya ng kilay at inarapan. His eyes went to the person behind me. Napansin ko ang bahagyang pagkunot ng noo niya na hindi ko lang binigyan ng atensiyon. I went back from what I'm doing and quickly picked two lipsticks from one brand with different shades.

"Let's go, Marcos. Nakapili na ako." Hindi ko na tiningnan pa ang gawi ni Reilan at diretso ng naglakad patungo sa counter.

It's already twelve noon when I got home. Hindi na ako nagpahatid pa kay Marcos dahil kailangan niya na kasing umalis. At dahil nakisakay lang ako sa kotse niya, I ended up riding a taxi. 

Pagdating ko sa bahay ay dumiretso ako sa kuwarto at natulog. Kailangan ko kasing magpalakas mamaya at paniguradong pasasakitin na naman ni Reilan ang utak ko. Imagine three hours kaming kailangang magsama? Damn. That's a torture for me. Kung kaya ko lang talagang kumbinsihin si mommy na hindi ko kailangan ng tutor ay hindi na sana aabot sa ganito. 

Nagising ako sa tatlong katok. It was Wamilda. Sinabi nitong dumating na si Reilan. I just told her to lead him to the study room and wait for me. Ayaw ko mang harapin siya, ngunit napilitan akong bumangon. 

Mimicking the moves of a turtle, binagalan ko ang pag-aayos sa sarili. Baka kasi pag nagalit 'yon sa kakahintay ay baka makapagdesisyong umalis na lang. But when I entered the study room and saw him, I felt disappointed. Seryoso ang mukha'y sinundan niya ako ng tingin hanggang sa makaupo sa kanyang gilid.

"You purposely let me wait for almost an hour," he said, voice was husky and authorative. May halong inis iyon.

"So? Kung nabagot ka e, di sana umalis ka na lang. You shouldn't have wait for me."

"Why would I leave? Trabaho ko ito. Kaya sa susunod‐"

"Come on, Mongreco! Parehas nating alam na hindi mo kailangang magtrabaho. You can even support a family for three generations or so with your money! So, why waste time here?"

His jaw clenched. Kalauna'y umangat ang sulok ng labi.

"As what I've told you, I'm helping a friend that's why I'm here as his substitute. Naiintindihan mo?"

I didn't answered. Inis ko lang siyang tiningnan at nanatiling busangot ang mukha. Imbes na nandito, sana ay dun na lang siya sa mga babae niya. I'm sure they would be pleased so much by his presence. 

"Who's that guy with you in the mall? Boyfriend mo?" Biglang tanong niya na ikinakunot-noo ko. Hindi lang siya arogante at assuming, chismoso rin pala.

"It's none of your business. Wala ka na dun kaya huwag kang tanong ng tanong."

"If he is, then I must say you have a bad taste." Umawang ang labi ko. What the hell? Ako pa talaga itong sinabihan niya ng bad taste, e siya nga itong may kasamang mukhang prostitute!

"Marcos is a decent guy, you jerk. And talking about the taste, naubusan ka na ba ng babae at mukhang prosti ang napulot mo? Ni hindi mo man lang nabilhan ng desenteng damit at mukhang kinulang sa tela. Lakas ng loob mong magsalita ng ganyan, ikaw naman 'tong babaero at papalit-palit ng babae. Ano 'yon? Iba-iba ang taste mo kada araw, ganon?"

He just showed me an amused smile.

"Pati ba naman mga babae ko napapansin mo?" Itinukod niya ang siko sa mesa, index fnger is playing on his lips.

"Baka sa akin ka naman talaga interesado?" My eyes widened on his words. This assuming jerk! Akala siguro'y lahat ng babae ay mahuhumaling sa kanya. Too bad, I refused to be one of those stupid women worshipping a man like him.

"Wow ha! Ako, interesado sa 'yo? You are delusional! Sinasabi ko lang naman na kung taste ang pag-uusapan, mas ikaw itong walang kataste-taste! And how dare you insult Marcos? Mas matino pa 'yon sa 'yo ng hundred times!"

"Why did you leave that woman of yours, anyway? Sana imbes na narito ka, sinamahan mo na lang 'yon. I don't need you here," dagdag ko pa.

"Simply because, you are my tutee. And you're wrong to say that you don't need me. You need me, Desire. Ayaw mo lang aminin," puno ng kumpiyansa niyang saad. 

"You're too confident, Mongreco. Akala mo naman totoong guro, hindi naman."

He just smirked before getting a book.

"Enough of that. Let's start your lecture."

At the end, wala lang rin akong nagawa kundi ang makinig sa mga sinasabi niya. 

Sa mga sumunod na sessions ay ganoon pa rin ang naging sitwasyon namin. Kung anu-anong bagay ang pinagagagawa ko para sagarin ang pasensiya niya. Pinaghihintay siya ng matagal, o di kaya'y umaaktong hindi nage-gets ang sinasabi para magpaulit-ulit siya sa pag-eexplain. Sometimes he scolds me, pero hindi naman umabot sa punto na sumisigaw na siya. Though I found it tiring, pinagpatuloy ko pa rin ang ginagawa.

And as of our fifth meeting, I purposely spilled the juice I'm drinking to the worksheet that he gave me.

"Holy crap!" Umakto akong hindi sinasadya ang nangyari. But when I looked at him, his dark eyes met mine. I just smiled cutely at his stoic face, trying so hard to unplease him.

"Sorry." I made a peace sign. His jaw clenched, obviously controlling his temper.

Napailing-iling siya, dismayado.

"Try harder, baby." 

"Hindi ko naman 'yon sinasadya! Sino ba naman ang matinong taong lalagyan ng juice ang sariling worksheet? Nagmamadali nga akong sagutan 'to kaya kung iniisip mo na sinadya ko 'yon ay nagkakamali ka."

The side of his lips rose. "Alright, wala naman akong sinasabing ganyan. You're too defensive and sounded so guilty."

"I-I'm not! Inuunahan ko lang naman ang iniisip mo. For sure, you are thinking the worst of me. Mas mabuti na yung klaro." 

"Well..." He shrugged and just cleaned the table.

"Hija, what do you want as the theme of your debut? Masquerade, or just the typical one?" Ang nalalapit kong kaarawan ang pinag-usapan namin na mommy kinagabihan. Although I just want a simple celebration, alam kong hindi makakapayag si mom doon. Kaya pinaubaya ko na lang sa kanya ang pamimili sa klase ng selebrasyon. But of course, it should be grand like the usual.

"The typical one na lang po. And regarding my gown, I want it designed by Oscar Monroe." 

"You want it held in a hotel, or dito na lang sa mansion?" tanong nito, ang tingin ay nasa hawak na mga kubyertos.

"I think dito na lang, mom. Malaki naman ang bulwagan. It would occupy all the guests for sure. May pool area naman at garden kaya okay na dito."

"Alright, if you say so. May kinuha na akong even organizer. She will be here tomorrow, ikaw na ang bahalang magsabi sa kanya sa mga gusto mo."

Yun nga ang nangyari. Mabuti na lang at mabait ang nakuha ni mommy na event organizer. She was very attentive to my every suggestions, from the designs, flower decorations and all. Si Lilian at Marie ay pinapunta ko naman para tulungan ako sa arrangements. Nagpasukat na rin kami sa mga gowns na susuotin nang dumating ang designer. Of course, they would attend. Sinabihan ko na rin ang dalawang lalaki na maghanda para sa selebrasyon. I even told Marcos over the phone na kung puwede ay dalhin niya yung Cheska para makilala namin.

"A-attend ba si Revo?" Usisa ni Marie habang nasa isang café kami pagkatapos makipag-usap sa event organizer.

"Pake ko dun? He's not a friend kaya baka hindi imbitado." 

Tinampal ni Lilian ang braso ko. "Ang harsh mo naman Des! Imbitahan mo na, I'm sure kilala naman ng mommy mo ang pamilya niya. And if you want, you can also include him on your eighteen roses!" Humagikhik pa ito na ikina-iling iling ko.

There's no way I would allow that to happen.

"Si Harris ba, iimbitahan mo?"

Isa pa ang hayop na 'yon. Mabuti na lang talaga at nawala siya sa isip ko kaagad. Gusto ko talagang murahin ang sarili sa tuwing naaalala kong nagpakalasing ako dahil sa kanya. He doesn't deserve it. At pinagsisisihan ko kung bakit pa ako umiyak-iyak nun at nag emote. Nang dahil tuloy sa kagagahan ko ay di ko na namalayang pumatong na ako sa isang lalaki. Damn him.

"No. It's not that I'm still bitter about us. I just can't stand seeing his bastard face. Nakakagago yung ginawa niya kaya mas mabuti sigurong hindi na kami magkita."

"Well, oo nga naman. Kapal ng mukha niya kung haharap pa siya sa'yo," saad ni Lilian.

"Pero yung Mongreco, invite him Des. I just wanna, you know... take a look at him. Hindi pa kasi ako nakakalapit doon. Ang rami kasing nakaaligid." Tumawa si Marie.

"Marami ngang nakaaligid, diba? So don't try your luck. He has a lot of women. Paiba-iba, na para bang nagpapalit lang ng damit. Men like him are the real cancers of the society."

"Tourists attraction kamo." Tumawa lang ang dalawa.

"Bitter mo naman, Des. Strikto ba na tutor kaya mukhang galit na galit ka?"

"Tinanong mo pa, Lil. I hate that man. Arogante at masyadong presko. Far from my type. Isa pa, he's old."

"He's just twenty-three, Des! Five years lang ang agwat natin sa kanya." 

I just shrugged, stopping myself from saying more bad things about him. After all, he's still my tutor.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status