Share

Chapter 13

Hindi ako ginulo ni Nick simula kahapon, mabuti na din 'yun nang matahimik ang buhay ko.

Maagang umuwi ngayon ang boss ko dahil may imi-meet daw siyang friends. Akalain niyo 'yun mga kaibigan pala ang impaktong 'yun. Wala namang schedule ng meeting bukas kaya di ako ganun ka-busy, chill lang kumbaga.

Patapos na ako sa pag-aayos ng desk ko at ready na para umuwi nang bumukas ang pinto sa office namin ng boss ko. Automatikong napatingin ako sa kung sino ang pumasok.

It was Nick.

He is not the usual Nick na makulit at mahilig magpacute, para siyang ibang tao. Mas gusto ko ang makulit na Nick ngayon kesa sa Nick na papalapit sa akin. Nakaramdama ako ng nerbyos dahil sa presence niya at napalunok ako ng aking laway. Tumikhim ako bago mag-salita nang nasa harapan na siya ng desk ko. Tiningala ko siya para tignan.

"Anong kailangan mo?" Itinago ko ang kabang nararamdaman sa pamamagitan ng pagtataray.

"You seemed so tense. " nakangiting sabi niya.

Malamig dito sa room , pero pakiramdam ko ang pinagpapawisan ako. There is something different in the way that he speak, and the way that he smile.

Is he trying to look sexy? Is he seducing me? Wag assuming Gabriela.

Ipinilig ko ang ulo ko para mawala ang malisyosong iniisip ng utak ko.

He chuckled and it still sounds seductive in my ears.

Saglit akong napapikit, kumunot-noo ako bago ko ibalik ang tingin sa kanya.

Di

ako

papatinag

sa'yo

langya

ka!

"Ano na? Di mo pa sinasagot ang tanong ko," sabi ko sa kanya.

"I nearly forgot, they gave me this." He was still smiling, and put a folder on my desk.

"It's about the turn over of work," pagbibigay alam niya.

Kinuha ko ang folder at binuklat ang laman nu'n. Ayon dito ay kailangan naming gumugol pa ng isang oras sa office para sa turn-over. Kailangan din ng pirma ng guard araw-araw para sigurado daw na di kami nandadaya ng oras. Meron din siyang pipirmahan dito confirming na nag-turn kami sa araw na iyon. Nakasulat din ang araw ng effectivity  nito at ngayong araw rin 'yon mismo.

Anong

kalokohan to?

Baka

pati president ng pilipinas gusto din nilang

pumirma

dito!

Binalik ko ang tingin ko sa kanya at nakita ko na naman na nakangisi siya.

Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding. Napabuntong-hininga na lang ako, ano pa bang mamagagawa ako kundi mag-stay dito kasama ang lalaking 'to.

Okay! Start na

para

matapos

na.

"Kunin mo yang upuan, lumipat ka dito malapit sa akin." Mataray na utos ko sa kanya.

Ginawa naman niya ang inutos ko sa kanya. Binuksan kong muli ang P.C. ko at nag-simula sa pagtu-turn over. I told him the over view of my work. Nag-daldal lang ako nang nag-daldal sabay kalikot sa computer, teaching him the basics.

Gagawa

talaga

ako ng turn-over plan bukas

para

mas

madali.

Pagtingin ko ulit sa orasan ko ay ten minutes na lang bago matapos ang isang oras naming schedule.

Napalingon ako sa kanya, only to find that his almost resting his chin on my shoulders. Masyadong naging malapit ang mukha namin sa isa't-isa, tinitigan niya ako sa mata. Nakaramdam ako ng kaba kaya mabilis kong inalis ang tingin sa kanya at inusog ko ang swivel chair ko palayo.

Mahirap na baka may mangyari na namang di ko inaasahan.

BwisitKelangan

talaga

ganun

kalapit

ang

mukha

niya

sa akin?

Umubo ako kunwari, to regain my composure.

"May naintindihan ka ba sa mga sinabi ko?" tanong ko na lang sa kanya. Iniiwas ko pa rin ang tingin ko sa mukha niya.

"Yeah, it's not clear yet, but I think I learned something."

Buti

naman

nakinig

siya

kahit

papaano.

"Good, bukas I'll give you some turn-over notes para pag may nakalimutan ka, pwede mong tignan yun," sabi ko sa kanya.

"Thank you for the effort, but I prefer asking you." He is still using that raspy voice.

Napatingin na lang ako sa adam's apple niya habang nagsasalita siya.

STOP IT! Gabriela!

"I think we still have few minutes left before this ends. I learned something from you, will you mind If I teach you something back?"

Parang gusto ko ng himatayin sa tuwing nagsasalita siya.

Masamang spirit lumayo ka sa katawan ng lalaking itoO baka mas tamang sabihin na lumayo ka sa katawan ko.

Kumunot na noo na lamang ako.

"Di mo ba itatanong kung anong ituturo ko sayo?"

"I'm not interested." I tried to sound cool, but my voice cracked.

Holy Sheep!!

Saglit siyang napatawa sa nangyari.

Napansin siguro niya na mas naging tensyonado ako ngayon kaysa kanina. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko na parang gusto ng kumawala sa loob ng rib cage ko. Pakiramdam ko rin ay kanina pa ako pinagpapawisan ng malamig.

Pinaikot niya bigla ang swivel chair na kinauupuan ko paharap sa kanya. We are now facing each other again, sinubukan kong paikutin ulit yun. Di ko na nagawa pang paikutin ang kinauupuan ko dahil hinigit niya ang bewang ko. Napahawak ako sa balikat niya nang hilain niya ako palapit sa kanya.

Gustong-gusto ko na sumigaw pero pinipigilan ako ng isip ko.

Wala pa siyang ginagawa pero grabe na ang kabang nararamdaman ko. Kapag sumigawa ako para pigilan siya sa balak niya ay baka kumalat iyon sa buong department naman at maging laman ako ng chismis.

Inangat niya ang baba ko upang magpantay ang mukha namin. Iniwas ko ang tingin sa kanya.

"Anong kalokohan na naman to?" I mustered all the strength left in my body para masabi yun.

Inilapit niya ang labi niya sa tenga ko, I can feel his breath touching my ears.

"I'm trying to teach you something." Masuyong sabi niya.

"Teach me what?" halos takasan na ako ng hininga sa ginawa niyang pagbulog sa tenga ko.

"You seem interested now." He give a small chukle.

"I'm teaching your heart to beat fast every time you see me."

Inilayo niya ang labi niya sa may tenga ko at ibinalik ang tingin sa akin. He have that look in his eyes , and I can't help but get drawn into it.

Di ako makagalaw, my heart is still beating fast. I can smell minty breath while it touches my lips. Papali-palit ang tingin ko sa labi niyang mapula at sa mga mata niya.

He then move his head closer to mine.

Nagtatalo pa din ang isip ko kung ano ang dapat kong gawin. Sinasabi ng malanding isip ko na hintayin ang gagawin niya. Sabi naman ng dalagang pilipina kong isip na paliparin ulit ang kamao ko sa mukha niya.

Konting galaw na lang ay maglalapit na ang aming mga labi.

Bigla na lang tumunog ng malakas ang cellphone ko. Dinig ko ang ang pagtugtog ng Hayaan mo sila ng Ex-Battalion on sa cellphone ko. Dahil doon ay nagbalik ako sa katinuan, mabuti na lang at niligtas ako ng message tone ko.

Inatras ko ang swivel chair ko at agad na tumayo sa kinauupan ko. Saktong bumukas din ang pinto ng office at lumabas mula roon ang boss ko.

"Good thing you're still here Silang. I almost forgot my promise to your brother," sabi ng boss ko. 

Napatingin siya kay Nigel, tsaka binalik ang tingin sa akin.

Oo nga pala, may usapan sila ni Kuya na ihahatid niya ako sa bahay tuwing gagabihin ako ng uwi.

"Let's go." Nakangiting pag-aaya niya sa akin.

Hinablot ko ang bag ko mula sa desk ko at nagmadaling naglakad sa kinaroronan ng boss ko.

"Turn-off her P.C. Nick." utos niya dito.

Napatingin akong muli kay Nick na dipa rin umalis sa kinauupuan niya. He smirked then winked at me. Tumalikod ako agad at saka sabay na lumabas ng pinto kasama ang boss ko.

I was saved, papapyesta

ako

bukas

na

bukas!

Nang makarating kami sa labas ng lobby ay may naghihintay na palang taxi para sa akin. Napalingon ako sa boss ko.

"Get in, I left my car somewhere." walang emosyong sabi niya.

Isa pa 'to may split personality.

"Okay, thank you sir," sabi ko na lamang sa kanya.

Pumasok na ako sa backseat ng taxi na iyon saka ito umalis, napabuntong hininga na lang ako.

Akala ko pa naman ay ihahatid niya ako sa amin.

Feeling ko mamatay na ako kanina. Anong nanagyari sa akin. Maliligo na ba ako ng holy water? para kasing may masamang espiritong umaaligid sa akin.

Salamat na lang talaga at naisipan kong pagtripan ang message tone ng phone ko. Saka ko lang naisipang tingnan kung sino ang nagmessage sa akin. Galing pala iyon sa boss ko.

...

Don't Kiss him.

...

End of Chapter Thirteen

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status