Home / Romance / My Uncle's Dark Secret / Chapter 25 - Sign

Share

Chapter 25 - Sign

Author: Rhan Jang
last update Last Updated: 2025-08-15 10:49:59

Lewis POV

TUMUNOG ang alarm clock nang eksaktong alas-dose nang madaling araw. Mabilis akong bumangon at binuksan ang aking laptop. Ginawa ko ito dahil sa twelve-hours na pagitan ng Pilipinas at New york. Sinigurado kong lunch sa kanila upang makausap ko si Vlad at wala na siyang dahilan upang hindi ako replayan.

As I open my laptop, bumagsak ang aking labi dahil kahit seen man lang ay hindi niya ginawa. Halos hindi ko na mabilang kung ilang mensahe na ang pinadala ko sa kanya at ilang missed call na rin ang aking ginawa.

Nagsimulang sumikip ang aking dibdib. I felt that Vlad is ignoring me at hindi ko alam kung bakit. Hindi ko naman magawang itanong sa aking mga magulang ang balita sa kaniya, dahil baka kung ano ang kanilang isipin.

Mariin kong pinahiran ang luha sa aking pisngi, saka mapait na ngumiti.

"Baka naman busy lang talaga siya," pagpapalakas ko sa loob ko.

Muli akong ngumiti nang mapait saka bumuntonghininga, sinimulan kong ilapat ang aking daliri sa keyboard ng laptop, sak
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Uncle's Dark Secret   Chapter 110

    Angel's POVDALAWANG linggo ang nakalipas, ang totoo, hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin si Liam. Sa bawat araw na dumaraan, palalim nang palalim ang pangungulila ko sa kanya. Na para bang hinahanap-hanap ko ang tinig niya dahil hanggang ngayon, hindi na rin siya tumatawag sa akin.Hindi ko alam kung ano ang nangyari, wala rin naman sa kanyang schedule na magtatagal siya sa ibang bansa. Nais ko sanang mangialam at magtanong sa kanya, ngunit sino ba ako? Hindi ba isa lamang akong sekretarya?***Hindi ko na alam kung ilang beses akong napabuntonghininga habang naglalakad sa corridor ng building kung saan ako nagtatrabaho. Sa araw-araw, napapansin ko sa aking sarili na wala na akong ganang mangtrabaho.Dahil nga ba ito kay Liam? Siguro nga malaki na ang naging bahagi niya sa aking buhay at pakiramdam ko ay may kulang.Dahil sa lalim ng mga bagay na aking iniisip, hindi ko namalayan na nakarating na ako sa pinto ng opisina. Isang malalim na buntonghininga ang aking ginawa, saka hinawak

  • My Uncle's Dark Secret   Chapter 109

    Angel's POVNAKANGITI habang humuguni ang aking labi nang makarating ako sa opisina. Ngunit sa pagbukas ko ng pinto, kumunot ang aking noo nang makitang wala pang tao sa loob."Himala ito, ah? Late yata ngayon si Liam?" sambit ko sa sarili.Nababakas sa aking mukha ang pagtataka, noon kasi, hindi naman nala-late ang boss ko at madalas, mas maaga pa nga siya sa aking pumasok.Ang ngiti sa aking labi ay unti-unting nawala, ngunit mabilis ko ring inalis ang mga pag-aalalang bumabalot sa aking isip."Baka naman mamaya pa siya papasok," sambit ko sa sarili. Nagkibit balikat ako saka sinimulang ihakbang ang mga paa papasok ng opisina at nagtungo sa aking puwesto. Tumingin ako sa paligid at sa station ni Liam. Sandaling nakaramdam ako ng kaunting kirot sa puso at hindi ko alam kung bakit."M-May nangyari kaya?"Maya-maya lang, ilang oras na ang lumipas at nagsimula na rin ako sa trabaho. Unti-unting bumigat ang aking balikat nang makalahati ang araw at hindi na pumasok si Liam. Bilang kanyan

  • My Uncle's Dark Secret   Chapter 108

    Angel's POVNAPAKO ang ngiti sa aking mga labi habang nakahiga sa ibabaw ng aking kama. Kahit dalawang linggo na ang lumipas simula nang mag-swimming kami sa beach, hindi pa rin mawala sa aking isip ang mga bagay na nangyari sa ilang araw na iyon.Naramdaman ko ang pag-init ng aking puso nang maalala kung paano ako itrato ng pamilya Grayson. Alam kong taliwas ito sa mga planong nasa isip ko, ngunit hindi ko man gusto, unti-unti na talagang nagbabago ang aking isip.Tinaas ko ang aking kamay, animoy inaabot ang malayong kisame ng aking silid. Muling sumilay ang matamis na ngiti sa aking labi, nang tumama ang tingin ko sa napakagandang singsing na nasa aking daliri – ang singsing na binigay sa akin ni Liam.Nang mga oras na iyon, muling bumalik sa aking alaala ang gabing nasa tabing dagat kami ni Liam.Matapos kaming mag-usap ng kanyang ina, lumapit sa akin si Liam at umupo sa aking tabi."May sinabi ba siyang masama sa 'yo?" panimulang tanong sa akin ni Liam nang gabing iyon.Mabilis a

  • My Uncle's Dark Secret   Chapter 107

    Lewis POVMarahan at palihim kong pinunasan ang luha na sandaling tumakas sa aking mata. Pilit akong lumingon sa aking tabi upang hindi makita ni Angel ang pag-iyak ko.Hindi maikakaila na labis talaga akong naapektuhan ng kanyang pangungulila at hindi ko alam na ganoon ito kasakit.Isang buntonghininga ang aking ginawa, saka muling humarap kay Angel na ngayon ay muling yumuko."Angel, m-may gusto sana akong sabihin sa 'yo," panimula kong wika.Marahang tumaas ang ulo ni Angel, saka tumingin sa aking direksyon."Ano po 'yon?" aniya, saka pinunasan ang butil ng luha sa kanyang pisngi."G-Gusto kong–""Mom... Angel... Anong ginagawa nyo rito?"Sabay kaming napalingon ni Angel nang marinig ang tinig ni Liam. Nakita ko ang nakakunot na noo ng aking anak at halatang wala siyang ideya sa mga nangyayari."A-Anak, nakita ko kasi rito na mag-isa kaya pumunta ako at sinamahan siya. Sandali, bakit gising ka pa?" tanong ko kay Liam.Marahan akong tumayo at pinagpagan ang kaunting buhangin na buma

  • My Uncle's Dark Secret   Chapter 106

    Lewis POVNAALALA ko ang araw na nakausap ko si Liam sa kaniyang opisina. Sandali naming iniwan si Angel sa loob ng conference room at sinabi ko kay Liam ang lahat ng bagay na alam ko tungkol kay Angel."Anak, gusto ko lang kasing–"Natigila ang nais kong sabihin nang hawakan ni Liam ang aking balikat, saka siya diretsong tumingin sa aking mga mata."Mom, you don't need to worry. Alam ko ang ginagawa ko at alam ko ang lahat ng bagay tungkol kay Angel," sambit sa akin ni Liam, dahilan upang kumunot ang aking noo."A-Alam mo?" tugon ko."Opo. Hindi mo na kailangang kausapin si Angel. Wala kang ibang dapat gawin, ma. Kung hindi ang umupo at manood." Nanlaki ang aking mga mata sa bagay na sinabi ni Liam sa akin. Ang mga tingin na iyon ni Liam ay labis na nakakatakot, mga tingin na tila katulad ni Vlad na mayroong paghihiganti. "Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Angel, pero sisiguraduhin kong hindi siya magtatagumpay," muling wika ni Liam sa akin.Tumingin siya sa loob ng see

  • My Uncle's Dark Secret   Chapter 105

    Angel's POV "What? Bakit ganyan ka makatingin? Did I do something wrong?" aniya na tila walang alam sa bagay na ginawa. "Tinakot mo lang naman 'yung kaibigan ko," tugon ko sa kanya. Narinig ko ang kanyang pagngisi at umiling. Kinuha niya ang kanyang laptop at pinatong sa aking kamay, saka bahagyang nilapit ang kanyang mukha sa aking mukha. "There is no time for flirting. You have a job to do at iyon ang dapat mong unahin, do you understand?" diretso niyang sambit sa akin na animoy tinatakot ako. "Okay fine! Wala naman akong sinabing iba, hindi ba? Aniya na nagpataas sa aking kilay. "Kung makabakod kala mo talaga may label," bulong ko sa sarili na alam kong narinig din niya. Nakita ko ang pagtaas ng magkabilang gilid ng kanyang labi. Nang makita ko iyon, hindi ko maikakaila na pinagpala talaga si Liam ng kaguwapuhan. Guwapo siya kahit na hindi nakangiti, ngunit mas guwapo sa oras na tumaas ang magkabila niyang labi. Mabilis kong iniling ang aking ulo upang mawala ang mga b

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status