LOGINAngel's POVKunot ang aking noo nang tumungo ako sa isang hanging garden restaurant. Mabuti na lang at naging maayos na ang lagay ko dahil sa mga payo sa akin ng doctor at dahil na rin sa binigay niyang pagkain. Sa ngayon, kasalukuyan akong tumungo sa lugar na ito dahil tinawagan ako ni Liam, ang sabi niya, may problema sa kompanya, ngunit hindi ko alam kung bakit dito niya ako dinala.He even suggested na magsuot ako ng white dress, dahilan upang mas gumulo ang aking isip."Ms. Angel, nandito na po tayo," anunsyong muli ng driver, saka nita binuksan ang pinto.Sa paglabas ko mula rito, nanlaki ang aking mga mata dahil sa pamamangha."Ang ganda," maiksi kong nasambit habang hinahangaan ang mga bagay sa paligid.Tangibg fairylights lamang ang nagsisilbing liwanag sa paligid, dahilan upang mas maging maganda ito. Napapalibutan ng puno ang lugar at mukha talaga itong hardin.Sinimulan kong ihakbang ang aking mga paa, sinusundan ang mga petals sa sahig na tila gumagabay sa akin kung saan
Angel's POVHINDI ko alam kung bakit, ngunit kahit nakahiga lang ako sa isang malambot na kama, nakatingin ang mga mata sa malayong kisame habang narito sa loob ng kuwarto, umiikot pa rin ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko sa oras na tumayo ako, bigla na lang akong matutumba.Sa mga oras na iyon, wala akong sinayang na sandali, agad akong mag-iwan ng mensahe kay Liam at sinabing hindi ako makakapasok sa opisina. Alam ko sa sarili na hindi ko kaya.Maya-maya lang, kumunot ang aking noo nang makarinig ng tunog ng doorbell.Anak naman ng tipaklong, eh. Ayoko ngang tumayo pero heto naman at may kumakatok pa sa pinto."S-Sino 'yan?" pilit kong pagsigaw sabay sa pagpindot ng door speaker na malapit sa kama."Good morning po, Ms. Angel. Ako po ang doktor na pinadala ni Liam."Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ang bagay na iyon. Hindi nga nagbibiro ang loko, tumawag nga talaga siya ng doktor.Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Masaya ako dahilnag-aalala siya sa akin, ngunit
Liam's POVSa loob ng isang magarbong restaurant, isang dilaw chandelier ang nangingibabaw sa paligid. Mararamdaman ang presensya ng bawat taong nasa loob nito, bawat taong may mataas na antas sa pamumuhay.This is a restaurant for Elite people, mga taong mararangya at tanging mga kilala lang naming pamilya ang nakapapasok sa loob.Lumingon ako sa paligid at inobserbahan ang mga ito, naroon ang presidente at first-lady, tahimik silang naghahapunan. Sa kabilang lamesa naman, naroon ang ilang senador na nagtitipon at nag-uusap.Napailing na lang ako sa sarili at malalim na nag-isip.'Paano nga ba ako napunta sa ganitong estado?'I looked at my mom and dad, masaya silang nagsusubuan ng pagkain, animoy walang dalawang anak dahil sa sobrang clingy sa isa't isa. Napangiti na lang ako sa sarili.Handa na ba akong ibigay ang ganitong treatment sa isang babae? Ako na walang karanasan sa pakikipagrelasyon. Pero dahil mahal ko si Angel, bahala na ang Diyos na gumabay sa aming pagsasama.I slowly
Angel's POVMABILIS na lumipas ang ilang linggo, naging maayos ang pagsasama namin ni Liam at tuluyang naging opisyal ang aming relasyon.Sino nga ba ang mag-aakala na ang lalaking labis kong kinamumuhian ay ang lalaking magiging labis kong minamahal. Sa ngayon, nanatili pa rin akong sekretarya ni Liam at tuluyan nang bumalik sa ibang bansa si Ms. Alice.Noon ko napagtanto na ang dahilan ng pag-iyak ni Alice noon ay dahil nagdadalang tao siya sa kanyang nobyo. Kahit na mayroon silang malalim na pinagsamahan ni Liam, sa huli, kapwa mayroon na silang minamahal.***Isang umaga, masayang inaayos ko ang mga gamit sa opisina. Humuhuni at halos sumasayaw dahil maganda ang araw-araw kong gising. Nagdesisyon na rin kasi kami ni Liam na magsama sa iisang bubong, sa kaniyang condo.Sandali akong tumigil sa ginagawa, saka lumingon sa paligid. Habang yakap ko ang clipboard, marahang lumibot ang aking paningin sa paligid, saka napabuntonghininga."Akalain mo nga naman, dito sa lugar na ito nagsimu
Angel's POVMalamig ang gabi ngunit hindi namin alintana. Nakarating kami sa condo ni Liam at muling naglapat ang aming mga labi. Tanging maliit na lampshade lamang ang nagsisilbing ilaw sa paligid at nananatili ang init ng aming katawan."Dahil pinagselos mo ako kanina, dapat parusahan kita," maotoridad na wika ni Liam sa akin.Hindi ko alam kung bakit, ngunit imbes na makaramdam ako ng takot, init ang bumalot sa puso ko. Marahan kong nilapat ang aking palad sa mainit niyang pisngi, saka ako ngumiti."Ano namang klaseng parusa ang gagawin mo?" pilya kong tanong sa kanya.Nakita ko ang pagdapo ng kanyang tingin sa ibabaw ng aking dibdib, saka siya kumagat sa ibaba ng kanyang labi."Alam kong alam mo ang tinutukoy ko," aniya na tila nang-aakit.Maya-maya lang, mabilis niyang nilapat ang kanyang labi sa aking labi. Naramdaman ko ang pilit na pagpasok ng dila niya sa aking bibig na malugod kong tinanggap.Sa paglalim ng aming mga halik, ang kanyang kamay ay nagsimulang maglakbay sa aking
Angel's POVNANG tumama ang tingin ko sa kanyang mukha, tila ang lahat ng mga bagay sa paligid ay unti-unting pumagal.Mariin akong napalunok nang makita ang galit niyang mga mata at ang pagtapon niya ng masamang tingin sa lalaking kasama ko."Umuwi na tayo, Angel. Lasing ka na," malamig na tinig na sambit ni Liam.Nang marinig ko ang mga bagay na sinabi niya sa akin, pakiramdam ko ay nagpanting ang aking tainga, saka agad na naalala ang mga bagay na nakita ko sa opisina.Tinapunan ko siya nang matalas na tingin, saka agad na binawi ang kamay kong hawak niya."At sino ka para sabihan ako ng ganyan, ha? Wala kang pakialam kung gusto kong magpakalasing at uminom. Wala ka ring pakialam kung may kasama ako ngayon. Ano ba kita?" sunod-sunod kong sambit sa mukha ni Liam. Sinugurado kong ang bawat letra na ibabato ko mula sa aking labi ay tatagos sa kanyang isip at puso."I'm your boyfriend," maiksing tugon ni Liam na nagpalaki sa aking mga mata."B-Boyfriend, ikaw?" natatawa kong tugon ko s
Angel's POVMADILIM ang paligid at tanging ilaw na nagmumula sa mga bilog na disco lights ang nagsisilbing ilaw sa madilim na bar. Simula nang magbukas ang bar na ito, ako na ang unang customer nila. Hanggang ngayon na malalim na ang gabi, nandito pa rin ako.Ang totoo, hindi ko na mabilang kung il
Angel's POVNAGSIMULANG gumapang ang luha sa aking pisngi. Pakiramdam ko ay tuluyang nagkapirapiraso ang aking puso sa mga bagay na nakikita ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Wala akong ideya sa kanilang ginagawa, ngunit ang alam ko, nasasaktan ako at wala akong karapatang maramdaman ito.
Liam's POVShe hung up the phone at hindi ko malaman kung bakit.Marahan kong sinandal ang aking likod sa backrest ng aking upuan, saka hinilot ang aking sentido."Ano na naman kaya ang problema ng babaeng 'yon?" sambit ko saka bumuntonghininga.I just wanted to inform her about it at ang totoo, wa
Angel's POVDALAWANG linggo ang nakalipas, ang totoo, hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin si Liam. Sa bawat araw na dumaraan, palalim nang palalim ang pangungulila ko sa kanya. Na para bang hinahanap-hanap ko ang tinig niya dahil hanggang ngayon, hindi na rin siya tumatawag sa akin.Hindi ko alam







