Home / Romance / My Uncle's Dark Secret / Chapter 8 - The Villain

Share

Chapter 8 - The Villain

Author: Rhan Jang
last update Last Updated: 2025-08-08 00:44:39

Lewis POV

"Ayos ka na ba, anak? May gumugulo ba sa isip mo? Natakot ka ba sa nangyari kanina?" sunod-sunod na tanong sa akin ni mommy habang nakaupo sa tabi ko. Hawak niya ang aking kamay at punong-puno ng pag-aalala ang tinig.

"O-Opo, mommy. Ayos na po ako. Medyo hindi lang po maganda ang pakiramdam ko."

"'Di bale, anak. Pauwi naman na tayo," muling wika ni mommy.

Tumingin ako sa labas ng bintana. Kasalukuyan kaming nakasakay sa kotse at binabaybay ang kahabaan ng edsa. Ang mga ilaw ng sasakyan ay tumatama sa aking mukha at minamasdan ko lang ang mga ito.

"Mabuti na lang talaga at nakita ka kanina ni tito Vlad mo at nakatalon agad siya sa pool, kung hindi, baka wala ka na sa amin ngayon, anak."

Naputol ang mga bagay na aking iniisip nang marinig ang sinabi ni daddy.

'Yes. Uncle Vlad helped me pero ang kapalit noon ay ang katawan ko.'

Mariin kong hinawakan ang aking braso at parang pelikulang nagsimulang bumalik sa isip ko ang mga alaala ng nangyari.

"It's okay, Lewis. Sabi ni tito Vl
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Uncle's Dark Secret   Cajoter 28 - New beginning

    Lewis POV"D-Dad, magpapaliwanag ako," mabilis kong sambit sa aking ama.Ngunit hindi pa man ako nakakapagsalita, nanlaki ang aking mga mata nang isang malakas na sampal ang lumapat sa aking pisngi. Ito ang unang pagkakataon na saktan ako ng sarili kong ama. Simula bata, tanging pagmamahal at alaga ang nararamdaman ko, hindi ko akalain na labis na madudurog ang aking puso sa oras na pagbuhatan ako ng kamay ng aking daddy."T-Tyrone!" sigaw ni mommy, saka inawat si daddy na ngayon ay halos humigingal dahil sa galit na nararamdaman niya."Hindi ka namin pinalaki nang ganito, Lewis! Hindi kami nagtatrabaho para lang lumandi ka! Bakit? Kulang pa ba ang mga binibigay namin sa 'yo?" sunod-sunod na bulyaw sa akin ni daddy.Ang mga salitang binibitawan niya ay tila karayom na sunod-sunod na tumutusok sa aking puso, napakasakit. Mas masakit pa ang salita niya kaysa sa sampal na naramdaman ko."S-Sorry, daddy," basag ang tinig kong saad saka humagulgol sa pag-iyak na animoy isang sanggol.Naram

  • My Uncle's Dark Secret   Chapter 27 - Positivity

    Lewis POVNAGSIMULANG manginig ang aking kamay habang paulit-ulit na binabasa ang sagot sa akin ni Vlad.Sa tagal niyang hindi sumagot sa mga mensahe ko, ito lang ang isasagot niya sa akin? Anong klasing lalaki siya?Mariin kong kinuyom ang aking kamay, saka pinahiran ang luha sa aking mga mata.Siguro nga ay kinalimutan na niya ako. Baka ang mga pinagsamahan namin noon ay wala lang talagang halaga sa kanya.Isang buntonghininga ang aking ginawa. Hindi ako maaaring mag-isip ng kung ano-ano, kailangan kong maging malakas para sa anak ko.Kung ayaw mang panagutan ni Vlad ang batang ito, pwes ako na mismo ang lalaban para sa inosenteng bata na nasa sinapupunan ko.***ANG liwanag ay kumalat sa pagsapit ng umaga. Kahit paano ay nakakuha naman ako ng sapat na pahinga. Agad ko na ring tinanggal ang mga contact ni Vlad sa akin at siniguradong mawawalan siya ng paraan upang ako ay hanapin."Lewis, handa ka na ba sa report mo?" tanong sa akin ni sir Ace na ngayon ay nakasilip sa aking pinto sa

  • My Uncle's Dark Secret   Chapter 26 - The Child

    Lewis POVHINDI ko maipaliwanag ang bagay na nararamdaman ko. Naghalo ang kaba at takot at tila hindi na ako makapag-isip nang maayos.'Okay, Lewis. Kalma ka lang. Baka naman na-late lang, b-baka naman delay lang nang ilang araw.'Muling nangilid ang luha sa aking mata. Kinagat ko ang aking kuko dahil sa labis na pag-aalala. Ngunit kung totoo man ang iniisip ko, hindi ba dapat ay maging masaya ako? Magiging daddy na si Vlad.Pilit kong pinakalma ang sarili, saka bumuntonghininga. Mariin kong pinahiran ang luha sa aking mata. Matapos iyon, wala akong sinayang na sandali.Mabilis akong lumabas ng aking silid at nagmadaling bumili sa butika ng pregnancy kit. Itinago ko iyon sa aking damit upang hindi iyon makita nina mommy at daddy.Pagbalik ko sa aking silid, hindi ko alam kung ilang lunok na ang aking ginawa. Ni-lock ko agad ang pinto at binuksan ang pregnancy kit at sinagawa ang bagay na gagawin ko.Makalipas ang ilang sandali, ang lahat ng bagay ay tila unti-unting gumuho. At tuluyan

  • My Uncle's Dark Secret   Chapter 25 - Sign

    Lewis POVTUMUNOG ang alarm clock nang eksaktong alas-dose nang madaling araw. Mabilis akong bumangon at binuksan ang aking laptop. Ginawa ko ito dahil sa twelve-hours na pagitan ng Pilipinas at New york. Sinigurado kong lunch sa kanila upang makausap ko si Vlad at wala na siyang dahilan upang hindi ako replayan.As I open my laptop, bumagsak ang aking labi dahil kahit seen man lang ay hindi niya ginawa. Halos hindi ko na mabilang kung ilang mensahe na ang pinadala ko sa kanya at ilang missed call na rin ang aking ginawa.Nagsimulang sumikip ang aking dibdib. I felt that Vlad is ignoring me at hindi ko alam kung bakit. Hindi ko naman magawang itanong sa aking mga magulang ang balita sa kaniya, dahil baka kung ano ang kanilang isipin.Mariin kong pinahiran ang luha sa aking pisngi, saka mapait na ngumiti."Baka naman busy lang talaga siya," pagpapalakas ko sa loob ko.Muli akong ngumiti nang mapait saka bumuntonghininga, sinimulan kong ilapat ang aking daliri sa keyboard ng laptop, sak

  • My Uncle's Dark Secret   Chapter 24 - Bitter, Sweet, Farewell

    Lewis POVANG mga luha sa aking mata ay nag-uunahan habang tulalang nakatingin kay Vlad."Iiwan mo ako? P-Paano ako? Paano tayo?" basag ang tinig kong tanong kay Vlad.Kailangan kong malaman ang lahat. Kailangan kong malaman kung ano ang plano niya sa akin.Pagkatapos niya akong paibigin, ganito na lang ang mangyayari? Hindi ako papayag.Isang buntonghininga ang ginawa ni Vlad, saka nilagay ang cellphone sa kanyang bulsa. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang pendant na nasa leeg ko."This will be the sign of our love. Don't worry, Lewis. Our love story will not end here. Ang totoo, ito palang ang simula," sunod-sunod na saad sa akin ni Vlad na lalong nagpapagulo sa aking isip."Vlad, bakit ba lagi mong pinapakomplikado ang lahat? Bakit ba hindi mo na lang sabihin sa akin nang diretso?" inis kong wika sa kanya, sabay ang paglagaslas ng aking luha.Hinawakan ni Vlad ang magkabila kong balikat, saka niya ako niyakap nang mahigpit."Believe me, Lewis. Ayoko ring gawin ito pero kailangan.

  • My Uncle's Dark Secret   Chapter 23 - Leaving

    Lewis POVNAKANGITI ang aking mga labi habang nakatingin sa vanity mirror na nasa harapan ko. Nag-aayos na ako ngayon ng sarili dahil ano mang oras, darating na si Vlad upang sunduin ako.Kinuha ko ang lipstic sa loob ng aking drawer, saka maingat na pinahiran ang aking labi. Sandali akong natigilan nang maalala ang pagkagat ni Vlad sa labi ko kagabi, dahilan upang bumilis ang tibok ng aking puso."Ngayong araw na 'to, sabi sa 'kin ni Vlad na ipagtatapat na raw niya ang lahat. Ano kayang ibig niyang sabihin doon?" saad ko habang minamasdan ang sarili sa salamin.Mabilis akong umiling at inalis ang mga bagay na tumatakbo sa isip ko. Lumingon ako sa orasan at nakita kong six-thirty palang ng umaga. Medyo napaaga pala ako ng pag-aayos.Maya-maya lang narinig ko ang ilang pagkatok sa pinto."Anak, gising ka na ba?"Napangiti ako nang marinig ko ang tinig ni mommy."Opo, ma. Gising na po ako. Nag-aayos lang po," tugon ko sa kanya.Matapos iyon, pumasok siya sa loob ng aking kuwarto. Kumuno

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status