Halos tanghali na nang bumaba si Adeline. Sa sala ay naabutan niya ang mga maid na naglilinis at may isang batang lalaking nakaupo sa sofa habang nanunuod ng cartoons. Itim na itim ang medyo kulot nitong buhok. Mula sa pwesto niya ay kita niya ang mahaba at makapal nitong pilikmata, matangos na ilong at mapulang mga labi. Bilugan ang mukha nito at maputi ang kutis.
“Ma’am Adeline, ipinatatawag kayo ni Don Alvaro sa study room.”
Nilingon ni Adeline ang maid, “Sige, susunod ako.”
Hindi lingid sa kaalaman ni Adeline na may anak ang lalaking pinakasalan niya. Ayon kay Don Alvaro ay anak ito ni Drake sa dati nitong kasintahan na umalis at hindi na bumalik matapos ipanganak ang bata.Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Adeline habang nakatitig sa batang lalaki. Naalala niya ang kaniyang anak. Sanggol pa lamang ito nang kunin sa kaniya. Ni hindi niya nagawang makita ang mukha nito dahil nag-aagaw buhay siya nang bawian ito ng buhay. Tanging si Don Alvaro ang nakakita sa mukha ng kaniyang anak at napakasakit niyon sa kaniya. Namatay ito sa mismong kapanaganakan kaya ganoon nalang ang pagdurusang dinanas niya.
Hindi namalayan ni Adeline na tumtulo na ang luha sa kaniyang pisngi dahil sa mapait na alaala. Mabilis niyang pinahid ang luha nang bigla siyang lingunin ng bata.
Agad itong sumimangot, “Ayoko sayo!”
Tinitigan ni Adeline ang bata saka siya unti-unting ngumiti. Halatang hindi maganda ang ugali ng paslit pero hindi nakaramdam ng inis si Adeline. Sa halip ay tuwa ang naramdaman niya sa kaniyang puso.
“Dylan!” Isang seryoso at maawtoridad na boses ang narinig ni Adeline sa kaniyang likuran. Batid niyang si Don Alvaro iyon.
Tumakbo ang batang lalaki paakyat ng hagdan at agad naman itong sinundan ng dalawa nitong yaya. Napahabol ng tingin si Adeline kasabay ng mabilis na pintig ng kaniyang puso.
“Pagpasensyahan mo na ang batang iyon, Adeline. Lumalaki kasing walang ina at may sakit pa ang ama kaya nagkaganoon.”
Nilingon ni Adeline si Don Alvaro, “Kailangan lang ho niya ng tamang kalinga ng magulang.”Marahang tumango ang matanda. Sa tulong ng tungkod nito ay lumakad ito palapit sa sofa at doon naupo. Naupo rin si Adeline sa upuang inalisan ni Dylan.“Sa pasukan ay mag-aaral na ng kindergarten si Dylan. Pwede mo ba siyang samahang mag-enroll?”
Sukat ay napangiti si Adeline. Sabik siya sa anak dahil hindi niya manlang nahawakan ang sanggol na isinilang niya. Ngayong may bata siyang aalagaan ay gagawin niya ng buong puso ang kaniyang tungkulin.“Responsibilidad ko na si Dylan simula ngayon, Don Alvaro. Makakaasa kayong hindi ko siya pababayaan. Ituturing ko siyang tunay na anak at hindi ako susuko sa kaniya.”
Ngumiti ang matanda, “Magaling, Adeline! Kung ganoon ay wala na akong dapat ipangamba. Alam ko namang aalagaan mo ang apo ko at apo sa tuhod.”“Adeline…”
Humarap siya sa matanda, “Don Alvaro?”“Gusto kong alagaan mo ang aking apo. Si Drake. Umaasa ako na gagaling pa siya kaya gusto kong tutukan mo siya at ‘wag pabayaan. Ikaw nalang ang maaasahan ko. Kailangan ko siya para mamahala sa mga negosyo ko kaya hindi ako papayag na mawala siya. Maaasahan ba kita sa bagay na ito?”Tumango si Adeline at muling ngumiti, “Makakaasa ka, Don Alvaro.”Gagawin niya ang responsibilidad niya bilang may bahay ni Drake Velasquez. Hindi siya magiging perpkto pero gagawin niya ang lahat lalo na para sa batang si Dylan.
Nagday-off ang nurse na nag-aalaga kay Drake kaya kinuha ni Adeline ang responsibilidad sa pag-aasikaso sa asawa. Balak niyang nilisin ang katawan nito. Minsan na ring nalapnos ang kaniyang mukha kaya alam niya ang gagawin. Pwede namang ang in-house doctor ang tawagin niya para gawin ang responsibilidad na ito pero gusto ni Adeline na ipakita kay Don Alvaro na tumatanaw siya ng utang na loob at hindi siya sisira sa usapan nila.
Bitbit ang mga kakailanganin ay marahang pumasok si Adeline sa silid nila ng kaniyang asawa. Naupo siya sa gilid ng kama nito at tiningnan ang nakaratay na asawa. May guilt siyang naramdaman habang nakatitig dito pero ipinilig niya ang kaniyang ulo at humugot ng malalim na buntong-hininga. Inaasahan niyang papanig sa kaniya si Vincent Ryu matapos ang nangyari sa kanila. Kailangan niya ang lalaki kaya hindi niya hahayaang makuha ito ni Aries.
“Drake, ako ito si Adeline. Lilinisan ko ang katawan mo,” paalam ni Adeline sa asawa.Palaisipan kay Adeline kung bakit hanggang ngayon ay nakabalot pa rin sa benda ang katawan ng lalaki gayong halos isang taon na nang maaksidente ito. Ang naiisip niya lamang na dahilan ay dahil sa mga bakas ng sunog sa buong katawan nito. Marahil ay matindi ang pinsala sa katawan nito.
Hindi alam ni Adeline kung paano sisimulan ang pagpupunas sa katawan ng asawa kaya naman tumayo siya at pinagmasdan ito. Matapos ang ilang sandali ay sinimulan niyang alisin ang benda nito. Inuna niya ang benda sa katawan nito at habang numinipis ang benda ay mas nahihirapan siya kaya naman lumuhod siya sa kama at mas lumapit pa sa katawan ng lalaki. Dumukwang siya ngunit ganoon na lamang ang gulat niya nang dumulas ang kaniyang katawan at hindi sinasadyang napasubsob siya sa katawan ng asawa.
Nanlaki ang mga mata ni Adeline kasabay ng mabilis na pintig ng kaniyang puso. Sinubukan niyang iangat ang sarili ngunit hindi sinasadyang napahawak siya sa isang bagay. Napalunok siya saka sinundan ang bagay na nahahawakan ng kaniyang palad. Ang…Ang bagay sa pagitan ng mga hita ni Drake.
Napaigtad siya at tiningnan ang nakaratay na asawa ngunit halos takasan siya ng kaluluwa nang salubungin siya ng itim na pares ng mga mata na tila nakakalunod sa lalim. Nagtaasan ang balahibo ni Adeline kasunod ng malakas niyang tili at pagkahulog sa kama
“AH!”
Bakit…nakamulat ang mga mata nito?
“PARA saan ang bouquet, grandpa?” Kunot-noong tanong ni Drake sa kaniyang lolo nang pumasok siya sa mansyon. Mas nangunot ang noo niya nang mapansin ang sandamakmak na tao sa mansyon at naglalagay ng mga dekorasyon. “At para saan ‘to? ‘Wag mong sabihing welcome party ko ‘to? Isang buwan lang akong nawala, grandpa.” Natawa si Don Alvaro. “Hindi mo ito welcome party, Drake. Kaarawan ng nobya ng pinsan mo. Ngayon rin siya magpopropose kaya naghahanda tayo.” Umismid si Drake. “Sa nobya niya pala e bakit ako ang bumili ng bulaklak? ‘Wag mong sabihing pati singsing ay iniasa niya sa iba.” Tinapik ni Don Alvaro ang balikat ni Drake at bago pa ito makasagot ay dumating ang assistant nitong si Barron. Sarkastikong natawa si Drake nang iabot ni Barron kay Don Alvaro ang isang velvet box na tiyak na singsing ang laman. Si Aries, kung hindi tamad ay palpak. Kaawaran ng nobya pero hindi manlang mag- effort. Kung girlfriend niya ang may birthday, tiyak na aburido na siya ngayon dahil sa bagal ku
TUMAYO si Shaniya matapos abutan ng sobreng puno ng perang papel ang babaeng inmate. Pasimple itong ngumisi at sumaludo pa sa kaniya. “Titiyakin kong mahimbing ang tulog nila ngayong gabi at sa susunod pang mga gabi, madam.” Nagtaas ng noo si Shaniya at marahang tumango. Agad siyang umalis at kalmado ang mukha na naglakad paalis ng visitation room. Gagawin niya ang sinabi niya na paghihirapan habang buhay sina Cherry, Sherry, Diana at Zandra. Mali ang ginagawa niyang pagbabayad ng tao para pahirapan ang mga ito pero kulang pa iyon sa mga kasalanang ginawa nila. Tulad ng kung paano siya nagbayad kanina ng tao para pahirapan si Aries at Andres ay ginawa niya rin ito ngayon. Shaniya won't stop torturing them as long as they're alive. Walang nakakaalam ng ginagawa niya at titiyakin niyang mananatili itong sikreto. Nang makauwi ay sumalubong kay Shaniya ang madilim na mansyon. Sa pag-aalala ay kaagad siyang pumasok pero nang makapasok siya ay agad na may tumakip ng kaniyang mga mata
LIFE is always full of surprises in spite of the fact that it's too short. We don't get everything we want, the Heavens give everything that we need. Gabriel's death taught Shaniya a lot of things. That life, no matter how sad and painful it is—should be appreciated. Shaniya has doubted the Heavens for putting her on a very rough path and letting her suffer in the hands of the devil in human flesh. Nakakapangilabot ang lahat ng pinagdaanan niya pero nagpapasalamat siya na sa huli ay mayroon siyang naging karamay na kailanman ay hindi siya pinabayaan. Drake became her light amidst the darkness. He became her home amidst the storm. Kung wala ito, tiyak na mauubusan siya ng lakas. Isang buwan na ang lumipas mula nang mangyari ang huling trahedya. Gabriel's death has bruised so many hearts. Halos lugmok sina Hunter, Theo, Luke, Kai, at Drake ngayon. Araw-araw nakikita ni Shaniya ang tahimik na pagtangis ng kaniyang asawa. He comes home every night, almost crawling because he's drunk. Sh
“HE was a brother, a friend, a son, a hero…” Yumuko si Shaniya kasabay ng paglandas ng luha sa kaniyang mga mata. Nagsasalita si Drake at ramdam niya ang paghihirap nito. Hindi niya kayang makitang ganoon ang kaniyang asawa. It breaks her heart. Drake gasped. “H-He was…my best friend. S-Sabi ko sa kaniya best man ko siya sa kasal ko…at ninong siya ng anak ko…pero…hindi na niya…nahintay…” Shaniya squeezed her eyes. Pagkatapos ng burol na mapagparusa sa mga pusong lumuluha sa pagkawala ng isang kaibigan, anak, at kapatid—heto sila. Handa nang ihatid sa huling hantungan ang nag-iisang mabait na taong kilala ni Shaniya. All of them are hiding a devil inside them, but Gabriel is like an angel. He doesn't have evilness within him. He was pure. Maybe that's why he was named Gabriel. “I-I told him I’ll find him a girlfriend para hindi naman siya naiinggit sa amin ni Luke pero…p-paano ko siya ihahanap ng kapareha kung bumitaw na siya?” “Ang daya…” Drake sniffed and wiped his tears u
LAKAD-TAKBO si Shaniya sa kahabaan ng hallway papunta sa emergency room para makita ang kalagayan ni Gabriel ngunit hindi pa siya nakakalapit ay nakita na niya ang paglabas ng doktor sa emergency room at mula sa kinatatayuan niya ay nakita niya kung paano tinakpan ng nurse ng kumot ang buong katawan ni Gabriel. Suminghap si Shaniya at napailing. No! No! Hindi! Hindi pwede! Nanghina ang mga tuhod ni Shaniya sa nasaksihan. Her hands trembled and her brain couldn't accept the realization. Nang tingnan niya ang doktor ay umiiling ito kina Drake na agad tumakbo papasok sa loob at hinablot ang kumot na nakatakip sa kaibigan. “GABRIEL! BUMANGON KA RIYAN, T-NGINA KA! ‘WAG MO AKONG PAGLARUAN!” Umiwas ng tingin si Shaniya sa kaniyang asawa. Seeing him like that tortures her. Namilibis ang luha sa mga pisngi ni Shaniya nang makita niya kung paano napaupo sa sahig si Hunter habang nakayuko at unti-unting yumuyugyog ang balikat. Pinagsusuntok naman ni Luke ang pader at humagulgol si The
PUMASOK si Shun Parker sa isang private property. Malawak ang bakuran at mataas ang pader na nakapaligid sa mansion na nasa gitna ng malawak na lupa. Hindi na siya nag-abalang isara ang gate at diretso nalang na pumasok hanggang sa makapasok siya sa mansyon. ‘Basement. Siguraduhin mong patay.’ Napailing si Shun nang maalala ang sinabi ni Caesar, ang half brother niya. Dumiretso siya sa basement at binuksan ang kandado gamit ang hawak sa susi at tumambad sa kaniya ang nagkalat na dugo habang sa gitna ay nakagapos ang isang lalaking walang malay at duguan. Nagtagis ang bagang ni Shun at nilapitan ang lalaki. Akma niya itong gigisingin nang tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya ang tawag ni Caesar. “What?!” [Postpone the plan. Picturan mo si Gabriel at isend mo sa akin. Darating riyan ang isa pang taong ililigpit mo.] Nang patayin ang tawag ay agad na ginawa niya ang sinabi nito at isinilid ang cellphone sa bulsa. Dahan-dahan namang nag-angat ng mukha si Gabriel at halos