HALOS panawan ng ulirat si Adeline habang nakatingin sa mulat nang mga mata ng asawa. Sa takot ay dali-dali siyang tumakbo palabas upang tawagin ang family doctor ng mg Velasquez. Humahangos na kumatok si Adeline sa kwarto ng binatang doktor na agad naman siyang pinagbuksan.
“Mrs. Velasquez…” Humugot ng malalim na buntong-hininga si Adeline at itinuro ang pinto ng master bedroom, hindi kalayuan, “S-Si…Si Drake.” “Anong nangyari sa kaniya?” Agad na lumabas ng silid ang doktor matapos hablutin ang stethoscope at ilan pang mga gamit upang gamitin sa pagchecheck ng pasyente. “N-Nagmulat siya ng mata,” utal-utal na sagot ni Adeline sa doktor habang sumusunod dito papunta sa master bedroom. Sukat ay natigilan sa paghakbang ang doktor at dahan-dahan siyang nilingon, “Ano iyon, Mrs. Velasquez?” “Nagmulat siya ng mata, dok. Kitang-kita ko,” siguradong sagot ni Adeline. Hindi siya maaaring magkamali. Nakita niyang mulat ang asawa at nakatingin ito sa kaniya kanina. Wala nang imik na tumuloy sa master bedroom ang doktor. Naabutan nila si Drake na nakaratay sa kama at walang kagalaw-galaw. Sarado na ulit ang mga mata nito. Natutop ni Adeline ang sariling bibig. Imposible! Alam niya ang nakita niya. Umiling siya nang lingunin siya ng doktor matapos nitong icheck ang pasyente. “Paanong nagmulat, Mrs. Velasquez? Imposible ang sinasabi mo.” Lumunok si Adeline. Nakakahiya man pero kailangan niyang sabihin ang nangyari bago ito nagmulat ng mata. Humugot ng malalim na hininga si Adeline, “K-Kasi…bago siya nagmulat ng mata… Ano..” “Anong nangyari, Mrs. Velasquez?” “N-Nahawakan ko siya sa ano…doon,” ininguso niya ang parteng nahawakan at agad namilog ang mga mata ng doktor. Napalunok ang doktor at tumikhim. Halos magmukhang kamatis naman si Adeline dahil sa pamumula ng kaniyang pisngi. Kinagat niya ang pang-ibabang labi habang namamayani ang nakabibinging katahimikan. “Uh…Mrs. Velasquez, maaari mo akong iwan muna? Kailangan ko lang icheck si Mr. Velasquez.” Dahil na rin sa kahihiyan, agad na tumango si Adeline at lumabas ng silid. Nasapo niya ang kumakabog na dibdib nang maisara ang pinto ng master bedroom. Hanggang ngayon ay ramdam niya pa rin ang gulat at kung anong kuryenteng dumapo sa kaniya nang makita ang mga mata ng asawa. Hinaplos ni Adeline ang mainit na pisngi saka umiling, “Gosh!” Sobra siyang nagulat pero may ibang bagay pa siyang naramdaman. Umiling si Adeline saka bumaba at nagpasyang pumunta sa kusina upang uminom ng tubig. Samantala, nakikinig sa likod ng saradong pinto ang family doctor na si Gabriel Aguilar. Nang masigurong umalis na si Adeline ay bumalik ito sa tabi ng kama at tinapik ang balikat ni Drake. Mabilis na umupo sa kama si Drake at tinapunan ng matalim na tingin ang doktor na siya ring kaibigan niya. “T-ngina, Gabriel! Tingin ko may binabalak ang babaeng iyon. May nagpadala sa kaniya dito!” Umiling si Gabriel, “Mayroon nga. Ang lolo mo.” Nagtiim-bagang si Drake at hinablot ang bandage sa kaniyang mukha. Naiirita siya sa isiping halos panawan siya ng ulirat dahil lang sa simpleng hawak mula sa kaniyang asawa. Aksidente pa. Pakiramdam niya ay mababaliw siya dahil sa nangyari. “Hoy, Drake! Baka bumalik si Mrs. Velasquez.” Muling tumalim ang tingin ni Drake, “Mrs. Velasquez, huh?” “Ano bang nangyari? Bakit ka nagmulat ng mata? Mahuhuli ka sa ginagawa mo e.” “Ikaw bang hawakan ng ganoon, hindi ka magmumulat?” Marahas na bumuga ng hangin si Gabriel at umiling, “Asawa mo naman siya. Isa pa hindi naman titigas ‘yan.” Binalot sila ng nakabibinging katahimikan. Unti-unti namang namilog ang mga mata ni Gabriel nang nanahimik si Drake at nahulog sa malalim na pag-iisip. “T-ngina, Drake! Nagreact iyan?” Matapos mabigo sa unang babaeng minahal at maaksidente ay hindi na muling nakaramdam ng pagnanasa si Drake. Naniwala siya sa sinabi ni Gabriel na maaaring may male organ dysfunction siya ngunit nasisiguro ni Drake na hindi panaginip ang nangyari sa kanila ni Adeline noong gabi ng kanilang kasal. Hindi niya sinasadyang lokohin ang babae. Ito naman ang unang lumapit sa kaniya at hindi niya ito pinilit na sumiping sa kaniya. Nang maghubad ito sa kaniyang harapan, naisip niyang hindi basta-bastang babae si Adeline. Mayroon itong lihim at gusto niyang maibunyag iyon. “Hoy, Drake!” Pinalo ni Gabriel ang balikat niya. Marahas na bumuga ng hangin si Drake at tiningnan ang kaibigang doktor, “May…nangyari sa amin.” “Ano?!” Napahawak sa buhok si Gabriel. “Kailan? Saan? Paano? Sigurado ka? Baka nananaginip ka lang?” “T-ngina naman, Aguilar. Mukha bang pagnanasaan ko ang babaeng iyon?” “Maganda siya, Drake.” Dumilim ang mukha ni Drake. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nainis sa isiping nagagandahan ang kaibigan sa kaniyang asawa. “Oh, easy!” Natatawang awat ni Gabriel bago sumeryoso. “Pero, Drake. Alam nating dalawa na hindi na nagrereact iyan. Ilang beses kang nag-experimento sa ibang babae.” “Iyon na nga,” gigil na sagot ni Drake. “Sa ibang babae, hindi. Kay Adeline mabilis magreact.” Natutop ni Gabriel ang sariling bibig habang nakatingin sa kaibigan. Hindi siya makapaniwala. Ibig sabihin ay malaki ang chance na matulungan ni Adeline ang kaibigan niya. Unti-unting ngumisi si Gabriel habang marahang tumatango, “Ganoon pala…” “Anong iniisip mo, g-go?” Natawa si Gabriel, “Siguro mas mabuting magdidikit ka kay Mrs. Velasquez.” “Pinagsasabi mo? Lagyan mo ng bagong benda ang mukha ko bago pa bumalik ang babaeng iyon.” Tumayo si Gabriel at kumuha ng bagong benda. Sinimulan niyang balutan ang mukha ng kaibigan habang hindi pa rin mawala-wala ang ideya sa kaniyang isipan. “T-ngina mo, Aguilar! Tigilan mo ang pag-ngisi. Mukha kang demonyo.” Tumawa si Gabriel, “‘Wag kang mag-alala, mafriend. Ako ang bahala sa ‘yo. Teka, paano nga pala may nangyari sa inyo? Kailan iyon?” Bumuntong-hininga si Drake, “Noong gabi ng kasal. Pinuntahan niya ako sa hotel.” “Ano? Ibig sabihin kilala ka niya?” Umiling si Drake, “Nakilala niya si Vincent Ryu, hindi Drake Velasquez.” Napailing si Gabriel, “Man! Problema iyan. Inakit mo?” Nangunot ang noo ni Drake at matigas na nagsalita, “She threw herself at me in exchange for turning down Aries.” “What the fck?” “What the fck talaga!” Iritadong sagot ni Drake. “Tingin ko pinadala siya dito ng kung sino. Kailangan kong malaman kung sino talaga siya at si Vincent Ryu ang magiging susi ko para malaman ang sikreto niya.” Natahimik ang dalawa. Paulit-ulit na nagtitiim-bagang si Drake habang nakatitig sa kawalan at naglalaro sa isipan niya ang isang plano. ‘What are you hiding, my dear wife?’“PARA saan ang bouquet, grandpa?” Kunot-noong tanong ni Drake sa kaniyang lolo nang pumasok siya sa mansyon. Mas nangunot ang noo niya nang mapansin ang sandamakmak na tao sa mansyon at naglalagay ng mga dekorasyon. “At para saan ‘to? ‘Wag mong sabihing welcome party ko ‘to? Isang buwan lang akong nawala, grandpa.” Natawa si Don Alvaro. “Hindi mo ito welcome party, Drake. Kaarawan ng nobya ng pinsan mo. Ngayon rin siya magpopropose kaya naghahanda tayo.” Umismid si Drake. “Sa nobya niya pala e bakit ako ang bumili ng bulaklak? ‘Wag mong sabihing pati singsing ay iniasa niya sa iba.” Tinapik ni Don Alvaro ang balikat ni Drake at bago pa ito makasagot ay dumating ang assistant nitong si Barron. Sarkastikong natawa si Drake nang iabot ni Barron kay Don Alvaro ang isang velvet box na tiyak na singsing ang laman. Si Aries, kung hindi tamad ay palpak. Kaawaran ng nobya pero hindi manlang mag- effort. Kung girlfriend niya ang may birthday, tiyak na aburido na siya ngayon dahil sa bagal ku
TUMAYO si Shaniya matapos abutan ng sobreng puno ng perang papel ang babaeng inmate. Pasimple itong ngumisi at sumaludo pa sa kaniya. “Titiyakin kong mahimbing ang tulog nila ngayong gabi at sa susunod pang mga gabi, madam.” Nagtaas ng noo si Shaniya at marahang tumango. Agad siyang umalis at kalmado ang mukha na naglakad paalis ng visitation room. Gagawin niya ang sinabi niya na paghihirapan habang buhay sina Cherry, Sherry, Diana at Zandra. Mali ang ginagawa niyang pagbabayad ng tao para pahirapan ang mga ito pero kulang pa iyon sa mga kasalanang ginawa nila. Tulad ng kung paano siya nagbayad kanina ng tao para pahirapan si Aries at Andres ay ginawa niya rin ito ngayon. Shaniya won't stop torturing them as long as they're alive. Walang nakakaalam ng ginagawa niya at titiyakin niyang mananatili itong sikreto. Nang makauwi ay sumalubong kay Shaniya ang madilim na mansyon. Sa pag-aalala ay kaagad siyang pumasok pero nang makapasok siya ay agad na may tumakip ng kaniyang mga mata
LIFE is always full of surprises in spite of the fact that it's too short. We don't get everything we want, the Heavens give everything that we need. Gabriel's death taught Shaniya a lot of things. That life, no matter how sad and painful it is—should be appreciated. Shaniya has doubted the Heavens for putting her on a very rough path and letting her suffer in the hands of the devil in human flesh. Nakakapangilabot ang lahat ng pinagdaanan niya pero nagpapasalamat siya na sa huli ay mayroon siyang naging karamay na kailanman ay hindi siya pinabayaan. Drake became her light amidst the darkness. He became her home amidst the storm. Kung wala ito, tiyak na mauubusan siya ng lakas. Isang buwan na ang lumipas mula nang mangyari ang huling trahedya. Gabriel's death has bruised so many hearts. Halos lugmok sina Hunter, Theo, Luke, Kai, at Drake ngayon. Araw-araw nakikita ni Shaniya ang tahimik na pagtangis ng kaniyang asawa. He comes home every night, almost crawling because he's drunk. Sh
“HE was a brother, a friend, a son, a hero…” Yumuko si Shaniya kasabay ng paglandas ng luha sa kaniyang mga mata. Nagsasalita si Drake at ramdam niya ang paghihirap nito. Hindi niya kayang makitang ganoon ang kaniyang asawa. It breaks her heart. Drake gasped. “H-He was…my best friend. S-Sabi ko sa kaniya best man ko siya sa kasal ko…at ninong siya ng anak ko…pero…hindi na niya…nahintay…” Shaniya squeezed her eyes. Pagkatapos ng burol na mapagparusa sa mga pusong lumuluha sa pagkawala ng isang kaibigan, anak, at kapatid—heto sila. Handa nang ihatid sa huling hantungan ang nag-iisang mabait na taong kilala ni Shaniya. All of them are hiding a devil inside them, but Gabriel is like an angel. He doesn't have evilness within him. He was pure. Maybe that's why he was named Gabriel. “I-I told him I’ll find him a girlfriend para hindi naman siya naiinggit sa amin ni Luke pero…p-paano ko siya ihahanap ng kapareha kung bumitaw na siya?” “Ang daya…” Drake sniffed and wiped his tears u
LAKAD-TAKBO si Shaniya sa kahabaan ng hallway papunta sa emergency room para makita ang kalagayan ni Gabriel ngunit hindi pa siya nakakalapit ay nakita na niya ang paglabas ng doktor sa emergency room at mula sa kinatatayuan niya ay nakita niya kung paano tinakpan ng nurse ng kumot ang buong katawan ni Gabriel. Suminghap si Shaniya at napailing. No! No! Hindi! Hindi pwede! Nanghina ang mga tuhod ni Shaniya sa nasaksihan. Her hands trembled and her brain couldn't accept the realization. Nang tingnan niya ang doktor ay umiiling ito kina Drake na agad tumakbo papasok sa loob at hinablot ang kumot na nakatakip sa kaibigan. “GABRIEL! BUMANGON KA RIYAN, T-NGINA KA! ‘WAG MO AKONG PAGLARUAN!” Umiwas ng tingin si Shaniya sa kaniyang asawa. Seeing him like that tortures her. Namilibis ang luha sa mga pisngi ni Shaniya nang makita niya kung paano napaupo sa sahig si Hunter habang nakayuko at unti-unting yumuyugyog ang balikat. Pinagsusuntok naman ni Luke ang pader at humagulgol si The
PUMASOK si Shun Parker sa isang private property. Malawak ang bakuran at mataas ang pader na nakapaligid sa mansion na nasa gitna ng malawak na lupa. Hindi na siya nag-abalang isara ang gate at diretso nalang na pumasok hanggang sa makapasok siya sa mansyon. ‘Basement. Siguraduhin mong patay.’ Napailing si Shun nang maalala ang sinabi ni Caesar, ang half brother niya. Dumiretso siya sa basement at binuksan ang kandado gamit ang hawak sa susi at tumambad sa kaniya ang nagkalat na dugo habang sa gitna ay nakagapos ang isang lalaking walang malay at duguan. Nagtagis ang bagang ni Shun at nilapitan ang lalaki. Akma niya itong gigisingin nang tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya ang tawag ni Caesar. “What?!” [Postpone the plan. Picturan mo si Gabriel at isend mo sa akin. Darating riyan ang isa pang taong ililigpit mo.] Nang patayin ang tawag ay agad na ginawa niya ang sinabi nito at isinilid ang cellphone sa bulsa. Dahan-dahan namang nag-angat ng mukha si Gabriel at halos