Share

Chapter 77

HALOS LUNURIN NG kaba ang puso ni Veron habang minamaneho ang sariling motorsiklo. Hindi siya makapaniwalang malalagay sa alanganin ang sitwasyon ni Ynzo sa mga oras na ito ngunit base sa narinig mula sa ina ng lalaki ay mukhang kailangan na niyang maniwalang nasa bingit na nga kamatayan ang asawa.

Nais mag-unahang tumulo ng mga luha niya gawa ng takot at kabang nararamdaman ngunit hindi dapat lalo na’t nagmamaneho pa siya ng motorsiklo. Kailangan niyang kumalma dahil baka imbes na makarating siya sa ospital ng matiwasay ay baka mauna pa siya kay Ynzo na magtungo sa kabilang buhay.

“Ano ba kasing nangyayari, Ynzo? Akala ko ba ay ayos ka na? Si Skyler nga nagawang maka-recover kaagad, ikaw pa kaya?” himutok ni Veron habang nagmamaneho.

Halos patayin na siya ng kabang lumulukob sa puso niya. Daig pa niya ang sinasakal dahil sa nadaramang takot. Takot na mawala ang taong pinakamamahal niya.

Basta na lang iniwan ni Veron ang motorsiklo nang makarating siya sa tapat ng ospital. Mabuti
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status