Elyssa POINT OF VIEW Pinagmamasdan ko ang aking mag-ama habang naglalaro. Family time namin ngayon, isang buong araw ang dapat gugulin namin para makasama ang isa't isa. Nagta-trabaho si Aly samantalang nag-aaral naman ako kaya tuwing linggo, kailangan walang anumang sagabal. Kami lang muna dapat. Gusto ng asawa kong makapagtapos ako para maging katuwang niya sa negosyong iniwanan ni Lauro, este ng biyenan kong lalaki sa amin. Napailing ako dahil hindi pa rin ako nasasanay na tawagin siya bilang biyenan ko. Nasasagwaan akong tawagin siyang Papa gaya ng gusto nila Ali na itawag ko sa kanya. Siguro nga, hindi na rin mabubura sa sistema ko iyon. Kumaway ako nang kumaway ang mag-ama ko sa akin. Tinuturuan kasi ni Ali si EJ magbisikleta. Nang marinig ko ang pagtunog ng selpon ko. Nang tignan ko iyon, tumatawag si Ashley sa messenger. Agad kong pinindot ang video call. "Ate!" masayang bati agad ni Ashley. Napangiti ako dahil lumalaking napakaganda ni Ashley. Mukha na itong dal
Alyjah Point of View Pagod na pagod ako na naupo sa sofa. Sinandal ko ang aking likod at pumikit saglit. Wala ang mag-ina ko dahil may appointment sa doktor si Elyjah Gabriel.Gusto kong magtampo, paanong sa mismong kaarawan ko pa at hapon ang appointment ng anak namin? Hindi pa ako binati ng asawa ko at nakalimutan yata na kaarawan ko.Ang tahimik ng buong bahay at wala talagang nakaalala. Nakakatampo, di bale, hindi ko patutulugin asawa ko para sa birthday gift na gusto ko.Nagmulat ako at napasulyap sa aking relo. Alas siyete na, madilim na rin sa labas pero wala pa sila. Saang lupalop sila nagsusuot.Tatayo na sana ako nang biglang nag-brown out. Brown out nga ba? Dahil hindi pa ako nakaka-adjust sa dilim ay may pumaibabaw ng malamyos na saliw ng musika.Bigla ang paglitaw ng nakatalikod na nakaitim na bulto ng tao at nagsimulang gumiling. Alam kong gumigiling kahit hindi ko masyadong maaninag dahil sa dilim dahil sa padyak ng takong na suot niya.Natawa na lamang ako at umayos
Sunod-sunod ang pagtunog ng doorbell kaya mabilis na tinungo ni Meriam ang gate ng bahay dahil wala si Nanay Minda. Nagulat siya nang mapagbuksan ang isang magandang dalaga na sa tantiya niya ay kalahati lamang ng kanyang edad. "Mrs. De Silva? Puwede ba kitang makausap?" Malakas ang presensiya ng dalaga, mukhang palaban at kung ano man ang sadya nito sa kanya ay kinakabahan na siya. May kung anong kutob ang naramdaman niya. "Alam ko ang kalagayan ninyo ni Lauro, at kung maaari ay pakawalan mo na siya!" Nagulat si Meriam sa tinuran ng babaeng nagpakilalang Anassa. Ayon dito, siya raw ay kasintahan ni Lauro. Babaeng mahal nito. Umiling si Meriam at bahagyang natawa. Ayaw paniwalaan ng isip niya ang sinasabi ng babae. Kahit napakakomplikado ang buhay mag-asawa nila ni Lauro, alam niyang hindi nito magagawa ang magloko. "Miss, bata ka pa. Malawak ang mundong naghihintay sa iyo. Kung ano man ang nararamdaman mo kay Lauro,kalimutan mo na. Pamilyadong tao ang minamahal mo," malumana
LAURO POINT OF VIEW Tinititigan ko si Ashley kasama si Meriam habang naglalaro sa parke. Hindi ko akalain na darating pa sa buhay ko ang ganitong kaligayahan. Akala ko, hindi na ako makakaranas na muling mahalin. Akala ko si Elyssa lang ang huling magmamahal sa akin. Babalik rin pala ako sa babaeng una kong minahal ng labis. Oo, minahal ko ang ina ni Ali. Minahal ko ngunit nasaktan lamang ako. "Nakikiusap ako, Lauro. Ikaw na lang ang umatras. Ayokong makasal sa hindi ko mahal," nagsusumamo niyang saad. Pinuntahan niya ako sa aking opisina para lamang makiusap na huwag pumayag sa kagustuhan ng kanyang ama. Kinuyom ko ang aking kamao. Noon pa lang ay gusto ko na siya. Kaya bakit ko palalagpasin ang binigay na tyansa ng kanyang ama na maging akin siya. Gagawin ko na lamang ang lahat para mahalin niya ako. "Patawad, Meriam. Alam mo kung anong nararamdaman ko sa iyo. At kahit na ayawan ko ang ama mo, sigurado akong ipapakasal ka rin naman sa iba. Kaya ako na lamang." Nanlilisik ang
ALYJAH POINT OF VIEW Agad na dinaluhan si Ely pagdating namin sa klinika. Nagtaka pa ako dahil inuna siya bago ang ibang naroon at nakapila. "Anong nangyari?" tanong ng nurse na sumalubong sa amin. "Nahematay po," sagot ni April nang hindi ako makapagsalita. "Okay, pakitawagan si doktor Jimenez. Pakisabi, nandito ang girlfriend niya." Tila bumagal ang paligid ko sa narinig. Girlfriend? Nino? Tama ba ako ng rinig? "Sir, dito na lamang po kayo. Kami na ang bahala kay Miss Elyssa." Pigil sa akin ng nurse. Magsasalita sana ako at ipakilala ang sarili ko bilang a-sa-wa ni Ely ngunit agad niya akong tinalikuran. Naiwan na lamang akong napatulala roon at nakatitig sa pinto kung saan dinala si Ely. May napansin pa akong nagmamadaling pumasok na babaeng naka-gown ng pang doktor. Nanghihina akong napaupo sa mga bangko sa labas at nanatiling naghihintay ng resulta. Napapaisip pa rin kung sino ang doktor Jimenez at bakit girlfriend niya si Ely? Wala naman sa report na binigay ni Heron
ALYJAH POINT OF VIEW Magkaharap kaming nakaupo ni Ely sa isang mesa. Dahil sa nangyari kanina ay minabuting isara nang maaga ang karinderya. Malamlam ang mga mata kong nakatitig lamang kay Ely. Ayaw kong kumurap dahil baka bigla siyang mawala sa paningin ko. Gusto kong mangiti ngunit umuurong iyon sa tuwing mataman siyang tititig sa akin. Pilit kong binabasa ang nasa isip niya ngunit blanko ang kanyang mukha na bumaling sa akin pagkatapos ko siyang maringgan nang malalalim na buntong hininga. "Bakit ka narito?" tanong niya. Hindi ko kinahihimigan ng galit ang kanyang boses ngunit halata kong hindi siya masaya na narito ako. Sino ba naman kasi ang magiging masaya na bigla na lang magpapakita ang taong nanakit sa kanya? "Ely," ika kong nais hawakan ang kamay niyang nakapatong sa mesa. Agad niyang inalis doon para iiwas sa paggagap ko. Muli ko siyang pinakatitigan. Bawat anggulo ng mukha niya ay sinaulo kong muli. Hindi ko siya nakalimutan ngunit pakiramdam ko, iba ang bab