Kabanata 2
Mabilis nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Pia. Kanina para itong anghel ngayon naman ay isang mabangis na hayop na handa siyang sugurin. Umirap ito na may pang-iinsulto at pumasok sa silid niya ang dalawang braso nito pinagdikit at matalim siyang tinitigan. Ang kanyang mga mata ay nagningning sa galit at poot. Parang gusto niyang iparating na hindi na niya kailangang magpanggap pa, na ang pagiging mabait niya ay isang pagpapanggap lamang.
"Ohh, Will sabi mo nga wala na rito si Albert. Kaya ilalabas ko na ang ugali napakahirap kayang magpanggap na mabuti lalo na kapag ikaw ang kaharap, ginagawa ko lang naman ang maging kaawa-awa sa harapan mo mapara magalit ng tuloyan sayo si Albert at hindi nga ko nagkamali,” sabi nito.
“Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? Mataray pa nitong tanong.
“Nagagawa mo pang matulog sa ganito kaganda kwarto?” Ani nito habang ang mga mata inilibot sa kanyang silid.
“Martina, kung ako ikaw, matagal ko nang hiniwalayan si Albert. Wala kang puwang sa puso niya. Dahil alam naman natin kung sino talaga ang mahal niya,” dagdag ni Pia, ang kanyang mga mata ay nagniningning sa panunuya.
“Sarili mo lang ang pinagsisikan kitang-kita naman na ayaw sayo ng asawa mo? Tingnan mo nga kahit tumingin sa mga mata mo hindi niya magawa,” wika pa nito sa kaniya.
Halos magdikit na ang ngipin ni Martina mapigilan lang ang sarili hindi mapatulan ang babae. Kapag nasaktan niya ito lalo lamang lalayo ang kaniyang asawa baka tuluyan na siyang kamuhian ni Albert.
“Bakit ba kasi, hindi ka na lang umalis o mawala sa buhay namin! Isa kang sagabal, alam mo ba ‘yun?” saad pa nito.
Hindi na lamang niya pinansin ang babae; bagkus, tumalikod siya, ngunit napangiwi siya nang maramdaman ni Martina ang mahigpit na kapit ni Pia sa kaniyang braso upang mapatingin siya rito.
"Ano ba, Pia, bitawan mo nga ako!" sambit ni Martina, ang kanyang boses ay nanginginig sa galit. "Hindi ko kailangan magpaliwanag sayo.”
Ngunit hindi siya pinansin ni Pia. Ang kanyang mga mata ay naglalaman ng poot at galit.
“Kung ako sayo, hiwalaya muna si Albert sahil kami naman talaga ang dapat na mag asawa ngayon kung hindi ka lang epal sa buhay namin! Ang mabuti gawin mo makipag diborsyo kana,” saad pa nito.
Mapait na ngumiti si Martina kay Pia.
Kahit ano gawin mo, maging kabit ka man ng asawa ko! Tanging ako pa rin ang nag-iisang Mrs Montenegro kahit ikaw ang mahal ng asawa ko o piliin niya hindi-hindi ko ibibigay nag kalayaan ng asawa ko para pare-pareho na lamang tayo magdusa tatlo!” Matapang niyang saad kay Pia dahil alam naman niya sa kanyang sarili ito ang gusto gawin ni Pia ang maging Mrs Montenegro ngunit hindi niya ibibigay ‘yun.
Sa mga sinabi ni Martina lalong naman nagngitngit sa galit si Pia.
“Oo nga, ikaw si Mrs. Montenegro, pero alam ng lahat ng mga taong nakapaligid sa buhay ni Albert na ako ang minamahal at nasa puso niya. Kaya nga lahat galit sa'yo, diba? Pero mas tamang yatang sabihin na kasuklamsuklam ka.” Sabay lumingon si Pia sa paligid ng silid. "Huwag kang masyadong mayabang. Paano kung bigla akong masaktan sa loob ng kwartong ito na tayong dalawa lang ang magkasama? Ano sa tingin mo ang gagawin ni Kuya Albert?" nakangising wika nito.
Para itong isang demonyo sa klase ng pagkangisi nito. Ang kanyang mga mata ay nagningning ng isang madilim na liwanag, at ang kanyang mga ngipin ay nakikita sa kanyang malapad na ngiti. Parang gusto niyang iparating na kaya niyang gawin ang anumang gusto niya, na wala siyang pakialam sa mga kahihinatnan ng kanyang mga kilos.
Napakunot ang noo ni Martina sa mga sinasabi ni Pia, at nararamdaman niyang may hindi ito gagawing tama. Ang kanyang puso ay nagsimulang mag-panic. Parang may masamang kutob siya, parang may mangyayaring masama.
"Pia, ano bang pinagsasabi mo?" tanong ni Martina, ang kanyang boses ay nanginginig sa takot. "Hindi ko maintindihan."
"Hindi mo ba maintindihan?" tanong ni Pia, ang kanyang ngiti ay mas lumawak. "Gusto mo bang malaman kung ano ang gagawin ni Kuya Albert, kapag nakita niyang sinaktan mo ako?”
Mabilis naman nabawi niya ang vraso at pumunta sa pintuan para buksan ito.
“Pwede ba, lumabas kana,” saad niya habang malawak na binuksan ang pinto.
Ngunit hindi nakinig ang babae bagkus dahan-dahan itong lumapit sa tukador niya at kinuha doon ang gunting.
Napaatras si Martina nang lumapit si Pia sa kanya. Ang kanyang mga mata ay naglalaman ng takot. Hindi niya alam kung ano ang gagawin.
"Pia," sambit ni Martina, ang kanyang boses ay nanginginig. Kinakabahan siya.
“Oh, bakit Martina tila yata nawala ang tapang mo?” Sambit nito habang nilalaro ang dulo ng gunting na hawak nito. Ang boses ni Pia ay parang isang ahas na lumalabas sa kanyang bibig, malamig at mapanganib. Ang kanyang mga mata ay naglalaman ng masamang intensyon.
“Diba ayaw mo makipaghiwalay may Albert, pwes hindi ako papayag. Gagawin ko ang lahat mawala ka lang sa landas namin.”
“Anong ibig mong sabihin?" Biglang kinutuban si Martina sa paraan ng pananalita nito.
Sa sumunod na segundo, biglang na lang sinaksak ang sarili nitong tiyan!
Nanlaki ang mata ni Martina at biglang kinabahan at natakot. "Pia! Anong ginagawa mo!" kinakabahan wika niyang tanong rito.
Lumabas ang dugo sa labi ni Pia, at ang tingin niya ay bumaling sa likuran ni Martina.
"Ate Zia, tulungan mo ako..." Paghingi nito ng saklolo sa babae bagong dating.
Sa Ospital
Mabilis na nakarating ni Albert sa Hospital, sakto kakalabas pa lang ng doktor mula sa emergency room. Kung saan dinala si Pia.
“Sino, relative ng patient?” tanong agad ng doctor.
“Kami po doc,” usal ni Albert.
“Kamusta po si Pia, Doc?” Nag-alala tanong ni Albert.
“Tatapatin ko na po kayo, kailangan maoperahan ng pasyente. Dahil malalim ang pagkakasaksak ng gunting sa tiyan, kaya naapektuhan ang kidney ng pasyente at kailangang sumailalim sa transplant!"
Panimula ng doktor na sumuri kay Pia.
“What!” Napataas ang boses ni Albert sa sinabi ng doktor. Ang kanyang mga mata ay nanlaki sa pagkagulat at ang kanyang mga kamay ay nanginginig. Parang hindi siya makapaniwala sa narinig niya.
“Ganoon ba kalala ang nagawang pagsaksak sa kanya kaya kailangan pa ng transplant?” Hindi makapaniwala, tanong ni Albert.
“Yes, Mr. Montenegro,”
"Kailangan po nating maoperahan siya kaagad," dagdag ng doktor. "Pero kailangan muna ang pahintulot ng mga kamag-anak.”
“At ang kidney kailangan may makuha tayo na donnor,” dagdag na sabi pa ng manggagamot.
“Kasalanan mo ito, Martina! Kung hindi mo sinaksak si Pia, hindi siya malalagay sa kapahamakan!” Estirikal na wika pa ni Zia at mabilis na lumapit kay Martina; agad nitong sinampal ng malakas. Ang galit sa mga mata ni Zia ay parang apoy na nagliliyab. Parang gusto niyang sunugin ang mundo, at si Martina ang kanyang unang target.
Napaupo na lamang si Martina sa sahig; hindi man lang siya nagawang saluhin ni Albert kahit malapit lamang ito sa kaniya. Parang wala siyang pakialam sa nangyayari sa asawa.
“Zia!” wika ni Albert. Ang kanyang boses ay nanginginig sa galit, pero hindi niya kayang lumapit kay Martina.
Ang akala ni Martina ay tatayo na lang sa harapan niya ang asawa, ngunit mabilis siyang nahila pabalik ni Albert. Ang kanyang mga kamay ay parang bakal na nakakapit sa kanyang braso, parang hindi niya gusto na makita si Martina.
“Aray, Albert, nasasaktan ako!” nanginginig ang boses niyang wika rito. Ang kanyang mga mata ay puno ng takot at sakit.
Hindi sumagot si Albert. Tiningnan lang niya si Martina, ang kanyang mga mata ay malamig at walang pakialam.
“Please, Albert makinig ka muna sa mga paliwanag ko. Hindi ako ang may gawa niyan. Kay Pia!” Takot na sabi ni Martina sa kanyang asawa naghalo na ang sipon pati ang luha niya.
“Ibig mo bang sabihin, sinaksak ni Pia ang kanyang sarili? Upang ilagay sa bingit ng kamatayan yan ba ang gusto mo ipahiwatig ah Martina!?” Malakas na pananalita ni Albert habang hawak-hawak siya nito sa braso halos lahat ng kuko nito kabaon na sa kanyang balat.
"Martina! Nakita ko mismo!" sigaw ng hipag niya si Zia habang umiiyak. "Nakita kong nagpunta si Pia sa kwarto mo para humingi ng tawad, pero bigla mo siyang sinaksak! Kung hindi ako dumating sa tamang oras, baka patay na siya ngayon!" Umiiyak na wika nito.
“Paumanhin sa inyo, kailangan muna natin gamutin ang pasyente.”
Nag-aalala ang doktor. "Kritikal na ang lagay ng pasyente!"
"Ikaw! Ibigay mo ang kidney mo kay Pia!" Biglang tila may naalala si Zia at itinuro si Martina.
"Universal ang blood type niya. Siguradong magtatagumpay ang transplant!” usal pa nito.
Nabaling ang tingin ni Albert kay Martina, habang hawak-hawak pa rin siya nito sa braso.
Ang kanyang mga mata ay parang mga malamig na bato, na walang bahid ng damdamin. Parang isang hayop na naghihintay ng pagkakataon na salakayin ang kanyang biktima.
Pilit na inaalis ni Martina ang kamay ng kanyang asawa, dahil nababasa na niya sa mga mata nito ang nais gawin sa kaniya. Ang kanyang puso ay nagsimulang mag-panic. Parang may masamang kutob siya, parang may mangyayaring masama.
“Dok, i-match ang kidney niya," utos ni Albert. Ang kanyang boses ay malamig at walang pakialam. Parang wala siyang pakialam sa nararamdaman ni Martina. Parang isang hari na nag-uutos sa kanyang mga alipin.
"Albert, ano bang pinagsasabi mo?" tanong ni Martina.
“Ikaw ang may kasalanan, kung bakit nasa bingit na kamatayan si Pia ngayon. Kaya dapat ikaw rin ang kabayaran para maligtas si Pia.” Malamig na turan nito.
Ang mga salita ni Albert ay parang mga matatalim na kutsilyo na tumusok sa puso ni Martina. Ang kanyang mundo ay tila gumuho. Ang kanyang mga paa ay parang nanghihina, at ang kanyang puso ay tila tumigil sa pagtibok. Ang sakit na nararamdaman niya ay hindi na niya kayang tiisin pa.
"Hindi! Wala akong kinalaman dito! Hindi ko siya sinaktan..." Nagpumiglas si Martina nagmakawala kay Albert mabilis siyang tumakbo ngunit hindi pa nga nakakalayo ay hinarangan na siya ng mga bodyguard ng kanyang asawa. Ang kanyang puso ay nagsimulang mag-panic. Parang gusto niyang sumigaw, "Tulungan niyo ako! Tulungan niyo ako!"
Hinawakan siya sa dalawang braso at dinala kay Albert. Ang kanyang mga mata ay naglalaman ng takot, at ang kanyang mga kamay ay nanginginig.
“No, please maawa ka naman sa akin. Hindi ko siya sinaksak,” usal niya ngunit tila bingi ang asawa niya.
“Wala ba talaga akong halaga sayo? Kahit ipahamak ko para lang iligtas ang babae mo nanaisin mo mawala ako ng tuluyan sayo?” mariing niyang tanong. Ang kanyang mga mata ay naglalaman ng sakit at kawalan ng pag-asa.
“Talagang tinatanong mo ako sa mga bagay na yan?”
“Oo, dahil hindi ka naman mahalaga sa akin. Kung ako ang pipiliin sa inyo dalawa ni Pia si Pia ang pipiliin ko ng paulit-ulit,” matigas na wika sa kanya ni Albert habang ang mga mata nitong nakatitig sa kanya ay walang buhay. Parang isang bato lang siya na walang emosyon.
“Sa loob ng tatlong taon na kasama kita pandidiri ang namumutawi sa akin. Hindi nga kita matitigan sa mga mata mo dahil namumuhi ako, masahol kapa sa bayarang babae!” sambit pa ni Albert. Ang kanyang mga salita ay parang mga matatalim na kutsilyo na tumusok sa puso ni Martina. Parang unti-unting nawawala ang kanyang lakas, at ang kanyang mga mata ay nagsimula nang mag-alab sa galit. Hindi niya alam kung paano niya mapipigilan ang luha na nag-uumpisa nang tumulo sa kanyang mga mata.
Tuluyan nang bumagsak ang luha ni Martina, at tila nagising siya sa katutuhanan na kahit anong gawin niya hindi-hindi siya mamahalin ng asawa.
Ang mga mata nitong masaya noong kapag kausap siya, kinamumuhan na siya ngayon. Parang isang larawan ng sakit at poot ang nakikita ni Martina sa mga mata ng kanyang asawa.
“K-kahit … ba sa loob ng tatlong taon, bilang mag-asawa natin hindi mo ba ako natutunan mahalin?” lumuluhang tanong niya pinakatitigan nita ang mukha ng asawa. Ang kanyang boses ay nanginginig sa takot at sakit.
"Hindi," sagot ni Albert. "Hindi kita natutunan mahalin. Hindi kita kayang mahalin. Hindi kita mamahalan." Ang kanyang mga salita ay parang isang malaking bato na bumagsak sa dibdib ni Martina.
Tiniis ko ang lahat noon dahil mahal kita Albert. Pero ngayon, napagtanto kong isa akong bulag na babae para mahalin ka! Kung iniisip mong makukuha mo ang kidney ko, hindi ka magwawagi dahil kahit ano gawin ko hindi-hindi ko ibibigay sayo o kay Pia.”
Hindi siya makapaniwalang ang babaeng gustong pumalit sa kanya ay handang ilagay siya sa ganitong sitwasyon.
Alam niyang may plano si Pia, sisiguraduhin niyang hindi ito magtatagumpay. Pagod na siya sa mga pang aapi at pangbubully nito pati na i Zia. Napatunayan niya sa kanyang sarili na kahit ano gawin niya hindi-hindi siya mamahalin pa ni Albert kaya mabuti pang tapusin na niya hanggan may natitira pang dignidad sa kanyang.
Itinulak niya ang doktor at mabilis na pumasok sa operating room.
Doon, nakahiga si Pia sa operating table, mahinhin na nakikipag-usap sa nurse.
"Tila gustong-gusto mo talagang mawala ako sa mundo," malamig na sabi ni Martina. Ang kanyang mga mata ay puno ng poot at sakit. Parang isang leon na handa nang umatake.
Nag Makapasok siya sa loob
Ate Martina.." ang sinabi ni Pia, ngunit hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin.
PAK!
Isang malakas na sampal ang lumapat sa pisngi ni Pia. Ang kanyang mukha ay nag-init, at ang kanyang mga mata ay nag-alab sa galit. Hindi niya inaasahan na sasampalin siya ni Martina.
"Hindi mo ba ako naiintindihan?!" sigaw ni Martina. "Hindi muna ako pwedeng linlangin, pa at pwede ba huwag na huwag mo ako tawagin na ate? Nakakapag Taas balahibo dahil sa kaplastikan mo?
“Kung inaalala mo magtatagumpay ka sa plano ninyo ni Zia, makuha ang kidney o ano man parte ng katawan ko nagkakamali kayo?” Galit niyang wika rito.
At isa pa ulit sampal ang ibinigay ni Martina kay Pia.
Mabilis naman nakalapit si Albert para pigilan ang asawa niya. Para ibang tao ito ngayon.
“At ikaw, Pia," dagdag ni Martina. "Tigilan mo na ang ang kaartehan mo hindi ka artista walang camera o ano pa man! Kung si Albert at iba pa ay kaya mo paglaruan sa mga
palad mo ibahin mo ako!” Usal pa niya
Napatayo naman si Pia, hawak-hawak ang kanyang pisngi, ang kanyang mga mata ay puno ng galit.
"Martina, hindi mo ba alam kung ano ang iyong ginagawa?" Usal ni Albert.
"Alam kong ginagawa ko ang tama," sagot ni Martina. "Alam kong ginagawa ko ang nararapat."
"At ikaw, Albert," dagdag ni Martina, ang kanyang boses ay nanginginig sa galit. "Al
am ko na mahal mo si Pia. Bakit mo pa ako pinakasalan? Bakit mo pa ako kailangan kung wala ka namang pakialam sa akin kung puro pasakit na lamang ang ibinigay mo?”
---Kabanata 97 – RegaloMabilis na dumilim ang mukha ni Martin Acosta matapos marinig ang sinabi ng mayordoma.“Regalo nila? May lakas loob pa talaga sila magpadala ng regalo sa aking kapatid pagkatapos nila ginawang parang basura ang kapatid ko sa poder nila!” Galit na wika ni Martin kulang na lang masunog. Ang Kahon na pinaglalagyan ng regalo. Itapo 'yan? Sa basurahan?” mariing sabi ni Martin.Halos sumabog ang galit sa tono niya. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya matanggap kung paanong nagawa ni Albert Montenegro na saktan si Martina—ang kapatid niyang pinakaiingatan. At ngayong tapos na ang lahat, ngayong iniwan na ito, ngayon pa siya nagpaparamdam? At may dalang regalo pa?Nakakainsulto.“Pero, Ginoo,” maingat na tugon ni Mang Felipe, “ang sabi po nila'y—regalo raw iyon na may kasamang paumanhin. Tungkol daw po sa insidenteng nangyari sa bar noong nakaraan. Inaamin nilang naging bastos sila, at nagpadala ng regalo para humingi ng tawad.”“Ah, gano’n?” Mariing tumikhim si M
Kabanata 96 – InteresadoHindi katulad ng ibang gustong mapalapit sa pamilyang Acosta, may kakaibang aura si Andy. Kung anong nasa puso niya, iyon din ang makikita mo sa kanyang mga mata. Wala siyang pagkukunwari. Wala siyang balak makipagkaibigan kay Martina dahil sa status nito o kayamanan. Hindi siya gumagawa ng plano. Hindi siya mapagpakitang-tao.Dahil dito, Martin Acosta, na madalas ay hindi basta-basta nagpapakita ng interes sa mga tao, ay bahagyang napangiti sa tuwing napagmamasdan ang natural na kilos ni Andy. Sa totoo lang, may kaunting… interes siyang nararamdaman. Hindi malalim. Hindi pa matatawag na espesyal. Pero sapat para tumatak sa kanya.Matapos ang ilang palitan ng magagalang na salita, muling tumingin si Martin kay Martina.“Nakapag-ayos ka na ba?” tanong niya, may bahid ng responsibilidad sa boses. “Marami na tayong bisita sa labas. Kailangang lumabas ka na para bumati. Kahit konting hello lang.”Napasinghap si Martina. “Ayoko…”Kanina lang ay punung-puno siya ng
Kabanata 95 – GulatHuminga nang malalim si Martin Acosta habang nasa tapat ng pintuan. Halos ilang segundo siyang hindi makagalaw, pinipilit ang sarili na pakalmahin ang puso niyang may kung anong kaba—o marahil, pagtataka. Isinandal niya ang palad sa malamig na kahoy ng pinto, saka dahan-dahang itinulak iyon. Isa lang ang gusto niyang malaman: Anong klaseng tao ang kayang magpalambing kay Martina nang gano’n lang kadali?Sa sandaling pagbukas ng pinto, bumungad sa kanya ang isang babaeng may matapang na postura, maliwanag ang mga mata, at may aura ng kumpiyansa. Hindi siya ang tipikal na maganda—hindi rin siya kasing kinis o kasing elegante ni Martina—pero may taglay siyang kakaibang karisma. Ibang klase ang dating niya—hindi inosente, hindi palaban, kundi natural at palagay.Ito na siguro si Andy—ang babaeng ilang beses nang nabanggit ni Martina. Ang babaeng tila naging takbuhan nito sa mga panahong wala siya.“Kuya!” sigaw ni Martina nang mapansin siya. Masaya ang tinig, at halata
Kabanata 94: Ang Tusong Kapatid“Ang galing mo talagang magsalita,” ani Martina, saka siya umayos ng upo at bahagyang nag-inat sa kanyang kinauupuan. May kakaibang kislap sa mga mata ni Lorenzo habang pinagmamasdan siya. Malalim siyang huminga. Sa totoo lang, ni hindi niya na maintindihan ang sarili niya sa araw na ‘yon—parang hindi siya ang usual na si Lorenzo na kilala ng lahat.Kilala siyang babaero, taong may masyadong maraming babae sa paligid, at may mga kasong sinasabing ‘sinungkit’ ang puso ng ilan. Pero kung tatanungin siya, isang babae lang talaga ang minahal niya mula umpisa hanggang ngayon—ang babaeng nasa harapan niya ngayon.Matapos siyang iwan ni Martina, nagkunwari na lang siyang palaging masaya, palaging may kasama, palaging abala sa iba’t ibang babae. Pero lahat iyon ay pagpapanggap lang—isang pagtatago ng sugat. Nang pakasalan ni Martina si Albert, nawalan siya ng gana sa pagmamahal at sa ideya ng kasal. Kaya’t naisip niya, "Kahit sino na lang… basta hindi siya."Pe
KABANATA 93 – ANG ARAW NG PAGHAHARAP"Sigurado ka ba sa plano mo, Martin?" tanong ni Lorenzo habang nakasandal sa haligi ng veranda sa ikalawang palapag ng mansion.Hindi agad sumagot si Martin. Pinagmasdan niya muna ang tanawin sa ibaba—ang hardin na puno ng mga bisitang pormal ang kasuotan, may mga waiter na may dalang champagne, at mga babaeng nakabihis ng marangyang kasuotan. Sa unang tingin, parang simpleng birthday party lang ang nagaganap. Pero sa likod ng mga ngiti at pagbati, alam niyang may mas malalim na tensyon na paparating."Hindi ako sigurado," sagot ni Martin sa wakas. "Pero kailangan nating tapusin ang panlilinlang. Hindi na puwedeng magpatuloy pa si Pia sa mga ginagawa niya."Tahimik na tumango si Lorenzo. "Tama ka diyan. Kung may dapat man managot, siya 'yon." Para matapos na ang kahibangan niya."At ngayong naririto na siya, mas mabuti nang may hawak na tayo ebidensyang laban sa kaniya," dagdag ni Martin habang tinapik ang bulsa ng kanyang coat kung saan nakatago
KABANATA 92 – PLANOKumikinang sa kasakiman ang mga mata ni Pia habang pinakikinggan ang ulat ng kanyang pribadong imbestigador. Mula sa kabilang linya ng telepono, malamig ang boses ng lalaki pero bawat impormasyong sinasabi nito ay tila isang regalo na ipinadala ng kapalaran—isang mabisang sandata laban kay Martina Acosta.“Sigurado ka bang halos araw-araw siyang nasa mansyon?” tanong ni Pia habang pinipilit na panatilihin ang katahimikan ng kanyang tono, kahit na kumakabog ang dibdib niya sa galit at panibugho.“Opo, Ma’am. Si Lorenzo Trinidad ay halos hindi na lumalabas sa Lopez-Acosta Mansion. Sa pagkakaalam ko, wala siyang pormal na posisyon sa kumpanya, pero palaging nasa paligid ni Martina. Minsan pa nga po, siya mismo ang naghahatid-sundo rito.”Napapitlag si Pia, at tuluyang napasigaw sa sarili."Putcha naman!" bulong niya habang mariing pinisil ang bridge ng ilong niya. “Una na si Albert, tapos ngayon... si Lorenzo?”Sa isip-isip niya, parang pinaglalaruan siya ng tadhana.