Kabanata 3
“Kuya ang sakit!” wika ni Pia at mabilis itong nagpanggap na may sakit hawak ang tagiliran.
Mabilis naman dinaluhan ni Albert ang babae inalalayan ito maihiga sa kama. Ang kanyang mga mata ay puno ng pag-aalala.
"Pia, ano bang nangyari sa'yo?" tanong ni Albert, ang kanyang boses ay puno ng pag-aalala.
“Martina!" sigaw ni Albert ng walang pakundangan na diniinan niya ang tagiliran ng Babae.
"Bakit?” Wala naman ako ginawa kundi ipapakita ko lang naman sayo kung paano ka paglaruan ng babaeng ito. Natatakot ka bang na niloloko ka?" tugon ni Martina sa asawa niya nang may pang nunuya.
“Ate parang awa muna, hindi kita sinisisi. Kung
ayaw mong ilipat sa akin, tatanggapin ko nang walang rek–." Hindi na natuloy pa ni Pia ang kanyang sasabihin ng mabilis na tinangal niya ng kumot na tumatabong sa katawan nito.
napangisi si Martina.
"Kung gusto mo, kailangan mo munang masaktan nang sapat."
May nakakatakot na aura si Martina habang papalapit kay Pia. Inalis niya ang sterile cloth na nakatakip sa tiyan nito, at lumantad ang sugat sa harap ng lahat.
Biglang dumilim ang mukha ni Albert. Isang tatlong sentimetrong gasgas lang ang nasa maputing balat ng tiyan ni Pia —mababaw lang at halos hindi na dumudugo.
Tulad ng inaasahan ni Martina, hindi matalas at maliit ang gunting na nakuha nito. Hindi rin sapat ang tapang ni Pia para totoong saktan ang sarili.
Dati, iniisip ni Martina si Albert at ayaw niyang galitin ito o makipagtalo. Kaya hinayaan niyang gamitin ni Pia ang kanyang maliit na panlilinlang. Pero ngayon, hindi na siya nagmamalasakit. Hindi na siya natatakot sa galit ng kanyang asawa at hindi na niya hahayaang mag wagi ang kasinungalingan ni Pia.
"Miss Pia, iniisip mong makukuha mo ang aking bato (kidney) sa isang simpleng hiwa? Isang kahangalan."
Dahan-dahan siyang lumapit kay Pia at hinaplos ang sugat nito.
"Hindi..." Nanginginig si Pia hindi pa niya nakitang ganito si Martina—madilim na parang demonyong galing sa impiyerno.
"Hindi ko alam... baka nagkamali lang ng diagnosis ang doktor. Ate, huwag kang magalit..."
"Talaga? Sige, palalakihin ko pa ang sugat mo para makita nang malinaw ni Kuya Albert kung pumutok nga ba ang iyong mga laman-loob."
Pinihit ni martina ang kanyang mga daliri, at agad na dumugo ang sugat ni Pei Xiangling.
Nanlaki ang mga mata ni Pia at lumingon kay Albert, tila inosente, "Kuya Albert, iligtas mo ako! Para kay Pia, tulungan mo ako..."
“Please, kuya…” nagmamakaawa turan nito.
Nang marinig ang pangalan ni Pia, sandaling natigilan si Albert at agad na hinawakan ang kamay ni Martina. "Tama na." wika nito habang hawak-hawak ang palapulsuhan ng asawa.
Binitiwan naman ni Martina si Pia at nagsalita nang malamig, "Oo, tama na."
"Albert Montenegro gagawa ako ng kasunduan sa diborsyo at ipapadala ko sa'yo. Simula ngayon, wala na tayong kinalaman sa isa't isa." Matapang at walang buhay na turan ni Martina.
Tumalikod na siya sa mga ito.
Habang pinagmamasdan ang papalayong likuran ni Martina, biglang may kung anong pagkawala sa puso ni Albert na hindi niya maipaliwanag.
"Kuya Albert..." mahina at malungkot na sabi ni Pia.
Iwinaksi ni Albert ang kakaibang pakiramdam. Si Martina ay isang ulila. Kung wala siya
, wala siyang magiging kabuhayan. Alam niyang nagkamali siya ngayon, pero maaari niya itong itama balang araw.
Ang mahalaga ngayon ay ayusin muna ang sitwasyon.
---Kabanata 97 – RegaloMabilis na dumilim ang mukha ni Martin Acosta matapos marinig ang sinabi ng mayordoma.“Regalo nila? May lakas loob pa talaga sila magpadala ng regalo sa aking kapatid pagkatapos nila ginawang parang basura ang kapatid ko sa poder nila!” Galit na wika ni Martin kulang na lang masunog. Ang Kahon na pinaglalagyan ng regalo. Itapo 'yan? Sa basurahan?” mariing sabi ni Martin.Halos sumabog ang galit sa tono niya. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya matanggap kung paanong nagawa ni Albert Montenegro na saktan si Martina—ang kapatid niyang pinakaiingatan. At ngayong tapos na ang lahat, ngayong iniwan na ito, ngayon pa siya nagpaparamdam? At may dalang regalo pa?Nakakainsulto.“Pero, Ginoo,” maingat na tugon ni Mang Felipe, “ang sabi po nila'y—regalo raw iyon na may kasamang paumanhin. Tungkol daw po sa insidenteng nangyari sa bar noong nakaraan. Inaamin nilang naging bastos sila, at nagpadala ng regalo para humingi ng tawad.”“Ah, gano’n?” Mariing tumikhim si M
Kabanata 96 – InteresadoHindi katulad ng ibang gustong mapalapit sa pamilyang Acosta, may kakaibang aura si Andy. Kung anong nasa puso niya, iyon din ang makikita mo sa kanyang mga mata. Wala siyang pagkukunwari. Wala siyang balak makipagkaibigan kay Martina dahil sa status nito o kayamanan. Hindi siya gumagawa ng plano. Hindi siya mapagpakitang-tao.Dahil dito, Martin Acosta, na madalas ay hindi basta-basta nagpapakita ng interes sa mga tao, ay bahagyang napangiti sa tuwing napagmamasdan ang natural na kilos ni Andy. Sa totoo lang, may kaunting… interes siyang nararamdaman. Hindi malalim. Hindi pa matatawag na espesyal. Pero sapat para tumatak sa kanya.Matapos ang ilang palitan ng magagalang na salita, muling tumingin si Martin kay Martina.“Nakapag-ayos ka na ba?” tanong niya, may bahid ng responsibilidad sa boses. “Marami na tayong bisita sa labas. Kailangang lumabas ka na para bumati. Kahit konting hello lang.”Napasinghap si Martina. “Ayoko…”Kanina lang ay punung-puno siya ng
Kabanata 95 – GulatHuminga nang malalim si Martin Acosta habang nasa tapat ng pintuan. Halos ilang segundo siyang hindi makagalaw, pinipilit ang sarili na pakalmahin ang puso niyang may kung anong kaba—o marahil, pagtataka. Isinandal niya ang palad sa malamig na kahoy ng pinto, saka dahan-dahang itinulak iyon. Isa lang ang gusto niyang malaman: Anong klaseng tao ang kayang magpalambing kay Martina nang gano’n lang kadali?Sa sandaling pagbukas ng pinto, bumungad sa kanya ang isang babaeng may matapang na postura, maliwanag ang mga mata, at may aura ng kumpiyansa. Hindi siya ang tipikal na maganda—hindi rin siya kasing kinis o kasing elegante ni Martina—pero may taglay siyang kakaibang karisma. Ibang klase ang dating niya—hindi inosente, hindi palaban, kundi natural at palagay.Ito na siguro si Andy—ang babaeng ilang beses nang nabanggit ni Martina. Ang babaeng tila naging takbuhan nito sa mga panahong wala siya.“Kuya!” sigaw ni Martina nang mapansin siya. Masaya ang tinig, at halata
Kabanata 94: Ang Tusong Kapatid“Ang galing mo talagang magsalita,” ani Martina, saka siya umayos ng upo at bahagyang nag-inat sa kanyang kinauupuan. May kakaibang kislap sa mga mata ni Lorenzo habang pinagmamasdan siya. Malalim siyang huminga. Sa totoo lang, ni hindi niya na maintindihan ang sarili niya sa araw na ‘yon—parang hindi siya ang usual na si Lorenzo na kilala ng lahat.Kilala siyang babaero, taong may masyadong maraming babae sa paligid, at may mga kasong sinasabing ‘sinungkit’ ang puso ng ilan. Pero kung tatanungin siya, isang babae lang talaga ang minahal niya mula umpisa hanggang ngayon—ang babaeng nasa harapan niya ngayon.Matapos siyang iwan ni Martina, nagkunwari na lang siyang palaging masaya, palaging may kasama, palaging abala sa iba’t ibang babae. Pero lahat iyon ay pagpapanggap lang—isang pagtatago ng sugat. Nang pakasalan ni Martina si Albert, nawalan siya ng gana sa pagmamahal at sa ideya ng kasal. Kaya’t naisip niya, "Kahit sino na lang… basta hindi siya."Pe
KABANATA 93 – ANG ARAW NG PAGHAHARAP"Sigurado ka ba sa plano mo, Martin?" tanong ni Lorenzo habang nakasandal sa haligi ng veranda sa ikalawang palapag ng mansion.Hindi agad sumagot si Martin. Pinagmasdan niya muna ang tanawin sa ibaba—ang hardin na puno ng mga bisitang pormal ang kasuotan, may mga waiter na may dalang champagne, at mga babaeng nakabihis ng marangyang kasuotan. Sa unang tingin, parang simpleng birthday party lang ang nagaganap. Pero sa likod ng mga ngiti at pagbati, alam niyang may mas malalim na tensyon na paparating."Hindi ako sigurado," sagot ni Martin sa wakas. "Pero kailangan nating tapusin ang panlilinlang. Hindi na puwedeng magpatuloy pa si Pia sa mga ginagawa niya."Tahimik na tumango si Lorenzo. "Tama ka diyan. Kung may dapat man managot, siya 'yon." Para matapos na ang kahibangan niya."At ngayong naririto na siya, mas mabuti nang may hawak na tayo ebidensyang laban sa kaniya," dagdag ni Martin habang tinapik ang bulsa ng kanyang coat kung saan nakatago
KABANATA 92 – PLANOKumikinang sa kasakiman ang mga mata ni Pia habang pinakikinggan ang ulat ng kanyang pribadong imbestigador. Mula sa kabilang linya ng telepono, malamig ang boses ng lalaki pero bawat impormasyong sinasabi nito ay tila isang regalo na ipinadala ng kapalaran—isang mabisang sandata laban kay Martina Acosta.“Sigurado ka bang halos araw-araw siyang nasa mansyon?” tanong ni Pia habang pinipilit na panatilihin ang katahimikan ng kanyang tono, kahit na kumakabog ang dibdib niya sa galit at panibugho.“Opo, Ma’am. Si Lorenzo Trinidad ay halos hindi na lumalabas sa Lopez-Acosta Mansion. Sa pagkakaalam ko, wala siyang pormal na posisyon sa kumpanya, pero palaging nasa paligid ni Martina. Minsan pa nga po, siya mismo ang naghahatid-sundo rito.”Napapitlag si Pia, at tuluyang napasigaw sa sarili."Putcha naman!" bulong niya habang mariing pinisil ang bridge ng ilong niya. “Una na si Albert, tapos ngayon... si Lorenzo?”Sa isip-isip niya, parang pinaglalaruan siya ng tadhana.