Kabanata 1
Habang masayang inaayos ni Martina ang huling niluto niyang putahe sa ibabaw ng mesa, para sa kanilang anniversary—tatlong taon na silang kasal ng asawa niyang si Albert Montenegro—napahinto siya ng pumasok ang asawa niyang lalapitan na sana niya ito at babatiin habang may matamis na ngiti sa kanyang labi ngunit mabilis na pawi ang kasiyahan niya ng pumasok si Pia Trinidad.
Nakita ni Martina ang pagngiti ni Pia, isang ngiting alam niyang pang-aasar at pagmamayabang. Ang mga mata ni Pia ay nakatingin kay Martina, na para bang sinasabi, "Narito ako, at wala kang magagawa.”
Sa loob ng tatlong taon nilang kasal, lagi na lang kasama ang kababata ng asawa niyang si Pia at ang dati nitong fiancé dahil sa kasalanan niyang nagawa napilitan si Albert na pakasalan siya kahit labag rito dahil sa isang gabi may nangyari sa kanilang dalawa.
Ang bawat araw ay isang paalala kay Martina ng kanyang pagkakamali. Ang kanyang kasal kay Albert ay hindi kailanman batay sa pagmamahal, kundi sa isang pagkakautang na hindi niya kayang bayaran. Si Pia, ang tunay na mahal ni Albert, ay palaging nariyan, nagpapaalala sa kanya kung gaano siya kawalan-halaga sa kanilang dalawa.
Isang matinding sakit ang dumaan sa kanyang puso. Ang kanyang mga mata ay nag-alab sa galit, at ang kanyang mga kamao ay nakakuyom. Parang gusto niyang sumigaw, "Bakit kailangan mo pang gawin ito sa akin? Bakit kailangan mo pang palagi ako pasakitan? Bakit kailangan mong ipamukha sa akin na hindi ako katapat-dapati Albert?" usal niya sa kanyang isipan habang nakatitig dalawabg tao na alam naman niyang tunay na nagmamahal.
Gusto niyang sigawan ang dalaga ngunit alam niyang walang saysay ang pagsigaw. Alam niyang hindi siya papansinin. Ang asawa niya ay tila isang bato, malamig at walang pakialam. Ilan luha na ba ang kanyang iniyak at mga sakit na salita na nagmumula sa kanyang asawa sa tuwing sila nagtatalo naging manhid na nga siya.
Napabuntong-hininga si Martina. Alam niyang hindi na niya kayang makipagtalo kay Pia. Alam niyang wala na siyang magagawa pa. Ang sakit na nararamdaman niya ay tila isang malaking karayom na tumutusok sa kanyang puso.
Gaano ba kahirap ang isang kasal na pinilit sa loob ng tatlong taon? Tanging nasabi na lamang niya sa kanyang sarili.
“Hi, ate Martina,” masayang bati pa nito sa kaniya sabay pumwesto nito sa tabi ng kanyang asawa si Albert at malambing na sumandal sa balikat nito.
Naipikit na lamang niya ang kanyang mga mata.
"Ate Martina, pasensya ka na sa biglaang pagbisita ko dito sa mansyon,” panimula nito. Pinalambing pa nito ang boses bgunit alam naman niyang kaplastikan lang nagiging ganito lamang ito ka lambing sa kanya kapag nasa harapan nila ang asawa niya ngunit kung wala ay para itong isang lion na ano mang oras gusto siyang sakmalin.
“Hmmm, ikaw ba ang nagluto ng lahat na ito? “Ang galing mo! Naman napakatalented mo pag dating sa kusina?” wika pa nito habang nakatingin sa lahat ng pagkain sa ibabaw ng lamesa ngunit hindi nakaligtas kay Martina ang pasimple irap ni Pia ng makita ang cake na kalagay na happy 3rd anniversary.
“Hindi tulad ko, hindi ako marunong magluto at mahina pa hanggan ngayon ang kalusugan ko, kaya naaawa si Kuya Albert sa akin at hindi niya ako pinapayagang magluto,” ani nito.
“Kaya lagi fast food ang kinakain ko, pero ang sabi ng aking doktor ay hindi maganda para sa akin ang palaging kumakain ng takeout o fast food.”
“Kaya madalas pinagluluto ako ni Kuya Albert sa bahay ng mga masustansyang pagkain,” masayang wika pa nito habang nakayakap ito sa braso ng kanyang asawa.
Nabigla si Martina sa sinabi ni Pia.
“Kailan pa pinagluluto ng kanyang asawa ang babaeng ito?” usal niya sa kanyang isipan libong-libong karayom naman ang tumusok sa kanyang dibdib simula ng maging mag asawa sila ni Albert kahit kailan hindi pa siya nagawang paglutuan nito. Ngunit si Pia,” sambit ng utak niya .
Mariing siyang pumikit at pinagdikit ang kanyang mga labi. Ang kanyang ekspresyon ay tila nagpapaalala sa kanya na hindi siya mahal ng kaniyang asawa at si Pia ang babaeng kasama at katabi lamang ang nasa puso nito. Kahit ano pa ang gawin niya.
“Pwede na bang pumasok ang mga kabit sa bahay ngayon? Ang weird," malamig niyang sabi habang blangko nakatingin kay Pia.
Nakita niya ang pagkagulat sa mga mata nito ngunit mabilis din ngumisi na tila ba kayang-kaya siya nito.
At tulad ng inasahan niya bigla nag iba naman ang arwa ng mukha ni Pia para itong isang anghel na humarap sa kaniyang asawa.
“Ate Martina, hindi ganoon ang relasyon namin ni Kuya Albert, huwag mo sanang masamain ang closeness naming dalawa," ani nito habang ang boses nito tila nasasaktan.
“Hindi ako kabit ni Kuya Albert tinutulungan lang niya ako lalo galing ako sa matindi sakit!” maiiyak na saad ni Pia habang may mga luha nito sa mga mata.
“Tal—” hindi na natapos pa ni Martina ang kanyang sasabihin ng sumigaw si Albert.
“Pwede ba Martina, kung ayaw mo narito si Pia sa restaurant na lamang kami kakain. At hindi ko naman sinabi magluto ka sa araw na ito?!” Galit na wika ni Albert at malamig siyang tinitigan nito ang mga mata nitong walang buhay kapag nakatitig sa kaniya.
Hindi sumagot si Martina. Alam niya wala patutunguhan ang mga salita niya lalo na kay Albert at din niyasi Pia ay hindi nagsasabi ng totoo. Hindi naman talaga hinahangaan ni Pia ang kanyang mga luto.
“Kuya ayos lang, baka nagbibiro lamang si Ate Martina,” wika nito sa kanyang asawa.
Pinagkuyom ni Martina ang kanyang mga kamao at binaling ang tingin sa babae "Pia, gaano ba tayo magkakilala? Ang alam ko, isa lang akong anak na babae ng aking mga magulang, kaya wala akong matandaan na may kapatid akong babae. Don’t call me Ate dahil wala akong kapatid. At isa pa, naghahanda ako ng pagkain para sa asawa ko, hindi para sa iyo." Malamig niyang turan.
Hindi na talaga niya kayang tiisin ang sobrang kaplastikan ng kaharap.
Kumunot ang noo ng kaniyang asawa. "Ano na naman ang sinasabi mo, Martina? Ganyan ka ba mag-entertain ng bisita? Isang hapunan lang naman ito, huwag mo nang palakihin,” malamig na turan ng kaniyang sa asawa at para yelo kung makatingin sa kaniya. Ang boses niya ay walang bahid ng pakialam, parang hindi niya mahalaga.
“Oo isang hapunan lang! Naman ito na dapat na tayong dalawa lang dahil napakaspicial nito para sa akin!” Mariing niyang wika sa kanyang isipan dahil hindi niya kayang ibuka ang bibig dahil lahat ng sasabihin niya para sa kaniyang asawa ay pagkakamali lamang.
Naramdaman ni Martina ang matinding sakit na dulot ng mga salita ng kanyang asawa. Parang unti-unting nawawala ang kanyang lakas, at ang kanyang mga mata ay nagsimula nang mag-alab sa galit. Hindi niya alam kung paano niya mapipigilan ang luha na nag-uumpisa nang tumulo sa kanyang mga mata.
"Albert, bakit ba kailangan mo pang gawin ito sa akin?" tanong ni Martina sa kanyang isipan, ang kanyang boses ay nanginginig. "Bakit ba kailangan mong saktan ng ganito? Hindi ba sapat na ang ginagawa sa akin ni Pia? Bakit kailangan mo pang dagdagan ang sakit?” Usal ng kanyang utak. Akmang magsasalita siya—
“Tama! Simula nang ikasal kayo, pinagsisilbihan mo na kami. Anong masama kung may isa pang taong makikikain?" Isang boses mula sa itaas ang nagsalita.
Bumaba mula sa itaas si Zia ang kapatid ng asawa niya halatang iritado. "Bukod pa riyan, kung hindi ka lang sana nakialam, baka si Pia ang napangasawa ng kapatid ko!” Mariing wika pa nito.
Umupo si Zia at tinapik ang upuan sa tabi niya.
"Pia, dito ka umupo." Tugon nito.
May limang tao sa hapag-kainan. Malapit sa isa't isa sina Zia at Pia dahil matalik na kaibigan ni Zia ang babae. Ito rin ang gusto mapangasawa ng kapatid nito.
“Alam naman natin lahat na nilandi mo lang ang kuya ko! Pinikot mo para maging asawa mo?” matigas nitong wika habang matalim na nakatitig sa kanya. Habang si Albert ay walang pakialam sa kanya kahit pagsalitaan na siya ng masasakit ng kapatid nito.
“Alam naman natin lahat na si Pia at Kuya Albert ang ikakasal! Pero sa kalandian at gusto mo guminhawa ang buhay mo pinikot mo si Kuya!” dagdag pa nito.
Hindi magawa ni Martina sumagot ng tumunog ang Cellphone ng kanyang asawa.
"Ring!"
Agad nitong sinagot ang tawag, saglit lang nakipag-usap, at agad ibinaba.
"May kailangan akong asikasuhin sa kumpanya. Martina, ikaw na ang bahala rito. Aalis muna ako at hindi na ako makakauwi ngayong gabi." Malamig nito turan at hindi man lang nag abala tingnan siya.
Para itong nakikipag usap sa hangin.
Mabilis na umalis, si Albert at iniwan silang lahat sa dining area.
Tumingin si Martina sa mga natitirang mga tao nakita niya kung paano siya taas ng kilay ni Zia ngunit hindi siya nagpatinag nilabanan niya ang titig nito dahil sa nararamdaman niyang galit bigat ng kanyang dibdib biglang na lang siyan nawalan ng gana kumain wala na rin naman saysay kahot isang putahing pagkain na niluto niya hindi man lang nagawa tikman ng asawa niya.
"Nawalan na ako ng gana. Kayo na ang kumain ng mga ‘yan." Wika niya, pagkatapos ay tumalikod siya at umakyat sa kwarto.
"Oh, mukhang hindi masaya si Ate Martina. May nagawa ba akong kasalanan ko?” pahabol na pang-iinis ni Pia.
Napaharap si Martina at matalim na titigan ang dalawa.
“Tama ka Pia, hindi nga ako masaya lalong kapag nakikita ko ang pagmumukha mong na binabad sa mga make up nag mumukha ka tuloy clown sa paningin ko!” Patutsada niyang saad. Sabay talikod upang umakyat na sa kanyang silid.
Napatahimik si Zia at hindi agad nakakibo sa kinauupuan ang babae.
"Huwag mo siyang pansinin, Pia! Nag-iinarte lamang ‘yan dahil walang pakialam sa kanya ang kapatid ko. Ang mabuti pa tikman mo na lamang ito.” Sabay subo ng pagkain kay Pia ni Zia ng pagkain.
Nakahiga si Martina sa kama, hindi niya maiwasang na maalala ang una pagkikita nila ni Albert, paulit-ulit niya binabalikan ang nakalipas na tatlong taon. Kung saan una siyang naging masaya.
Noong makita niya si Albert na nagbibigay ng talumpati sa paaralan, agad siyang naakit dito. Para sa kanya, ang pagpapakasal sa lalaki ay ang pinakaperpektong pangarap. Pero matapos silang ikasal, naglaho ang lahat ng ilusyon niya. Parang naging bangungot ang lahat-lahat sa piling ng kanyang asawa.
Oo, si Albert ay kasing bait ng inakala niya— sa mga taong nakakasalamuha nito, pero hindi sa kanya. Malakas ang dating at karisma nito, pero hindi siya handang ipagtanggol ng kaniyang asawa sa sinuman.
Para mapanatili ang kanilang pagsasama, isinantabi niya ang sariling kagustuhan at nagsisilbing alipin ng pamilya ng kanyang asawa sa mga Montenegro. Inako niya ang lahat ng gawaing bahay, inalagaan ang kanyang mga biyenan, at tiniis ang lahat ng pangmamaliit ng ina at kapatid nito. Kahit anong hirap ang ibinato sa kanya, tiniis niya ito, at hindi kailanman inabala ang asawa.
Ang akala niya, kung magsisikap lang siya at magiging mas matiisin, baka dumating ang araw na mapansin siya ng kanyang asawa at baka matutunan din siyang mahalin ni Albert kapag makita nito ang kabutihan niya. Pero hindi pa rin siya nito nakita. Parang hangin lamang siya sa paningin nito at isang alikabok kung ituring.
Lalong dumagdag ang sakit na nararamdaman niya nang dahil nito si Pia sa mansyon. Napabuntonghininga na lamang si Martina. Ano ang susunod? Hihilingin ba niyang iwanan na lamang siya nito upang maging masaya silang dalawa.
Natigil ang kanyang pag-iisip nang marinig niya ang sunod-sunod na pagkatok sa pintuan.
.
Tumayo siya sa pagkakaupo sa kama at binuksan niya ang pinto. Nakita niya si Pia na nakatayo sa labas ng kwarto.
"Ate Martina, pasensya ka na. Hindi ko alam na ngayon pala ang third wedding anniversary ninyo ni Kuya Albert. Pasensya na kung nakigulo ako sa mahalagang araw niyo.” malungkot nitong wika.
Tinitigan lamang ni Martina si Pia bago mapait na ngumiti.
"Pwede ba? Wala na rito si Albert kaya hindi mo na kailangang magpanggap na kawawa, Pia at mabuting tao sa harap ko!” usal niya.
Ayaw na niyang patulan ang pagpapanggap nito, kaya diretso niya ang babaeng may malaking motibo sa kan
iyang asawa.
Kagit ano pang tago nito sa isang tupa paraitong lobo na handa sakmalin siya.
---Kabanata 97 – RegaloMabilis na dumilim ang mukha ni Martin Acosta matapos marinig ang sinabi ng mayordoma.“Regalo nila? May lakas loob pa talaga sila magpadala ng regalo sa aking kapatid pagkatapos nila ginawang parang basura ang kapatid ko sa poder nila!” Galit na wika ni Martin kulang na lang masunog. Ang Kahon na pinaglalagyan ng regalo. Itapo 'yan? Sa basurahan?” mariing sabi ni Martin.Halos sumabog ang galit sa tono niya. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya matanggap kung paanong nagawa ni Albert Montenegro na saktan si Martina—ang kapatid niyang pinakaiingatan. At ngayong tapos na ang lahat, ngayong iniwan na ito, ngayon pa siya nagpaparamdam? At may dalang regalo pa?Nakakainsulto.“Pero, Ginoo,” maingat na tugon ni Mang Felipe, “ang sabi po nila'y—regalo raw iyon na may kasamang paumanhin. Tungkol daw po sa insidenteng nangyari sa bar noong nakaraan. Inaamin nilang naging bastos sila, at nagpadala ng regalo para humingi ng tawad.”“Ah, gano’n?” Mariing tumikhim si M
Kabanata 96 – InteresadoHindi katulad ng ibang gustong mapalapit sa pamilyang Acosta, may kakaibang aura si Andy. Kung anong nasa puso niya, iyon din ang makikita mo sa kanyang mga mata. Wala siyang pagkukunwari. Wala siyang balak makipagkaibigan kay Martina dahil sa status nito o kayamanan. Hindi siya gumagawa ng plano. Hindi siya mapagpakitang-tao.Dahil dito, Martin Acosta, na madalas ay hindi basta-basta nagpapakita ng interes sa mga tao, ay bahagyang napangiti sa tuwing napagmamasdan ang natural na kilos ni Andy. Sa totoo lang, may kaunting… interes siyang nararamdaman. Hindi malalim. Hindi pa matatawag na espesyal. Pero sapat para tumatak sa kanya.Matapos ang ilang palitan ng magagalang na salita, muling tumingin si Martin kay Martina.“Nakapag-ayos ka na ba?” tanong niya, may bahid ng responsibilidad sa boses. “Marami na tayong bisita sa labas. Kailangang lumabas ka na para bumati. Kahit konting hello lang.”Napasinghap si Martina. “Ayoko…”Kanina lang ay punung-puno siya ng
Kabanata 95 – GulatHuminga nang malalim si Martin Acosta habang nasa tapat ng pintuan. Halos ilang segundo siyang hindi makagalaw, pinipilit ang sarili na pakalmahin ang puso niyang may kung anong kaba—o marahil, pagtataka. Isinandal niya ang palad sa malamig na kahoy ng pinto, saka dahan-dahang itinulak iyon. Isa lang ang gusto niyang malaman: Anong klaseng tao ang kayang magpalambing kay Martina nang gano’n lang kadali?Sa sandaling pagbukas ng pinto, bumungad sa kanya ang isang babaeng may matapang na postura, maliwanag ang mga mata, at may aura ng kumpiyansa. Hindi siya ang tipikal na maganda—hindi rin siya kasing kinis o kasing elegante ni Martina—pero may taglay siyang kakaibang karisma. Ibang klase ang dating niya—hindi inosente, hindi palaban, kundi natural at palagay.Ito na siguro si Andy—ang babaeng ilang beses nang nabanggit ni Martina. Ang babaeng tila naging takbuhan nito sa mga panahong wala siya.“Kuya!” sigaw ni Martina nang mapansin siya. Masaya ang tinig, at halata
Kabanata 94: Ang Tusong Kapatid“Ang galing mo talagang magsalita,” ani Martina, saka siya umayos ng upo at bahagyang nag-inat sa kanyang kinauupuan. May kakaibang kislap sa mga mata ni Lorenzo habang pinagmamasdan siya. Malalim siyang huminga. Sa totoo lang, ni hindi niya na maintindihan ang sarili niya sa araw na ‘yon—parang hindi siya ang usual na si Lorenzo na kilala ng lahat.Kilala siyang babaero, taong may masyadong maraming babae sa paligid, at may mga kasong sinasabing ‘sinungkit’ ang puso ng ilan. Pero kung tatanungin siya, isang babae lang talaga ang minahal niya mula umpisa hanggang ngayon—ang babaeng nasa harapan niya ngayon.Matapos siyang iwan ni Martina, nagkunwari na lang siyang palaging masaya, palaging may kasama, palaging abala sa iba’t ibang babae. Pero lahat iyon ay pagpapanggap lang—isang pagtatago ng sugat. Nang pakasalan ni Martina si Albert, nawalan siya ng gana sa pagmamahal at sa ideya ng kasal. Kaya’t naisip niya, "Kahit sino na lang… basta hindi siya."Pe
KABANATA 93 – ANG ARAW NG PAGHAHARAP"Sigurado ka ba sa plano mo, Martin?" tanong ni Lorenzo habang nakasandal sa haligi ng veranda sa ikalawang palapag ng mansion.Hindi agad sumagot si Martin. Pinagmasdan niya muna ang tanawin sa ibaba—ang hardin na puno ng mga bisitang pormal ang kasuotan, may mga waiter na may dalang champagne, at mga babaeng nakabihis ng marangyang kasuotan. Sa unang tingin, parang simpleng birthday party lang ang nagaganap. Pero sa likod ng mga ngiti at pagbati, alam niyang may mas malalim na tensyon na paparating."Hindi ako sigurado," sagot ni Martin sa wakas. "Pero kailangan nating tapusin ang panlilinlang. Hindi na puwedeng magpatuloy pa si Pia sa mga ginagawa niya."Tahimik na tumango si Lorenzo. "Tama ka diyan. Kung may dapat man managot, siya 'yon." Para matapos na ang kahibangan niya."At ngayong naririto na siya, mas mabuti nang may hawak na tayo ebidensyang laban sa kaniya," dagdag ni Martin habang tinapik ang bulsa ng kanyang coat kung saan nakatago
KABANATA 92 – PLANOKumikinang sa kasakiman ang mga mata ni Pia habang pinakikinggan ang ulat ng kanyang pribadong imbestigador. Mula sa kabilang linya ng telepono, malamig ang boses ng lalaki pero bawat impormasyong sinasabi nito ay tila isang regalo na ipinadala ng kapalaran—isang mabisang sandata laban kay Martina Acosta.“Sigurado ka bang halos araw-araw siyang nasa mansyon?” tanong ni Pia habang pinipilit na panatilihin ang katahimikan ng kanyang tono, kahit na kumakabog ang dibdib niya sa galit at panibugho.“Opo, Ma’am. Si Lorenzo Trinidad ay halos hindi na lumalabas sa Lopez-Acosta Mansion. Sa pagkakaalam ko, wala siyang pormal na posisyon sa kumpanya, pero palaging nasa paligid ni Martina. Minsan pa nga po, siya mismo ang naghahatid-sundo rito.”Napapitlag si Pia, at tuluyang napasigaw sa sarili."Putcha naman!" bulong niya habang mariing pinisil ang bridge ng ilong niya. “Una na si Albert, tapos ngayon... si Lorenzo?”Sa isip-isip niya, parang pinaglalaruan siya ng tadhana.