Kabanata 4
---
Pinipigil ni Martin Acosta ang kanyang galit, may bahagyang inis sa kanyang mga mata. Maagang namatay ang kanilang mga magulang, kaya siya mismo ang nagpalaki kay Martina. Simula pagkabata, magkasama silang dumaan sa lahat, at kailanman ay hindi niya hinayaang magdusa ang kanyang kapatid.
Ang kanyang mga mata ay naglalaman ng pag-aalala at pagmamahal para sa kanyang kapatid. Parang isang leon na handang ipagtanggol ang kanyang leoness.
"Martina, ano bang nangyari?" tanong ni Martin, ang kanyang boses ay puno ng pag-aalala. Sa pinakamamahal na kapatid.
"Kuya, pagod na ako. Gusto ko nang makipaghiwalay kay Albert. Napatunayan kong hindi kailanman niya ako mamahalin o ituturing na asawa,” lumuluhang saad ni Martina sa kapatid habang mahigpit siyang niyayakap nito. Ang kanyang boses ay nanginginig sa takot at sakit, at ang kanyang mga mata ay puno ng luha.
Napakuyom ni Martin ang kamao sa sobrang galit na nararamdaman; ayaw niyang ipakita sa kapatid ngunit kailangan niyang turuan ng leksyon ang asawa nito. Ang kanyang mga mata ay nag-alab sa poot, at ang kanyang mga kamay ay nakakuyom ng mahigpit.
Oo nga’t nangako siya sa kapatid na hindi niya gagalawin ang asawa nito o sasaktan. Ngunit hindi naman siya papayag na ganituhin lamang ang nag-iisang kapatid at pamilya niya. Pinangako niya sa kanilang mga magulang na iingatan at aalagaan niya ng mabuti ang bunso niyang kapatid. Ang kanyang puso ay puno ng pagmamahal at proteksyon para sa kanyang kapatid.
"Martina, huwag kang mag-alala. Nandito ako para sa'yo. Hindi ka namin pababayaan," sagot ni Martin. "Magkasama nating haharapin ito.”
“Kung ‘yan ang desisyon mo, makipaghiwalay ka sa asawa mo. Hindi ako tutol! Noong pa man, ayaw ko sa asawa mo, kaya pumayag akong saktan ka sa kagustuhan mo? Usal pa ni Martin. Ang kanyang mga mata ay naglalaman ng galit apra kay Albert Montenegro.
Tanda pa ni Martin kung paano magmakaawa si Martina na pumayag pakasalan ang asawa nito, kahit ang kapalit nito ay ang magandang buhay ng kapatid. Mas pinili nitong makisama sa mga mapang-api na pamilya ni Albert. Ang kanyang puso ay puno ng pagsisisi at sakit para sa kanyang kapatid. Bakit hindi niya nagawang ipagtanggol ito.
Kahit gusto na niyang puntahan ang kapatid sa mansion ng mga Montenegro, pinipigilan siya nito sa tuwing kinakamusta niya ang kapatid sa private bodyguard nito na nakalaan. Upang kahit malayo si Martina sa kanya, alam pa rin niya ang kalagayan ng kapatid. Ang kanyang mga mata ay naglalaman ng pag-aalala at pag-iingat para sa kanyang kapatid.
Ang sakit na nararamdaman ni Martina ay parang isang malaking karayom na tumutusok sa kanyang puso. Hindi niya kayang makita ang kanyang kapatid na nasasaktan.
Kung hindi lang siya nangako kay Martina na hindi isisiwalat ang tunay na pagkatao nito, hindi niya basta palalampasin si Albert Montenegro. Alam niyang may kapangyarihan siya, at alam niyang kaya niyang ipaghiganti ang kanyang kapatid.
Pero, nangako siya kay Martina. At alam niyang hindi niya maaaring sirain ang tiwala ng kanyang kapatid.
Pagod na sa kaiiyak si Martina at nagsalita sa paos na tinig, "Kuya, sa lalong madaling panahon gusto ko nang makipag diborsyo."
Napagtanto na niya ang lahat. Kung may bahagya mang malasakit si Albert sa kanya, hindi niya hahayaan si Pia na sirain ang kanyang pangalan sa ganitong paraan. Para sa tinatawag na "pag-ibig," ibinaba niya ang kanyang sarili, nagpakumbaba, at tuluyang lumayo sa kanyang pamilya at mga kaibigan. Ibinigay niya ang lahat para kay Albert Montenegro.
Pero hindi niya kayang isuko ang kanyang dignidad. Hindi niya matanggap na mawala ito. Ng dahil lamang sa kagawan ng babae yon.” Sa isipan ni Martina nangingitngit sa galit ang puso niya nabalot na ito ng sakit at namamanhid na.
Hinaplos ni Martin ang buhok ng nagiisa kapatid ng puno ng pagmamahal. "Sige. Kung yan ang gusto mo.”
"Maria Martina Acosta, nagkasundo tayo noon na ako muna ang mamahala sa mga negosyo, at ang parte nila Mama at Papa ay mapupunta sa'yo. Dahil nakapagdesisyon ka nang mag diborsyo, sa iyong asawa bumalik ka na at manahin ang negosyo ng pamilya." Na talaga naman dapat ay sayo.” turan ni Martin sa Kapatid.
“Dapat ito na ngayon ang isipin mo ang palaguin pa ng husto ang atin negosyo,” usal niya sa kapatid.
Tumango si Martina sa kanyang kuya. "Kuya, salamat." wika nito habang mahigpit ang yakap sa kapatid.
“Makakaya ko kayang hawakan ang malaking company ng atin pamilya?” nag-aalanagan na tanong niya sa kapatid.
Ngumiti naman si Martin nang bahagya. "Bakit mo pa sinasabi 'yan? “Oo naman kayang-kaya mo. Dahil sanay ka naman naiwan mo lang dahil nabulag ka sa pag-ibig mo sa iyong asawa.” tugon ni Martin.
“Hayaan mong samahan ka ni Xander sa Company para masanay sa industriya. Kung may hindi ka naiintindihan o hindi mo magawa, huwag kang mahihiyang magtanong. Ang prinsesa ng pamilya Acosta ay bumalik na, at karapat-dapat siyang magkaroon ng lahat."
Tumango si Martina, ramdam ang init sa kanyang puso. Ramdam niya ang pagmamahal ng panganay na kapatid.
---
Sa bahay ng mga pamilya Montenegro.
Pagdating ni Martina dala ang kasunduang diborsyo, wala si Albert . Ang tanging naroon ay si Zia.
Nang makita ni Zia na bumalik ang hipag naalala niya kung paano siya pinatawan ni Albert ng isang buwang bawas sa kanyang allowance, kaya agad itong nagalit.
"Oh, bakit ka bumalik? Hindi mo ba kaya mamuhay sa labas? Mapang-uyam nitong wika.Akala ko matapang ka, pero gusto mo lang palang bumalik para gastusin ang pera ng kapatid ko." Mataray nitong wika habang nakataas ang isang kilay.
Hindi pinansin ni Martina ang mga sinasabi ni Zia.
Iniabot niya rito ang dokumento nang malamig ang boses. "Narito ang kasunduan sa diborsyo. Kapag bumalik na si Albert, ipapirma mo ito at ipadala sa akin. Nakasaad sa likod ang mailing address." Sabi niya na walang kabuhay-buhay.
"Ikaw..."
Lumingon si Ziq sa kanya at napansin ang kanyang suot—mga bagong damit mula sa Paris fashion show noong nakaraang linggo. Sa China, aabutin pa ng isang taon bago ito maging available. Kaya halos magkapantay na ang mga kilay nito. Habang titig na titig sa suot ni Martina.
"Peke ang damit mo!" asik ni Zia. "At huwag mong isipin na may ipagmamalaki ka lang dahil hinanap ka ng kapatid ko nitong nakaraang dalawang araw! Bilisan mo na at magluto! Umalis ang mga katulong para magbakasyon, at ayaw kong kumain ng takeout!" Mariing utos nito.
Pinagmasdan lamang ni martina ang mayabang nitong postura, at hindi na niya napigilan ang lahat ng hinanakit na naipon sa loob ng maraming taon.
Inihampas niya ang kasunduang diborsyo sa mukha nito. "Basahin mong mabuti! Hindi na ako maglilingkod sa inyo!"
“O maging alipin mo lang!” malamig niyang turan.
"Zia Montenegro, alam ba ng mga kaibigan mong celebrity kung gaano kakasama? Imulat mo ang mata mong parang sa aso at tingnan mong mabuti kung gaano kayo ka-desperado bilang pamilya para gawing katulong ang mismong asawa na pinakasalan nya!"
"Ikaw... ang lakas ng loob mong bastusin ako!" Galit na sigaw ni Zia.
Akmang sampalin niya ito ng mahawakan ni Martina ang kanyang kamay.
Hindi makapaniwala si Zia. Sa loob ng maraming taon, hindi man lang lumaban o sumagot si Martina. Ngayon lang niya nakita itong ganito.
"Ano ngayon kung bastusin kita?" Malamig na sagot ni Martina " Zia, kung ako sa'yo, gagamitin ko na ang utak ko. Tuwing lumalabas ka, mukha kang sosyal, pero wala ka namang alam. Kung mamatay ang kapatid mo, siguradong ibebenta ka at tatawa ka pa habang binibilang ang perang kinita nila mula sa'yo!"
Matalim ang kanyang mga salita, at hindi na makasagot si Zia sa kaniyang hipag.
Matagal pa siyang natulala bago biglang napasigaw, “Martina, hintayin mo lang! Isusumbong kita kay Kuya!" Galit niyang turan dito.
---
Sa opisina ni Albert.
Biglang bumukas ang pinto.
Pumasok si Zia at ibinagsak ang kasunduang diborsyo sa mesa ng kapatid na si Albert.
"Kuya, ang yabang ni Martina, lintik na babae yun binastos niya ako!" pag susumbong niya sa kapatid.
Napatingin si Albert sa kanya, puno ng pag-asa ang mga mata nito. "Bumalik siya?" may saya sa boses ng kapatid niya.
“Oo, kuya pumunta siya sa bahay! At sinaktan niya ako,” dagdag na kwento pa niya sa kapatid.
. "Pumunta siya sa bahay... para makipag diborsyo hinampas pa niya sa mukha ko ang mga papel na ito." Sumbong niya.
Napatingin si Albert sa papel sa kanyang kamay at napagtanto ang tunay na sitwasyon. "Siguradong wala na siyang makain sa labas, kaya nagpanggap siyang gusto kang hiwalayan! Nilalaro ka lang niya, Kuya! Ang babaeng ganyan—" hindi na nagawa tapusin ni Zia ang sasabihin ng sumigaw ang kapatid.
"Manahimik ka." Sigaw ni Albert
Sumasakit ang ni Albert sa ingay ng kanyang kapatid.
Sa kanyang harapan, malinaw na nakasulat ang ka
sunduang diborsyo—itim sa puting papel.
Pinigilan niyang higpitan ang hawak sa dokumento, ngunit hindi niya napansin na namumutla na ang kanyang mga daliri sa sobrang diin.
"Sinabi niyang gusto niya
ng diborsyo?" Nagugulat na reaction ni Albert prang may kumirot na kung ano sa kanyang puso.
---Kabanata 97 – RegaloMabilis na dumilim ang mukha ni Martin Acosta matapos marinig ang sinabi ng mayordoma.“Regalo nila? May lakas loob pa talaga sila magpadala ng regalo sa aking kapatid pagkatapos nila ginawang parang basura ang kapatid ko sa poder nila!” Galit na wika ni Martin kulang na lang masunog. Ang Kahon na pinaglalagyan ng regalo. Itapo 'yan? Sa basurahan?” mariing sabi ni Martin.Halos sumabog ang galit sa tono niya. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya matanggap kung paanong nagawa ni Albert Montenegro na saktan si Martina—ang kapatid niyang pinakaiingatan. At ngayong tapos na ang lahat, ngayong iniwan na ito, ngayon pa siya nagpaparamdam? At may dalang regalo pa?Nakakainsulto.“Pero, Ginoo,” maingat na tugon ni Mang Felipe, “ang sabi po nila'y—regalo raw iyon na may kasamang paumanhin. Tungkol daw po sa insidenteng nangyari sa bar noong nakaraan. Inaamin nilang naging bastos sila, at nagpadala ng regalo para humingi ng tawad.”“Ah, gano’n?” Mariing tumikhim si M
Kabanata 96 – InteresadoHindi katulad ng ibang gustong mapalapit sa pamilyang Acosta, may kakaibang aura si Andy. Kung anong nasa puso niya, iyon din ang makikita mo sa kanyang mga mata. Wala siyang pagkukunwari. Wala siyang balak makipagkaibigan kay Martina dahil sa status nito o kayamanan. Hindi siya gumagawa ng plano. Hindi siya mapagpakitang-tao.Dahil dito, Martin Acosta, na madalas ay hindi basta-basta nagpapakita ng interes sa mga tao, ay bahagyang napangiti sa tuwing napagmamasdan ang natural na kilos ni Andy. Sa totoo lang, may kaunting… interes siyang nararamdaman. Hindi malalim. Hindi pa matatawag na espesyal. Pero sapat para tumatak sa kanya.Matapos ang ilang palitan ng magagalang na salita, muling tumingin si Martin kay Martina.“Nakapag-ayos ka na ba?” tanong niya, may bahid ng responsibilidad sa boses. “Marami na tayong bisita sa labas. Kailangang lumabas ka na para bumati. Kahit konting hello lang.”Napasinghap si Martina. “Ayoko…”Kanina lang ay punung-puno siya ng
Kabanata 95 – GulatHuminga nang malalim si Martin Acosta habang nasa tapat ng pintuan. Halos ilang segundo siyang hindi makagalaw, pinipilit ang sarili na pakalmahin ang puso niyang may kung anong kaba—o marahil, pagtataka. Isinandal niya ang palad sa malamig na kahoy ng pinto, saka dahan-dahang itinulak iyon. Isa lang ang gusto niyang malaman: Anong klaseng tao ang kayang magpalambing kay Martina nang gano’n lang kadali?Sa sandaling pagbukas ng pinto, bumungad sa kanya ang isang babaeng may matapang na postura, maliwanag ang mga mata, at may aura ng kumpiyansa. Hindi siya ang tipikal na maganda—hindi rin siya kasing kinis o kasing elegante ni Martina—pero may taglay siyang kakaibang karisma. Ibang klase ang dating niya—hindi inosente, hindi palaban, kundi natural at palagay.Ito na siguro si Andy—ang babaeng ilang beses nang nabanggit ni Martina. Ang babaeng tila naging takbuhan nito sa mga panahong wala siya.“Kuya!” sigaw ni Martina nang mapansin siya. Masaya ang tinig, at halata
Kabanata 94: Ang Tusong Kapatid“Ang galing mo talagang magsalita,” ani Martina, saka siya umayos ng upo at bahagyang nag-inat sa kanyang kinauupuan. May kakaibang kislap sa mga mata ni Lorenzo habang pinagmamasdan siya. Malalim siyang huminga. Sa totoo lang, ni hindi niya na maintindihan ang sarili niya sa araw na ‘yon—parang hindi siya ang usual na si Lorenzo na kilala ng lahat.Kilala siyang babaero, taong may masyadong maraming babae sa paligid, at may mga kasong sinasabing ‘sinungkit’ ang puso ng ilan. Pero kung tatanungin siya, isang babae lang talaga ang minahal niya mula umpisa hanggang ngayon—ang babaeng nasa harapan niya ngayon.Matapos siyang iwan ni Martina, nagkunwari na lang siyang palaging masaya, palaging may kasama, palaging abala sa iba’t ibang babae. Pero lahat iyon ay pagpapanggap lang—isang pagtatago ng sugat. Nang pakasalan ni Martina si Albert, nawalan siya ng gana sa pagmamahal at sa ideya ng kasal. Kaya’t naisip niya, "Kahit sino na lang… basta hindi siya."Pe
KABANATA 93 – ANG ARAW NG PAGHAHARAP"Sigurado ka ba sa plano mo, Martin?" tanong ni Lorenzo habang nakasandal sa haligi ng veranda sa ikalawang palapag ng mansion.Hindi agad sumagot si Martin. Pinagmasdan niya muna ang tanawin sa ibaba—ang hardin na puno ng mga bisitang pormal ang kasuotan, may mga waiter na may dalang champagne, at mga babaeng nakabihis ng marangyang kasuotan. Sa unang tingin, parang simpleng birthday party lang ang nagaganap. Pero sa likod ng mga ngiti at pagbati, alam niyang may mas malalim na tensyon na paparating."Hindi ako sigurado," sagot ni Martin sa wakas. "Pero kailangan nating tapusin ang panlilinlang. Hindi na puwedeng magpatuloy pa si Pia sa mga ginagawa niya."Tahimik na tumango si Lorenzo. "Tama ka diyan. Kung may dapat man managot, siya 'yon." Para matapos na ang kahibangan niya."At ngayong naririto na siya, mas mabuti nang may hawak na tayo ebidensyang laban sa kaniya," dagdag ni Martin habang tinapik ang bulsa ng kanyang coat kung saan nakatago
KABANATA 92 – PLANOKumikinang sa kasakiman ang mga mata ni Pia habang pinakikinggan ang ulat ng kanyang pribadong imbestigador. Mula sa kabilang linya ng telepono, malamig ang boses ng lalaki pero bawat impormasyong sinasabi nito ay tila isang regalo na ipinadala ng kapalaran—isang mabisang sandata laban kay Martina Acosta.“Sigurado ka bang halos araw-araw siyang nasa mansyon?” tanong ni Pia habang pinipilit na panatilihin ang katahimikan ng kanyang tono, kahit na kumakabog ang dibdib niya sa galit at panibugho.“Opo, Ma’am. Si Lorenzo Trinidad ay halos hindi na lumalabas sa Lopez-Acosta Mansion. Sa pagkakaalam ko, wala siyang pormal na posisyon sa kumpanya, pero palaging nasa paligid ni Martina. Minsan pa nga po, siya mismo ang naghahatid-sundo rito.”Napapitlag si Pia, at tuluyang napasigaw sa sarili."Putcha naman!" bulong niya habang mariing pinisil ang bridge ng ilong niya. “Una na si Albert, tapos ngayon... si Lorenzo?”Sa isip-isip niya, parang pinaglalaruan siya ng tadhana.