Share

Chapter 21

"Hmmm?"

"Nandyan na sya." Saad ko.

Pero di parin nya minumulat ang mata nya. Napatingin naman ako kila Merk at Mark na papunta dito sa direction namin, umupo na sila sa mga upuan nila. Galing kase silang banyo.

Pinagitnaan talaga namin sya.

"Princess gumising ka na jan" pukaw narin ni Mark kay Trixie pero wala paring imik si Trix.

"Princess Trixie nandyan na po si prof, gumising ka na kung ayaw mong mapagalitan." Si Merk naman ang nag salita.

"Good morning class!"

"Oyyy Trix!" Sabay naming gising tatlo sabay hampas sa balikat nya. Mukhang napalakas siguro ang hampas namin kaya napadaing sya.

"Today you have a new classmate."

"Arayyy ang sakit ah!" Daing nya sabay tayo pa. Nagulat siguro sya sa pag hampas namin, hinila ni Merk ang kamay nya para maupo ito ulit.

"May problema ba Miss Fortez?" Tanong ni prof. Umiling lang si Trixie pero hindi tumitingin kay prof. Kinukusot-kusot nya pa kasi ang mata nya.

Ayan kasi eh, palagi nalang syang nag pupuyat pag gabi. Nanonood kasi yan ng k-drama
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status