Share

Chapter 10

Kahapon ang ganda ng araw niya pero, bakit ngayon pag kagising niya pa lang ang bigat na nang pakiramdam niya. Dahil lang siguro sa pagod kaya ganito ang pakiramdam niya. Pero parang iba talaga ang pakiramdam niya para bang may hindi magandang mangyayari.

Bumangon na lang siya at pumunta na ng kusina. Tulad ng inaasahan niya ay may mga pagkain na nga sa lamesa na luto ng binata. Nagluluto kasi si Luis bago pumasok sa trabaho. Noong una ay nahihiya pa siya, dahil dapat siya ang magluluto dito pero ang binata naman ang makulit. Palagi na lang siyang inaaway kung magising siya ng umaga at magluluto lara dito. Hanggang sa nasanay na nga siya sa ginagawa ng lalaki.

Biglang pumasok sa isip niya ang bulanglang na miss niya na ang naka sanayan niyang kainin. Palagi na lang kasing frozen food ang nakakain niya ngayon andito na siya sa manila.

"Parang gusto kong kumain ng gulay, namimiss kina ang bulanglang. Tama 'yon na lang ang lulutuin ko." Tumuloy tuloy siyang pumasok sa kusina at lumapit s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status