Share

Chapter 2

Author: jessy
last update Huling Na-update: 2025-02-27 22:36:46

“Blood clot? P-paanong—”

“Maaaring tumama ang ulo niya sa aksidente na naging dahilan nito. Kung sana ay nalaman natin ng mas maaga ay naiwasan sana ito” nasagot naman agad ng doctor ang nais pa sana niyang itanong.

“Ano na pong susunod na gagawin ngayon doc?” Tahimik lamang si Lissa sa tabi, kaya si Sabrina ang nakikipagusap sa doctor.

“Kailangan niyang maoperahan sa lalong madaling panahon, magiging tapat na po ako sa inyo, delikado po ang lagay niya at maaari po itong ikamatay ng pasyente pag nahuli-huli po tayo” pagkakasabi nito at tila nagulat si Lissa. Ang kaninang tahimik ay naging balisa.

“H-hindi. H-hindi pwedeng mamatay ang asawa ko. Hindi!” natatarantang sabi ni Lissa. Pilit itong pinapakalma ni Sabrina sa takot na may mangyari ding masama sa ina.

“Ma’am kumalma po kayo. Makasasama po ito sa inyo” tumulong na din ang doctor sa pagpapakalma sa ina ngunit nanatili itong balisa hanggang sa bigla na lang itong nawalan ng malay kasabay ng pagtutunugan ng mga aparato na nakakabit sa katawan nito. 

“Code blue!!” Sigaw ng doctor. Sa pagkakataong ito, maging si Sabrina ay natataranta na din, tila naulit ang eksenang i inabutan niya kanina sa ama, ngayon naman ay sa ina. At natatakot siya na maging ang ina ay malagay na din sa di magandang sitwasyon.

Pinalabas siya ng kwarto at doon ay umaasa sa magandang balita paglabas ng doctor.

“Sabrina” mahinang tawag sa kaniya ng doctor ng lumbas na ito ng silid. Seryoso ito at may lungkot sa mukha, dahilan para kumabog ng malakas ang dibdib niya.

“D-doc, ka-kamusta po?” agad niya itong sinalubong sa kagustuhang malaman kaagad ang lagay ng ina.

“Sorry Sabrina. Kakailanganin din ng Mama mo sumailalim sa isang heart surgey. Kung hindi natin bibilisan ay maaaring mapagod ang puso niya at muli siyang atakihin. Baka dina niya kayanin” seryoso at diretsong sabi ng doctor.

Pakiramda ni Sabrina ay bibigay na ang katawan niya, kaya kumapit siya sa pader upang kumuha dito ng lakas at mapanatili ang sariling nakatayo.

“Nasa magkano po ang kaya ang kakailanganin namin D-doc?” 

“Kailangan mong maghanda ng 2.5milyon Sabrina, brain surgery na papa mo at heart surgery naman sa mama mo” nawalan ng balanse si Sabrina sa narinig dahilan para mapaupo siya, mabuti na lamang at may mga upuan sa gilid ng silid kaya nasalo siya nito.

“Sorry Sabrina. Alam kong di biro ang halagang kailangan niyo, pero kailangan na ito sa lalong madaling panahon”

Balisa man ay pinilit ni Sabrina ikalma ang sarili at nagisip kung paano makakakuha ng ganong kalaking pera. Alam nya sa sarili nya na malabong makaipon sya ng 2.5milyong ng isang araw lang. Halos pasuko na sya ng may isang tao ang pumasok sa isip niya.

Kinuha niya ang kanyang cellphone at agad itong tinawagan.

“H-hello, Mr. Teng”

***************

“Time of death, 9:35pm”

Nagising si Sabrina na basang basa ng luha ang mukha dahil sa kaniyang panaginip. Ang araw na namatay ang kaniyang ama isang taon na ang nakakalipas. Matapos niyang makipagkasundo kay Mr. Teng upang makahiram siya ng 2.5milyon para sa operasyon ng kaniyang mga magulang, ay nauwi lang din ito sa pagkawala ng ama. Ang kaniyang ina naman ay nanatiling comatose at kasalukuyan paring nasa ospital. 

Isang taon na siyang nagluluksa mag-isa sa pagkawala ng ama, at nagtitiis sa hirap ng buhay at sitwasyon na napasok niya maipagpatuloy lang ang gamutan ng ina. 

Lumabas na siya ng kwarto upang maghanda sa pagpasok sa school, nang agad siyang sinalubong ng kaibigan.

“Sabrina, please? Magpalit na tayo ng schedule mamaya sa restobar. Ngayon lang naman, please?” ito ang bungad sa kaniya ni Charie. Medyo nainis pa siya dahil kagabe pa siya nito kinukulit tungkol dito.

Nakilala niya si Charie sa ospital nuong naospital din ang ina nito. Simula noon ay naging matalik silang magkaibigan. Kasama niya ito sa mga trabahong napasukan niya dahil gaya niya ay nangangilangan din ito ng pera kaya sabay silang naging working student.

Napilitan si Sabrina na pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho upang matustusan ang hospital bills at mga gamot ng kaniyang ina. Pati na din ang kaniyang tuition, bayad sa apartment, at pang tustos sa araw-araw na pamumuhay. Higit sa lahat ay umaasa siyang makakaipon siya ng pambayad utang kay Mr. Teng.

“Bakit ba kasi hindi ka magduty mamaya sa bar? May raket ako mamaya e” sagot ni Sabrina sa kaibigan. Bukod sa mga trabahong pinasok niya, ay rumaraket din siya paminsan-minsan pag may libre pa siyang oras.

“Pupunta padin naman ako sa bar, pero hindi para magtrabaho”  sagot ng kaibigan.

“So para pala ano?” 

“Hindi ba at mamaya na yung party sa bar? Yung mayayamang mga estudyante sa school naten?” 

“So?”

“Anong so? Makiki party ako” sabay kuha nito ng isang sobre sa kaniyang bag. Invitation ito para makapasok sa party.

“Saan mo naman nakuha yang invitation?” Tanong ni Sabrina sa kaibigan, dahil alam niyang hindi pwede ang basta-basta na lang sa party. Pili ang mga inimbitahan doon at lahat ay galing sa mayayamang pamilya.

“Galing kay Myka. Yung classmate ko, siya daw bahala sa akin. Gnrab ko na, malay mo dun ako makakuha ng jowa” sinadyang itaas ni Sabrina ang kilay sa kaibigan. 

“Kalokohan mo, Charie! Siguraduhin mo lang hindi ka mapapahamak don, kung hindi, kukutusan pa kita” biro niya dito. Pero paalala talaga iyon para sa kaibigan. Hindi naman lingid sa kanilang kaalaman na nasa mayayaman na iyon ang mga bully’ng estudyante. Ayaw niyang isa ang kaibigan sa ma bully ng mga ito.

“Meaning pumapayag ka na? Wala ng bawian ha? Thank you! Thank you!” tuwang tuwa si Charie na halos mapayakap at halik sa kaibigan.

**********

Maagang dumating si Sabrina sa restobar dahil na-assigned sya sa gaganain na party dito ngayong gabi. Naging pabor na rin siya dito dahil mababantayan niya ang kaibigang si Charie.

“Huy Sab?” nang biglang may tumawag sa kaniya.

“U-uyy! Jen, bakit ka narito?” Tanong ni Sab kay Jen, na classmate niya. Ito sana ang kasama niya ngayong gabi, kung hindi siya pinilit ni Charie na saluhin ang schedule nito ngayon sa bar. Ngunit mukhang maliit ang mundo, mukhang dito rin pala sana ang raket nila. 

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • My secret affair (A life and death contract)   Chapter 17

    “Xavier, napansin ko napapadalas ka dito. Is something bothering you?” tanong ni Paulo nang walang sabi-sabi ay lumitaw nanaman ang kaibigan sa bar. Tumayo ito sa kanyang office table at lumipat sa couch katabi ng kaibigan. Tiningnan lang sya ni Xavier, nag-iisip kung sasabihin ba sa kaibigan ang problema o hindi. Pero naisip nya na baka sakaling may maipayo itong maayos sa kanya.“Si Papa, gusto na nya talagang hayaan sa akin ang kompanya” nagsimulang magsalita si Xavier habang si Paulo ay seryosong nakikinig. “And?” sagot ni Paulo.“Ililipat na din ito sa pangalan ko” sabi ulit ni Xavier.“Oh, congrats! Matagal mo na din naman yan pinatatakbo, ngayon magiging sa’yo na talaga” sinalinan pa nito ng alak ang kanilang mga baso. Iinumin na sana nya ang kanya nang mapansin seryoso ang mukha ng kaibigan.“Bakit parang hindi ka masaya?” takang tanong ni Paulo. “Hindi mo ba gustong mapa sa’yo ang kompanya?”“Gusto syempre. Matagal ko na yang inaasam, alam mo yan”“Yun naman pala e! Bakit ga

  • My secret affair (A life and death contract)   Chapter 16

    “Bree, request ka don sa table na yon” Sinundan ng tingin ni Sabrina ang direksyon na tinuturo ni Mamu. Napailing sya ng makita ito.“Tss. Mamu baka pwedeng iba na lang?” “Wag ka ngang maarte. Pumunta ka na don, bilisan mo” halos ipagtulakan na sya ni Mamu pumunta lang sa table ni Xavier.“Ano nanaman kailangan mo saken?” naiinis na tanong ni Sabrina dito.“Akala mo ba gusto kong makita ka?” masungit na sagot nito.“Yun naman pala e, alis na ako ha?”“We have to talk” walang emosyong sabi nito. Umupo na sya sa upuan kahit hindi pa sya pinapaupo ng lalaki.“Tungkol san?” masungit paring sagot ni Sabrina.“How much?” “Anong how much pinagsasasabi mo?” nagtatakang tanong ni Sabrina sa lalaki.“This is f*c*ing sh*t!” napasabunot pa si Xavier sa sariling buhok.“Yes, it is. Labo mo kausap. Dyan ka na nga!” tumayo na si Sabrina, aalis na sana sya ng muling magsalit si Xavier. “Be my wife!”Gulat na gulat si Sabrina sa sinabi nito. Ilang beses syang ininsulto ng lalaki tapos ngayon aaluk

  • My secret affair (A life and death contract)   Chapter 15

    “Jackie!” Masayang sinalubong ni Myka si Jackie sa kanyang coffee shop.Magbubukas ng panibagong branch si Myka at plano nyang gawing investor si Jackie.Napagkasunduan nila na dito sa coffeeshop na magkita at mag-usap para maobserbahan na din ni Jackie kung good investment ba ang kanyang coffee shop.“Akala ko dika na darating e” sabi nito kay Jackie.“Daming pinagawa ni Xavier sa office, ngayon lang ako nakatakas, tss!” sagot nito. Ang totoo ay wala naman masyado trabaho sa opisina, ayaw lang sana nyang umalis dahil naroon si Xavier sa opisina. Kung hindi lang sana sya interesado sa proposal ni Myka ay hindi na sana nya ito sinipot.“Ow, speaking of Xavier, nabanggit ng manager ko na madalas daw dito si Xavier” excited na kwento ni Myka. Nakikita kase nya ‘to as advantage para lalong magkainteres si Jackie sa business nya.“I see. Maybe doing his meetings, to be honest naman kasi very nice ang ambiance shop mo ha?” sincere na puri nito sa shop ni Myka.“Hmm, thank you. Anyway, madal

  • My secret affair (A life and death contract)   Chapter 14

    “What?!” inis na sagot ni Xavier sa nagtatantrums nyang kausap.“Umamin ka, pinagpapantasyahan mo ba ang squatter girl na ‘yon?” “My God, Jackie! Are you crazy?” napipikon na si Xavier sa inaasal ni Jackie. “Bakit hindi mo masagot? Tama ako ‘no?” napatigil si Xavier sa sinabi na iyon ni Jackie. At napatanong sa sarili “Bakit nga hindi ko masagot? Tama nga kaya sya?” nasabi nya sa isip. Napasabunot si Xavier sa sariling buhok sa di malaman na dahilan. Naiinis ba sya sa inaasal ni Jackie o naiinis sya na may katotohanan sa mga sinasabi nito?“Ano Xavier? Answer me!” Hinampas ng malakas ni Xavier ang desk nya dahilan para magulat at mapatigil si Jackie sa pagiingay nito.“You know how much I hate that woman, Jack” galit na sigaw nya sa babae. “W-well. I hate that woman too, lalo ngayon na sya ang dahilan kung bakit naudlot ang ginawa natin” mabilis na nagbago ang mood ni Jackie, mula sa pagtatantrums ngayon ay nagmistulang maamong pusa na naglalambing mula sa kanya.Ngunit wala na sa

  • My secret affair (A life and death contract)   Chapter 13

    Saglit na nawala sa sarili si Sabrina at tila nadala ng sensasyong dala ng halik ng binata na bumalot sa kanyang katauhan. Ngunit napabalikwas sya ng may maramdaman syang kakaiba sa katawan ng lalaki na hindi naman nya nararamdaman kanina. Sa kaba ay buong lakas syang kumawala sa yakap nito at bumangon. Nang makawala at pasimple syang tumingin sa parte ng katawan ng lalaki na naramdaman nya kanina, hindi nga sya nagkamali. “What?” nagulat sya ng magsalita ang lalaki. Nahuli sya nitong nakatingin doon at ngayon ay nakangisi ang lalaki sa kanya. “Uuwi na ako” pero bago pa man sya makalakad ay nahawakan na ulit sya nito. “Ano ba?! Hobby mo ba ang manghawak ng kamay?” inis na sabi nya sa lalaki. “Hmm, hindi naman” sagot nito. “Dito ka muna.” Inis nyang hinarap ang lalaki “Bakit ba? Kailangan ko ng umuwi.” Natahimik naman si Xavier. “Bakit nga ba?” tanong nya sa sarili, bakit nga ba ayaw nyang paalisin ang babae? “O dika makasagot? So pwede na ko umalis diba?” pagkasabi ay pata

  • My secret affair (A life and death contract)   Chspter 12

    “I just hate that woman!” inis na sagot ni Xavier. “Woah! You hate her but you keep on coming to see her” mapang-asar na sagot ni Paulo. “I came to see you, bro. Not her!” depensa naman ni Xavier. “Okay, sabi mo e. Pero bakit ka ba galit na galit don sa tao? Mabait naman si Sabrina” “Bait-baitan, bro” “I don’t think so. Matagal na syang nagtatrabaho dito, ni minsan wala akong nakitang mali sa kanya” napailing naman si Xavier sa pagtatanggol ng kaibigan sa babaeng kinaiinisan nya. Wala naman sana syang pakialam dito kung hindi sana sya nag-aalala na mabiktima ni Sabrina ang kanyang lolo at kaibigang si Paulo. “I don’t trust her. Tapos!” pagkasabi ay nilagok muli ni Xavier ang alak. Nagtuloy-tuloy ang pag-inom nya hanggang sa maramdaman nyang tinatamaan na sya ng alak. Nagpaalam na sya sa kaibigan at dire-diretsong lumabas papunta sa kanyang sasakyan. Ngunit bago pa man sya makalapit sa sasakyan ay nawalan na sya ng balanse sa sobrang hilo at natumba sa sahig. “Sh*t!” inis na

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status