Nasa Catering Business kase ang magulang ni Jen, at nakiusap siya dito noon na maipasok siya as part-timer.
“Dito ang service kase ngayon. Huy ikaw ha? Alam mo bang nakurot ako ni Mommy dahil sa biglang pag back-out mo. Ako tuloy ang napilitang pumalit sa’yo” napakamot naman ng ulo si Sabrina. “Sorry talaga Jen. Nagkaproblema lang kasi talaga sa shifting. Akala ko wala ako pasok ngayon. Sorry talaga” sincere naman ang pagsosorry niya. Hindi nga lang totoo ang rason niya. Ayaw naman niyang isisi sa kaibigang si Charie itong naging sitwasyon. “Okay lang. Pinagtakpan naman kita, kaya don’t worry nasa team ka padin.” “Naku, maraming salamat Jen” “Okay lang. Ikaw pa ba?! Malakas ka sakin e. O sya sige, magtrabaho na tayo” Nagpaalaman na sila at bumalik na sa kani-kanilang trabaho. ********** “Sir, uuwi na po ba tayo?” tanong ni Jason kay Xavier. Kakatapos lang ng business meeting niya sa isang chinese. Maganda naman ang naging takbo ng usapan at naiclose nila ang deal. Ngayon ay lulan na siya ng sasakyan kasama ang driver at assistant na si Jason. “Punta muna tayo sa bar. Hinihintay ako ni Jackie” seryosong sagot niya. “Okay po” Tahimik nilang binabaybay ang daan papuntang restobar kung saan nagpaparty si Jackie, anak ni Samson Ortega. Matalik na magkaibigan si Samson at ang daddy ni Xavier na si Lyndon Franco. Nang makarating sa bar, ay agad niyang hinanap si Jackie. Nakita niya itong nakaupo sa isang sulok, hawak ang cellphone. Lalapitan na niya ito ng may makabunggo siyang isang babae at natapon sa kaniya ang hawak na juice nito. “Wtf! Are you blind?!” singhal ni Xavier sa babae. “S-sorry, hindi ko sinasadya” inilabas nito ang panyo sa shoulder bag at akmang pupunasan ang damit ni Xavier ng itulak niya ito. “Don’t touch me, stupid!” sa di kalayuan ay naagaw na nila ang atensiyon ni Jackie at mabilis itong lumapit sa kanila. “Xavier, what happe– oh my God! Sinong tanga ang may gawa niyan?” galit na sigaw ni Jackie. Habang inililibot ang mata sa paligid at hinahanap kung sino ang nakatapon ng juice sa damit ng binata. “J-jackie. S-sorry. Hindi ko naman sina–” hindi na natapos ng babae ang sasabihin dahil sinampal siya ni Jackie. “Sorry? Huh! Sino ka ba? Pano ka nakapasok dito? Gate crasher ka?!” “H-hindi Jackie. Isinama ako dito ni, M-myka” natatarantang paliwanag niya. Pero ng magtinginan ang mga tao sa may pwesto ni Myka, mariin itong tumanggi. “Jackie, classmate ko yan. Pero hindi ko siya sinama dito no?” “See? Sinungaling ka” akma pa sana ulit sasampalin ni Jackie ang babae pero may humawak ng kamay niya sa likuran. “Huwag mong sasaktan ang kaibigan ko, babaliin ko buto mo” nang makita ni Sabrina na pinagtutulungan ng mayayamang estudyante ang kaibigang si Charie ay agad siyang sumugod dito. “Ouch! Let go of me” arteng daing ni Jackie. Sinadya talaga ni Sabrina na higpitan ang pagkakahawak sa kamay nito para dina ito makabwelo pa at masaktan uli si Charie. “Ouch mo mukha mo!” binitiwan na din naman niya ang kamay nito. “Sa susunod na saktan mo kaibigan ko, babasagin ko yang mukha mo!” banta ni Sabrina dito. “Huh? Ugaling squatter ka gurl. Pagsabihan mo yang kaibigan mo, wag tatanga-tanga ng hindi nakakadisgrasya ng mga tao dito.” Maarteng sigaw ni Jackie kay Sabrina at Charie. “Disgrasya? Tatanga-tanga? Hindi niya sinasadya na mabasa ang damit ng boyfriend mo.” Lumapit si Sabrina kay Xavier. “Oh heto ba?” Sabay turo sa nabasang suit ni Xavier. “Kaunting kusot at blower lang matutuyo agad yan. OA niyo. Simpleng problema pinalalaki niyo” Dumukot siya ng bimpo sa bulsa ng pants niya at pinunasan ang suit nito. “Hey! Anong ginagawa mo?” Masungit na tanong ni Xavier kay Sabrina habang umaatras ng paunti-unti palayo kay Sabrina. “Pinupunasan ko yung suit mo, obvius ba?” Pero si Xavier naman ngayon ang humawak ng mahigpit sa kamay ni Sabrina. “Aray! Bitiwan mo nga ako” piglas ni Sabrina. “Umalis na lang kayo dito ng kaibigan mo o mawawalan ka ng trabaho?” Seryosong banta ni Xavier kay Sabrina. Ngumisi lang si Sabrina na ikinatiim bagang ni Xavier sa inis. “Ganyan naman kayong mayayaman e. Gagamitin ninyo connections niyo para takutin ang mga simpleng empleyado na gaya namin. Well, di ako takot sa inyo. Mawawalan ako ng trabaho? Go! Pero babawasan ko din ngayon ang kayabangan mo” pagkasabi nito ay inuntog ni Sabrina ang ulo niya sa mukha ni Xavier, tinamaan nito ang labi ni Xavier, dahilan para mabitiwan na din nito ang kamay ni Sabrina. “Sabrinaaa!” Tawag ni Charie sa kanya na may halong pag-aalala at pagkabigla sa ginawa nito sa mayamang binata. “What did you do?! Oh my God Xavier, you’re bleeding. Heeeelp” natatarantang sigaw ni Jackie na ikinataranta na din ni Sabrina kaya mabilis niyang hinatak ang kamay ni Charie at mabilis na tumakbo palabas. “I’m fine Jackie, wala lang ‘to” paniniguro nito kay Jackie ng mapansin na nag-aalala na ang babae sa kaniya. Umalis si Xavier sa party at dumiretso sa opisina ng kaibigan na may-ari nitong bar. “Oh bro. Anong masamang hangin ang nagtulak sa’yo dito?” Sinamaan lang siya ni Xavier ng tingin at dire-diretso na itong pumasok at umupo sa couch sa loob ng office ng kaibigan. “Mukhang bad mood ka, dahil ba diyan sa basang suit mo?” tatawa tawa pa ito sa kaibigan. “May mga damit ako diyan sa closet, magpalit ka muna” “Hindi na Paulo, uuwi na rin ako maya-maya” sabay lagok sa isang basong alak na iniabot nito sa kaniya. “So ikaw pala yung gwapo nga pero feeling pag-aari ang universe” tatango-tangong sabi ni Paulo. “Huh? Anong ibig mong sabihin?” Kunot noong tanong ni Xavier. “Haha! Yung pinaka masipag kong empleyado, pinaka maganda din. Nag reresigned kanina” nilagok din nito muna ang alak bago tinuloy ang pagsasalita. “Kesa ipatanggal daw siya nung gwapong lalaki na feeling pag-aari ang universe sa yabang e siya na daw ang aalis” “Huh? That woman! Kita mo ‘to?” sabay turo sa labi niyang may sugat. “Siya ang may gawa nito” “Woah! Ganon talaga yon, di papaapi yon kahit kanino. That’s why I like her” “Like her? Hmm, I guess tinanggap mo naman ang resignation niya no?” paniniguro nito sa kaibigan. “Ofcourse.. not! Hahaha” “Tsk! Why?” “I told you, pinaka masipag kong empleyado yon. I know din na labag sa kaniya ang mag resign. She needs all the money she can get para mabuhay” paliwanag ni Paulo. Hindi na umimik pa si Xavier dito. Wala din naman siya magagawa, since si Paulo naman ang magpapasahod dito. Napabuntong hininga na lamang siya.Agad nagpaliwanag si Sabrina kay Charie at gaya ng inaasahan niya ay naunawaan naman siya ng kaibigan. “Medyo hindi ako sang-ayon sa papasukin mo Sab, pero alam ko na kailangan mo talaga si Xavier para makalaya kay Mr. Teng” “Kaya nga e. Pero sa totoo lang natatakot ako, posibleng madamay si Xavier sa magiging galit ni Mr. Teng” makapangyarihan si Mr. Teng, paano kung gawan nya ng masama si Xavier dahil sa pagkaka involves sa kanya. “Hindi naman siguro, makapangyarihan din naman si Xavier. Kayang kaya ng pamilya niya ang masiguro ang safety nila” Totoo naman ang sinabi ni Charie. Kahit paano ay nakakampante na din si Sabrina. “Bakit kaya hindi mo na lang sabihin sa kanya ang totoo?” “Kay Xavier? Nako huwag na. Baka magkagulo pa” Hindi na ipinilit pa ni Charie ang gusto niyang iparating sa kaibigan dahil may punto naman ito. Nang matapos silang mag-usap ay lumabas na sila ng kwarto at binalikan si Xavier. “Pwede na tayong umalis” Sabi ni Sabrina kay Xavier. Napagkasunduan n
“Sir, narito na po tayo sa address na binigay ni Sir Paulo” nang marinig ni Xavier ang sinabi ni Jason ay napasilip sya sa paligid. Nabigla sya dahil ang lugar ay masikip, magkakadikit ang mga bahay at maliliit. Kinuha nya ang kanyang cellphone sa bulsa at may tinawagan ng maraming beses ngunit hindi sumagot ang nasa kabilang linya.“Ipagtanong mo nga kung saan dito ang tinutuluyan ni Sabrina” inis na utos ni Xavier. Mabilis naman sumunod si Jason at bumaba ng sasakyan, natanaw nya itong lumapit sa isang matandang babae na nagwawalis ng kanyang bakuran.“Paano kaya nya nakakayang tumira sa lugar na ito” kausap ni Xavier sa sarili na napapailing. “Sir” tawag ni Jason. “Diyan po daw pala nakatira si Sabrina” tinuro ni Jason ang pinakamaliit na bahay. “Maiwan ka na dito Jason, ako na lang ang papasok” pagkasabi ay mabilis siyang bumaba at nagmadali na papunta sa nasabing bahay.Kumatok siya ng ilang ulit at maya-maya ay nagbukas na ng pintuan.“Woah!” Gulat na reaksyon ng babae. Hindi i
Maagang pumasok sa school si Sabrina, marami syang activities ang namissed noong mga nakaraang araw kaya susubukan nya itong ipakiusap sa mga prof para mapagbigyan syang habulin ang mga ‘to.Napatigil sya paglalakad ng mag vibrate ang cellphone nya. Nakatanggap ng sya ng text message at mabilis nya itong binuksan. “Unknown number?” mahinang tanong ni Sabrina sa sarili.[I need your answer, ASAP]Kahit walang pangalan ay alam niya kung kanino nanggaling ito. Hindi na rin sya nagtaka kung paano nito nakuha ang numero nya dahil kaibigan ito ng boss nyang si Paulo.[Nag-iisip pa ako] tipid na reply nya dito.Itinago na nya ulit ang cellphone at nagtuloy sa kanyang klase.Kaagad nyang kinausap ang mga prof at maswerteng pinagbigyan sya ng mga itong makahabol. Nang matapos ang klase ay nagmadali syang nagpalit ng uniform para pumasok sa bar. Naisip nya na magpaalam na lang na makapg out ng mas maaga para magawa ang mga activities sa school at maipasa kaagad kinabukasan.Ngunit laking gulat
“Xavier, napansin ko napapadalas ka dito. Is something bothering you?” tanong ni Paulo nang walang sabi-sabi ay lumitaw nanaman ang kaibigan sa bar. Tumayo ito sa kanyang office table at lumipat sa couch katabi ng kaibigan. Tiningnan lang sya ni Xavier, nag-iisip kung sasabihin ba sa kaibigan ang problema o hindi. Pero naisip nya na baka sakaling may maipayo itong maayos sa kanya.“Si Papa, gusto na nya talagang hayaan sa akin ang kompanya” nagsimulang magsalita si Xavier habang si Paulo ay seryosong nakikinig. “And?” sagot ni Paulo.“Ililipat na din ito sa pangalan ko” sabi ulit ni Xavier.“Oh, congrats! Matagal mo na din naman yan pinatatakbo, ngayon magiging sa’yo na talaga” sinalinan pa nito ng alak ang kanilang mga baso. Iinumin na sana nya ang kanya nang mapansin seryoso ang mukha ng kaibigan.“Bakit parang hindi ka masaya?” takang tanong ni Paulo. “Hindi mo ba gustong mapa sa’yo ang kompanya?”“Gusto syempre. Matagal ko na yang inaasam, alam mo yan”“Yun naman pala e! Bakit ga
“Bree, request ka don sa table na yon” Sinundan ng tingin ni Sabrina ang direksyon na tinuturo ni Mamu. Napailing sya ng makita ito.“Tss. Mamu baka pwedeng iba na lang?” “Wag ka ngang maarte. Pumunta ka na don, bilisan mo” halos ipagtulakan na sya ni Mamu pumunta lang sa table ni Xavier.“Ano nanaman kailangan mo saken?” naiinis na tanong ni Sabrina dito.“Akala mo ba gusto kong makita ka?” masungit na sagot nito.“Yun naman pala e, alis na ako ha?”“We have to talk” walang emosyong sabi nito. Umupo na sya sa upuan kahit hindi pa sya pinapaupo ng lalaki.“Tungkol san?” masungit paring sagot ni Sabrina.“How much?” “Anong how much pinagsasasabi mo?” nagtatakang tanong ni Sabrina sa lalaki.“This is f*c*ing sh*t!” napasabunot pa si Xavier sa sariling buhok.“Yes, it is. Labo mo kausap. Dyan ka na nga!” tumayo na si Sabrina, aalis na sana sya ng muling magsalit si Xavier. “Be my wife!”Gulat na gulat si Sabrina sa sinabi nito. Ilang beses syang ininsulto ng lalaki tapos ngayon aaluk
“Jackie!” Masayang sinalubong ni Myka si Jackie sa kanyang coffee shop.Magbubukas ng panibagong branch si Myka at plano nyang gawing investor si Jackie.Napagkasunduan nila na dito sa coffeeshop na magkita at mag-usap para maobserbahan na din ni Jackie kung good investment ba ang kanyang coffee shop.“Akala ko dika na darating e” sabi nito kay Jackie.“Daming pinagawa ni Xavier sa office, ngayon lang ako nakatakas, tss!” sagot nito. Ang totoo ay wala naman masyado trabaho sa opisina, ayaw lang sana nyang umalis dahil naroon si Xavier sa opisina. Kung hindi lang sana sya interesado sa proposal ni Myka ay hindi na sana nya ito sinipot.“Ow, speaking of Xavier, nabanggit ng manager ko na madalas daw dito si Xavier” excited na kwento ni Myka. Nakikita kase nya ‘to as advantage para lalong magkainteres si Jackie sa business nya.“I see. Maybe doing his meetings, to be honest naman kasi very nice ang ambiance shop mo ha?” sincere na puri nito sa shop ni Myka.“Hmm, thank you. Anyway, madal