Share

Chapter 4

last update publish date: 2026-10-08 21:11:32

Hindi kusang-loob na magpapakasal si Elena sa isang lalaking hindi niya kilala. Nanikip ang kanyang dibdib habang lalo niyang pinoproseso sa isip ang alok na 'yon. Hindi ito simpleng pabor. Isa itong pakikipagkasundo sa demonyo.

Tahimik siyang pinagmamasdan ni Amelia. Para bang isang mandaragit na naghihintay lamang na mataranta ang biktima nito.

“I don’t have the money you asked for,” sa wakas ay sinabi ni Amelia.

Hindi makapaniwalang napakurap si Elena.

“Pero, Tiya—Madam,” mabilis niyang pagwawasto, pilit na nilalagyan ng respeto ang boses. “Mas malaki pa riyan ang pera na mayro'n kayo. Maibibigay ninyo sa akin ang halagang 'yon nang hindi man lang napapansin na nabawasan ang pera ninyo.”

Bahagyang itinagilid ni Amelia ang ulo. Pagkatapos ay marahan itong umiling nang mabagal.

“Hindi.” Mabigat na bumagsak ang isang salitang 'yon sa loob ng silid. “Hindi ko basta-basta maibibigay sa'yo ang gano'ng kalaking halaga.”

Bahagyang umangat ang gilid ng labi nito.

“Absolutely not.” Mas lalong kumirot ang sikmura ni Elena. Sumandal si Amelia sa upuan nito. “Pero si Mr. De Silva, maibibigay niya ang halagang hinihingi mo, sobra-sobra pa.”

Napasinghap si Elena.

“Kung papayag kang pakasalan siya. Pero kung hindi mo naman kailangan ang pera…” Maayos itong tumayo. “Maaari ka nang umalis sa mansyon ko.”

Biglang sumabog ang matinding takot sa dibdib ni Elena. Tumalikod si Amelia at nagsimulang maglakad palayo. Malakas na umaalingawngaw sa marmol na sahig ang bawat hakbang nito.

“S-sandali lang po!” Nabasag ang boses ni Elena sa buong silid.

Huminto si Amelia. Ngunit hindi ito agad lumingon. Napakalunok nang mariin ni Elena. Tuyong-tuyo ang kanyang lalamunan. Naalala niya si Leo. Ang maputlang mukha nito.

“Pumapayag na ako.” Mahina ang pagkakasabi niya na parang hirap siyang bigkasin.

Dahan-dahang lumingon si Amelia. Isang kuntentong ngiti ang lumitaw sa mga labi nito. Pinilit ni Elena na ituwid ang kanyang katawan.

“Pero hanggang kailan?” tanong niya. Bahagyang tumalim ang kanyang mga mata.

Lalong lumapad ang ngisi ni Amelia. “Anim na buwan.”

Nanigas si Elena. Anim na buwang siyang matatali sa isang lalaking kinatatakutan ng lahat. Malakas na kumabog ang puso niya. Ngunit dahan-dahan siyang tumango.

“Ginagawa ninyo ito dahil may mapapala rin kayo.” May bahid ng pait ang kanyang tinig. “Pero wala akong pakialam.”

Nagdilim ang kanyang mga mata sa determinasyon.

“Basta ligtas si Leo… gagawin ko ang lahat.”

Mahinang natawa si Amelia. “Smart girl.”

Elena didn't smile. “Kailangan ko na ang pera ngayon.”

Her voice was firm. Bahagyang nagtaas ng kilay si Amelia.

“Ang bank details ng ospital.”

Agad na kinuha ni Elena ang kanyang cellphone. Bahagyang nanginginig ang mga kamay niya habang binubuksan ang payment page ng ospital.

Iniabot niya ang cellphone kay Amelia. Sandaling tinignan nito ang mga numerong nakalagay roon bago kinuha ang sariling cellphone. Her manicured fingers moved quickly across the screen. Lumipas ang ilang sandali. Elena held her breath. Amelia finally turned the phone toward her.

“Done.”

Maliwanag sa screen ang transaction receipt. Transfer complete. Natigilan si Elena habang nakatitig dito. Nanlalabo ang kanyang paningin dahil sa matinding ginhawa. Leo would live. Maaari nang simulan ang operasyon. Hindi mamamatay ang kanyang kapatid ngayong gabi. Agad na tumalikod si Elena patungo sa p***o. Ngunit napahinto siya sa tinig ni Amelia.

“And where exactly do you think you’re going?”

Lumingon si Elena. “Sa ospital. Kailangan kong makita si Leo.”

Nanatiling kalmado ang ekspresyon ni Amelia.

“Hindi ka aalis.”

Napakurap si Elena. “Ano?”

Amelia crossed her arms. “Hindi ka pinapayagang umalis sa mansyon na 'to hangga’t hindi mo nilalagdaan ang marriage agreement. The legal papers will arrive tomorrow morning.”

Bumagsak ang puso ni Elena. “Pero si Leo—”

“Nasimulan na ang paggamot kay Leo,” mahinahong putol ni Amelia.

Napatitig lamang si Elena sa babae.

“Dito ka magpapalipas ng gabi.” Muli itong tumalikod.

Tahimik na nanatili roon si Elena. Unti-unting gumapang ang takot sa kanyang dibdib. Ang bilis niyang pumayag. Ngunit naalala niya ang resibo. Ang operasyon ni Leo. A small wave of relief washed over her. Kahit papaano, may pagkakataon nang mabuhay ang kanyang kapatid. Kahit kapalit pa nito ang kalayaan niya. Makalipas ang ilang sandali, tahimik na lumapit ang isang kasambahay.

“Ma'am Elena.”

Napatingala si Elena.

“Pakisundan po ako.”

Magalang na itinuro ng kasambahay ang hagdan. Tahimik namang tumango si Elena. Sinundan niya ang babae paakyat. Naglakad sila sa isang mahabang pasilyo na puno ng mamahaling mga painting at nagliliwanag na mga ilaw. Huminto ang kasambahay sa harap ng isang malaking bedroom.

“Dito po kayo magpapalipas ng gabi.” Binuksan nito ang p***o.

Dahan-dahang pumasok si Elena. Napakaganda ng silid at ang lambot ng kama. Ngunit hindi kumportable si Elena.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • NAG-AALAB NA KASUNDUAN SA PILING NI DADDY HECTOR    Chapter 48

    Mabilis kumilos si Hector, mas mabilis kaysa sa inaasahan ng sinuman sa loob ng silid. Hindi pa man tuluyang nawawala ang tawa ni Elena, na tila walang kamalay-malay sa kung anong nangyayari ay sumugod na siya at hinila ang lalaki palayo sa asawa. Marahas ang pagkakahila niya kaya napaatras ito at muntik nang mawalan ng balanse.“What’s your fvcking problem, man?” the guy snapped, irritation flashing across his face.Hindi na nag-aksaya ng oras si Hector sa pagsagot. Sa halip, kamao niya ang nagsalita. Isang malakas na suntok ang pinakawalan niya sa mukha ng lalaki na nagdulot ng matinis na tunog na umalingawngaw sa buong silid. The impact snapped his head to the side, and his body staggered, ngunit hindi ito binigyan ni Hector ng pagkakataong makabawi. Hinawakan niya ito sa kwelyo at muling sinuntok ng ilang beses.Blood smeared across Hector's knuckles as the man’s face became increasingly battered. Dumudugo ang ilong nito, punit ang mga labi at nawalan ng dalawang ngipin. Ang datin

  • NAG-AALAB NA KASUNDUAN SA PILING NI DADDY HECTOR    Chapter 47

    Bumaba si Elena sa hagdan habang inaayos ang suot na robe. Natanaw niyang nakaupo sa sofa si Nicole. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, napairap siya bago umiwas ng tingin. Agad na tumayo ang babae at lumapit sa kanya.“I'm serious sorry,” sabi nito sa malambot na na tono. “Hayaan mo na lang akong bumawi sa'yo. We could… have fun.”Huminto si Elena at tamad itong tinignan.“Fun with you?” she scoffed. “Mas gugustuhin ko pang manatili sa mansyon kaysa makasama ka.”Tinangka niyang lampasan si Nicole, ngunit hinawakan nito ang kanyang pulsuhan.“Come on,” pangungumbinsi nito.Elena let out an exasperated sigh and ran her free hand through her hair.“Ano bang gusto mo?”“Just girl-to-girl time,” nakangiting sagot ni Nicole. “Nothing serious.”Pinagmasdan ni Elena ang mukha ni Nicole, sinusubukang alamin kung anong binabalak nito. Hindi naman dating gano'n kadaling humingi ng tawad ang babae, kaya kahina-hinala para sa kanya ang biglaang pagiging mabait nito.“Tonight,” dagdag ni Nicole

  • NAG-AALAB NA KASUNDUAN SA PILING NI DADDY HECTOR    Chapter 46

    The dining room glowed under the soft golden light of the chandelier, its gentle shimmer reflecting across the long table. Umupo si Elena at bahagyang inayos ang damit habang kumportableng inilulugar ang sarili sa upuan. Nanatiling bakante ang upuang nasa tapat niya, gayundin ang upuan sa dulo ng mesa. Hindi pa dumarating si Nicole, at wala rin si Hector.For a moment, the silence wrapped around her, comforting yet strangely unsettling. Bahagyang umangat ang mga sulok ng kanyang labi nang maalala ang mga nangyari. Hindi niya maiwasang balikan sa isip ang paraan ng pagtitig ni Hector sa kanya, kung paano lumalambot ang tinig nito kapag silang dalawa lamang. And how easily he had made her forget the arrangement between them.Hindi ‘yon nagmukhang peke. Hindi rin niya naramdaman na ginagawa lamang nito ang mga bagay dahil napipilitan ito. Bahagyang humigpit ang pagkakahawak niya sa gilid ng mesa nang muling sumagi sa isip ang isang salitang matagal na niyang pilit iniiwasan. Ang kontrata

  • NAG-AALAB NA KASUNDUAN SA PILING NI DADDY HECTOR    Chapter 45

    Ilang minutong katahimikan ang lumipas bago bumukas ang pinto ng banyo. Lumabas si Hector na may nakasampay na tuwalya sa balikat. Kalmado at walang pagmamadali ang mga kilos nito habang naglalakad patungo sa closet, ngunit hindi maiwasan ni Elena na mapatitig sa lalaki.Water droplets still clung to his skin, tracing the defined lines of his chest before disappearing beneath the waistband of his navy-blue sweatpants. Hindi magawang alisin ni Elena ang tingin sa asawa. Bahagyang humigpit ang pagkakahawak niya sa laylayan ng damit na suot.Saglit na pumasok si Hector sa closet bago muling lumabas. Wala pa rin itong suot na pang-itaas at bahagyang magulo na ang basang buhok. Agad na napunta ang mga mata nito kay Elena at napansin ang paraan ng pagkakatitig niya rito. A slow, knowing smirk curved his lips as he approached her.“Want to get a closer look?” panunukso nito sa mahinang tinig.Agad na natauhan si Elena. Namula ang kanyang mga pisngi at dali-dali siyang umiwas ng tingin.“Anon

  • NAG-AALAB NA KASUNDUAN SA PILING NI DADDY HECTOR    Chapter 44

    Napahagikgik nang mahina si Elena habang bahagyang inilalapit ang sarili kay Hector. Magaan ang tono ng kanyang tinig, ngunit may nakatagong pahiwatig sa likod nito.“Bakit mo naman pipigilan ang sarili mo?”Hindi agad sumagot si Hector. Sa halip, ibinaling nito ang tingin sa driver. Hindi na kinailangang magsalita ng lalaki dahil sapat na ang isang tingin para maiparating ang nais nitong sabihin. Agad namang naiitindihan ng driver, kaya bumaba ito ng sasakyan at tahimik na isinara ang pinto, hinayaan silang dalawa na mapag-isa sa loob.Saka lamang muling ibinaling ni Hector ang atensyon sa kanya. Bahagyang umangat ang sulok ng mga labi nito na bumuo ng isang ngiting hindi niya madalas makita. For once, his expression was completely unguarded.Natahimik si Elena. Bahagyang nanlaki ang mga mata habang pinagmamasdan ang asawa. Hindi ‘yon ang ekspresyong nakasanayan niyang makita sa mukha nito. Malayong-malayo sa malamig at walang-awang lalaking kayang sumira ng buhay ng isang tao sa pam

  • NAG-AALAB NA KASUNDUAN SA PILING NI DADDY HECTOR    Chapter 43

    When Hector reached Elena, he crouched in front of her and removed his jacket in one smooth motion. Isinukbit nito ang isang braso sa ilalim ng bisig niya at inalalayan siyang makatayo. She swayed slightly, kaya agad na hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kanyang baywang para hindi tuluyang mawalan ng balanse. Hindi pa rin inaalis ng lalaki ang tingin sa mukha niya habang marahang dumadampi ang hinlalaki nito sa kanyang pulso na para bang tinitiyak nitong maayos lamang ang kalagayan niya."Look at me," mahinahon nitong utos.Dahan-dahang inangat ni Elena ang mukha at sinalubong ang tingin nito. They were red and slightly unsteady, but she managed to hold his gaze. Ilang sandaling pinagmasdan ni Hector ang kanyang mukha bago bahagyang ikiniling ang ulo."Are you hurt, baby?"Umiling si Elena, ngunit bago pa man makapagsalita si Hector, bigla niya itong niyakap at mahigpit na kumapit sa katawan nito. Kumuyom ang kanyang mga daliri sa damit ng lalaki na para bang kailangan niya ng isang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status