LOGINThe mansion stood tall. Ang napakalaking puting pader nito ay kumikislap sa ilalim ng sikat ng araw, tila pinakintab na perlas. The roof above it was deep brown. Isang mahaba at maluwang na driveway ang paikot na bumabagtas sa harapang hardin. Diretso itong humahantong sa napakalaking pintuan sa harapan.
Napakataas ng kisame. Ang mga kristal na chandelier ay nakabitin na parang nagyelong talon ng liwanag. Bawat sulok ng mansyon ay tila bumubulong ng kayamanan. Ginawa para sa mga taong kailanman ay hindi nakaranas ng paghihirap. Sa labas, ang likurang bahagi ng mansyon ay tila nagmula sa isang mamahaling magazine. Isang kumikislap na swimming pool ang nasa gitna. Isang napakalawak na hardin na puno ng makukulay na bulaklak at matatayog na puno. Lahat ay perpekto at mamahalin, napakalayo sa mundo ni Elena. Dahil ang babaeng nagmamay-ari ng mansyong ito ay si Amelia Hayes. Isa sa mga pinakaimpluwensyal na babae sa bansa. Ang asawa nito ang nagmamay-ari ng ikaapat na pinakamalaking production company sa buong bansa. Nasa kanila na ang lahat. Maliban sa isang bagay. Walang anak ang mag-asawa. Nakatayo si Elena sa labas ng napakalaking bakal na gate. Lukot ang kanyang mga damit at magulo ang buhok dahil sa buong araw niyang pagtakbo kung saan-saan. Namumula rin ang mga mata dahil sa kakaiyak. She looked painfully out of place. Hinarangan ng dalawang security guard ang pagpasok niya. “Please,” desperadong pakiusap ni Elena. “Kailangan kong makausap si Tiya Amelia.” “Please...” Nanginginig ang kanyang boses. Umiling nang mariin ang isa sa mga guard. “Hindi tumatanggap ng bisita si Madam Amelia ngayon.” Mahigpit at malamig ang tono nito. “Kaya hindi kita maaaring papasukin.” Nanikip ang dibdib ni Elena. “Mahalaga ito—” “Hindi,” mabilis siyang pinutol ng guard. Tuluyang sumabog ang desperasyon ni Elena. “Tiya Amelia!” Bigla siyang sumigaw. Paulit-ulit na humampas ang kanyang mga kamao sa bakal na gate. “Tiya Amelia, pakiusap, lumabas po kayo!” Kumunot ang noo ng guard. “Miss, ang ingay mo.” Unti-unti nang nauubos ang pasensiya nito. “Kung hindi ka aalis ngayon, tatawag kami ng pulis.” Elena ignored him completely. Patuloy niyang hinahampas ang gate. “Tiya Amelia!” Nanginginig ang kanyang boses. “Pakiusap!” Tuluyang nawalan ng pasensiya ang guard. Marahas nitong hinawakan ang braso ni Elena. “Sabi ko umalis ka na!” Sinimulan nitong hilahin siya palayo sa gate. Ngunit, isang mahinahon at eleganteng boses ang biglang pumigil sa kanila. “What exactly is going on here?” Natigilan ang lahat. Agad na napalingon si Elena. Kumuyom ang kanyang kamao nang makita si Amelia na nakatayo sa loob ng gate. She looked more beautiful than Elena remembered. Ang pagiging elegante nito ay tila pumupuno sa buong paligid. Her blonde hair was styled into a perfect aristocratic updo. Walang kahit isang hibla ang wala sa lugar. Ang mga kamay nito ay nakasuot ng makikinis na puting gloves. Sa leeg ng babae ay nakapulupot ang isang kumikinang na pearl necklace. Her features were sharp and refined. “Ma’am,” mabilis na nagpaliwanag ang guard. “Pinipilit niyang makita kayo, pero hindi naman kayo tumatanggap ng bisita ngayon, kaya hindi ko siya pinapasok.” Dahan-dahang gumalaw ang mga mata ni Amelia. Sinusuri ang mukha ni Elena. Recognition flickered. Kumurba ang labi nito. “Papasukin mo siya.” Kaswal nitong sinabi 'yon. Na para bang walang halaga ang presensya ni Elena. Pagkatapos, tumalikod ito at naglakad palayo. Agad na binitawan ng guard si Elena. Hindi siya nagdalawang-isip si. Mabilis niyang sinundan si Amelia. Bumukas ang mga pintuan ng mansyon. Pumasok si Elena. Dumampi ang luma at pudpod niyang sapatos sa marmol na sahig. Mas lalo niyang naramdaman ang kanyang kahirapan. Ang pagiging hindi niya kabilang sa lugar na 'to. Huminto lamang si Amelia nang makarating sila sa napakalaking living room. Dahan-dahan itong humarap. Malamig ang mga mata habang nakatitig sa kanya. “Anong kailangan mo?” Walang emosyon ang boses nito. Para bang nakikipag-usap ito sa isang estranghero. “Si Leo, Tiya—” “No.” Mabilis na itinaas ni Amelia ang isang daliri. “It's Madam. Matuto kang rumespeto.” Napakuyom ang mga kamao ni Elena. Ngunit nilunok niya ang kanyang galit. Mas mahalaga si Leo. “Madam,” tahimik niyang pagwawasto. “Lumala na po nang husto ang kalagayan ni Leo. Two million ang kailangan para mabayaran ang ospital... pero sinabi nilang kung makakapagbigay ako ng kalahati, maaari na nilang simulan ang operasyon.” Dahan-dahang lumuhod si Elena sa marmol na sahig. “Pakiusap... tulungan ninyo ako. Kahit ngayon lang.” Tinitigan lamang siya ni Amelia mula sa kinatatayuan nito. Mukhang naaaliw. Dahan-dahang kumurba ang mga labi nito sa isang malamig at malupit na ngiti. “Hmh...” She hummed thoughtfully. “Kailangan mong paghirapan ang perang 'yon.” Agad na nag-angat ng mukha si Elena. “Gagawin ko ang kahit ano,” desperado niyang sabi. Bubuka na sana ang bibig ni Amelia para sumagot nang biglang umalingawngaw ang mga yabag. Dalawang lalaki ang pumasok sa living room. Si Robert Hayes at ang lalaking kasama nito. Awtomatikong napatingin si Elena sa mga lalaking bagong dating. At pagkatapos, nagtagpo ang mga mata nila ni Hector De Silva. A strange chill ran down Elena’s spine. He was dangerously handsome. Sharp features carved into a strong, masculine face. Matalim na asul na mga mata. Lahat tungkol sa lalaki ay sumisigaw ng kapangyarihan. Ngunit ang pinakanakakabalisa kay Elena ay ang paraan ng pagtitig nito sa kanya. His gaze felt like it was peeling back the layers of her soul. Mabilis siyang umiwas ng tingin. “And this,” pagmamalaking sabi ni Robert. “Is my wife, Amelia.” Agad na binalewala ni Amelia si Elena. Lumapit ito sa dalawang lalaki. Nanatili siyang nakaluhod sa malamig na sahig. Kinabahan siyang pinagmamasdan ang mga ito.Bumaba ang kanilang mga boses. Hindi marinig ni Elena ang kanilang pinag-uusapan. Dahan-dahan silang naglakad patungo sa hallway. Pinilit ni Elena na makinig. Ngunit napakalayo nila. Biglang huminto si Hector sa paglalakad. May sinabi ito nang mahina. Parehong napalingon sina Robert at Amelia, diretsong nakatingin kay Elena. Isang kakaibang katahimikan ang bumalot sa buong silid. Kumikislap ang mga mata ni Amelia. Pagkatapos, nagpatuloy sa paglalakad sina Robert at Hector. Dahan-dahang bumalik si Amelia sa living room. Mas bumilis ang tibok ng puso ni Elena. “Ang pera...” panimula ni Amelia. Ngunit huminto ito. Bahagyang naningkit ang mga mata. “Talaga bang handa kang gawin ang kahit ano para makuha 'yon?” Agad na tumango si Elena. “Opo. Sinabi ko na po sa inyo. Gagawin ko ang kahit ano.” Kumurbang muli ang mga labi ni Amelia. At pagkatapos ay ibinagsak nito ang bomba. “Pakakasalan mo si Mr. De Silva.” Napakurap si Elena. “Sino po?” “Ang lalaking kasama ni Robert.” Bahagyang itinagilid ni Amelia ang ulo. “Si Hector De Silva.” Nanlaki ang mga mata ni Elena sa pagkabigla. “Ano?!” Elena’s heart skipped. Maaaring hindi siya kabilang sa mga elite na tao ng bansa. Ngunit kilala niya ang pangalang 'yon. At walang kahit isang magandang bagay tungkol dito. Bawat bulung-bulungan tungkol kay Hector De Silva ay iisa ang mensahe. Isa itong lalaking kayang wasakin ang isang tao sa pamamagitan lamang ng isang pirma. A cold-blooded billionaire. Nakaramdam si Elena ng malamig na kilabot na dahan-dahang gumapang sa kanyang buong katawan. Bakit gugustuhin ng isang lalaki ang tulad niya? Kumportable lamang na sumandal si Amelia sa upuan. Pinagmamasdan ang reaksiyon ni Elena na para bang isa lamang itong palabas na nakaaaliw dito. “Narinig mo ako,” kalmado nitong sabi. “Pakakasalan mo si Mr. De Silva.” Dahan-dahang umiling si Elena. Bukod sa malayo ang kanilang agwat. Nakakatakot ang maging asawa ng isang walang awang lalaki. “Pero...” hindi niya alam kung anong sasabihin. Lalong lumawak ang ngiti ni Amelia. “Ayaw mo?” Elena's stomach twisted. “Bakit niya gugustuhing pakasalan ako?” mahina niyang tanong. Bahagyang yumuko si Amelia. Her eyes gleaming with something dark. “That...” she said slowly. “Is the interesting part.” Lalong lumakas ang tibok ng puso ni Elena sa kanyang mga tainga. “Siya mismo ang humiling sa'yo.” Natigilan si Elena. Biglang nanlamig ang kanyang katawan. “A-ano?” Mas lalong naging matalim ang ngiti ni Amelia. “Mr. De Silva doesn’t repeat himself He said he’ll pay for Leo’s surgery…” She paused deliberately. Tila nasisiyahan sa tensyong nabubuo. “Bawat sentimo.”“Hindi mo ako pag-aari,” itinabig ni Elena ang kamay nito at umurong, pilit na nagbibigay ng distansya sa pagitan nila na para bang nag-aapoy ang balat niya sa bawat pagdampi nito.Ngunit hindi huminto si Hector. Patuloy itong lumalapit sa kanya nang mabagal, na para bang pag-aari na nito ang bawat pulgadang kinatatayuan niya.Elena retreated step by step, her heart hammering violently against her ribs. Pabigat nang pabigat ang kanyang paghinga. Unti-unting gumapang ang takot sa kanyang dibdib, lalo pang sumisikip sa bawat sandaling lumalapit ang lalaki at inaagaw ang natitira niyang espasyo. Hanggang sa tuluyan nang sumalpok ang kanyang likod sa isang matigas na kahoy.Wala na siyang takas. Nanlaki ang kanyang mga mata. Hector closed the remaining distance effortlessly. Ipinatong nito ang dalawang kamay sa pinto, sa magkabilang gilid ng kanyang ulo, kaya tuluyan siyang naipit. Halos matakpan ng matangkad nitong pangangatawan ang maliit niyang katawan habang ang presensya nito ay tila
“I think since my company ranks fifth, we could work something out and become business partners,” umaasang mungkahi ni Robert.Hector had nearly declined the visit. His schedule that day was unusually light, at ilang linggo na ring halos magmakaawa si Robert na puntahan niya ito. Alam na ni Hector ang dahilan ng imbitasyon bago pa man siya dumating.Gayunpaman, nagpunta pa rin siya. Hindi dahil interesado siya. Kundi dahil mas gusto niyang personal na tanggihan ang mga taong lumalapit sa kanya. Si Hector De Silva ang may-ari ng tatlong pinakamalalaking kumpanya ng software production sa bansa. Hindi niya kailangan ng mga kasosyo, lalo na ng mga kakompetensyang gustong umangat sa pamamagitan ng impluwensya niya.“No,” maikling sagot ni Hector habang tumatayo mula sa kinauupuan.Napakurap si Robert, hindi makapaniwala sa narinig. “W-what?”“If that’s all you have to say, I’ll take my leave,” tugon ni Hector habang nakaharap na sa pintuan.Kumuyom ang mga kamay ni Robert. Mabilis na sum
Pumasok ang kotse sa malalaking tarangkahang bakal ng mansyon ni Hector, at bumungad kay Elena ang isang ari-ariang tila hindi kapani-paniwala sa sobrang ganda. Gawa sa malinaw na salamin ang bubong nito. Napapalibutan ang buong mansyon ng isang hardin. Puno ng mga makukulay at magandang bulaklak. Sa gitna ng hardin ay may isang napakalinaw na swimming pool na kumikislap sa ilalim ng araw, napalilibutan ng mga silyang pahingahan at malalaking payong.Agad na namataan ni Elena ang lalaking hinahanap ng kanyang mga mata. Si Hector De Silva. He stood among the guests, tall and imposing. Ngunit, hindi nakatingin sa kanilang direksyon ang lalaki.Huminto ang kotse. Bumaba ang driver at binuksan ang pinto. Naunang bumaba sina Amelia at Robert, kasunod si Elena. Magkakasama silang naglakad patungo kay Hector at sa mga panauhing naghihintay sa kanila.Sakto namang lumingon si Hector. Pakiramdam ni Elena ay huminto ang tibok ng kanyang dibdib nang magtagpo ang kanilang mga mata. Her heart ski
Bahagyang gumalaw ang mga talukap ng mata ni Elena. Ang sikat ng araw ay pumapasok mula sa matangkad na bintana. Marahang dumampi sa kanyang mukha ang maiinit na sinag nito.Sa sandaling 'yon… pakiramdam niya ay payapa ang lahat. Tamad siyang pumihit paharap sa kabilang panig. Lalong lumubog ang kanyang katawan sa malambot na kutson. Ngunit biglang napakunot-noo siya. Masyadong malambot ang kama. Biglang dumilat nang husto si Elena. Halos tumalon ang puso niya. Mabilis siyang bumangon at umupo sa kama. Napapalibutan siya ng isang napakalawak na silid. Bumalik sa kanyang isipan ang katotohanan na para bang isang malakas na alon ang humampas sa kanya. Agad na bumalot sa kanyang dibdib ang takot.“Ano bang nagawa ko?” bulong niya sa sarili.Mahinang umalingawngaw ang mga katok sa tahimik na silid. Nanigas si Elena. Dahan-dahang bumaling ang kanyang mga mata sa pinto. Kinabahan siyang lumunok. “Pasok…” mahinang sagot niya.Marahang bumukas ang pinto at pumasok ang isang katulong. Napasi
Hindi kusang-loob na magpapakasal si Elena sa isang lalaking hindi niya kilala. Nanikip ang kanyang dibdib habang lalo niyang pinoproseso sa isip ang alok na 'yon. Hindi ito simpleng pabor. Isa itong pakikipagkasundo sa demonyo.Tahimik siyang pinagmamasdan ni Amelia. Para bang isang mandaragit na naghihintay lamang na mataranta ang biktima nito.“I don’t have the money you asked for,” sa wakas ay sinabi ni Amelia.Hindi makapaniwalang napakurap si Elena.“Pero, Tiya—Madam,” mabilis niyang pagwawasto, pilit na nilalagyan ng respeto ang boses. “Mas malaki pa riyan ang pera na mayro'n kayo. Maibibigay ninyo sa akin ang halagang 'yon nang hindi man lang napapansin na nabawasan ang pera ninyo.”Bahagyang itinagilid ni Amelia ang ulo. Pagkatapos ay marahan itong umiling nang mabagal.“Hindi.” Mabigat na bumagsak ang isang salitang 'yon sa loob ng silid. “Hindi ko basta-basta maibibigay sa'yo ang gano'ng kalaking halaga.”Bahagyang umangat ang gilid ng labi nito.“Absolutely not.” Mas lalon
The mansion stood tall. Ang napakalaking puting pader nito ay kumikislap sa ilalim ng sikat ng araw, tila pinakintab na perlas. The roof above it was deep brown. Isang mahaba at maluwang na driveway ang paikot na bumabagtas sa harapang hardin. Diretso itong humahantong sa napakalaking pintuan sa harapan.Napakataas ng kisame. Ang mga kristal na chandelier ay nakabitin na parang nagyelong talon ng liwanag. Bawat sulok ng mansyon ay tila bumubulong ng kayamanan. Ginawa para sa mga taong kailanman ay hindi nakaranas ng paghihirap.Sa labas, ang likurang bahagi ng mansyon ay tila nagmula sa isang mamahaling magazine. Isang kumikislap na swimming pool ang nasa gitna. Isang napakalawak na hardin na puno ng makukulay na bulaklak at matatayog na puno. Lahat ay perpekto at mamahalin, napakalayo sa mundo ni Elena.Dahil ang babaeng nagmamay-ari ng mansyong ito ay si Amelia Hayes. Isa sa mga pinakaimpluwensyal na babae sa bansa. Ang asawa nito ang nagmamay-ari ng ikaapat na pinakamalaking produc







