Share

TURNING POINT

PAGPASOK NI TORI sa kanyang silid ay pabagsak niyang isinara ang pinto. Sandali siyang sumandal sa pinto bago bumuga ng hangin saka niya pinakawalan ang mga luhang kanina pa niya pilit na pinipigilang bumagsak.

Ilang minuto ring nanatiling nasa ganoon sitwasyon si Tori bago siya dahan-dahang humakbang patungo sa kanyang higaan. Patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Tila may sariling isip ang mga iyon na ayaw magpapigil.

Umupo siya sa kama bago pabagsak na humiga saka siya tumagilid at namaluktot. Hinila niya ang kumot at iyon ginawang pamunas sa kanyang mga luha.

Is this the meaning of real love? But why does it have to hurt so bad? She wasn't prepared for this...

Lumaki si Tori na napapaligiran ng mapanghusgang mga mata dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng marami ng pumatol ang Mommy niya sa pamilyadong lalaki. At siya ang buhay na patunay sa kasalanang iyon. At isa rin iyon sa dahilan kung bakit takot siyang makipagrelasyon. She's twenty-three but she never had a serious relationship. Palaging no string attached ang rule niya. Palagi rin niyang pinagdudahan ang mga lumalapit sa kanya. Malaki ang impact na pagiging palikero ng Daddy sa kanyang panananaw pagdating sa pakikipagrelasyon. And she's never been close to her father either.

No, this can't be. She has to put an end to this madness.

Dahil sa naisip ay mabilis na bumangon si Tori at bumaba sa kama. Humakbang siya patungo sa pinto at yumuko para kunin ang cellphone niyang nasa sahig.

Mabilis niyang hinanap ang number ni Taj at walang pagda-dalawang isip na pinindot ang call button.

Isa...

Dalawa...

Tatlo...

Apat...

Apat na ring ang narinig ni Tori bago tuluyang may sumagot mula sa kabilang linya.

"Yes?"

Natigilan si Tori nang marinig na boses ni Taj. Napakagat-labi siya at wala sa loob na sinapo ang dibdib. God, why does it have to hurt this much? Pakiramdam niya ay tinusok ng napakaraming karayom ang puso niya dahil sa malamig na boses ni Taj. Nasanay siya na palaging malambing sa kanya ang lalaki kaya maging isip niya ay sumisigaw ng pangtanggi dahil sa walang emosyong pagtrato ng nobyo sa kanya.

Yes, marami na rin siyang nakarelasyon pero lahat ng iyon panandalian lamang. At ni isa ay hindi niya itinuring na boyfriend. Pero si Taj...

"I—I j—just want to say g—goodnight," kimi at mahina ang boses na ani ni Tori.

Napapikit siya at napahawak na lamang sa kanyang batok. Gusto niyang putulin ang namamagitan sa kanila ni Taj pero bakit ayaw sumunod ng puso niya sa idinidikta ng kanyang isip? Mas magiging madali ang lahat kung kung gagawin niya ang idinidikta ng kanyang isip at hindi na rin niya kailangang makipagtalo sa Mommy niya pero iba ang mga salitang lumabas sa kanyang bibig.

Sandaling umiral ang katahimikan sa pagitan nina Tori at Taj na tila ba parehong nangangapa kung ano ang sunod na sasabihin.

"Okay," dinig ni Tori na sagot ni Taj. "Goodnight..." dugtong nito bago tuluyang nawala sa kabilang linya.

Oh, God pero hindi man lang nagpaalam si Taj sa kanya.

Tulalang naglakad ng dahan-dahan si Tori pabalik sa kanyang higaan. Nang makarating doon ay umupo siya at napatitig na lamang sa kulay puting pader.

Like, what was that?

Napitlag si Tori nang biglang tumunog ang hawak niyang cellphone. Sa pag-a-akalang si Taj iyon ay sinagot niya ang tawag nang hindi tinitingnan ang pangalang nakasulat sa maliit na screen.

"Lo—"

"Hey,"

Hindi na naituloy ni Tori ang kanyang sasabihin nang marinig niya ang pamilyar na boses nasa kabilang linya.

It was Everett.

"Oh, he—hey..." nag-aalangan at dismayadong ganting bati niya.

Saglit na hindi nakakibo si Everett. Nahimigan niya kasi ang pagkadismaya mula sa boses ni Tori.

"Evie?" Untag ni Tori nang mapansin niya ang pananahimik ng kanyang kausap.

"I'm just here,"

Napangiti naman si Tori. Mula sa pagkaka-upo sa gilid ng kama ay pabagsak siyang humiga nang pahalang sa kama.

"Are you expecting someone to call—"

Saglit na natigilan si Tori dahil sa tanong na iyon ni Everett.

"Nope," tugon niya pagkaraan ng ilang saglit bago nagpakawala ng pilit na tawa. "So how are you?" tanong niya para makaiwas sa tanong nito.

Narinig niya ang mahinang pagbuga ni Everett ng hangin mula sa kabilang linya bago ito muling nagsalita.

"I'm doing good," masigla ang tinig na tugon ni Everett. "And you?"

Napangiti si Tori. Ah, she missed talking to this guy...

"I'm doing great!" masayang sagot niya. Biglang nabawasan ang bigat na dala niya sa kanyang dibdib. "Marami akong iki-kwento sa iyo pagbalik ko diyan sa Manila." excited na sabi pa niya habang nilalaro ng mga daliri ang kanyang buhok.

"Really?" Untag ni Everett. Bakas sa kanyang boses ang hindi maitagong pananabik. "Ah, 'can't wait to hear about it."

"So, why did you call?" tanong ni Tori.

Natawa si Everett. "Why, am I not allowed to do that?" tanong niya.

"No, that's not what I me—"

"Hey, hey... I was just kidding," pigil ni Everett. "Anyways, kailan nga ulit ang balik mo rito sa Manila?"

Saglit na natigilan si Tori. Supposed to be ay sa katapusan pa ng buwan siya babalik sa Manila pero ngayong biglang sumulpot sa San Lorenzo ang Mommy niya ay hindi na siya sigurado. Basta ang alam lang niya ay mapapa-aga nang konti ang pagbalik niya.

"I don't know but most probably," nag-iisip pa ring turan ni Tori. "mapapa-aga ang uwi ko."

"Oh, that's so nice to hear." Ani ni Everett mula sa kabilang linya. "Sa susunod na linggo na ang release ng album ko. I'm really rooting for this one, y'know..."

Marami pang sinabi si Everett tungkol sa bagong album nito kung saan kasama sa tracklist ang kantang ginawa nilang dalawa. Ngunit wala sa kausap ang atensiyon ni Tori kundi sa labas ng bintana ng kuwarto niya.

Gulat na napatingin si Tori sa bintana nang makarinig siya ng mahihinang katok sa salamin. At mas lalo pa siyang nabigla nang makita niya si Taj sa labas. Kaagad siyang bumangon mula sa pagkakahiga at nawala rin sa loob niya na nasa kabilang linya pa si Everett.

"Taj?" usal ni Tori bago siya tumayo. "Love, paano kang naka-akyat?"

Sumenyas naman si Taj na i-angat ni Tori ang salaming bintana para makapasok ito.

Tinapos ni Tori ang tawag ni Everett at nakalimutan na rin niyang magpaalam sa lalaki dahil nakatuon kay Taj ang buong atensiyon niya. Humakbang siya patungo sa bintana at inangat ang salamin bago siya gumilid para makapasok si Taj.

"Hey, what are you—"

Napatigil sa pagsasalita si Tori nang biglang sakupin ng mga labi ni Taj ang mga labi niya. Sagot siyang nanigas pero kaagad ding nakabawi. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at tuluyan nang nagpatangay sa tamis ng mga halik ng lalaking kayakap.

Komen (4)
goodnovel comment avatar
Ernesta Pintor
full story plz
goodnovel comment avatar
Jupiter Suico
nxt episodes pls
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
ang ikli naman ng chapter
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status