Share

Episode: 2

Maaga akong gumising para magpadala ng pera sa Magulang ko at pagkatapos maglalaba, at papasok sa trabaho hopefully hindi ko makita ang asungot na yun.

“Hello Nay,nagpdala na po ako ng pera nay," sabi ko sa Nanay habang kausap sa kabilang linya.

“Anak, maraming salamat ha nag-abala ka pa talaga sana itago mo nalang yang pera mo okay naman kami ng tatay mo at mga kapatid mo dito," sagot ng Nanay.

“Sige Nay, maglalaba pa ako ng mga damit ko at papasok pa ako sa trabaho. Hayaan mo nay magsisikap ako at mag aasawa ako ng mayaman para naman maibigay ko pa ang gusto niyo ayaw kung nakikitang nahihirapan kayo," sabi ko sa maganda kung Nanay.

“Hindi mo na kailangan gawin yan anak kontento naman kami ng tatay mo dito, Ah, basta anak ha mag-iingat ka dyan alam mo naman malayo kami. ng tatay mo," habilin ni Nanay sa akin.

“Opo Inay..." Tsaka sabay naming binaba ang tawag.

“Kakapagod talaga maglaba. Anong oras na ba. Naku, malapit na pala mag alas tres." Tsaka ito naligo para pumasok na sa trabaho.

Dumating na nga ako sa Casino di parin ako tinantanan ng boysit na Gabriel.

“Hello Miss beautiful nagulat ka ba?" tanong nito sa akin.

“Nandito kana naman, at bakit naman ako magugulat," sagot ko sa mayabang na lalaking ito

“Parang ang tagal niyo ng magkakilala ha, kahapon palang kayo nagkita pero kung mag asaran kayo daig niyo pa ang magkakilala ng isang taon," sabi ni bossing

“Tito, ikaw pala, ito kasing Cashier niyo napaka m*****a dapaf mabait sya sa mga guest dito," sumbong nito kay bossing.

Nang may biglang lumapit kay Gabriel na isang magandamg babae ,at hinalikan sya sa pisngi.

“Gabriel nandito ka pala," taning ng babae.

“Dianne ikaw pala ang ganda mo parin," sabi nito sa babae habang hawak nito ang kamay.

“Buhay mo na talaga ang Casino. "

“Hindi naman paminsan-minsan lang."

Hindi ko rin naman alam kung bakit parang naiinis akong naririnig sila na nag-uusap sa harap ko.

“Diane, nandito ka pala. Maglalaro ka ba?" tanong ni bossing sa babae.

“Hindi, nandito lang naman ako para manuod since nandito pala yung longtime crush ko."

“Ako longtime crush mo uso pa ba yan ngayon?"

“Uso nong college pa tayo, di mo kasi ako pknapansin," sabi ng babae.

Gustong gusto kung sabihin sa dalawa na kung maari ay lumayo layo silang dalawa.

“Ah, halika maglaro tayo." habang hawak ang baywang ng babae.

“Mukhang babaero nga ‘yan si Gabriel sa tingin ko lang naman," sabi ng kasama ko.

“Anong mukhang babaero, babaero talaga halata naman." Pero tinitingnan ko sila sa malayo ng babae kahit wala naman akong pake kung magkaano-ano sila pero nakaramdam ako ng inis.

Tinawag pa n'ya ako halatang sinasadya nitong mang-inis pero infairness talaga gwapo talaga si Gabriel parang nasa kanya na yung hinahanap ko sa isang lalaki bukod sa mayaman na gwapo pa. Pero hilig sa Casino, at halata namang maraming babae.

“Huy, kanina ka pa tinatawag ni Sir Gabriel." sabi ng kasama ko.

“Ako, bakit daw?" Nagtatakang tanong ko sa kaibigan ko.

“Ewan ko lapitan mo nalang."

“Pambirira naman." Tsaka ako lumapit kay Gabriel.

“Samantha halika lumapit ka sa akin.:

Wala akong magawa kaya lumapit nalang ako sa kan'ya.

“Lapit pa ng konti.".

“Pa order kami ng drinks sa kanya isang basong wine, perp sa'akin ok na ako sa beer." Pang iinis nito sa akin.

“Oorder lang pala pinalapit-lapit pa ako," sabi ko sa mahinang boses.

“May sinasabi ka?" tanong nito sa'kin.

“Wala!" Tsaka ko kinuha ang order nila.

“Ikaw na maghatid nito naiinis ako sa lalaking 'yan." Utos ko sa kasama ko.

“Hindi pwede kita mo bga busy pa ako sa pag assist sa ibang guest dito." Tanggi nito sa utos ko.

Wala akong magawa kundi ihatid sa kanila ang order nila. Habang malayo pa ako pansin ko na ang pag hawak ni Gabriel sa kamay ng babae. Pagkaserve ko naman ng drinks nila natumba ang isang basong wine sa damit ng babae at galit na galit ito sa akin.

“Sorry Ma'am hindi ko po sinasadya," sabi ko sa babaeng galit na galit.

“Hindi mo ba alam na mahal tong damit ko! tingin tingin ka kasi sa trabaho mo." Galit na sabi ng babae habang pinupunasan ang damit at palda nito.

“Kukuha nalang po ako ng iba. Ito po sir ang order mo. Kukunin ko muna yung saiyo Ma'am."

“Go, hurry!"

Pagkatalikod ko palang ay narinig ko na ang sinabi ng babae.

“Ang tanga naman bago paba sya sa trabaho nya parang walang alam."

Napabuntong hininga nalang ako para hindi sumabog ang utak ko.

“Ma'am ito na po ang order mo. "

“Sige salamat umalis ka na."

Tsaka ko kinuha ang tray at umalis. “Napakamaldita naman ng babaeng yun akala mo kung sino," sabi nito sa kasama.

“Bagay silang dalawa badboy and badgirl. Napansin ko lang ha parang sinasadya ni Gabriel ma inisin ka, parang type ka yata ni Gabriel." sabi ng aking kasama.

“Tumahimik ka nga baka marinig tayo." Pigil nito sa kaibigan.

Hindi nagtagal parang lasing na amg babae tinitingnan ko parin sila, at biglang sumandal amg babad sa kanya habang hinahalikan nito ang pisngi no Gabriel.

“Tama na siguro Diane hatid na kita," Pag-aawat nito sa kasama.

“Hindi, inom pa tayo Gabriel. please..."

“Tama na ihatid na kita sa sasakyan mo."

“I can't drive... hatid mo nalang ako sa condo ko. Please..." pakiusap nito kay Gabriel.

“OA naman hatid mo ko please... I can't drive... sus kunwari lasing."

“Parang galit ka yata," sabi ng kaibigan ko."

“Me? galit. Hindi Ah—"

“Samantha, hatid ko muna ang friend ko ha."

“Bakit kailangan pa nun magpaalam. Wala naman akong pake kung anong gawin nila."

Hinatid nga nya si Diane habang nasa sa sasakyan sila. Yakap ng yakap naman ito sa kanya.

“Ano ka ba Diane dapat sa susunod hindi ka na iinom ng marami. Hindi mo pala kaya."

“Gabriel kiss me." sabi nito kay Gabriel.

“Lasing ka na. Matulog ka nalang dyan Diane."

“Hindi Gabriel kiss me, hanggang ngayon hindi mo parin ba ako nagugustuhan?" tanong nito habang hinahawan ang dibdib ni Gabriel at sinusubukang buksan ang ang batones nito.

“Diane please, wag mo akong subukan. Lasing ka na."

“Sige na kiss me." Nadala naman si Gabriel kaya hinalikan niya ito. Hanggang dumaging na sila sa condo ni Diane at pinagpatuloy ang paghahalikan nilang dalawa hanggang nakapasok na silang dalawa at hinubad ni Danica ang suot nitong polo, at hinubad naman ni Michael ang damit nitong suot, sinubsob ng halik ang dibdib nito hanggang naisip nito si Samantha.

“I'm sorry Diane I have to go."

“Ano!?"

“I have to go."

“Bakit dahil ba sa babaeng 'yun?" tanong nito.

“Basta, aalis na ako Diane maglock ka ng pinto. Bye!"

“Pambihira naman.,Gabriel di ka parin nagbabago."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status