LOGINIsang babaeng nagtrabaho sa isang Casino na nangarap yumaman , ngunit nahulog ang loob nito sa isang lalaking anak ng bilyonaryo pero badboy , nabuntis ito at iniwan sya ng lalaki. Matapos s'yang nanganak nangako s'yang hindi na babalik pa sa Casino na kanyang pinagtatrabahuan dahil kinasusuklaman n'ya ang lalaking nang iwan sa kan’ya. Subalit dumating sa puntong hindi na n'ya alam kung paano bubuhayin ang anak kaya namasukan ito bilang katulong subalit hindi nito alam na doon pala nakatira ang lalaking kanyang kinasusuklaman. Mahigit limang taon din hindi sila nagkita at hindi din alam ng lalaki na may anak sila, madami narin ang nagbago nagkaroon na ito ng nobya at malapit na silang ikasal ng babae. Habang nagtatrabaho s‘ya sa bahay nila Gabriel Bustamante ang lalaking kinamumuhian nito ang ama ng anak niya. Si Samantha naman ay pinipilit na hindi ipahalata ang kanyang nararamdamang galit. Dahil nakatira sila sa isang bahay hindi maiwasan ng lalaki na lumapit sa kanya sa tuwing sila lang ang nasa bahay, dahil sa galit ni Samantha kay Gabriel kahit anong pilit nitong paglapit sa kanya ay hindi nya ito kinakausap, dahil sa araw araw nitong kinukulit si Samantha ay malapit na syang madala ng charisma ni Gabriel, isang araw ay hindi na nito napigilan ang sarili ng lumapit ito at hinalikan s'ya sa labi ng lalaki ay biglang dumating ang kasintahan nito at muntikan na silang mahuli. Araw araw kinakausap nito ang kanyang anak na si Mika sa pag-uusap nila ng anak ay narinig ito ni Gabriel napatanong ito kung may anak na s'ya subalit hindi nya sinabi na anak nila. Araw araw din inaakit ni Gabriel si Samantha dahil hindi pa naman sila naaaktuhan ng nobya nito, hanggang sa isang araw may napansin na ang live in partner nito na kakaiba sa kanila.
View MoreAko si Samantha Perez malaki ang ang pangarap ko para sa aking mga magulang gusto kung yumaman kaya namasukan ako at nagtrabaho ako sa isang Casino sa Makati. Dito ko nakilala ang lalaking bibihag ng pusp ko, at wawasak din ng puso ko si Gabriel Bustamante anak ng isang mayamang bilyonaryo isang gwapo, matipuno pero badboy mahilig sa Casino. Mapili ako sa lalaki at hinding hindi ako nagpapaloko pero sa kanya lamg nahulog ang loob ko. Dito nagsimula ang aking kwento.
“Samantha, s'ya nga pala hinahanap ka ni bossing," tawag ng isa kung kasama. “Erika, sabihin mo mamaya na ha may tinatapos pa ako," sabi ko sa kasama ko. “Uy, alam mo ba may kasama si bossing gwapo," sabi ni Erika pero hindi naman ako intresado. “Hay nako ano kaba sanay na akong makakita ng ganyang pagmumukha," sagot ko sa kasama ko. Nang biglang dumating ang amo ko at kasama nito ang isang mataas, gwapo at matiounong lalaki hindi ako makakilos at hindi maalis ang mata ko sa kanya habang nililinisan ko ang basong hawak ko. “Samantha, s'ya nga pala si Gabriel anak siya ng kaibigan ng may-ari nitong Casino. “Hi, Samatha!" Pagbati ni Gabriel sa akin na may sabay kindat. Matagal-tagal din akon nakagot.“Huy! Samantha daw sabi ni gwapo."“Ah—hello!" sagot ko kay gabriel." Tsaka kinuha n'ya ang kamay at hinalikan ito. Bigla ko namang kinuha agad ang kamay ko sa pagkakahawak n'ya. Namula ang pisngi ko ng gawin ito sa akin ni Gabriel. By the way Miss beautiful My name is Gabriel," pakilala nito. Ako naman Dedma kunwari. “Narinig mo Gabriel daw," sabi ng kasama ko. “Narinig ko nga kanina sabi ng Tito." “Ah sya nga pala Samantha asikasuhin mo si Gabriel bigyan mo sya ng beer mamaya." Utos sa akin ni Boss. “Sige po Sir..." Bago sila umalis. Panay naman ang kantyaw sa akin ng aking kasama. “Busy pala ha, lol walang busy gwapo eh...!" sabay tawa ng malakas. “Tumahimik ka nga Erika baka marinig tayo nakakahiya. Ou na gwapo nga si Gabriel akala ko kasi pareho sa mga guest natin dito nakakasawa ang pagmumukha. Habang si Gabriel at ang Tito nito busy naman sa pagkukwentuhan at pagtotour sa kanya sa Casino. “Tito, I like Samantha," sabi nito sa kanyang Tito Alam kung sasabihin mo 'yan. Madami ang nagkakagusto dito kay Samantha pero, mapili yan sa lalaki mukhang type karin naman yata ni Samantha. Pero hindi katulad si Samantha sa ibang babae dito ha mataas ang pangarap nyan sa kanyang pamilya kaya hindi yan basa basta nagpapaloko sa lalake. at palaban yang babae na ‘yan isang araw nga may lalaking lumapit dahil gusto syang i take out binugbog n'yan." Kwento ng kanyang Tito. “Talaga tito parang gusto ko rin magpabugbog." Sabag tawa. “Ano kaba may binabalak ka bang ligawan si Samantha?" tanong ng tito nito. “ Hindi pa siguro ngayon tito masyado pang maaga," pagbibiro nito. Tsaka sila tumawa. “Loko ka talaga hindi ka talaga nagbabago ikaw parin yung Gabriel na pasaway na kilala ko," dagdag pa ng tito nito. “Paano ba ‘yan tito mukhang mapapadalas yata ang punta ko dito baka ako pala ang hinihintay n'ya," sabi nito. “Babaero ka parin talaga Gabriel," sabi ng tito niya. sagot naman nito, “Slight lang naman nagbago na ako tito." “Hijo, may lakad pa pala ako ha maglaro kalamg dito hangga't gusto mo. Mamaya pa naman ang uwi ni Samantha, alas dyes nga pala sya ngayon minsan kasi umaabot yan ng madaling araw lalo na kung busy. Sige alis na ako." Paalam nimg tito nito. “Ah sir...! ito na pala ang beer niyo." Tawag ko kay Gabriel habang naglalaro ito. “Samantha bakit ka umalis du'n talagang gusto mo lang akong malapitan," sabi nito na may pagkapilyo. Napangiti naman ako sa sinabi ni Gabriel, “Excuse me! itong beer lang po ang ipinunta ko dito kasi Cashier ang trabaho ko since ang tagal niyo po pumunta dun lumalamg na kasi ang beer nyo sagang naman kaya hinatid ko dito," paliwanag nito. “You don't need to explain. Samantha. " Tsaka ito ngumiti. “Bakit ka pangiti-ngiti dyan?" tanong ko kay Gabriel habang tinatagay ang isang beer. “Wala lang ang ganda mo kasi hindi bagay sayo ang magsungit." Tsaka nagtaas ako ng kilay sa kanya at umalis. “May napansin ako dito... iba yung nararamdam ko... parang may kakaiba lang..." “Tumahimik ka Erika baka marinig nga tayo, baka akalain nyang tyoe ko s'ya." “Hindi nga ba?" sagot ko sa kasama ko, “Hindi! hindi ako basta nagpapadala hibdi porket mayaman sya gwapo at na sakanya na ang mga gusto sa isang lalake ay papayag na akong sumama sa kanya. No way!" “Napaka goodgirl talaga ng kaibigan ko." “Sige na magligpit na tayo para naman madali tayong matapos at makauwi na tayo." Utos nito sa mga kasamahan. “Basta ha walang sasabay mamaya..." Kantyaw na naman ni Erika sa akin. Tamang tama alas dyes na nga at natapos na si Erika. Nang makita sya ni Gabriel na nangliligoit na ay umalis na ito para hintayin sya sa labas. Hinintay nga nya sa loob ng kanyang sasakyan si Simantha ng makita na palabas na ito sa Casino ay tinawag n'ya na ito. “Samantha! Samantha!" Habang naglalakad ako narinig ko may tumatawag sa pangalan ko kaya na palingon naman ako at hinahanap ang tumatawag sa akin. “Samantha! nandito ako." Tawag nito habang nasalook ng kanyang sasakyan. “Kung akala mo may sasakyan ka at sasama na ako sayo nagkamamali ka!" “Gusto lang naman kita ihatid tingnan mo walang masyadong tao baka mapano ka," sabi nito “Maglalakad nalang ako habang naghihintay ng masasakya," sabi ko kay Gabriel. Habang naglalakad si Samantha bumaba si Gabriel at sinundan ito ni Gabriel. Biglang kinarga ito ni Gabriel at pinasok sa kanyang sasakyan. “Ano to kidnap?" tanong ko kay Gabriel. “Paano naman kita kikidnapin may pera ka ba?" Natatawang sabi nito sa akin. “Baka rapist ka!" “Ang mukhang ito rapist?!? ihahatid lang kita Samantha. Wag kang feeling dyan." Parang galit na ito sa'kin. “Hatid mo nalang ako sa Quirino." “Tingnan mo ang layo layo pala isang kanto lang." natawa si Gabriel dahil napakalapit lang pala ng tinutuluyan nito. “Nangungupahan ka ba?" tanong ni Gabriel sa kanya. “Oo, sa cebi kasi kami nakatira." “Malayo din pala. Sige na nandito na tayo." Hindi manlang ako pinagbuksan ng pinto ng sasakyan niya. “Hinatid mo pa ako sana naglakad nalang ako." “See you tomorrow night. Samantha." Tsaka ako bumaba at hindi ko na sinagot ang mga sinabi ni Gabriel sa'akin. Pero paghiga ko iba kilig na nararamdaman ko ini-imagine ko parin ang mukha niya ang katawan niya, at inamoy ang pabango nya na dumikit aa damit ko. “Makikita ko pa kaya si Gabriel bukas," tanong ko sa sarili at dinalaw narin ako ng antok sa wakas.Naglaro muna si Daniel at hinintay na matapos si Samantha sa trabaho. “ “Nagtaka naman si cedric dahil ang sabi niya ay may pupuntahan lang siyang importante pero hindi na ito nakauwi. “Samantha ba't hindi ka nakauwi kagabi, bakit hindi ka man lang tumawag kagabi kung hindi ka makakauwi!" galit na tanong nito. “Pasensya kana Cedric nakalimutan kong magpaalam sa'yo, kasi sinabi ng kaibigan ko na doon na lang daw ako matulog sa kanila," paliwanag nito. “Sa susunod tumawag ka man lang o magtext para hindi ako mag-alala sayo," paalala nito kay Samantha. “oo Cedric sa susunod magpapaalam na ako sayo kung doon ako matutulog sa kaibigan ko," sagot nito. “Good, kailan ko back makikita si Christina kasi gusto kong makilala yung anak mo," sabi nito. “hindi pa kasi pwede ngayon," kinakabahang sagot nito. “bakit hindi naman pwede?" tanong. “Ahhhhh, busy pa kasi si nanay at wala sila sa bahay may pinuntahan sila kaya kung pupunta tayo doon wala din tayong aabutan," pagdadahilan nito. “ganun ba o sige itanong mo na lang sa nanay mo kung kailan s
Napag-isipan ni Gabriel na tawagan si Samantha kunyari si Christina ang may gusto na magkasama sila. "Sandali lang Cedric may tumatawag,"paalam nito kay Cedric. "Oh sige sagutin mo baka importante iyan,"sagot nito habang may kausap itong bisita. "Salamat Cedric, hello! Gabriel bakit ka napatawag?"tanong nito sa mahinang boses. "Tumawag ako kasi gusto ko sanang hingin ang oras mo para sa anak natin, makita man lang ni Christina gusto ko sana magkita tayo sa bahay ngayon kasama ang anak natin,"sabi nito kay Samantha. "Sige magpapaalam muna ako kay Cedric,"sagot ni Samantha. "Gagawa ako ng paraan anak para magkasama tayong tatlo ngayon,sabay tayong maghahapunan," sabi nito sa anak. "Ganun po ba papa subrang saya ko po papa,sabay natin kumain si mama,"sagot ng bata. a Kinagabihan nga ay nagpaalam si Samantha na may importanteng pupuntahan na kaibigan. Dahil nga hiniram ni Gabriel si Christina sa mga magulang ni Samantha at hindi pinaalam si Samantha kaya nabigla din si S
Dahil sa pag-aalala ni Cedric lagi niyang kinukumusta ang kaibigan kung nagkabalikan na ba sila ng babaeng hinahanap. “Gusto kong makita yung babaeng hinahanap mo dito at ako na ang kakausap sa kanya mapakausapan pa natin na magkabilikan kayo," sabi ni Sedric sa kaibigan. “Huwag na pare hindi na kailangan uuwi na lang siguro ako sa Pilipinas uunahin ko na lang ang kompanya at ang anak ko," sagot ni Gabriel. “Wala na ba talagang pag-asa na magkabalikan kayo?" nakakalungkot na tanong ng kaibigan. “May iba na siyang mahal kaya paano pa kami magkakabalikan kung siya na talaga ang sumusuko," sagot nito. “Hindi ikaw yung Gabriel na kilala ko alam kong hindi mo sinusuko basta basta ang gusto mo pare ipaglaban mo para sa anak ninyo isipin mo ang anak ninyo kung hindi kayo kumpleto," payo ng kaibigan. “Sige na ipakita mo na kasi yang babae mo, at ako ng kakausap wag kang mag-alala pare hibdi ko siya aagawin sayo," nagawa pa ni Cedric na magbiro sa kaibigan nito. “Hindi ko hawak ang puso
“hindi ko akalain na maghihiwalay kayo," sabi ni Cedric. “hindi ko na alam yung buhay niya ngayon pero buntis siya at ewan ko kasi hindi na kami nakikita," sagot ni Gabriel. “Ganun ba hindi ikaw ang ama,paano nangyari 'yun," tanong ni Cedric. “hindi ako ang ama, dahil nagka amnesia ako kaya nilubos lubos niya ang pagkakataon, wala na rin naman akong pakialan sa kanya hindi na ako intresado sa buhay niya," paliwanag ni Gabriel. “Kawawang nilalang in love na in pa naman yun sa iyo Gabriel," sabi ni Cedric. “Wala na akong paki sa kanya isa lang talaga ang mahal yun ang babaeng hinahanap ko dito sa Dubai l, " seryusong sagot nito. “Napakaswerte naman ng babaeng iyan dahil isang Gabriel Bustamante hindi basta basta isang mayaman bilyonaryo at kilalang-kilala ang pamilya ang nagmahal ng isang babae," puri ni Cedric. “Hindi lang siya basta isang babae Cedric isa siya sa pinaka espesyal sa buhay ko bukod sa mga magulang ko siya lang ang kaligayahan ko at ang anak namin,"






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore