Share

Episode: 3

Author: Jenelyn
last update Last Updated: 2024-03-15 09:06:07

Nagmamadaling nagpatakbo ng sasakyan si Gabriel para maabutan pa nito si Samantha.

“Excuse me miss nandito paba si Samantha?" tanong nito sa isang kasamahan ni Samantha.

“Kakaalis lang po ni Samantha sir Garbriel. Bakit po?"

“Wala lang mga anong oras sya umalis?"

“Mga bandang alas onse po, dapat po kanina pa po sya nag out pero hindi po mapakali parang may hinahanap sa paligid," sabi ng kasama nito na si Erika.

“Talaga, ah ganun ba sige baka maabutan ko pa sya."

“Sige po." Tsaka kumaripas ito papuntang ng takbo ang sasakyan ni Gabriel. Pero hindi nya na talaga na abutan si Samantha. Habang si Samantha naman ay inis na inis dahil sa nakita nyang kasweetan ng dalawa.

“Wala akong pake kahit magharutan pa kayong dalawa akala n'ya siguro ang gwapo nya na talaga. Nakakainis yung babae na yon akala mo kung sino nakakapikon." Tsaka tinanggal ang medyas at napasandal sa higaan. Matagal din s'ya bago nakatulog sa kakaisip kay Gabriel.

“Samantha anong nangyayari sayo, bakit mo ba iniisip ang lalaking yun!" tanong ko sa sarili habang pinipilit na mawala sa isip si Gabriel.

Nang biglang may tumawag.

“Ano ba 'to dis oras ng gabi disturbo naman. Hello, sino 'to? tanong ko sa tumatawag sa akin habang hindi mapigilan mapapikit ang mata.

“Ako to si Gabriel." pakilala nito na bigla nalang napadilat ang mga mata ko ng malamam kung sino ang tumatawag.

“Ikaw!? bakit anong kailangan mo at bakit alam mo anf number ko?'

“Sus!ikaw talaga halata namang ako ang hinahanap mo kanina." Pang-aasar nito sa akin.

“Anong hinahanap, wala naman akong pake kung anong gawin mo sa babaeng 'yun!" sagot ko sa kan'ya.

“Sabi kasi ni Erika kanina habang nasa Casino ka daw may hinahanap ka at hindi ka daw mapakali, ako siguro yung hinahanap mo."

“Anong pake mo kung may hinahanap ako, at hindi lang ikaw yung gwapo sa Casino madami kaya wag kang feeling," sagot ko sa kanya.

“Talaga lang ha, pero halata ko naman aa mata mo iba ka makatitig, aminin mo na kasi na gusto mo rin ako," sabi nito.

“Grabe namang hangin 'yan. Sige na at matutulog na ako. Wala ka na bang itatanong kasi nakakadiaturbo ka na kasi," sabi ko sa kanya.

“Sige Miss sungit matulog ka na at bukas magkikita pa tayo."

“Sana wag na. Goodnight!" Tsaka ko binaba ang cellphone.

Nagtext talaga ano na naman ang pakulo nitong lalaking 'to

“Good morning! gising na miss sungit!"

“Hahaha kanina pa!"

“Sungit mo taaga see you later..."

“Anong see you later?"nagtatakang sabi ko sa kanya.

“Sabay ka na sa akin papuntang Casino."

“Hindi na magkucommute nalang ako." sagot ko sa kanya.

“Hindi magandang tumanggi sa grasya," sabi nito.

Sabi ko naman din, “Baka disgrasya!"

“See you later sungit!"

Pagkatapos kung maligo napatingin nalang ako sa labas kung totoo ba talaga ang sinabi ni Gabriel, at nakita ko nga ang kanyang sasakyan kaya nagmadali akong magbihis at bumaba.

“Hi sungit halika na, alis na tayo."

“Talagang ang kulit mo."

“Sige na sakay ka na," sabi nito sa akin habang inaayos ang buhok sa salamin. Hindi naman ako makatanggi lalo na ng tingnan ko ang relo.

“Malapit na pala akong ma late. Sige sasakay ako total nandito ka naman din at nakukulitan narin ako sayo." Habang nasa loob ako ng sasakyan mas nakita ko pa ng malapitan ang mukha ni Gabriel napaka perpekto kaya hindi na ako magdadalawang isip na isipin na kaya madami ang nagkakagusto sa kanya dahil nasa kanya na ang lahat. Habang nagmamaneho si Gabriel may kinuha sya sa likuran ng kanyang inu-upuan.

“Binili ko para sayo."

“Bakit maypabulaklak ka pa, anong ibig sabihin nito?"

“Wala, binili ko lang 'yan kasi kawawa naman yung babae nagbibenta kasi mga bulaklak wala namang bumibili kaya binili ko. Wala din naman akong girlfriend para bigyan nyan," sabi nito sa'kin.

“Sus! kunyari ka pa dyan. E sino yung babae kagabi?" tanong ko sa kanya.

“Ah, sya ba. Si Diane kaibigan ko," sagot nito sa'kin.

“May kaibigan bang ganyan halos mawala na ang mga labi niyo sa kakakiss ninyong dalawa," sabi ko sa kan'ya.

“Pinagbigyan ko lang naman sya, mahirap tumanggi sa grasya alam mo na," sagot nito sa akin.

“Talagang ganyan kayo mga lalake. Nandito na tayo."

“Siguro mamaya na ako papasok sa loob hinatid lang naman kita para hindi ka malate. May pupuntahan pa ako," paliwanag nito sa'kin.

“Salamat nga pala." Tsaka ako bumaba.

“Walang anuman." At mabilis nagpatakbo ng kanyang sasakyan.

:

“Uy ano yan, nakita ko kayo. Nanliligaw ba si Gabriel sayo Samantha?" tanong ng aking kasama.

“Hindi ah, sinundo lang naman nya ako ,at itong bulaklak na'to binili lang nya sa labas naawa daw kasi sya sa isang Ginang na nagtitinda nito wala padaw benta," paliwabag ko sa kasama ko.

“Hindi ako naniniwala palusot lang siguro. Pero parang nanliligaw talaga eh."

“Ewan ko sayo Erika ano ba kasi mga sinabi mo. Sabi niya kasi na hindi daw ako mapakali kagabi ,at sino naman nagbigay ng number ko sa kanya?"

“Abah, ewan ko basta hindi ako nagbigay ng number mo sa kanya, pero aaminin ko ako ang nagsabi sa kanya kagabi na hindi ka mapakali. Totoo naman ah."

“Kahit na tingnan mo tuloy feeling nya tuloy sya yung hinahanap ko. May hinanap akong dating guest yung nagbibigay ng malaking tip napadaan kasi," depensa ko sa sarili.

“Napakadefensive mo naman halatang halata ka nga kagabi inis na inis ka sa babae nya kagabi."

“Alangan naman sino bang hindi maiinis sa babaeng yun, utos ng utos sa'kin hindi ko naman sinasadyang matapon yung wine nagalit."

“Ang lagkit kasi ng tingin ni Gabriel sayo kaya nainis sya."

“Hindi naman type si Gabriel nakita mo naman kagabi diba, at tsaka badboy ang dating nya sa akin. Kaya hindi ko sya magusgustuhan kubg mayaman naman ang dami dito. At ayaw ko sa lalaking lapitin ng mga babae masakit sa ulo yan. Sige na magtrabaho na nga tayo."

“Kumusta na kayo ni Gabriel. Samantha?" tanong ni bossing na nakangiti.

“Boss wala naman po boss. Ewan ko ba sa lalaking 'yon parang nang iinis lang naman sa aki n," sagot ko sa amo ko.

“Ah, baka magtaka ka ako pala ang nagbigau ng number mo kanya. Makulit kasi kaya binigyan ko nalang."

“Kaya pala boss bigla nalang nya akong tinext kagabi."

“Wag kang mag-aalala talagang pilyo yang bata na 'yan pero mabait naman. Napakayaman ng pamilya nyan nasa labas ang magulang nya kaya dito walang nagpipigil sa kanya kaya nagagawa nya lahat ng gusto niya," kwento ni boss sa akin.

“Eh..yung babaeng kasama niya kagabi boss sino yun?"

“Sa pagkakaalam ko classmate niya, mahilig din kasi yun sa Casino. Matagal na yun may gusto kay Gabriel pero hindi naman niya pinapatulan dahil halos gabi gabi lasing yun kubg umuwi."

“Hindi ako naniniwalang wala silang ginawa sinabi pa nga niya mahirap daw tumanggi sa grasya."

“Hahaha pilyong bata. Ah sige Samantha ikaw ng bahala dito at may lalakarin pa ako ha."

“Opo sir wala pong problema." Nang Biglang dumating ang asungot at may dalang babae.

“Tito, saan kayo pupunta?" tanong nito sa kanyang Tito.

“Aalis muna ako may mahalagang lakad. Kasama mo pala si Alexa."

“Ah oo tito sinundo ko nga 'to sa airport kanina."

“O sige maiwan ko na kayo, mag enjoy lang kayo dyan ha."

“ Alexa, sya nga pala si Samantha."

“Hi Samantha. She's pretty." sabi ng babae.

“And Samantha She's my cousin. Alexa."

Hello po Ma'am Alexa."

“Give me some water please.."

“Sandali lang kukuha muna ako Ma'am."

“Bakit tubig lang inorder mo mdami namang inumin."

“Alam mo naman kakararing ko lang."

Habang nag uusap si Alex, at si Gabriel kami naman ni Erika panay chika sa loob.

“Alam mo hindi ako naniniwalang pinsan niya."

“Bakit naman?"

“Tingnan mo nga nakahawak sa baywang ng babae."

“Ikaw talaga kahit ano nalang iniisip mo dyan. Baka sweet lang siguro si Gabriel sa pinsan nya."

“Parang iba talaga ang nararamdaman ko sa lalaking 'to aminin ko man o hindi sa aking sarili iba si Gabriel sa ibang lalaki sya yung tipong badboy pero may pagkasweet," sabi ko kay Erica.

“Maypagka sweet nga kahit sa pinsan ang sweet nila noh, naiinggit yata yung isa dyan." Kantyaw sa'kin no Erica.

“May pinsan din naman akong ganyan napakacaring kung minsan, at hindi ako inggit noh,"sagot ko sa mapang-asar kung kasama.

“Hala ka bumalik yung kasama nya kagabi," sabi ng kasama ko.

“ Excuse me nakita mo ba si Gabriel?" tanong nito sa kasama ko.

“Ayun po sya Ma'am." Tinuro ng aking kasama si Gabriel,at galit itong nilapitan ng babae.

“Ano ka ba Gabriel basta basta mo nalang akong iniwan kagabi." Galit na sabi ng babae.

“At sino naman tong babaeng kasama mo iba na naman?" tanong nito habang nakataas ang kilay.

“Sandali lang pinsan ko 'yan nakakahiya du'n tayo mag usap sa labas. Alexa dito ka lang ha, at iuuwi na kita maya maya hinihitay ko lang so Tito at aalis narin tayo." pakiusap nito sa kasama niya.

“Sige Gabriel."

“Halika nga labas tayo. Ano ba ang problema mo?"

“Kagabi basta mo nalang akong iniwan."

“Hindi ko obligasyon ang magpaliwanag sayo hindi naman kita nobya," paliwanag nito.

“At pinsan mo ba talaga sya?"

“Sabi ko wala akong panahon magpaliwanag!" Tsaka ito umalis at pumasok sa loob.

“Gabriel!!!" Sigaw ng babae sa pangalan nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • NEVER EVER AFTER( Tagalog Romance)   Episode:100

    “hello! kuya?" naghihintay na kumibo ang kanyang kuya,naririnig pa nito ang boses ni Jennifer. “Napatawag ka Lyka?" sagot nito. “Kuya,magkasama ba kayo ni Ma'am Jennifer?"tanong nito “Oo, magkasama nga kami ni Ma'am ngayon, " sagot nito. “Parang nagdududa na si sir Gabriel sa inyong dalawa ni ma'am Jennifer," paalala ni Lyka. “ano? ano ba ang sinabi niya?" tanong ni William sa kapatid. “Sabi niya hindi ka pa daw umuuwi hanggang ngayon simula ng umalis kayo ni Ma'am," 'yon ang sinabi niya. “Delikado nga may sinabi paba siyang iba?" paniniguradong tanong nito. “'Yon lang naman, sinabi ni sir, pero sa tono ng kanyang pananalita parang pakiramdam ko naghihinala na siya sainyong dalawa," sumbong nito. Kaya sinabi agad ni William kay Jennifer ang mga sinabi ng kapatid. “Kailangan ko ng umuwi at nagdududa na si sir Gabriel sa atin," sabi nito. “Sige William mauna ka ng umuwi at susunod lang ako," sabi nito “Paano ka dito buntis ka baka kung mapaano ang bata,

  • NEVER EVER AFTER( Tagalog Romance)   Episode:99

    "Christina malapit nang ikasal ang papa mo may dalawang linggo nalang tayo dito kailangan na nating umalis sa mas madaling panahon, siguro mag-aabroad nalang ako anak para maipatuloy natin ang iyong pagpapagamot," paliwanag nito sa anak "Mama iiwan na po ba talaga natin si papa?" tanong ng anak. "Wala na tayong magagawa anak kailangan anak dahil wala na tayong rason na mamalagi pa dito. umiyak silang mag-ina at nakatingin naman si gabriel sa kanila may anong kirot ang sa puso ang kanyang naramdaman habang nakatingin sa mag-ina bakit ganito na lang ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko silang dalawa sabi nito sa sarili habang nakapti rin nakatingin pa rin sa mag-ina. pati din si lyca ay napaiyak na rin habang nakatingin sa mag-ina. nagtataka naman si gabriel bakit sabay ang pag-alis ni jennifer at hindi pa rin umii umuuwi si william kaya tinanong niya si lyca. “Lyka nasaan si William bakit hanggang ngayon hindi pa rin siya bumabalik?"tanong ni Gabriel kay Lyka. “Patay par

  • NEVER EVER AFTER( Tagalog Romance)   Episode:98

    kaya agad na sinabihan ni Lyka si Samantha na siya na ang magluluto ng almusal ni Gabriel. “Ma'am Samantha ikaw na daw ang magluto ng almusal ni sir, sabi niya, at pagtapos daw magluto magliligpit ako na daw ang magliligpit at mag-aasikaso sa kanya," sabi ni Lyka. “Walang problema sa akin," sagot nito. “Gusto niya talaga yung luto niyo ma'am lalo na daw yung adobo yun daw yung pinaka paborito niya," kwento ni Lyka. Napangiti naman si Samantha sa narinig niya. “Sa tingin mo kaya may naaalala na si Gabriel?" tanong ni Samantha. “hindi ko alam ma'am hindi ko po masasabi sa ngayon nakakatulong po talaga yung mga ginagawa niyo sa kanya," sagot ni Lyka. “Yung isang gabi kasi kasi hawak n'ya yung teddy bear na binigay niya kay Christina,mukhang may iniisip siyang malalim at tinitigan niya ito ng matagal," kwento ni Samantha. “Magandang senyales nga iyan ma'am, pero dapat po hindi malaman ni ma'am Jennifer ito ma'am Samantha baka ilayo niya si sir Gabriel sainyo," sabi

  • NEVER EVER AFTER( Tagalog Romance)   Episode:97

    “halika kana anak umupo ka diyan anak at maglilinis muna ako," sabi nito kay Christina. Bigla namang bumalik at sinabihan sila ng masakit na salita. “isama mo na yung anak mo maglinis kayong dalawa dalawa kayong pinapakain dito sa bahay!" galit nitong sabi. “alam mo na nga may sakit ang bata," sagot ni Samantha. “Exercise 'yan ano ka ba Samantha ano bang sakit ng anak mo nakakamatay ba 'yan para hindi ko palinisin anong akala niyo sa bahay na ito libre, kaya nga tinanggal ko makakatulong dito dahil ayaw ko ng maraming titira dito hihiga higa lang sa bahay na ito kahit sino gusto kong makita na naglilinis dito sa bahay!" galit nitong paliwanag. “Gusto mo lang na parusahan kami!" sagot ni Samantha. . “Parusa ba ang tawag nito may sahod naman kayo baka gusto niyo ng umalis ng anak mo dito bibigyan ko pa kayo ng sahod diba saan ka makakita ng ganyan tinikman mo na nga ang fiance ko hanggang ngayon nandito ka pa rin at bago pa kaya paalis umalis dito bibigyan ka pa ng oras

  • NEVER EVER AFTER( Tagalog Romance)   Episode:96

    Habang nasa kwarto si Samantha umiiyak ito habang pinapanood siya ng kanyang anak kaya ng makita niya ang kanyang anak na nakatingin sa kanya ay pinalapit niya ito. “Tintin halika nga," utos ni Samantha. “mama ano pong nangyari sa inyo bakit po kayo umiiyak?" tanong no bata. “Anak hindi na tayo makakalapit sa papa mo pasamantala,"sagot ni Samantha. “Bakit po mama?" tanong uli ng bata. “Pinagbabawalan na tayo ng tita Jennifer mo na makalapit sa papa mo," sagot nito sa anak. “Ano po ang gagawin natin ngayon mama?" tanong ng bata. “Maghintay lang tayo anak ng tamang panahon sana bumalik na ang alaala ng papa mo bago pa sila ikasala ni tita Jennifer mo," sagot nito. Nag-uusap naman si Jennifer at si William tungkol kayGabriel at Samantha. “Wala ka bang sinabi kay Samantha, William?" paninigurado nito. “Isa lang naman ang hinihingi ko Jennifer huwag mo akong pagbawalan na makalapit sa anak natin," paalala nito. “Napakaexcited mo naman hindi pa nga ito lumalaba

  • NEVER EVER AFTER( Tagalog Romance)   Episode: 95

    “Buntis yata ako pero alam kong hindi ito kay Gabriel, pero si Gabriel parin ang kikilalaning ama nito at hindi si William," sabi nito sa kanyang isip. “Babe anong nangyari sa kanina?" tanong ni Gabriel. “babe buntis yata ako," sagot ni Jennifer. “Ano magkakaanak na tayo babe!" nakangiti sagot nito. “yes may baby na tayo sobrang happy ko talaga pangarap natin ito diba Gabriel?" masayang tanong nito. Narinig naman ito ni Lyka.“Magkakaroon na ng anak si Sir Gabriel at si Maam Jennifer, parang impossible naman yata," sabi nito sa mahinang boses kaya napatakbo ito papunta sa kanyang kuya at ibinalita agad ang kanyang narinig. “kuya niya kuya buntis na si Maam Jennifer," sumbong nito sa Kanyang kuya. “Ano imposibleng mabuntis siya matagal na siyang hindi ginagalaw ni sir Gabriel kaya napakaimposible, sa akin kaya ang batang dinadala n'ya, " sa isip nito siya ang ama ng pinagbubuntis ni Jennifer. “Paano 'yan kuya ikakasal na si Ma'am Jennifer kay sir Gabriel ngayong buwan," paalala

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status