“Sige kukuha magbubook muna ako ng flight, Mama."
“Sige hihintayin ka namin dito ng papa mo, Gabriel." Agad naman nitong sinabi sa pinsan ang nangyari. “Alexa, ang daddy inataki sa puso kailangan ko munang bumalik sa Amerika." “Ano? ,kmusta nadaw si Tito?" “Nasa kritikal si Papa. Alexa kung maaari wag mo sanang ipaalam na aalis ako. Kahit sino kahit si Samantha." “Sige makakaasa ka." Simula ng araw na'yon hindi na nagpakita si Gabriel sa Casino. “Erika, napansin mo ba si Gabriel?"nagtatakang tanong ko sa kasama ko at halos one weel ko narin hindi nakikita si Gabriel sa Casino nagsimula na akong magduda. “Oo nga noh, hindi ko pa sya nakikita ano kayang nangyari dun. Itanong mo daw kay bossing baka alam niya kung saan na si Gabriel." “Tama pala close pala sila bi bossing." “Ayun si boss puntahan mo." “Boss." Tawag ko sa amo ko habang may kausap. “O, Samantha may problema ba? sandali lang ha maiwan ko muna kayo. Anong sa atin hija?" “Boss alam niyo po ba kung nasa na si Gabriel ngayon?" “Hindi wala naman syang sinabi sa'kin at nagtataka nga ako dahil hindi ko narin sya napapansin dito," sagot nito sa'kin. “Sige salamat po boss ha." Tsaka nagtungo ako sa isang sulok na kung saan walang makakakita sa akin na umiiyak. “Nasan na kaya si Samantha. Samantha! Samantha! nasan ka na ba!" “Nandito ako Erika." “Bakit ka nandito. Umiiyak ka ba?" “Hindi, hindi ako umiiyak." “Umiiyak ka ano ba talaga ang nangyari, may nangyari na ba sainyo ni Sir Gabriel?" “Erika, sa atin nalang 'to ha. Oo meron ng nangyari sa'min," sabi ko sa kaibigan ko. “Mga lalaki talaga basta basta nalamg nawawala pag nakuha na ang gusto nila." Tsaka niyakap ako ng kaibigan ko. “Wala akong gana sa trabaho Erika parang gusto kung umuwi at magpahinga muna." “Ako ng bahala magsabi kay boss. Naiintindihan kita dumaan din ako sa ganyan mahirap na pakiramdam yan." “Salamat Erika at naiintindihan mo ako." Iniisip din ni Gabriel si Samantha sa oras na 'yon kung tama ba ang desisyon nyang wag ipaalam ang pag alis nya. “Tama ba tong ginagawa ko may pinapaasa akong tao. Mahal ko si Samantha. Pero kailangan ko rin sundin ang gusto ng Papa. Babalik din ako Samantha. Si Mama tumatawag." “Anak, anong oras ang flight mo?" tanong ng Mama ni Gabriel. “Ma, bukas ng umaga alas dyes ng umaga," sagot nito sa ina. “Maraming salamat anak halos one week narin ang Papa mo dito sa hospital hinahanap ka nga. Kailangan din kasi maoperahan ang Papa mo." “Sabihin mo lang kay Papa na dadating ako bukas ng umaga dyan Ma. Deretso na ako dyan." “Sige Hijo, see you soon." Habang ako hindi ko na alam ang gagawin, bakit naging bobo ako sa pag-ibig basta ko nakang sinuko ang pagkababae ko sa Gabriel Bustamante na 'yon. “Gabriel magparamdam ka naman," sabi ko sa utak ko habang hindi mapigilan ang pagtulo ng aking luha. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Kinabukasan hindi ko alam na yun pala ang araw na aalis nia si Gabriel. Habang ako naman ay alalang-alala dahil iba na ang nararamdaman ko sa katawan ko. Nahihilo- at madali akong mapagod. “Alexa, wala ka bang pinagsabihan na pupunta na ako ng Amerika?" “Wala, promise bakit natatakot ka na baka may mga chikababe na maghahatid sayo." “Dahil ayaw kung magdalawang isil mas kailangan ako ni Papa," paliwanag nito sa pinsan. “Tama nga naman pero diba sabi mo gusto mo yung babae sa Casino anong nangyari?" tanong ni Alexa. “Oo mahal ko si Samantha kaya ayaw ko syang masaktan at umasa. Alam mo naman ang Mama." “Duwag ka talaga kawawa naman yung babae." “Sige na aalis na ako alas dyes ang flight ko. Welcome ka dito sa bahay." “Mas gusto ko dun sa condo mo, pagamit naman matagal ka pa naman bago bumalik." “Sige ba, ito ang susi. Bye! Alexa." “Sige mag-iingat yung mga babae sayo dun," Pagbibiro nito. “Manong pwede po bang pakibilisan malilate na po kasi ako," sani nito sa kanyang driver. Dumating na nga ito sa airport habang papasok na sya sa departure area naisip agad nito si Samantha. “I'm sorry. Samantha pero kailangan ko 'tong gawin para sa magulang ko." Maya maya ay nakasakay na nga si Gabriel sa eroplano papuntang Amerika. Habang si Samantha naman ay nawalan ng gana na pumasok sa trabaho. “Samanthanl kailangan mong magtrabaho at magpatuloy sa buhay." Habang kinakausap ko ang sarili ko sa salamin napahagulhol nalang ako sa iyak. “Hello, Erika hindi muna papasok ha, masama talaga ang pakiramdam ko," kausap ang kasama kung si Erika sa kabilang linya. “Ano ka ba alangan namang pilitin mo ang sarili mo. Masama ba talaga ang pakiramdam mo gusto mo bang puntahan kita dyan?" Nag-aalalang sabi ni Erika. “Sige, Erika kaw nalang bahalang magsabi kay bossing. Bukas papasok na ako." Nag-aalala din pala ang magulang ko sa akin dahil mag-iisang linggo narin akong hondi tumatawag sa kanila. “Sagutin mo naman anak," sabi ni aling Julie habang paulit ulit dinadial ang number ni Samantha naka sampung tawag na si Aling Julie bago ito sinagot ni Samantha. “Hello Nay?" Anak ano bang nangyayaro sayo halos araw araw kang tumatawag sa'min ngayon mag-iisang linggo na hindi parin kami nakatanggap ng tawag mo. Nag-aalala na ang tayo mo sayo." “Nay, okay lang po ako masama lang po talaga ang pakiramdama ko inay." “Umuwi ka nalang dito anak para maalagaan ka namin ng tatay mo." Nag-aalalang sabi ng Nanay. “Anak, tumawag ka amin ng tatay mo kung anong problema mo sabihin mo sa amin ng tatay mo wag mong solohin." sabi ng Nanay. “Sasabihin ko po sainyo Nay. Ingat po kayo ni Tatay ha magpapadala lang po ako pag nakuha ko na po ang sahod ko." “Anak itagl mo muna 'yan. May pera pa naman kami ng tatay mo siguruhin mo muna ang sarili mo." “Opo Inay. Salamat po." Tsaka binaba ko ang hawak kung cellphone. “Erika, ano bang nangyari kay Samantha, bakit hanggang ngayon hindi parin sya pumapasok?" “Boss masama po daw ang pakiramdam niya, pero bukas na bukas papasok daw sya." “Mabuti naman para makakuha nalang ako ng kapalit nya." “Hindi po sir papasok yun bukas." CALIFORNiA USA 6:30 umaga. Dumating naman ng Amerika si Gabriel at dumeretso na ito sa hospital kung saan confine.. “Anak, mabuti at dumating ka na." “Nasan ang papa?" “Halika hijo, ito yung kwarto nya." “Papa, papa pasensya na at hindi ko kayo pinagbigya agad, ano daw sabi ng doctor Mama?" “Kailangan nya na sumailalim sa opera. Anak pagod kana kailangan mo muna ang magpahinga. Bumalik ka nalang mamaya ha pagnakapagpahinga kana nandyan ang driver natin sa labas sya ang maghahatid sayo." “Sige Ma." Hindi naman mapakali si Samantha kaya pinuntahan nito si Gabriel sa kanyang condo. “ Yes, ikaw ba si Samantha?" “Sino ka?"taning ko sa babae. “Ako ang pinsan ni Gabriel," sagot nito. “ Nasaan na ba si Gabriel bakit hindi ko na nakikita?" “Wala kasing syang sinabi sa akin kung saan sya pupunta. Basta basta nalang sya umalis." “Pag umuwi sya sabihin mo ha na hinahanap ko sya." “Pumasok ka muna Samantha may binili akong pagkain." “Hindi na ako magtatagal." pero pinilit parin ako ng pinsan ni Gabriel." “Matagal ka na ba nagtatrabaho sa Casino?" “Hindi naman masyado." “Kumain ka Samantha, ito talagang si Gabriel hindi parin nagbabago. Pero malay natin may importante lang syang dapat asikasuhin kaya hindi sya nagsabi sayo. Pero pag may balita na ako sa kanya sasabihin ko agad sayo Samantha." “Maraming Salamat, Alexa. Hindi na ako magtatal." “Sige gusto mo hatid nalang kita?" “Hindi na kailangan okay lang ako Alexa." Tsaka ako umalis mabigat parin ang pkiramdam ko lalo na at parang itinatago pa ng pinsan nya si Gabriel hindi manlang sinabi kung saan si Gabriel. Pag uwi ko nakaramdam na naman ako ng pagkahilo at nasusuka ako dahil hindi ko gusto ang amoy ng kinain ko. “Baka buntis ako. Iba na ang nararamdaman ko." Pumasok naman ako sa trabaho kahit masama parin ang pakiramdam ko. “Samantha salamat at nandito ka na hindi ko na kaya subrang busy talaga," sabi ni Erika. Napabuntong hininga naman ako dahil sa bigat ng katawan ko. “Kumusta ka na okay na ba ang pakiramdam mo?"“Hindi pa nga mabuti ang pakiramdam ko pero kailangan kung magtrabaho." “Namumutla ka pa nga sige umupo ka muna magrelax mamaya mo nalang tulungan pag okay ka na." Pag-aalala ni Erika sa'kin. “Samantha mabuti at nandito ka na." sabi ng boss ko. “Boss alam mo ba kung saan si Gabriel?" “Yun ang hindi ko alam hindi nga nya sinabi sa'kin kung saan sya pupunta. Bakit may problema ba?" “Wala naman po naitanong ko lang kasi nagtataka ako hindi na sya nagpapakita halos dalawang linnggo na." “Hayaan mo pag may balita ako sasanihin ko sayo ha. Ito talagang si Gabriel." Nakita ko naman si Edward at tinanong ko narin ito kung saan si Gabriel baka alam nito kung nasan si Samantha. “Edward, pwede magtanong?" “Ano yun?" “Nagkita ba kayo ni Gabriel?" “Hindi nga e, hindi na ba nagpapakita sayo pinagpustahan ka pa nga namin kung sino mananalo sya ang magpapatuloy mangligaw sayo Samantha. Nanalo nga si Gabriel tapos ngayon bigla nalang mawawala iba din tong si Gabriel." Nagalit ako sa narinig na na pinagpustahan nila ako..“kumusta na kaya ang kapatid ni William bakit hanggang ngayon wala pa ring balita nakita na kaya niya ang babae ni Gabriel hindi na ako makapaghintay," inis nitong sabi sa kanyang isip habang hawak ang isang baso ng champagne. Napaisip naman agad siyang tawagan si William na magkita silang dalawa sa isang resort dahil nababagot na ito sa bahay. “Hello William magkita nga tayo mamaya sa isang resort nababagot na talaga ako dito sa bahay,kumusta na ba ang kapatid mo wala kapa rin bang balita?" naiinis na tanong nito. “Ma'am relax ka muna, kakasimula lang ng kapatid ko kahapon kaya hindi pa talaga yun magkakaroon ng pagkakataon na tumawag baka nga bukas o. mamaya ay tumawag na 'yon maam. Sige maam pupunta ako mamaya sa resort namimiss mo naman yata agad ako maam ," panunukso ni William ky Jennifer. “Magkita lang tayo dahil bagot na ako dito sa bahay yun lang," galit na sagot nito. Dahil may kasama si tintin sa bahay ay naisipan ni Gabriel na mamasyal silang dalawa ni Samantha
Napatawag agad ang mga katulong nila ni Jennifer. “hello sir oh anong kailangan niyo anong nangyari diyan sir so Ma'am Jennifer po kasi umiiyak, at hindi nagbubukas ng pinto," sumbong ng katulong. “Ano??? ganun ba sige uuwi ako megaton, " at tsaka binaba ang cellphone. “Mahal ko anong nangyari?" tanong ni Samamtha. “Mahal ko kailangan ko munang umuwi si Jennifer daw nagkukulong sa karts, at baka anong mangyari," sabi ni Gabriel. “Naiintindihan ko mahal ko walang problema sa akin naging parte siya ng buhay mo ,at dahil nasa puder mo pa s'ya kailangan mo siyang ingatan," sagot ni Samantha. “Maraming salamat mahal ko ang bait bait mo talaga, babalik agad ako okay na i love you," paalam ni Gabriel. “I love you too, mag-iingat ka," paalala ni Samantha. Umuwi naman agad-agad si Gabriel para tingnan kung totoo ba ang sinabi ng katulong. pero sa halip na ipakita ni Jennifer na nasasaktan siya ay nagpanggap muna ito baka ma bulilyaso ang mga plano niya. Inayos ni Jenni
Maaga ngang pumunta ang kapatid ni william sa bahay ni Jennifer para alamin kung anong hakbang ang una niyang gagawin. “Magandang umaga ma'am ito na po yung kapatid ko na na sinasabi ko sa‘yo," sabi ni William. “Ito na ba sinabi mo sa akin maganda din pala ang kapatid mo William nasabi naba ng kuya mo kung anong mga dapat mong gawin? tanong ni Jennifer. “Opo nasabi na po niya sa akin lahat kahapon," sagot ng kapatid nito. “Sana nga hindi ka gaya ng kuya mo ang bagal bagal, dahil sayo nakasalalay ang mga plano ko dahil itong kuya wala pa rin nagagawa hanggang ngayon," sabi ni Jennifer. “Simpleng simple lang po ito sa akin ma'am," sagot nito. “Pero may similarity talaga kayo ng kuya mo ang pagiging hhambog, marunong ka ba sa mga gawaing baha ? lalong-lalo na at mag-aapply ka bilang katulong tapos hindi mo alam yung mga gawaing bahay paano ka matatanggap," paninigurado ni Jennifer. “Ma'am lumaki po kami sa hirap ng kuya ko kayasimpleng simple lang po ang mga gawaing ba
“may naisip akong paraan si erika ano kaya kung tawagan ko si erica at magkunwari siyang naghahanap ng trabaho tama si erika na lang," mungkahi nito. Tinawagan agad nito ang kanyang kaibigan. “Hello ano naman napatawag ka na naman sa akin?" tanong ni Erica. “Last na talaga ‘to kasi nahihirapan na ngayon si William na magmasid sa bahay nila Gabriel naglagay kasi si Gabriel ngayon ng guard so mahirap para sa kanya ang magpatuloy sa trabaho niya pero gagawa naman siya ng paraan may nakapaskil kasi sa labas ng gate nila gusto ko sanang magkunwari kang mag-apply ng trabaho," pakiusap nito sa kaibigan. “Anong trabaho bilang?" tanong ni Erika. “Katulong," sagot ni Jennifer. “No way! alam mo naman ang beauty ko hindi pang katulong no," sagot nito sa pakiusap ni Erika. “Ngayon lang naman Erika please..?" pilit na pakiusap ng kaibigan. “Sige na nga! ano bang gagawin ko?" tanong nitong may pag-aalangan. “Kunwari naghahanap ka ng trabaho pero mag-suot ka ng ng ultimo no sun
Umuwi nga si Gabriel sa bahay nila pero imbis na magalit si Samantha e binalewala na lang niya ang mga nasaksihan niya sa araw ngayon dahil ayaw niyang dumagdag sa mga problema ni Gabriel. “O mahal ko, nandito ka na pala," sabi ni Salamanth. “O bakit na kasimangot ang mahal ko may problema? tanong ni Gabriel kay Samantha. “Wala naman akong problema talagang marami lang akong ginawa sa araw na'to naglinis kasi ako ng buong bahay," paliwanag nito kay Gabriel. “Ang katulong pala gusto mo bang magdagdag tayo ng katulong dito sa bahay para hindi ka mahirapan sa mga gawain," tanong nito ng may pag-aalala. “Okay lang kaya ko naman eh at saka nandiyan naman si nanay kaya lang nagkaka-edad na din si nanay," sagot nito. “Siguro kailangan na talaga magdagdag ng katulong para makapag-focus ka kay Tintin at may gagawa na sa gawing bahay," mugkahi ni Gabriel. “Okay lang talaga ako mahal walang problema sa akin. Baka gusto mo ng kumain?" tanong ni Samantha. “Tamang tama gutom
“oh ano na ginawa mo na ba yung mga pinapagawa ko sayo? tanong ni Jennifer kay William. “Tapos na po ma'am mabuti naman nasisiguro kung aawayin siya ng babae niya pag-uwi niya at ayaw na ayaw ni Gabriel ‘yan tingin," sabi ni Jennifer na nakataas kilay. “Ma'am sa tingin ko di tatalab mga Plano mo," pang-iinis ni William. “Tatalab iyon kahit naman ako kung makatanggap ako ng ganyang litrato hindi ako magagalit? magagalit ako at magseselos ako kaya awayin ko talaga ang lalaki," sabi ni Jennifer. “Kaya pala iniwan ka ni sir Gabriel Ma'am," pang-iinis nito kay kay Jennifer. “William saan ka ba talaga kampi eh bakit parang mas kampi ka pa sa babae niya eh ako ang nagpapasahod sayo!" galit na sagot nito kay William. “Ma'am naman a binibiro lang kita ma'am sayo syempre Ma'am," pangpalubag loob nito kay Jennifer. “Ang galing mo talaga mang asar William malapit na akong mapuno sayo!" galit na paalala nito kay William. “Huwag naman sana ma'am binibiro lang talaga kita," pal