เข้าสู่ระบบthank you po sa inyong lahat! GOd bless po!
LORIE LOVE“Sino ba ang Jamie na ‘yon? Ano ba siya noon sa buhay mo?” tanong ko sa kanya.“Naging FUBU ko siya, with feelings kasi may feelings ako sa kanya noon. Kaya lang bigla siyang umalis. Hindi naman ako umasa dahil hindi naman niya yata ako gusto. Hindi naman siya nagpaalam sa akin. That was 10 years ago pa, marami na ang nagbago. Marami na ang nangyari sa buhay ko,” sagot niya sa akin.“May feelings ka pa ba sa kanya?”“Wala na, sa ‘yo lang ako. Ikaw lang ang mahal ko. Wala na akong pakialam sa kanya,” sabi niya sa akin.“Mas maganda siya at halata naman na nag-enjoy ka sa kanya–”“Oo, aaminin ko na nagustuhan ko noon. May feelings kasi ako sa kanya. Pero, love, noon pa ‘yon. Matagal na, parte na lang siya ng nakaraan ko at wala na akong pakialam sa kanya. Wala na akong nararamdaman pa sa kanya dahil may asawa na ako. At mahal na mahal ko ang misis ko,” malambing na sabi niya sa akin at hinalik-halikan niya ang leeg ko.“Siguraduhin mo lang,” sabi ko sa kanya.“Opo, siguradong
LORIE LOVE“Johan, nakabalik na ako. Hindi na ako aalis,” sabi niya sa asawa ko habang si Johan ay nakatingin sa akin na halatang nagulat siya na nandito ako. Inirapan ko lang siya at nagsimula na akong magtrabaho. Pero narinig ko ang sinabi niya sa babae.“Excuse me,” sabi niya sa babae at nakita ko na nasa harap ko na siya pero hindi ko siya pinansin.“Bakit ka pumasok?” malumanay na tanong niya sa akin.“Sayang ang sasahurin ko, Sir. Mukhang pera pa naman ako kaya papasok talaga ako,” sabi ko sa kanya. “What are you saying? Okay na ba ang pakiramdam mo? Kung kailangan mo naman ng pera ay hindi mo naman kailangan na humingi sa akin dahil–”“Why are you here? Bakit hindi mo lapitan ang bisita mo na namiss ka?” mataray na tanong ko sa kanya.“She’s nothing,” sabi niya sa akin.Inirapan ko lang siya dahil sa lahat talaga ng gusto niyang lokohin ay ako pa talaga. She’s nothing pero hinalikan at niyakap siya ng babae.“Johann, hindi mo ba ako na miss? Bakit parang concern ka pa sa sec
LORIE LOVELumipas pa ang mga araw at kahit ako ay hindi ko rin alam na papalapit na pala ang kasal naming dalawa ng asawa ko. Sa totoo lang ay parang ang bilis niya para sa akin. Kahit pa ang totoo ay ilang linggo na namin itong pinaghahandaan. Masaya ang pagsasama namin at bumalik na kami sa city.Mabuti na lang talaga at nakumbinse ko ang asawa ko na bumalik na kami sa condo niya. May pagka-pasaway rin kasi talaga siya. Gusto niya talaga na nahihirapan siya. Paano ba naman, puyat siya sa gabi sa akin tapos gigising sa umaga. Sabay kaming papasok sa work dahil ako naman ay pumapasok pa rin. “Johannie, inaantok pa ako,” sabi ko sa kanya.“Stay here, ako na lang ang papasok.”“Pero, marami akong naiwan na trabaho sa office,” sabi ko sa kanya.“Pero ang sabi mo ay inaantok ka pa. Hindi naman malulugi ang company ko kung hindi mo magawa ang mga ‘yon eh. Stay here and take a rest. Ako na ang bahala sa ibang bagay,” sabi niya sa akin.“Gusto kita na kasama dito, ‘wag ka ng pumasok,” sabi
LORIE LOVEBumalik ako sa asawa ko na para bang wala lang nangyari. Nakangiti akong sinalubong ng asawa ko sa paglabas ko pa lang sa banyo. Nainip na yata siya kaya sinundan na niya ako. Itong lalaking ito mawala lang ako saglit sa paningin niya ay hahanapin na niya agad ako. Talagang nag-iwan sa kanya ng takot ang pag-iwan ko sa kanya.“May gusto ka bang puntahan, love?” malambing na tanong niya sa akin.“Wala naman po, ikaw may gusto ka bang puntahan?” tanong ko sa kanya.“Wala po, kaya tinatanong kita kung ano pa ba ang gagawin natin dahil marami pa naman tayong time,” nakangiti na sagot niya sa akin.“Hindi ko rin alam, Johannie. Pumunta na lang kaya tayo sa office at magtrabaho na lang.”“Love, rest day ngayon kaya hindi tayo pupunta sa office. Puwede naman tayong gumala, puwede naman tayong mamasyal,” sagot niya sa akin kaya napangiti ako.“Ayaw mo lang magwork,” pang-aasar ko sa kanya.“Opo, ayaw ko kasi tinatamad po ako. Gusto ko kasi na sulitin ang araw na ito na kasama ka. ‘Y
LORIE LOVENgayon ang araw ng food tasting namin ng asawa ko. Hindi kami pumasok na dalawa sa office. Kaming dalawa lang ang pumunta. Sa isang sikat na hotel dito sa amin ang magiging reception ng kasal namin. Talaga namang pinaghandaan talaga niya. Ayaw daw niya na mapahiya sa pamilya ko. Kanina pa niya hawak ang kamay ko at wala siyang balak na bitiwan ito. Kahit pa nakaupo kami ay ang higpit talaga ng kapit niya sa kamay ko.Alam ko na marami ang nagulat sa aming dalawa. Alam ko rin kasi na iba ang inaasahan nila na asawa ng lalaking ito lalo pa at sikat na sikat siya sa pagiging babaero. Kaya sanay na ang lahat na pang super model ang mga naging babae niya.“Love, okay ka lang ba?” tanong niya sa akin.“Okay lang ako, Johannie. Nahihiya lang ako,” mahina na sabi ko sa kanya.“Bakit ka naman mahihiya? Ikaw ang pinakamamahal ko, ikaw rin ang pinakamaganda sa lahat kaya wala kang dapat na ikahiya. Hayaan mo na lang sila kung may sabihin sila. Ang mahalaga ay tayong dalawa,” sabi niya
LORIE LOVENagpatuloy na ulit kami sa pag-iikot nang magulat na lang ako dahil may bigla na lang lumapit sa amin at niyakap niya ang asawa ko.“I miss you, babe,” sabi pa nito sa asawa ko.“Lumayo ka nga sa akin!” naiinis na sabi ni Johann at tinulak niya ito.“Hindi mo man lang ba ako na miss?”“At bakit naman kita mamimiss? Sino ka ba?” tanong naman ng asawa ko sa walang pagbabago na babaeng desperada.“Miss na kasi kita pero ikaw itong hindi–”“Baliw ka na,” sabi ko sa kanya.“Lorie, is that you? Lorie, the maid?” nakangisi na tanong niya sa akin.“Ako nga pero hindi na ako maid,” nakangiti na sabi ko sa kanya.“So, may relasyon kayo?”“Matagal na po, hindi mo ba alam? Umalis lang ako ay gusto mo ng palitan ang posisyon ko?” nakangiti pa na sabi ko sa kanya.“Hindi ka pa rin nagbabago. Talagang makapal pa rin ang mukha mong hampaslupa ka,” sabi niya sa akin.“Neda, stop!”“Hanggang ngayon kinakampihan mo pa rin siya.”“Syempre naman, alangan naman na ikaw ang kampihan niya eh ako it







